Chapter 8 - RedStar: 6

Kasalukuyan akong nasa harap ng gate ng isang mansyon. Di ko nga masabi kung mansyon ba to o haunted house dahil halata naman na kulay puti ang mansyon pero ngayon, nagmumukha nang abandonado dahil sa nababalutan na ng alikabok. Ang buong paligid, punung-puno ng tuyong dahon.

Habang doon ang tingin, kinuha ko ang cellphone sa bulsa at may kinontak, "Ano?" bungad ni Bry.

"Sigurado ka bang dito nakatira yung pinapahanap niyo? Mukhang binabahayan na kasi 'to ng multo. Di niyo nasabing ghost-hunting pala ang misyon ko rito," malamig kong sagot. Kahit kailan, wala akong ganang makipag-usap sa batang to.

"Hindi naman kami ang nagpadala sayo ng message. Sabi ko LaCosa ang magsesend sayo ng lokasyon ni Von."

"Alam ko, pero mukhang mali ako ng napuntahan."

"Tignan mo ng maayos. Hindi problema yun."

Kaya ko nga tinatanong para hindi maging problema.

Nag-ikot ako ng mata, "Teka lang, wag mong papatayin," hinang ko muna yung tawag at tinignan ulit sa ikalimang pagkakataon ang message na natanggap ko. Kanina ko pa paulit-ulit na tinitignan dahil hindi ako sigurado kung tama ba talaga 'tong napuntahan kong destinasyon. Tinignan ko ulit ang gate at nagbuntong-hininga. Match pa nga yung number na binigay nila pati yung address na nakadikit sa gate.

Seryoso ba? Parang hindi naman kasi kapani-paniwala.

Inilapat ko ulit ang cellphone sa aking tainga, "Tama naman."

"That means dyan na yan. Sabi ko, huwag na huwag kang tatawag dba?" sagot niya kaya nag-ikot nanaman ako ng mata.

"Naninigurado lang naman ako."

"Kung tama naman ang address na sinend sayo, pati number dyan sa gate. Ok."

"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko. May nakatira ba talaga dito?

"Hindi ko al— " hindi pa man siya natatapos ay pinatay ko na ang tawag at ibinulsa ang cellphone ko.

Lumapit ako sa gate at sinubukang tignan ang paligid. Baka kasi may doorbell o anong nakalagay pero wala naman akong napansin. Sinubukan ko ring kuyugin ang gate kaya nakagawa ng konting ingay.

Bubuksan ko rin sana pero may nakapaikot ditong kadena at nakalagay na padlock kaya imposibleng bubukas to. Tinignan ko ulit ang paligid. Madilim. Mukhang wala ring tao dahil madilim sa mismong mansyon. May isa mang ilaw, yung nasa tapat ko lang na poste. Patay-sindi pa nga. Napaka-liblib sa lugar na to at nag-iisa lang ang bahay. Walang mga tsismosa na kapitbahay. Sigurado ba silang hindi sila nagkamali ng sinend na address?

Tumingin ako sa taas ng gate at may mga iilan naman akong pwedeng apakan. Buti na lang at suot ko sa likuran ang dala kong bag at hindi naman ganon kabigat. Humawak ang dalawa kong kamay sa gate at saka ako naghanap ng mga pwedeng apakan para makaakyat. Dahan-dahan ko naman yong ginagawa para maiwasang mahulog lalo na't halatang luma ang gate at kinakalawang na ang iilang parte. Mahirap na kapag bumagsak ako rito, may kataasan pa naman ang gate.

Isang hakbang na lang ay nasa tuktok na ako. Pero sa kasamaang palad, hindi ako agad nakaapak kaya nadulas ang kaliwa kong paa dahilan para tumama sa matalim na parte ng gate at rehas kaya nagkasugat pa ako ng wala sa oras. Unti-unting lumitaw ang dugo mula sa aking maong na pants at bahagya akong napadaing dahil sa hapdi.

Hindi ko na lang pinansin at tumingin ako sa loob ng gate. Nang masiguro na okay naman ang babagsakan ay tinalon ko na yon nang walang pagdadalawang-isip. Kahit medyo malalim ay hindi naman ako nasugatan o nasaktan maliban sa sugat na natamo ko. Pagbagsak ko ay napaluhod ako at nagpagpag ng kamay bago dahan-dahang tumayo. Nilibot ko ang tingin sa paligid at halatang walang tao. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto na medyo malayo sa gate. Parang mas malaki pa nga ang parking space kesa sa mansyon.

Hindi ko pa man nakakalahati ang paglalakad ay biglang nabalutan ng kulay pula ang mansyon kaya napatingin ako doon. Tila may mga ilaw sa ilalim at paligid ng mansyon at sabay-sabay silang nagsi-ilaw. Kulay pula ang mga ito. Gumawa pa ito ng ingay na tila isa akong kriminal na bigla-bigla na lang pumapasok ng walang permiso.

Maya-maya pa ay may lumitaw na pulang laser mula sa apat na sulok ng kinatatayuan ko at iba't ibang direksyon ang itinuturo nila hanggang sa kusa akong mapaluhod nang dumaplis sa aking kanang braso ang ilaw ng isang laser. Sobrang init sa pakiramdam at mahapdi na tila nalapnos ang balat ko kaya napahawak ako rito, lalo na nang tumulo ang dugo.

Naging aktibo na ako dahil doon. It's a trap. Mabilis akong tumayo at isa-isang binabantayan ang paggalaw ng mga laser. Tumingin ako sa likod at harap para pag-isipan kung itutuloy ko pa ba 'to o ano. Pero nandito na ako, at hindi na ako makakaatras.

Hindi pwedeng dumaplis ulit sa akin ang liwanag nila kaya ginawa ko ang lahat para iwasan sila. Binibilisan o binabagalan ko ang paglalakad papalapit sa pintuan depende sa galaw ng mga laser pero sadyang malayo pa ang pintuan mula sa kinatatayuan ko. Habang nakatakip ang isang kamay sa kanang braso ay halos patakbong lakad na ang ginagawa ko habang iniiwasan ang ilaw ng mga laser.

Bakit kasi may ganito pa?

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa pinto nang malagpasan ang mga laser ay may biglang tumunog sa paanan ko pagkahakbang ko sa lupa. Dahan-dahan akong napatingin sa baba at bahagyang itinaas ang isang paa. Natanaw ko ang isang bomba na pamilyar. Minsan na kasing itinuro sa akin to. Nag-aactivate daw ang mga ganito kapag naaapakan o nakakaramdam ng force. Pag inalis ang pwersa, pagkalipas daw ng tatlong segundo ay agad itong sasabog. Napakuyom ako ng kamay at napapikit.

Balak ata talaga ng mga taong yon na patayin ako kaya pinapunta ako rito? Suicide mission ata to.

Pero kinailangan kong kumalma, mas malaki ang tyansa na wala akong magagawa kung hindi ako kalmado.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga at muling tinitigan ang nasa paanan ko. Psh, bahala na. Kung patay edi patay. Mabilis akong tumakbo at makalipas ang tatlong segundo, sumabog na ang bomba at kasabay noon, halos pahagis akong bumagsak papalapit sa pintuan.

Napadaing na lang ako sa sakit hanggang sa bumaligtad ako para tuluyang mahiga sa sahig. Mas lalo ko pang naramdaman ang pagkirot ng mga sugat na natamo ko para lang pasukin ang mansyon na to. Bahagya kong idinaplis ang pulsuhan sa noo at nang tignan ko ang kamay ay may konting dugo. Ps, pati ba naman ulo ko.

Ilang sandali muna akong nanatiling nakahiga habang maayos na humihinga. Dahan-dahan akong naupo at tinignan ang paligid. Naglilibot pa rin ang ilaw ng mga laser sa paligid. Pinilit kong tumayo habang may iniindang sakit. Lumapit ako sa pintuan at kumatok doon. Kung may nakatira man dito at siya ang may pakana nito, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Anu-anong klasing trap ang alam niya.

Wala namang sumagot sa pagkatok ko. Napayuko ako at napahawak sa magkabilang-binti habang malalim na humihinga. Naiinip na rin ako kaya sinubukan kong ikutin ang door knob. Napako don ang tingin ko nang umikot 'yon at bumukas ang pinto. Ang daming trap pero bukas ang pinto? Anong kabobohan to?

Dahan-dahan kong binuksan yon at sumilip sa loob. Wala naman akong nakita dahil madilim. Mas binuksan ko ang pintuan na siyang gumawa ng ingay. Noong umpisa ay madilim hanggang sa may bumukas na ilaw sa tapat ng pinto. Doon ako napatingin pero kalaunan, nang tignan ko ang harapan ko ay may isang baril na nakapatong sa lamesa at nakatapat sa akin.

Narinig ko pa ang tila pagkasa nito at nanggagaling yon sa mismong baril sa harapan ko hanggang sa agad akong napayuko. Kasabay noon ay pumutok na rin ang baril.

Walangya. Balak ata talaga nila akong patayin. Bakit puro trap?

Unti-unti akong umayos ng tayo at tinignan ang paligid. Wala namang tao. Umalis ako kaagad sa tapat ng baril. Mahirap na baka pumutok ulit at tumama sa akin. Kailangan ko pang mabuhay. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at madilim talaga. Wala akong makita.

Nag-adjust na rin siguro ang mata ko sa dilim kaya unti-unti kong natatanaw ang konting liwanag sa bandang gitnang parte ng mansyon.

Tutuloy pa ba ako para matuluyan na ako dito? Di pwede. Sa dami ng naiwasan kong trap, di pwedeng susuko na ako. Handa naman akong iwasan at labanan lahat ng trap dito. Di ganitong mga bagay ang magpapatumba sa akin.

Humakbang ako paunti-unti habang sinusundan ang liwanag. Alerto pa rin ako dahil baka biglang may lumitaw na trap o kung anuman. Bakit ba walang ilaw rito? Ghost hunting ata yung misyon ko? Sabagay, mas okay naman na ganon na lang. Sa panahon ngayon, mas nakakatakot na ang tao kesa multo o aswang.

Tuluyan akong nakalapit sa liwanag at natigilan ako sa tapat ng isang pintuan na nakabukas. Tumambad sa akin ang isang kusina at dining room. Tanging ito lang ang may ilaw at maliwanag. Mabagal akong humakbang papasok. Nakuha ng mahabang lamesa na gawa sa kumikintab na kahoy ang atensyon ko.

Pero bukod pa don... mas may nakakuha ng atensyon ko. May isang taong nakaupo sa dulo ng lamesa. Hindi ko lang mamukhaan dahil madilim sa parte niya. Pero kahit madilim, alam kong may tao.

"Buti naman dumating ka na. Kanina pa ako naghihintay eh. Tagal-tagal mo," boses ng isang lalaki at halatang inip na inip na.

Dahil don ay nanliit ang mata ko at nagkibit-balikat, "Edi sana tinanggal mo yung mga trap sa labas para hindi ako natagalan."

"Mabuti at buhay ka?" halata sa boses niya ang pang-aasar. Malamang ngayon ay nakangiti siya ng masama kahit na hindi ko nakikita.

"Ano bang tingin mo sa akin? Madaling mamatay?" pagsagot ko.

Una sa lahat wala akong pakielam sa kanya, ang gusto ko lang ay matapos na ang misyon na to.

"Hindi madaling mamatay ang masamang damo," sagot pa niya kaya nag-ikot ako ng mata, "Usong umupo. Pasensya na hindi ako gentleman, may paa at kamay ka naman din."

"Tinatanong ko ba?" umupo na lang din ako sa tapat na upuan kung saan ay dulo rin ng lamesa. Dulo sa dulo kaming dalawa.

"So, magpapakilala naba tayo sa isa't isa?" saad niya. Sinubukan ko siyang mukhaan pero madilim talaga sa parte niya. Isa lang ang sigurado ako, may suot siyang black hood kaya mas lalong madilim kapag tinitignan ko ang mukha niya. Yun din kasi ang natatanaw kong suot niya.

"Bakit pa? I know you and I assume, kilala mo rin naman ako," walang ganang sagot ko. Si Von lang naman ang pinunta ko rito at dahil siya lang ang nandito, I assume na siya nga si Von.

"Okay lang naman if ayaw mong magpakilala ako. Yun lang baka pagsisihan mo haha. Di ko alam na may mamimeet akong isang pulis na ganyan kung umasta," pagtawa pa niya ng konti. Pake niya ba, "Hindi mo ba alam yung manners?" tanong pa niya.

Nag-ikot nanaman ako ng mata, "Ikaw ba may ganon?" at natawa siya ulit.

"Tingin mo?" tanaw kong ipinatong niya ang dalawang kamay sa lamesa, "Wala din ako non eh."

Ako naman ang hindi makapaniwalang natawa at umiling, "I guess we're even. Parehong walang alam sa manners," ani ko.

"At base sa galaw mo, halatang hindi mo gusto ang ginagawa mo, Police Officer," diin niya.

"Hindi naman talaga ako interesado na alamin ang bawat galaw mo. Nandito lang ako dahil sa trabaho ko, Mister Von LaVysta," pagdiin ko pa sa huling salita.

"Kung ganon, bakit pumayag ka sa misyon na to kung hindi ka naman pala interesado sa galaw ko?" hindi ko man nakikita pero base sa tono niya ay tila nakataas ang isang kilay nito. Hindi rin ako nasabihan na alam niya pala ang totoo kong pakay dito.

"Dahil wala akong pakielam sayo, pero sa trabaho ko meron. Kaya wag kang mag-alala, tatapusin ko to agad."

Totoo naman lahat ng sinabi ko. At natutuwa ako dahil deretsahan kaming nag-uusap. Ayaw ko kasi ng paligoy-ligoy.

"Ngayun-ngayon din kaya mo ng tapusin ang misyon mo."

Nagtaas ako ng kilay, "Bakit naman?"

"Dahil isang sagot lang ang makukuha mo. Hindi ako ang pumatay sa tatay ko," may diin niyang saad, "Kaya makakaalis ka na," sabay lahad niya ng kamay sa pintuan.

"Tingin mo ba ganon lang kadali yon?" nilibot ko ang tingin sa paligid, "Balak ko pa namang umalis agad sa poder mo pero... " tanging sa lugar ko lang maliwanag.

"By seeing your place now... " ibinalik ko ang tingin sa kanya, "May library ka ba rito?" dinig ko naman ang pagtawa niya. Ah funny.

"Seriously? Yan ang itatanong mo sa akin?"

Hindi ko siya sinagot. Hindi naman siya bingi para hindi marinig ang sinabi ko.

"Syempre. Given that I am not into socializing. I'd rather stay here than go out," sagot niya. At dahil matututo akong manghula ng ekspresyon niya, mukhang nakangiti siya ngayon.

"No doubt na parang multo o aswang ang nakatira dito," saad ko. Pansin ko rin na medyo maalikabok sa paligid, "At habang nasa misyon ako, doon ako magpapalipas ng oras sa library."

"Sige lang. Feel yourself at home lalo na't hindi ka naman magtatagal sa mansyon ko. Pero mag-ingat ka na lang kasi... " ani niya.

Inilibot ko ang tingin sa kusina na nasa gilid namin, "Mag-ingat saan?" ibinalik ko ang tingin sa gawi niya at wala na akong nakita. Umalis na siya. Ganon kabilis?

Biglang namatay ang ilaw hanggang sa biglang may humila sa akin ng sapilitan at saka tinakpan ang bibig ko. Sinubukan kong magpumiglas pero sadyang malakas siya at mabilis niya akong nahihila sa kung saan. At dahil sanay na ako sa ganitong bagay kaka-train sa akin ng Estrella, hindi na ako gaanong kinakabahan.

Wala rin akong makita dahil madilim sa paligid. Narinig kong bumukas ang isang pintuan hanggang sa itulak ako nito at nahiwalay sa kanya. Biglang nagsara ang pintuan at sa bandang harap ko lang yon kaya agad akong lumapit at kinabog yon, "Saan mo ko dinala? Palabasin mo ko," seryosong saad ko na tila may pagbabanta.

"Umpisahan mo nang maghanap ng ebidensya. Dba ang sabi mo tatapusin mo agad ang misyon? Pero kung wala kang mahahanap, marami namang pwedeng basahin dyan para di ka mainip. Makatulog ka sana ng mahimbing," sabay tawa niya ulit hanggang sa marinig ko ang mga yapak nito papalayo. Pilit ko namang iniikot ang door knob para buksan ang pinto.

Maya-maya ay biglang nagliwanag sa likuran ko kaya unti-unti akong natigilan at napaharap doon. Kusa akong nanigas sa kinatatayuan nang matanaw ang isang kwarto na punung-puno ng libro. Napahakbang ako papalapit at napansing nasa second floor ako ng isang library. Hindi man kalakihan pero sapat na para sa iilang tao. Hindi rin sobrang liwanag dahil dim light lang ang nasa paligid.

To be continued...