Chapter 5 - RedStar: 3

Unti-unti akong nagmulat ng mata hanggang sa salubungin ako ng paningin kong nanlalabo. Sa mga oras na 'to, parang napapaligiran ako ng kulay pulang mga ilaw pero wala ni kahit na anong ideya ang nasa utak ko kung nasaan ako.

Blanko ang utak ko. Parang lumilipad. In short, lutang.

Ilang beses pa akong kumurap-kurap hanggang sa unti-unti na ring lumilinaw ang paningin ko. Tanaw ko naman ngayon ang isang pulang pader dahil nakaharap ako sa kanang parte. Umikot ako at umayos ng higa hanggang sa matanaw ang pulang kisame. May ilaw sa apat na sulok ng kisame ngunit kulay pula at sadyang masakit sa mata. Bakit puro pula?

Dahil hindi na rin naman pamilyar sa akin ang lugar ay nagsalubong ang kilay ko at mabilis na napaupo sa hinihigaan. Tinignan ko ang paligid. Isang pulang kama, pader at kisame lang ang nandito.

Isang kwarto? Teka, nasaan ako?

Inilibot ko ulit ang paningin at wala kahit ni isang tao sa paligid. Nang makita ko ang pintuan na gawa sa bakal ay tumayo ako at saka lumapit doon. May maliit na siwang naman sa gitnang parte nito para masilip ang nasa labas.

Sumilip ako doon at natanaw ang isang hallway. May mga kwarto din sa paligid at may siwang ang mga pinto katulad nang pintuan sa tapat ko.

Teka, nasaan ba talaga ako? Paano ako napunta dito? Nasa mental ba ako? Imposible naman. Mukha lang akong wala sa sarili pero di pa ako nasisiraan.

Hinawakan ko ang door knob at iniikot 'yon pero nakalock kaya tumingin ako sa labas. May isang lalaking naka-itim ang dumaan kaya kinatok ko ang pintuan habang pilit na binubuksan ang door knob, "Kuya!" tawag ko pero mukhang hindi niya narinig dahil dumaan lang siya at di ako pinansin.

Natigilan ako at napahawak sa magkabilang baywang. Napatingin na rin ako sa kung saan para isipin kung nasaan ako at kung paano ako napunta dito. Imposible namang nananaginip ako dba?

Sa pagkakaalam ko, napunta ako sa isang hindi pangkaraniwang bansa. Napagbintangan ako sa isang bagay na hindi ko ginawa kaya ako hinabol hanggang sa maalala ko kung paano ako tinraydor nung kasama kong babae. Iniwan niya pa sa akin ang brief case na ninakaw nila. Pagkatapos noon, ano ng nangyari?

Kusa akong naglakad papalapit sa kama at naupo doon. Ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang-gilid habang inaalala ang lahat. I'm sure nahuli ako ng mga humahabol sa amin. Tinutukan pa nila ako ng baril, sa pagkakaalam ko, amo nila 'yon. Ang pinakahuli kong narinig ay yung pagputok ng baril tapos ano ng nangyari pagkatapos?

Hindi ako mapakali dahil nagising na lang ako ngayon dito. Patay na ba ako kaya puti ang paligid? Ts kahibangan, Xeline. Hindi ka tanggap sa langit.

Kusa akong napatingin sa pintuan nang marinig ang pag-ikot ng door knob hanggang sa unti-unti 'yong bumukas. Pumasok ang isang lalaking nakasuot ng itim na polo, slacks, pati na rin ang sapatos nito. Kundi lang itim ang suot niya, mapagkakamalan ko pang nurse. Si kamatayan ba to? Red ang kanyang buhok at nang magsalubong ang mata namin ay kusa akong napatayo. Tumigil siya sa harapan ko kaya nagkatapatan kami.

Hindi ko alam pero nag-umpisa akong manginig nang makita ang pagngisi nito habang nakatingin sa akin. May hawak siyang puting benda at pinaikut-ikot 'yon mula sa pulsuhan hanggang sa buong kamay nito na para bang may sugat, pero wala naman.

Nakita ko pa nga na may pula itong tattoo sa kanyang pulsuhan pero hindi ko na gaanong nakita dahil natakpan na niya ng benda. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nandon pa rin ang pagngisi nito.

Matapos niyang itali ang benda sa kanyang kamay ay inilagay niya ang mga kamay sa magkabilang-baywang at nagbuntong-hininga, "Sundan mo 'ko, I'll show you something," nakuha pa 'ko nitong kindatan at ngitian ng masama.

Tinalikuran niya ako at humakbang papalabas kaya bago niya tuluyang nabuksan ang pintuan ay kumuha ako ng lakas ng loob para magsalita, "N-Nasaan ako? Patay na ba ako?"

Alam ko nakakahiyang magtanong, what if hindi pa ako patay dba? Pero naninigurado lang naman dahil hindi naman ako manghuhula eh.

Natigilan siya at tumingin sa gawi ko, "Kung patay ka na, wala ka dito ngayon. Kung gusto mong malaman kung nasaan ka, pwes sundan mo 'ko," seryoso ang mga mata nito hanggang sa tuluyan niya akong tinalikuran at naglakad papalabas.

Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Kaya kailangan kong sumunod.

Napakuyom ang mga kamay ko at nagbuntong-hininga bago ko siya tuluyang sinundan. Bumungad sa akin ang isang hallway kaya habang nakasunod ako sa lalaki ay napapatingin ako sa paligid at likuran. Napapalibutan ng mga kwarto ang buong lugar. Katulad din sila ng kwartong pinanggalingan ko pero hindi ko magawang tanawin ang nasa loob dahil maliit lang ang siwang sa bawat pintuan. Pula ang loob ng mga kwarto ngunit pagdating sa hallway, kulay itim ang paligid at kulay pula ang mga ilaw.

Ano bang meron sa itim at pula?

Kumaliwa naman kami pagkarating sa dulo at naglakad ulit ng napakahaba. May mga nakakasalubong rin ako na tulad ng lalaking kasama ko. Para silang mga nurse, itim nga lang ang suot. Ang nakakapagtaka lang ay lalaki silang lahat at parang ako lang ang nag-isang babae rito.

Sa pinakadulo ay may pinasukan kami na akala ko ay kwarto. Inilibot ko ang tingin habang naglalakad hanggang sa mapagtanto na nasa isang kitchen na kami ngayon. Iba't ibang klasi ng pagkain ang ginagawa nila. Sa mahabang stainless na lamesa naman ay nakalapag ang mga gulay habang binabalatan naman ang iba. May kanya-kanyang trabaho ang lahat pero mas nangunguna ang ingay na nanggagaling sa kutsilyo ng isang chef habang pinagpipiraso ang isang piraso ng gulay. Sobrang bilis pa nga ng paghiwa nito at nang magkatinginan kami ay tila gusto niya akong balatan ng buhay.

Habang pinapanood ko ang lahat ay isa lang ang napansin ko, may mga pulang tattoo sila sa kanang pulsuhan. Hindi ko lang maaninag kung anong klasing tattoo 'yon dahil malikot ang mga kamay nila sa paghahain ng pagkain. Maski ang usok ng niluluto nila ay naaamoy ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkagutom.

Mukhang masarap kasi. Pwede kayang makahingi?

"Sorry po!" biglang sabi at sabay yuko ko nang matamaan ang isang lalaki. Yumuko lang din siya at saka ako nilagpasan.

Napatingin pa sa akin ang lalaking sinusundan ko kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Nang makapunta kami sa dulong parte ay sumalubong ang isang pintuan na gawa sa metal. Binuksan 'yon ng lalaki hanggang sa lumabas ang makapal at malamig na usok. Pumasok ang lalaki sa loob kaya sumunod na rin ako. May harang pa na plastik na kurtina kaya kailangan ko 'yon hawiin habang nakatakip ng kamay ang bibig at ilong ko.

Sobrang lamig kasi ang bumungad sa akin hanggang sa mapagtanto na nasa freezer kami ng kitchen. No wonder na amoy malansa rin. Paglulutuin niya ba ako?

May mga naglalakihang baboy, manok, isda at iba pa dito sa loob. Ang iba ay nakasabit habang nakapatong naman sa mahabang stainless na lamesa ang iba, pero nawala doon ang atensyon ko nang isa pang panibagong pintuan ang sumalubong sa amin, may sign na rin ng exit 'yon.

Binuksan 'yon ng lalaki at humakbang papalabas. Dahil sa lamig ay napaubo naman ako hanggang sa maramdaman ang pagbangga ko sa isang matigas na bagay. Nakita ko ang likuran ng lalaki kung saan ako bumangga. Tinignan niya ako ng masama kaya napaatras ako, "Sorry," dumistansya na rin ako sa kanya. Ibinalik naman niya ang tingin sa harapan kaya ganon na rin ang ginawa ko.

Halos makalaglag panga naman ang nasasaksihan ko ngayon. Teka lang, totoo ba 'to o nag-iilusyon ako?!

Tumambad sa akin ang isang lugar na tila factory. May dalawang parte ang lugar. May mga naglalakihang lamesa sa kanan at kaliwa. Puno ng pera ang nasa kaliwa habang ginto naman ang nasa kanan. May mga trabahador din na nakapalibot sa mga lamesa. Inaayos nila ang mga pera at ginto at inilalagay sa mga makina na mabagal ang galaw kaya tila tumatakbo ang mga ito.

Pero ano ba talaga ang lugar na 'to at bakit ako nandito?

"Saan mo ba talaga ako dadalhin? Nasaan ba talaga ako?" tanong ko pa.

Irita niya akong hinarapan, "Manahimik ka pwede ba? Masyado kang mainipin," inis niyang saad.

Kung sinabi niya ng diretso kung nasaan ako, hindi ako magtatanong pa.

Hibang na ba siya?

"Tara," saad pa niya na bumaba sa hagdanan kaya sumunod ulit ako.

Ginawa niya pa akong sunud-sunuran.

Pagbaba namin ay may nakasabayan kaming isang lalaki na nagtutulak ng isang malaking cart kaya napatingin ako rito. Puno 'yon ng mga ginto na siyang ikinalaki ng aking mata.

Hindi man ito ang unang beses kong makakita ng ginto nang malapitan pero iba pa rin sa pakiramdam. Sadyang kumikinang ang mga ito.

Pumasok kami sa isang kwarto hanggang sa tumambad sa akin ang mga nakapalibot na vault sa paligid. Kasinlaki nila ang mga locker na madalas kong makita pero may passcode lahat. Tumigil ang lalaki kaya ganon na rin ang ginawa ko habang tinitignan ang paligid.

Pumasok na rin ang lalaking kasabay namin. Tumigil siya sa tapat namin at may pinagpipindot sa vault na nasa tapat namin. Bumukas 'yon hanggang sa kumuha siya ng ginto mula sa cart nito at inililipat sa vault.

"Yung mga pera na nakita mo kanina, we convert them into gold," pagsasalita ng lalaki sabay turo sa mga gintong hawak ng lalaking kasabay namin kaya napatingin ako dito, "And we put them in every vault."

"And so?" dahil doon ay napako na rin ang tingin niya sa akin, "Tinatanong ko ba?" paglilinaw ko pa.

"Ts, iba ka rin eh no," tinawanan at tinapatan niya ako kasabay ng pagiging seryoso ng kanyang mga mata, "Sa susunod, huwag mo 'kong sinasagut-sagot pero sige, pagbibigyan kita sa ngayon."

Lumayo siya at itinuro ang vault habang nilalagyan pa rin 'yon ng ginto ng lalaki, "Those gold are all yours," sandali akong natigilan dahil parang hindi ko pa nagets yung sinabi niya.

"Pwede ba tigilan mo 'ko, sabihin mo na kasi kung nasaan ako," halos may pagkairita ko na ring sabe.

Paanong naging akin yan. Baliw na ata siya?

"Lahat ng tao dito, binibigyan ng sariling kayamanan katulad niyan."

"Bakit naman?" pagtataka ko.

"Dahil nagtratrabaho sila."

"Pwes hindi ako trabahador dito kaya paano mo sasabihing akin 'yan?" sabay turo ko sa vault.

Natapos namang ilagay ng lalaki lahat ng ginto sa vault. Sinenyasan siya ng katabi ko kaya umalis na ito at lumabas ng kwarto habang hila-hila ang cart niya. Hinarap naman ako ulit ng lalaki.

"Gamitin mo 'yang utak mo, bakit sa tingin mo sayo ang vault na 'yan?"

"Ewan ko. Hindi ko alam. Hindi naman ako nagtratrabaho dito para magkaroon ng ganyan— " kusa akong natigilan nang unti-unting mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

Nanlalaki ang mata kong napako ang tingin sa kanya hanggang sa ngitian niya ako ng masama, "Naiintindihan mo na ba? Mula ngayon, dito ka na magtratrabaho. At kapag nagawa mo ang lahat ng iuutos namin, lalabas kang may kayamanan sa lugar na 'to. Pagkatapos ng misyon mo, malaya ka na."

"No, hindi ako papayag. Hindi ko pinangarap maging taga-luto o magtrabaho sa factory," sabay iling ko.

"Kung tagaluto, tagahugas o tagabuhat lang ang trabaho ng mga tao dito, sa tingin mo ba kikita sila ng ganito kalaki? Ginto ang usapan dito kaya hindi basta-bastang trabaho ang ibibigay namin, but we'll make it easy for you," lumapit siya sa vault at hinawakan ang pintuan nito habang nakatingin siya sa akin. Mata pa lang niya ay halatang nagyayabang na.

Kanina pa 'to. Literal.

"No. Hindi ako papayag. Palabasin niyo na ako dito," pagmamatigas ko.

"So, you don't want this back either?" itinaas niya ang kanang kamay kaya napatingin ako doon.

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang pamilyar na bagay sa kamay niya. Tumingin ako sa bulsa at may kinapa pero walang nakalagay kaya hinarap ko siya, "Ibalik mo sa akin 'yan!" aktong aagawin ko ay mabilis siyang nakalayo.

That was the box of ring na ibinilin ni dad sa akin. Wag ko raw hahayaang may ibang makakuha. And if ever there's something precious for me, that's it. Dahil yun ang huling habilin ni dad. Nung tumakas ako, nasa bulsa ko 'yon kaya nadala ko rito. Kaya nga kahit wala akong pera, hindi ko naisip na isanla o ibenta ang singsing.

"Ibalik mo sa akin 'yan! Ano bang kailangan mo?!" galit kong saad na pilit inaabot yon pero dahil mas matangkad siya sa akin, nailalayo niya agad.

"No worries. Babalik sayo to kapag nagawa mo ng maayos lahat ng sasabihin namin."

"Ano bang trabaho yan?" irita kong tanong.

Unang-una sa lahat, hindi ako tiwala sa taong 'to.

"Simple lang naman ang mga ipapagawa namin sayo," nginitian niya ako ng masama, "Basta sumunod ka lang sa gusto ng amo namin na gawin mo. Ayaw mo ba? May dyamante ka na, may ginto ka pa," aktong aagawin ko pa ay mabilis niyang naipasok sa vault at saka 'yon isinara kaya umilaw ng kulay pula na tila naghahanap ng password para bumukas ulit.

Itinulak ko siya papalayo sa vault at sinubukan yong buksan hanggang sa pinagpipindot ko ang mga numero pero 'error' lang ang lumilitaw.

Masama ko siyang tinignan nang matawa siya, "Lahat ng nasa loob ng vault na yan, magiging sayo at babalik sayo, basta pagtrabauhan mo," masama niya akong nginitian at unti-unting nilagpasan kaya sinundan ko siya ng matatalim na tingin habang nanginginig ang mga kamay.

To be continued...