Chapter 7 - RedStar: 5

After three months

"Nandyan ba siya?" tanong ko sa bantay. Tinanguan niya ako at binuksan ang pintuan kaya diretso akong pumasok. Katulad noong unang beses na pumasok ako sa kwartong 'to, nilibot ko ang tingin sa paligid at wala pa ring pinagbago, pula pa rin ang mga ilaw pwera na lang yung dalawang hospital bed. Wala na sila ngayon dito kung saan ako sapilitang ipinahiga at tinahian ng kung anong pulang belt sa kanang hita.

Gofer ang tawag nila sa belt. Kaya sa hierarchy ng organisasyon, red star gofers ang tawag sa amin dahil sa bagay na nakalagay sa hita namin. At oo, hindi lang ako, marami kami.

Tinignan ko ang isang batang lalaki na maayos ang upo sa couch habang kumakain ng marshmallow gamit ang isang kamay, "Handa ka na ba?" may dalawa pang guard sa tabi niya tulad date. Ang tono nito, parang lantang gulay. Ni hindi rin ako tinignan, basta sa harap lang ang tingin niya. Para siyang robot kung gumalaw. No wonder dahil isa siya sa red star lights.

"Anong kailangan mo?" malamig kong saad habang binabatuhan siya ng seryosong tingin.

"Your mission will start tomorrow," saad niya na muling kumuha ng mallows at kinain.

"Anong pinagsasabi mo?" pagkunot ng noo ko.

"Pinapasabi nila, magtratrabaho ka na bukas. Para makatulong ka na sa organisasyon," maski ang pananalita niya ay ganito, hindi na ako magtataka dahil nasanay na rin ako pagkalipas ng ilang buwan ko sa poder nila.

"At kung ayoko?" pagtataas ko ng kilay sabay kibit-balikat.

"Sa kanila mo sabihin," kumuha siya ng kapiraso at kumain ulit, "Hindi naman ako yung mahihirapan," sabay tingin niya sa akin at maya-maya ay bumaba ang malamig na tingin sa kanang hita ko. Napatingin na rin ako dito at kusang napakuyom ng kamay ngunit nagpigil ako.

Alam na alam talaga nila kung paano at saan ako makukuha.

Binalik ko ang tingin sa kanya, "Alam mo naman pala ang ibig kong sabihin... ate," seryoso niya pang saad.

"Stop calling me that dahil hindi naman kita kapatid!" hindi na ako nakapagpigil at aktong lulusubin ko siya ay umayos ng porma ang mga bantay niya. Pansin kong umilaw ng kulay pula ang kaliwang parte ng kanilang leeg, maski ang kanilang mga mata kaya hindi na ako nagtangka pa. Halatang handa na silang bumunot ng baril na nakatingin sa gawi ko kaya natigilan ako at sinamaan ng tingin ang batang lalaki.

"Hindi ako ang kalaban mo rito, ate," dagdag niya pa habang abala sa pagkain.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa dahil sa kalagayan niya o magalit. Bata lang siya at nagagawa akong pasunurin. Mas bata siya sa akin pero kung umakto, parang matanda. Alam niyang may kapangyarihan siya sa organisayon kaya niya to nagagawa.

At dahil hawak nila ako sa leeg, wala akong magawa.

"Sabihin mo na ang kailangan mo sa akin dahil nasusuka ako sa lugar na 'to," maski ang paghinga ko ay lumalalim. Hindi ko na gustong magtagal pa rito. Kung nagkaroon lang sana ako ng pagkakataon, noon ko pa ginawang tumakas.

"LaCosa Vysta," pagsasalita niya na inilahad ang kamay sa likuran.

"Ano?" kunot-noong tanong ko. Maya-maya ay may inabot naman silang tablet sa kanya kaya kinuha niya yon, tinignan at kinalikot.

"Vrexon Oztero Nyx LaVysta," pagsasalita niya habang nakatingin sa tablet, "In short, Von LaVysta. Siya ang misyon mo. Anak siya ng matinding kaaway ng organisasyon, the LaCosa Vysta Mafia. Pero sa kasamaang palad, namatay ang pinaka-head nila, mula noon, wala na kaming ideya kung sino ang bago nilang boss."

Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin, "At ipapahanap niyo sa akin kung sino ang boss nila?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Agree. We're suspecting na baka si Von ang bago nilang boss pero parang hindi, mukha namang wala siyang pakielam. Pero malaki ang posibilidad na alam niya kung sino ang boss. At isa pa, pinagbibintangan siya as the only suspect of his father's death. Yet... wala namang ebidensya kaya hindi siya maikulong. Kaya ang plano ng organisasyon niya ay magpadala ng isang police officer para bantayan siya, either to prove whether he is guilty or not," abala pa rin siya sa tablet na hawak niya.

"And as a police officer, your job is to prove Von's guilt or innocence, but your real agenda is to make him speak and confess kung sino ang bagong boss ng LaCosa Vysta. If hindi mo kaya, at least alamin mo kung sino ang boss nila habang nasa poder ka niya." Tignan mo nga naman, ang lakas ng loob na utusan ako. Yet he calls me ate, ang kapal ng mukha.

Nagsalubong ang mga kilay ko, "Ano? Hindi ko gagawin 'yan," umiling ako, "Hindi ako isang police officer para gawin yan at hindi rin ako detective para maghanap ng ebidensya."

"Hindi mo naman kailangang maging police at detective," ipinatong niya ang tablet sa tabi at may dinukot sa bulsa. Agad niya yong inilapag sa lamesa kaya doon ako napatingin. Isang ID.

"The org already prepared your police ID and new identity," ani niya. Ano ba talaga ang intensyon nila? Bakit hindi sila ang gumawa. Malakas naman sila.

"At ano nanaman yan?" tanong ko.

"From now on, you are not Xeline anymore, ate. You'll be Cyiarnai Maive Quiñoza, a police officer hired by LaCosa Vysta to monitor and record Von's move. Kagaya nga ng sinabi ko, you'll be proving either his innocence or crime. Alamin mo kung siya ba talaga ang pumatay sa tatay niya o hindi. Pero hindi naman yon ang goal mo, magpapanggap ka lang na yon ang ginagawa mo, pero ang totoong pakay mo ay alamin ang boss nila," habang nagsasalita, sa harap lang ang tingin niya.

"Alam mong pwede kong ikamatay to," pagsasalita ko.

"At pwede mo ring ikamatay kung hindi ka susunod sa utos," sagot niya. Seryosong tingin ang ibinabato ko sa kanya hanggang sa sandali niya akong tignan bago ibinalik ang tingin sa harapan. Kusang napakuyom at nanginig ang mga kamay ko.

Kinuha niya ang ID na may picture ko at maayos yong tinignan, "Naghahanap kasi ang LaCosa nang isang police officer na pwedeng magbantay kay Von. At para sa organisasyon, malaking opportunity na makapasok tayo sa buhay nila, lalo na sa anak ng dating boss nila. Kaya binayaran nila ang mga pulis para ikaw ang irekomenda sa LaCosa as one of the most talented police officer," nagsugarcoat pa ang walang hiya. Alam ko naman kung ano talaga ang gusto nilang gawin ko.

"Bakit hindi niyo na lang ako diretsuhin. Ipapasok niyo ako bilang spy sa kaaway niyo," seryoso kong saad.

"Accurate," tumango siya habang sa harap ang tingin at muling kumain habang hawak pa rin ng isa niyang kamay ang id ko. Parang robot gumalaw.

"Magtratrabaho ka dahil na-hire ka ng LaCosa para bantayan si Von pero huwag mong kakalimutan na sa amin ka, Estrella Vermelha... the red star. At kaaway natin ang LaCosa, hindi natin sila kakampi. Pero may exemption ka, kailangan mong maging mabait kay Von," parang lantang gulay niyang saad.

"Hanggang kailan matatapos ang misyon na 'to?" tanong ko. Kung wala siyang bantay, baka ito na rin ang unang beses na makakasakit ako ng bata.

"Kapag nagawa mo na ang pinapagawa namin sayo. Kailangan mong bilisan bago pa man malaman ng LaCosa o ni Von ang totoong pakay mo. Baka hindi ka na makalabas ng buhay sa natatangi niyang mansyon pag nagkataon."

Kung hindi lang dahil sa nakalagay sa hita ko ngayon, hinding-hindi ako susunod sa kanila dahil sa umpisa pa lang, hindi nila ako utusan at hindi ako kasama sa grupo nila.

"Pero huwag kang mag-alala, ate," ipinatong niya ang id sa lamesa at muling kumain habang hindi pa rin ako binabalingan ng tingin, "Kapag natapos na ang misyon mo, papakawalan ka na namin. Makukuha mo lahat ng nasa vault. Maski ang gofer sa hita mo, mawawala ng parang bula."

Tinignan ko ang isa sa mga guwardiya nang may kinuha ito sa bulsa at naglabas ng cellphone. Nagtakip siya ng bibig bago sinagot ang tawag.

"Pero kapag nahuli ka nila agad o wala kang dalang magandang balita sa amin, alam mo na kung saan ka pupulutin," sa pagkakataong to, tinignan niya ako kaya nakipagtitigan na rin ako.

Ibinaba nang guwardiya ang cellphone at ibinalik sa bulsa. Lumapit siya sa kausap kong bata at bumulong. Maya-maya ay kumunot ang noo ng bata.

"Oak Kingston?" tanong niya. Tinanguan siya ng gwardiya.

"Sino daw yon?" tanong pa niya kaya binulungan ulit siya.

"The red star could have been activated sa katawan niya. Ipahanap niyo kung ganon. Baka may iba pang makaalam," saad niya na kumuha ng mallows at isinubo.

"I'm afraid it won't be that easy," mahinang sagot ng bantay na narinig ko naman.

"Why?" seryosong tanong ni Bry. Oo, ang pangalan ng batang lalaki sa harapan ko ay Bryston. At ayaw kong binabanggit ang pangalan niya sa harap niya dahil hindi kami magkatulad. Ang isip niya, kontrolado nila. Pero ako, hindi. Isa siyang red star light at isa akong red star gofer. Doon pa lang, alam na ang pagkakaiba namin.

"The time when our men were supposed to take him back. Another organization interfered. They took him and we couldn't find him," saad ng guard.

"What about our trackers?"

"They were blocked by someone."

"Paano nangyari yon? Who would be able to block them?" hindi rin nag-iiba ang reaksyon ni Bry. Palaging seryoso.

Anyways, may problema ba sila? Glad to know. Sana nga lumalala pa ang problema nila. Ayaw na ayaw kong bumalik sa kinatatayuan ko ngayon. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila.

"The one who blocked our trackers was a hacker from Japan."

"Huh?" tanong ng bata. Nasa likuran niya ang bantay habang patuloy siya sa pagkain ng marshmallow.

I hope I could block them too.

"Our men found out that Oak is a member of another organization in the Philippines."

"Nakatakas na siya sa atin, nakahanap pa ng matatakbuhan at mapagtataguan," saad ng bata na napatango, "What org?"

"From a sub-organization of LaCosta Saoirsa," sagot ng bantay nito.

Napako ang tingin ng bata sa guwardiya nito at muling tumingin sa harap, "Tignan mo ang pagkakataon. Alam na alam ng taong yon kung saan siya magtatago dahil alam niya, we do not interfere with other orgs. Kaya pala hindi niyo siya mahanap. The org where he belongs must be a tough one, kaya hindi natin ma-locate si Oak," ani niya kaya bahagyang yumuko ang guwardiya.

"Then let him, hindi na rin naman siya useful sa atin," at tinuloy niyang kumain. Nakuha niya pang punuin ang bibig nito kaya halos hindi na makapagsalita.

Kinuha ko yung ID sa lamesa kaya napatingin sila sa akin, "Ready for your mission, ate?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "As if may magagawa ako," sinamaan ko ng tingin ang guwardiya niya bago sila tinalikuran.

Lalabas na sana ako pero may naalala ako bigla kaya hinarapan ko sila, "Nga pala, saang lupalop ng mundo ko mahahanap si Von?"

Lumunok muna si Bry bago sumagot pero sa harap pa rin ang kanyang tingin, "Nasa LaCosa ang contact number mo, ate. Sesendan ka nila ng message tungkol sa address ni Von. Goodluck. Galingan mo. Para maging proud sila," saad niya. Nag-ikot ako ng mata at tinalikuran sila. Narinig ko pa ang mga sinabi ng guwardiya niya.

"I'm afraid we can't just let him go. The red star already activated and it might lead his new organization about our wherea— " pabagsak kong isinara ang pinto.

Bad trip.

To be continued...