Chapter 3 - RedStar: 1

"N-NPC, dad? You've got to be kidding me?" hindi makapaniwalang saad ko kaya napatingin siya sa akin. Sa lahat ng bansa, bakit doon pa?!

"Hon, it's a dangerous country! Why is there a need for you to go there?!" tanong ni mom. Katulad ko ay ganon na rin ang naging reaksyon niya.

"I will explain everything but Xeline, could you please go to our room? Beside our bed, there is a table, and from the third cabinet below, you will find a box. Please, get it for me, baby girl," pahayag niya kaya tumango ako na napatingin kay mom at nagmadaling umakyat. Kahit sinusubukang pakalmahin ni dad ang sarili niya, alam namin ni mommy na parang hindi siya mapakali.

It was also my first time na maramdamang may dala siyang baril. When I hugged him earlier, I felt it. Hindi naman siya nagdadala ng baril but now, iba ang ikinikilos ni dad and why mentioning that notorious country so suddenly?!

Pagkapasok ko sa kwarto nila, agad kong binuksan ang pangatlong cabinet ng bedside table. Tulad ng sabi ni dad, may natagpuan akong isang box. Yes, it was a small box but not just a typical box. Kulay itim ito at kumikinang. Parang gawa pa nga sa salamin. Mukhang mamahalin ito kaya nacurious ako. Dahan-dahan kong binuksan at tila napako ang mga mata ko ng makita ang isang singsing.

Its color is silver at may design na malaking circular diamond sa gitna which is color blue, sa paligid nito ay disenyo ng bulaklak na kulay silver din. Medyo malapad ang kabuuang singsing. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko rito dahil naaakit akong hawakan at suotin hanggang sa bumalik ako sa ulirat nang makarinig ng sunud-sunod na pagputok ng baril galing sa ibaba. Isinara ko agad ang box at inilagay sa bulsa para tignan kung anong nangyayari pero bago pa man ako makababa, may nakita akong apat na lalaki na may dala-dalang mga baril. Halos kakapasok lang din nila. Pormal ang kanilang mga suot, nakablack-suit.

Papalabas sila ng bahay na tila may hinahanap kaya nagpanic ako hanggang sa marinig ko ang isa sa kanila, "Check every corner of the house and if you find something or someone suspicious, immediately inform me. But prioritize finding the girl," saad nito sa kanyang mga kasamahan na agad naman nilang sinunod kaya napayuko ako para magtago dahil hindi ko sila kilala.

Nagtaka ako ng may pindutin ito sa kanyang tainga hanggang sa makita ko na isa itong security wireless earphone na parang may kausap siya sa kabilang linya, "Señor?" sambit nito habang tinitignan ang paligid.

Sino ba sila? Sila mommy at daddy? Nasaan sila?

"Copy, Señor," saad nito at naglakad papalayo. Kinuha ko na ang tyansang 'yon para makababa at hanapin sila mommy at daddy pero...

Natulala ako ng makita silang duguan sa may sofa. Agad ko silang nilapitan at hindi ko na mapigilang maiyak, "M-mom?" una kong nilapitan si mommy at nagkatinginan pa kami. Bigla na lang akong nanginig habang natatanaw silang duguan. Lumuhod ako at kahit nahihirapan na siyang gumalaw, pinilit niya pa ring hawakan ang mga pisngi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya. Pareho kaming umiiyak at alam kong gusto niyang magsalita pero nakikita kong nahihirapan siya lalo na't may tumulong dugo mula sa bibig nito na lalo ko pang ikinaiyak.

"Mom, hold on...d-dadalhin ko kayo sa hospital ni dad!" natataranta kong sabi pero hinawakan niya ang braso ko at umiling, "X-Xeline...a-always remember....t-that mommy loves you... and you were not to blame about anything," saad nito.

"N-no, mom!! Huwag kang magsalita ng ganyan, you won't leave me right? Just hold on!" pagkatapos na pagkatapos kong sabihin 'yon ay bigla na lang bumagsak sa sahig ang mga kamay niya na ikinatulala ko. Saradong-sarado na ang mga mata niya.

Napatingin ako kay dad at kitang-kita ko ang hirap nito sa paghinga kaya agad akong gumapang papalapit sa kanya. Lumuhod ulit ako kaya nagkatinginan kami, "D-dad..." saad ko na hinawakan ang kamay niya. May tama rin ito ng baril sa kanyang tagiliran. Sobrang kirot sa dibdib na nasa ganitong sitwasyon sila at wala akong magawa.

"Daughter... our baby girl," saad nito na ngumiti pa. Bakit nagagawa niya pang ngumiti sa kabila ng sitwasyon niya? I-I can't take this.

"Don't worry dad, hihingi ako ng tulong," pero kagaya ng ginawa ni mommy, pinigilan niya rin ako.

"I-it's too late...Xeline," saad nito na nahihirapan na. Habang nakikita ko siyang ganon, mas naiyak na lang ako. Ayaw ba nilang lumaban para sa akin? Bakit parang ang dali para sa kanila na iwanan ako?

"Sino bang may gawa nito sa atin?! And why are they doing this?" tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pagluha.

"T-the ring... " saad nito na ipinagtaka ko hanggang sa may maalala ako, "It's with me, dad. The ring is with me."

"Promise me one thing, daughter," tumango ako, "What is it, dad?"

"Take the ring and escape," saad niya na ikinatigil ko kaya kusa akong napailing, "Noooo! Hindi ko kayo iiwan ni mommy dito!"

"X-Xeline, listen to me....once they see you, they will also kill you— "

"Kill me for what, dad? Bakit nila tayo ginaganito?" tanong ko pa habang nanlalabo ang paningin dahil sa tuluyang pag-iyak.

"I'm sorry... daughter... I have dragged you into this mess," kasabay noon ay ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.

"Ano bang pinagsasabi mo, dad?! Don't be sorry! Lumaban ka dad please!"

"Even though I want to, I-I won't be... able to tell you everything now," dagdag pa niya. It was my first time seeing my father shedding tears kaya hindi na ako nakakibo. Pareho silang naliligo sa dugo. This is not supposed to happen. May mga pangarap pa kami bilang pamilya.

"Keep the ring and don't entrust it to anyone. Don't let the wrong hands have it. Ipangako...ipangako mo sa akin...n-na gagawin mo ang sinasabi ko. Promise me," saad nito na halatang nakikiusap sa akin kaya kahit hindi ko siya maintindihan kung bakit niya sinasabi 'to, tumango ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Y-Yes dad, I promise."

"Now go! G-go! Umalis ka na dito! Always remember that we love you!" pilit na sigaw ni dad habang itinutulak ako papalayo sa kanya, pero ayaw ko silang iwanan dito kaya umiiling ako.

"But dad— " pigil ko sa pagtulak niya sa akin habang hirap na hirap na siyang nakahandusay sa sahig.

"U-UMALIS KA NAA!!!" sigaw pa nito ng makarinig kami ng mga yabag papalapit sa amin. Pansin ko rin ang lalim ng paghinga niya.

Napatingin ako sa pintuan at papalapit ang isang hindi pamilyar na lalaki sa aking direksyon. Siya rin yung lalaking nakita ko kanina na may kausap sa kabilang linya. Kaya kahit masakit, kahit mahirap... tinignan ko si mommy na wala ng buhay at si dad na patuloy pa rin sa paghahabol ng hininga nito. Gagawin ko 'to para sa kanila at dahil sa kahilingan ni dad.

Nagmadali akong tumayo at kumaripas ng takbo. Hahabulin niya sana ako pero ng tumingin ulit ako kung nasaan ang mga magulang ko, nakita kong yumakap si dad sa paanan nito para pigilan siya, "I won't let you kill my daughter!" saad nito ngunit ikinatigil ko na lang ang mga sumunod na pangyayari.

Tinutukan ng lalaki ng baril si dad sa ulo at walang pag-aalinlangan na ipinutok 'yon dahilan para mapahiga ito sa sahig. Tila nanigas ako sa mismong kinatatayuan. Humandusay si dad na bukas ang mata habang nakatingin sa gawi ko. N-No...

Bakit?!

Bakit kailangang mangyari ang lahat ng 'to?!

Wala akong kilala na may kaaway ang pamilya namin. Masaya kami at nabubuhay ng simple...pero bakit kailangang umabot sa ganito?!

Dahil sa putok ng baril, narinig 'yon ng iba pa niyang kasamahan at nagsilapitan sa kanya. Itinuro niya ako kaya napatingin sila sa akin, "Catch his daughter!" saad niya na sinunod nila.

Nang makita kong papalapit sila sa akin ay nagmadali akong tumakbo at lumabas sa likuran ng bahay namin. Wala ng ibang daan para makatakas ako...kahit na alam kong delikado, gagawin ko para sa mga magulang ko.

Nang makalayo na ako sa bahay namin ay tumalikod ako para muli itong tignan sa malayo.

Ipaghihiganti ko sila at aalamin ko kung sino ang may kagagawan ng lahat ng 'to sa pamilya namin.

Pinunasan ko ang mga luha at tuluyan ng lumayo para takasan ang mga humahabol sa akin. Ngunit napaatras na lang ako dahil nakita kong nakahilera ang mga itim na sasakyan sa daang tinatahak ko kaya naghanap ako ng ibang madaraanan. Buti na lang at may nakita ako kaya kahit na alam kong delikado ang daan na 'yon, I had no other options but to take the dangerous path or else I'll die in the hands of those filthy people who mercilessly killed my parents.

Mapuno, matarik at madilim ang dinaraanan ko ngayon na parang nasa gubat ako. Wala na akong pakielam kung nasusugat na ako dahil sa mga sanga at halaman na nadaraanan ko...ang mahalaga makatakas ako.

Nang makarating ako sa pinakadulo, sumalubong sa akin ang napakadilim na daan na madalang daanan ng mga sasakyan pero ng mapatingin ako sa isang sasakyan habang nakabukas ang mga ilaw nito... kusa akong natigilan. Maayos ko pang tinignan ang sasakyan na tila pamilyar sa akin hanggang sa nagpasya akong lapitan 'yon hanggang sa bumukas ang bintana nito, "Uncle Theodore?" nanliit pa ang aking mata para siguraduhin na tama nga ang aking nakikita.

It's really him, dad's elder brother and his son beside him which is Kuya Ronald.

"Uncle— " saad ko na hinarangan niya.

"Xeline, where's your father at anong ginagawa mo dito? Does he know that his only daughter is here at this time? It's already time, iha," tanong nito at halatang nagtataka sila kung bakit nandito ako.

"Uncle, tulungan mo 'ko!" pagmamakaawa ko sa kanya na ikinabigla nila. Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, "What happened?! Jaime, let our young lady enter the car now," saad niya sa driver nila na agad namang sinunod nito kaya narinig ko ang pagbukas ng lock ng pintuan ng sasakyan. Napatingin ako sa paligid at nagmadaling maupo sa harapan bago ko sila hinarapan, "Uncle, si daddy at si mommy... " pahayag ko na halos wala ng lumabas mula sa bibig ko.

"Xeline, what happened? Kanina pa kami ni dad dito at hinihintay namin ang daddy mo, pero bakit wala pa siya?" saad ni Kuya Ronald at hindi ko na mapigilang umiyak.

"W-wala na sila. Mom and dad are dead," I said which made the atmosphere inside the car heavier at natigilan sila.

"Xeline, this is not a good joke," saad ni Uncle gamit ang seryosong tono nito kaya umiling ako.

"Uncle, I'm not joking. May mga humahabol sa akin, they even want to kill me kagaya ng ginawa nila kina mommy at daddy!!" taranta kong sabi at napahagulgol na sa iyak.

"Are you serious about this, Xeline?!" hindi makapaniwalang tanong ni kuya Ronald kaya tumango na lang ako hanggang sa makarinig kami ng mga pagputok ng baril kasabay ng pagkabasag ng salamin ng sinasakyan namin kaya sabay-sabay kaming napayuko.

"Jaime, quick!" sigaw ni Uncle kaya agad namang pinaandar ang sinasakyan namin.

"These guys are really toying with us!" saad ni Kuya Ronald na halatang galit.

"Jaime, take the car at maximum speed!" saad nito kaya sobrang bilis ng pagpapatakbo sa sinasakyan namin na halos ikasuka ko naman hanggang sa unti-unti akong matulala dahil bumalik lahat ng nakita ko kanina.

"Sir, I'm afraid they would be following us soon," pahayag ni Jaime.

"Don't let your guard down. We have to completely lose them on the track," saad ni Uncle hanggang sa mapatingin siya sa akin.

"Xeline..."

"Iha..."

"Xeline" napatingin na lang ako sa kanilang dalawa ng marinig ko ang pagtawag ni Uncle, "P-po?"

"Iha, I and your Kuya Ronald will be needing to go back to save your parents at pagbayarin ang may gawa nito sa pamilya natin," sambit niya.

"Sasama po ako."

"No, we won't let you, Xeline."

"Uncle, I need to see my parents— "

"It's not safe," sagot ni Kuya Ronald na siyang ikinatahimik ko.

"Bakit ba nila 'to ginawa sa amin, Uncle? Hindi naman masamang tao sina mom at dad dba? Sino ang gagawa nito sa amin?! Sa atin?!" magulong tanong ko.

"I don't have an idea too, iha. Your parents were very humble and kind."

"Is it because someone knew that your father will go to that country?" sambit ni Kuya Ronald na ipinagtaka ko.

"What do you mean, kuya?"

Nagkatinginan silang dalawa bago niya ako sinagot, "Didn't your father tell you na pupunta siya sa bansang 'yon? NPC I mean," nang marinig ko 'yon ay napaisip ako. Oo, yun ang ipinagtapat sa amin ni dad at sasabihin niya dapat ang rason kung bakit pero pinakuha niya sa akin yung box at pagkababa ko, nag-umpisa na ang kalbaryo ng buhay ko.

"Sinabi niya sa amin na pupunta siya doon...but he wasn't able to tell us the reason."

"We are all aware about that country. Such a dangerous place to be involved. Dapat ihahatid namin ang daddy mo ngayon sa airport because he was supposed to go there secretly at hiningi niya ang tulong namin. Even though he didn't tell us the reason, we agreed to secretly help him leave this country," pahayag ni Kuya.

"So, do you mean...kaya nilusob ang bahay namin dahil may nakaalam na pupunta si dad doon?" may pag-aalanganin kong tanong.

"Just a prediction," maikling sagot niya na kahit nag-aalala ay alam ko na sinusubukan lang nilang maging kampante sa nangyari dahil nakaharap ako. It is not in our family's nature to talk business when I am present.

"Don't worry, Xeline. We will definitely go back there para pagbayarin ang mga taong 'yon. Sa ngayon, take this and leave this country right away," pahayag ni Uncle sabay abot ng isang ticket sa akin kaya kinuha ko 'yon at napatingin rito na siyang ipinanlaki ng aking mga mata.

"Bakit kailangan kong pumunta sa bansang 'to, Uncle?!"

Nahihibang na ba siya?!

"Xeline, you yourself said na hinahabol ka ng mga taong pumatay sa magulang mo...staying here in Philippines para magtago is not a good idea. You need to leave this country for good," he has a point pero bakit kailangang sa bansa na 'to ako magtago?!

"Uncle, I understand. Pero wala na bang ibang bansa?"

"Kapag bumili tayo ng ticket right away papuntang ibang bansa, surely the enemy will detect that it was us who bought a ticket going to another country. Sa tingin mo ba, hindi ka nila susundan? Mag-isip ka, Celine. That was the ticket that your father was supposed to use. He already bought it so, you only need to present that ticket and they won't be needing to check your ID or whatsoever. In that case, the enemy will not detect that you have left the country. Alam mo namang maliit lang ang posibilidad na makapunta sa bansang 'yan. That's your only chance. We cannot hide you, Celine. Siguradong pati kami, babantayan ng kalaban at ayaw naming malagay sa peligro ang buhay mo. And we will protect you just like how your parents have protected you," natahimik na lang ako at hindi nakakibo kaya muli akong napatingin sa ticket na hawak ko.

"Take it or leave it? Your choice, young lady. You don't have to worry, because when our business is done here, susundan ka namin para sunduin. And that time, there is no danger in our family anymore," saad ni Uncle.

To be continued...