I love the way how her short black hair waves unconditionally just like that of the ocean. The moon sneaking through underwater is directly touching her creamy white skin. Just like a mirror glass, the moon reflects on her reaching my darker vision. Her white dress flawlessly fits the flat curve of her body. She might not be as sex-appealing and glamorous as them, but in my eyes... she's too perfect to be mine.
Yumuko ako at malalim na huminga bago muling tumingala. I slowly had my steps towards her. Seems like papalapit ako sa isang bituin. Malapit pero mahirap abutin. Kumikinang pero hindi ako ang dahilan. Tumigil ako sa tapat niya at maayos na tinitigan ang taimtim na dagat. Sariwa ang hangin at malamig, I used to loved the ocean. Tinignan ko siya na nasa malayo lang ang tingin. I even saw drops of blood on her pale white dress. Her own blood before she died.
This place is always my comfort, but seeing the coldness of her eyes, mukhang dagat rin mismo ang dahilan nang mabigat kong pakiramdam sa oras na 'to. I'm starting to despise the ocean because of what she's making me feel.
"Anong plano mo ngayon?" I asked facing her.
Ni hindi niya ako nagawang lingunin at sa malayo lang ang tingin. She looks away as if she's commanded not to look at me with her twinkling eyes anymore, "Do whatever they want me to do," walang gana niyang sagot. Pilit akong ngumiti at tumango bago iniiwas ang tingin sa kanya.
I could feel how heavy the ocean is. Gustung-gustong bumagsak ng mga luha ko katulad nang sa alon, pero kinailangan kong tiisin at pigilan. Pag-iyak ng alon ang siyang sumisira sa katahimikan namin. I smiled, forcefully. Hinarap ko ulit siya, "What about me, red?"
Sa unang pagkakataon, nilingon niya ako. Pero walang pagbabago sa malamig niyang mata. I looked at her as if I almost cried pero pigil na pigil ako, "We're still friends," muli niyang hinarap ang dagat. Right, I remember telling that to you. Kaya masisisi ba kita ngayon kung yan din ang isasagot mo sa akin pabalik? Karma hits me harder when it comes to you.
I looked away and my tears began falling like broken glasses and scorching meteors. Agad kong pinunasan ang luha ko. I'm a man, at hindi ako pwedeng makitang umiiyak ng ganito. I should be strong, because I am a man.
Hinarap ko siya, "I did everything to save you, even if it means sacrificing my own happiness. Sabihin mo nga sa akin... " hinarap niya ako at hindi ko napigilang maiyak sa mismong harapan niya dahil sa parang pinipiga ako ng paunti-unti, "Ganon na lang ba talaga kadali sayo na isantabi ang pinagsamahan natin? Paano yung pagkakaibigan natin? Yung mga pinagdaanan natin na tayong dalawa lang? The betrayals we got from people we trusted?" as much as I wanted to refrain from asking questions, hindi ko kayang hindi makakuha ng sagot. She has to tell me kung bakit. Kung bakit kailangan niya akong ilublob ng ganito. Kasi pigang-pigang na ako, ang sakit lang.
"Sabi ng Estrella, kailangan mong umalis dahil sagabal ka lang sa akin," sagot niya na nakapag-pahina sa akin. Pinunasan ko ang sariling luha at napatango. Diretso ko siyang tinitigan.
"Gusto mo bang umalis ako?"
Sandali siyang nakipagtitigan, "Kung ano ang gusto nila, yun ang susundin ko. Kaya kung kailangang ako mismo ang magpaalis sayo, gagawin ko. At isa pa, wala naman akong pakielam sayo."
At ang mga salitang yon ang tuluyang gumunaw ng mundo ko. Napako ang tingin ko sa kanya at halos matulala. Maski ang mga alon ay hindi ko na marinig. Wala akong marinig. Unti-unti akong napahakbang paatras at halos mawalan ng balanse. Napayuko ako habang hindi mapakali. Ang paningin ko, nanlalabo na rin. Pinagsama-samang sakit, kirot, hapdi at bigat ng loob ang nararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung aling parte ang pinaka-masakit.
Tiningala ko siya at habang nakatingin sa kanya, hindi ko maiwasang mapatitig. Sana, umpisa pa lang, sinabi ko na ang totoo sayo. Dahil kahit sabihin ko man ngayon, alam kong wala ng talab ang mga salita ko. Kahit nga ata magpakamatay ako sa harapan mo, wala ka ng pakielam. Dahil wala ka ng ibang papakinggan kundi ang mga taong minsan na nating kinamuhian at kinalaban.
And I did all of this in order to save you. Dahil gusto kitang mabuhay, kahit ang kapalit ay ang sarili mong nararamdaman at ang sarili kong kasiyahan. Pilitin mong maging masaya. You are rare, red. Kahit tagos sa akin ang mga sinabi mo, nagagawa ko pa ring tignan ang mga bagay na nagustuhan ko sayo. Paano kung ako naman ang magmakaawa kagaya ng kung paano ka nagmakaawa sa akin noon? May talab ba sayo?
Humangin ng malakas at muling sumama sa direksyon nito ang kanyang buhok. I had a glimpse of her left side neck. Umilaw ito ng kulay pula na parang may nakatanim doon. Napaatras ulit ako habang nakatitig kami sa isa't isa. She stands tall like a statue, and looks at me just like a robot. Tuluyan na nilang nakontrol ang kabuuan niya. We were supposed to be the one controlling us, hindi sila. Hindi nagtagal ay tuluyang umilaw ng kulay pula ang kanyang mga mata.
At mapait akong napangiti.
My only living red star. Ang nag-iisang bituin na pangarap kong abutin... ang siya ring kaisa-isang nagtataboy sa akin sa kalawakan.
To be continued...