Allysa Chloe Hernandez
Nagpunta kami ni Bea sa clinic para humingi ng alcohol kay nurse Mia. Kahit mahapdi ay pinilit niyang linisan ang mga kalmot na nasa braso ko.
Pagkatapos ay dumiretso na kami sa room namin dahil malapit ng magsimula ang afternoon class.
Habang nakikinig sa aming instructor ay hindi mawala ang pagkainis ko kay Kyline at sa mga kaibigan niya. Sasabihin namin ni Bea kay dean ang nangyari para malinis na din ang pangalan ko at matapos na ang issue na kinakasangkutan ko.
Nang matapos ang klase ay nagkaroon ng biglaang meeting ang lahat ng block president ng bawat section ng lahat ng department at isa na ako doon.
Habang nasa meeting room ako at naghihintay na magsimula ay nakita kong pumasok yung lalaking senior kanina, yung tumulong umawat sa amin ni Kyline kasabay ng iba pang president ng ibang block section. Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko at naupo sa upuang malapit sa akin. Akala ko nga ay tatabihan niya ako buti na lang at naupo siya sa pang-apat na upuan mula sa akin. Dalawang upuan ang pagitan naming dalawa.
He smirked when I glanced at him. Nakakaasar. Pariramdam ko ay sadyang nang-aasar siya. What's wrong with that person.
Maya maya pa ay nagstart na ang meeting.
Inabot ng 5pm ang meeting dahil maraming hindi napag usapan last meeting. Palabas na ako ng meeting area ng makareceived ako ng chat galing kay Bea.
Bea: Babes, I'm sorry nauna na akong umuwi kanina pa kasi sumasakit ang ulo ko eh.
Bakit hindi siya agad nagsabi kanina. Sana ay hindi na 'ko umattend ng meeting para masamahan siyang makauwi ng maaga.
Ako: Bakit di mo sinabi?
Sana ay hindi na lang ako umattend ng meeting kanina. Inom ka agad ng gamot ha. Pagaling ka.
Reply ko sa kanya.
Nang maisend ko ang message kay Bea ay agad akong naglakad papunta sa parking area ng university sabi kasi ng kuya ay susunduin niya daw ako.
Nang makarating ko ang parking area ng university ay wala pa naman ang sasakyan ni kuya.
After 15 minutes of waiting ay tinawagan ko na siya baka nakalimutan niyang kailangan niya 'kong sunduin.
The first call got rejected and also the second one. For the third time he answered the call.
"Kuya nasaan ka na?"
Naiirita kong tanong sa kanya.
Ngayon lang ako matagal na naghintay. Mainipin pa naman ako.
"Naiinip na 'ko. Kanina pa 'ko dito sa parking area."
Dagdag ko.
"I'm sorry lil sis. Nasa welcome party ako ng kuya Jayson mo. I'm sorry hindi na kita masusundo."
"What? Bakit hindi mo 'ko minessage. Kanina pa 'ko naghihintay dito tapos hindi ka naman pala darating."
Pagmamaktol ko pa
"Okey. I'm sorry biglaan kasi. Magtaxi ka lang o kaya ay tawagan mo na si Manong Jose para magpasundo at itext mo ako kapag nasa bahay ka na."
"Okey fine."
Sagot ko sa kanya.
Pagkatapos ay inend ko na ang call at agad kong tinawagan si Manong Jose para magpasundo medyo gumagabi na din kasi at kailangan nasa bahay na 'ko before mag 6:30pm, that's the rule. Hindi ako pwedeng malate ng uwi dahil paniguradong mapapagalitan ako ng Mommy at Daddy lalo na at hindi ako nagpaalam sa kanila.
Sumagot naman si Manong Jose at sinabing paalis na raw siya sa bahay. Buti na lang talaga at hindi pa siya nakakauwi sa kanila.
Habang naghihintay kay Manong Jose ay naupo ako sa bench na nasa may parking area at habang nakaupo ay nagviview ako ng mga ig stories ng mga friend ko. Nadaanan ko ang ig story ni Kent Liam. It was the parking area of our university. Lumingon ako sa paligid para hanapin siya. Pero hindi ko siya makita. Siguro ay nakauwi na yun o kaya ay napadaan lang dito sa parking area. Tumayo ako at naglakad lakad baka sakaling makita ko siya.
"Nasaan na kaya yun?"
Sambit ko sa aking sarili habang lumilingon lingon sa paligid. I just want to invite him in a dinner bilang pasasalamat sa kanya.
"Looking for your crush huh?"
Nagulat ako ng may magsalita sa aking likuran. Paglingon ko it was the senior student.
Bakit ba kung nasaan ako ay nandoon din siya. I think he's stalking me.
"Bakit ba nanggugulat ka ha? Sinusundan mo ba ako?"
Mataray kong tanong sa kanya.
"Nako miss hindi ah."
Pagtanggi nito.
"You sure?"
Paninigurado ko sa kanya.
"Oo naman."
Seryosong sagot nito.
Maya maya pa ay naglakad ako at muling naupo sa pwesto ko kanina. Nakakainis naman ang lalaking yun.
Habang nakaupo ako ay lumapit sa akin si Joshua-ang boyfriend ni Kyline kasama ang dalawa nitong kaibigan na hindi ko nakilala sa pangalan.
Nang saglit akong tumayo ay tumayo din ito at humarap sa kin. Kinapitan niya ng mahigpit ang braso ko at nagsalita.
"Ikaw na babae ka anong ginawa mo kay Kyline huh?"
Galit nitong sigaw sa akin.
Napakamalas ko naman ngayong araw na 'to dahil napaka habulin ako ng gulo. Nakakainis.
"Ano ba nasasaktan ako. Let me go."
Galit sa sambit ko habang pinipilit na inaalis ang kamay na nakahawak sa braso ko. I will definitely kick him sa oras na bitawan niya ako.
"Sinabi ko na sayo diba na huwag mong sasabihin kay Kyline na I was hitting on you kundi malilintikan ka sa akin. Tapos ano sinabi mo at sinaktan mo pa talaga si Kyline?"
Akma niya akong sasampalin ng may pumigil sa kanya.
Pagtingin ko, yung lalaking senior. Bakit ba lagi na lang akong nakikita nito sa tuwing may kaaway ako. Iniisip siguro nito na napaka trouble maker ko. Nakakahiya.
Ginamit ko ang pagkakataong yun para bitawan ni Joshua braso ko. Kumulo ang dugo ko ng makita kong namula ito dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya. Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko hindi para lang saktan ng ibang tao.
Nang mapalingon ako sa dalawa ay nagkakainitan na ang mga ito. Habang natatawang nakatingin pa ang dalawang kaibigan ni Joshua. Sa tingin ko magsuntukan man sila ay hindi mananalo si senior student dahil tatlo sila.
"Bakit ba nangingialam ka ha. Girlfriend mo ba yun huh?"
Galit na tanong ni Joshua sa senior na lalaking umawat sa amin kanina.
"Hindi ko siya girlfriend dahil fiancee ko na siya kaya pwede ba alamin mo muna kung kanino yang hinahawakan mo. Baka mapahamak ka."
May pagbabantang sagot ng lalaking senior.
What did he say? Fiancee niya ako. Nababaliw na ba siya. I just met him last day. Hindi ko nga alam ang pangalan niya and now he's saying na fiancee ko siya. May sira ba utak niya.
"Nako pasensiya na boss hindi ko sinasadya."
Boses yun ni Joshua na humihingi ng paumanhin. What's wrong with these people kanina lang ay galit na galit siya tapos ngayon ay parang maamong tupa.
Pagkatapos niyang sambitin iyon ay nagsialisan na sila kasama ang kaibigan niya.
Lumapit naman yung lalaking senior sa akin at nagsalita.
"Tss. Habulin ka talaga ng gulo."
Umiiling na sambit nito.
"Hindi naman nagkataon lang yun. Sorry nga pala. Muntik ka pang madamay kanina."
Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Nako wala yun. Umiwas ka sa gulo ha. Hindi yun maganda. Sige na mauna na ako."
Pagkatapos ay naglakad na ito palayo sa akin. Huli na ng maisip ko hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya.