Chereads / The Marriage Arrangement / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Allysa Chloe Hernandez

"So, what are we going to talk about?"

Sambit ko kay Dave Arkiel ng makaupo kami sa loob ng De Lara's cafè.

"Let's order first. What do you want?"

Tanong nito sa akin.

"Okey na ako sa Cafe Latte."

"Okey. Just wait for 5 minutes."

Pagkatapos ay tumayo ito at pumunta sa counter ng cafè.

Nanatili naman akong nakaupo habang nagbobrowse ng mga ig stories ng friends ko.

Maya-maya pa ay dumating na si Dave Arkiel bitbit ang dalawang cup. Naupo siya pagkatapos ay inabot sa akin ang isang cup ng Cafe Latte.

"Thanks."

Nakangiting sambit ko sa kanya.

"I heard sa summer na magaganap ang engagement party natin. Any plans kung paano natin pipigilan 'to?"

Panimula niya.

Nagulat ako ng sambitin niya ito.

"What? Sa summer? This coming summer? Paano mo nalaman I mean hindi pa 'to nasasabi sa akin ng parents ko. So anong gagawin natin?"

Naguguluhang tanong ko.

"Relax, relax okey. Mayroon pa tayong three months para gumawa ng plano."

"Three months? Do you think we can do that? Pesteng buhay naman 'to oh. Why do I need to marry you? Alam ko na mangyayari 'to but I never expected this to be early."

"Relax okey, magagawan natin 'to ng paraan Allysa. Tiwala lang okey."

"Paano ako magrerelax kung isang araw magigising na lang ako na kasal na tayo."

"Kaya nga gagawa tayo ng paraan para hindi matuloy diba? Hindi ko rin naman gusto 'to. You know what mahal na mahal ko ang girlfriend ko at hindi rin ako papayag na makasal sayo."

Sambit niya sa akin. Nagulat ako ng biglang tumaas ang boses niya.

"Pag-usapan na lang natin next time please."

Saad ko pagkatapos ay tumayo na ako at mabilis akong naglakad palabas ng cafè habang umiiyak.

I need to talk to my parents.

Pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay. Habang nasa byahe ay patuloy pa rin akong umiiyak. Pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng dibdib ko. I really need to talk to my parents.

Pagkarating sa bahay ay dumiretso ako sa opisina ni Daddy. I know nasa loob lang siya. Nang makapasok ako ay nakita ko din si Mommy sa loob nag-uusap silang dalawa. Napalingon sila sa akin ng makapasok ako. Nagulat ba sila o sadyang hindi lang nila ineexpect ang biglang pagpasok ko sa opisina.

"Hindi ka ba marunong kumatok. Paano kung ibang tao ang kausap ko sa loob. Basta basta ka na lang pumapasok?"

Boses yun ni Daddy.

"I'm sorry Dad, kailangan lang talaga kitang makausap."

Sagot ko naman sa kanya.

"Honey what's the problem? Bakit ka umiiyak? Saan ka ba galing?"

Nag-aalalang tanong ni Mommy habang lumalapit sa akin. Nakatingin lang ako kay Daddy habang umiiyak.

"Dad totoo ba na this coming summer na magaganap yung engagement party namin ni Dave Arkiel?"

Naiiyak kong tanong kay Daddy. Hindi agad siya makasagot dahil nanatili siyang nakatingin sa akin.

Siguro ay nagulat din siya dahil alam ko na.

"This is for your future anak. Ginagawa namin 'to hindi para sa amin ng Mommy mo kundi para sayo."

Sagot niya sa akin.

"Hindi niyo naman sinagot yung tanong ko eh. Ngayong summer na ba talaga Dad?"

"Yes anak."

Maikling sagot niya sa akin.

"So totoo nga? Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin, kay Dave Arkiel ko pa nalaman. Kung hindi pa kami nagkita kanina hindi ko pa talaga malalaman?"

"Sasabihin naman namin sayo anak eh. Humahanap lang kami ng tamang oras."

Paliwanag ni Mommy.

"Tamang oras? Kailan pa yun Mommy? Kapag ba one day before the engagement party? Yung tipong gigising na lang ako na engagement party ko na pala?"

Naiiyak ko pa ring sambit sa kanila.

"Just listen to us anak."

Sagot naman ni Daddy.

"Pero sana pakinggan niyo rin po ako Mommy, Daddy. From the past eighteen years of my life laging kayo ang nasusunod. Gawin mo 'to, huwag mong gagawin 'to, ganito dapat anak, hindi dapat ganyan anak. Wala na akong ibang naririnig kundi ang mga salitang yan. Lahat na lang ng sinasabi niyo ay ginagawa ko. Sa school, sa bahay, as well as sa course na itatake ko. I never wanted to be a Business Ad. student alam niyo yan dahil noon pa man gusto kong maging guro.

Pero dahil yun ang gusto niyo, sige yun ang susundin ko. Sino ba naman ako para magreklamo. Anak niyo lang ako diba at lahat ng anak dapat sinunod ang mga magulang diba? Pero pati ba naman sa paghahanap ng taong mamahalin ko kailangan diktahan niyo pa rin ako. Lahat na lang ginawa ko, sinusunod ko lahat ng gusto niyo. Kaya please Dad kahit ngayon lang hayaan niyo naman akong magdesisyon para sa sarili ko."

Mahabang paliwanag ko kay Mommy at Daddy habang umiiyak. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I just really wanted to say what I want to say para na din sa ikagagaan ng loob ko.

"Ang lahat ng yun ay para sa ikabubuti mo. Allysa matutuloy ang engagement party whether you like it or not. That's the final decision."

Galit na saad ni Daddy habang mariing nakatingin sa akin.

This time alam kong galit na siya.

"Why are you doing this to me Dad?

Do I no longer have the right to decide for myself? Kailangan ba laging masusunod yung gusto niyo, paano naman yung mga bagay na gusto ko?"

Galit na tanong ko sa kanya habang umiiyak pagkatapos ay tumakbo ako paakyat sa aking kwarto.

Bakit ba ako pa ang naging anak nila. Why do I need to suffer like this. I just want to have a simple life. Yung masaya at nagkakaintindihan hindi yung ganito. Why does this have to happen to me?

Pagdating sa aking kwarto ay agad akong nahiga. Patuloy na umiiyak habang yakap yakap ang isang una.

Nagising ako ng mga kamay na humahaplos sa aking mukha. It was my Mom. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Lumapit naman sa akin si Mommy at nagsalita.

"I'm sorry anak. Hindi ko rin naman gusto 'to para sayo. Pero alam mo naman dito sa bahay diba? Ang Daddy mo ang laging nasusunod and we can't do anything about that. Pero hayaan mo na. Darating din ang panahon na magiging maayos ang lahat."

Pagkatapos ay niyakap niya ako. I know she's doing this para kahit kaunti ay gumaan ang pakiramdam ko. Pero alam ko na hindi na talaga mababago ang desisyon ni Dad. Alam ko na kapag may sinasabi niya pinaninindigan niya talaga.