Allysa Chloe Hernandez
After 10 minutes ay dumating na ang professor namin sa Literature. Si sir nathan, mahigit dalawang oras din ang naging klase. Discussions then short quiz, katulad lang din ng ibang ginagawa ng mga prof namin sa ibang subjects.
After that class ay break time na. Nagpaalam ako kay Bea at Kenny na didiretso muna ako sa liblary para humiram ng kailangan kong libro bago pumunta sa cafeteria. Nauna na sila kaya't sinabi kong ipagreserve nila ako ng upuan sa loob.
Nang sabihin ko kay Ma'am Annie ang kailangan kong libro ay agad niyang itinuro sa akin kung saan ito makikita. Nasa dulong bookshelves ang kinalalagyan nito. After kong makuha ang libro at magpaalam kay Ma'am Annie ay naglakad na ako papunta sa cafeteria.
Nang makarating ako sa loob ng cafeteria ay agad kong hinanap ang dalawa kong kaibigan. Dahil maraming estudyante na ang naroon ay nahirapan akong hanapin sila. Maya maya pa ay may narinig akong boses na tinatawag ako. Boses ni Kenny yun sure ako.
"Allysa, dito tayo."
Sambit nito. Tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses. Agad ko naman silang nakita at pinuntahan. Nang makaupo ako ay saka ko pa lamang napansin na nasa kabilang table lang pala sina Dave Arkiel kasama ang barkada niya. Bigla akong kinabahan ng mapatingin ito sa gawi namin.
Sa dinamirami ng table dito sa cafeteria dito pa talaga pumwesto ang mga kaibigan 'kong ito. Nananadya ba sila? Nakakahiya.
Nang mailapag ko sa table ang dala kong libro at bag ay agad akong nagtungo sa counter para mag order. Dalawang slice ng vanilla cake, 1 slice ng mocha cake at isang pineapple juice ang inorder ko.
Nang makarating ako sa table ay agad kong nilapag ang tray na dala ko.
Nang makaupo ako ay agad nagsalita si Kenny.
"Akala ko ba Allysa diet ka ngayon bakit puro sweets yang order mo ha? At sabi mo kanina isang slice lang ng vanilla cake. Bakit tatlo yan ha. Nako ha baka tumaba ka before tayo mag volunteer sinasabi ko sayo mahihirapan kang umakyat ng bundok."
Maarteng sermon nito sa akin. Kasi ang totoo ay pinagbabawas talaga ako nito ng timbang para sa darating na camp.
"Pagbigyan mo na ako Kenny, ngayon lang 'to nagcrave kasi ako ng sweets ngayon eh. Hindi na 'to mauulit promise tsaka pwede ba kumain na lang tayo. Isa pa matagal pa naman yung pagbisita natin sa Mt. Gulod makakapagdiet pa ako. Huwag kang mag-alala."
Pangungumbinse ko sa kanya.
"Siguraduhin mo lang ha."
Paninigurado nito.
Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Nang isubo ko ang last slice ng vanilla cake ay napatingin ako sa gawi ni Dave Arkiel, saktong nakatingin din siya kaya saglit kaming nagkatitigan. Nakangisi ding nakatingin sa akin ang mga kasama niya sa table na nasisiguro kong kaibigan niya. Pamilyar sa akin ang kanilang mga mukha hindi ko lang matandaan ang mga pangalan nila. Siguro ay nameet ko na sila sa mga business gatherings na madalas puntahan ng aming pamilya.
Base sa kung paano sila tumingin ay nasisiguro kong pinag-uusapan nila ako. Agad akong nag-iwas ng tingin baka kasi kung ano pa isipin nila sa akin.
After naming kumain ay lumabas na kami ng cafeteria. Dumiretso kami sa bleachers na malapit sa Business Ad. Department. Dito namin naisipang tumambay dahil vacant kami ng dalawang oras. Hindi naman kami pwede sa liblary dahil maingay 'tong dalawa kong kasama.
Habang nagsusulat ako ng notes ay dumating si Dave Arkiel kasama ang mga kaibigan niya.
Agad siyang lumapit sa pwesto ko. Samantalang naupo naman sa kabilang bleachers ang mga kasama niya.
"Allysa can we talk?"
Malamig na sambit nito sa akin. What's wrong with him. Kanina lang ay parang hindi naman ganito ang mood niya.
"Kung hindi naman yan mahalaga mamaya na lang tayo mag-usap may ginagawa pa 'ko."
Sagot ko naman sa kanya habang patuloy na nagsusulat. Hanggat maari ay gusto ko ng iwasan siya.
Hindi ko gustong napapalapit o nag-uusap pa kaming dalawa.
I have this feeling kasi na parang magkakagusto ako sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ito nagsimula siguro ay nang iligtas niya ako sa beach I mean I have seen the good side of him. Hindi naman pala siya bad boy katulad ng sinasabi ng iba. Kaya hangga't maari I need to distance myself dahil may girlfriend siya and I don't want to ruin their relationship. Pinagkasundo lang kami ng mga magulang namin pero hindi ibig sabihin ay matutuloy na ito. Nasa aming dalawa pa rin ang desisyon.
"Fine. De Lara's Cafè 8pm. I'll be waiting."
Sambit nito pagkatapos ay umalis na.
Agad namang nagtilian ang dalawa kong kasama.
"Tumigil nga kayong dalawa."
Saway ko sa kanila dahil kinukulit ako.
"Grabe Allysa, ang gwapo talaga sa malapitan ha. Sayang hindi mo man lang tiningnan."
Nang-aasar na sambit ni Bea.
Humarap ako sa kanilang dalawa para magpaliwanag at ng tigilan na din ako sa pangungulit.
"Guys let's make things clear ha, wala kaming relasyon ni Dave Arkiel at hinding-hindi kami magkakaroon ng relasyon dahil may girlfriend siya at isa pa kung ano man ang mayroon kami ngayon nagkikita, nag-uusap that's because we need to stop the marriage arrangement. Dahil pareho naming hindi ginusto yun. Kaya please tigilan niyo na yang kakaship na yan ha. Baka mamaya sugurin na lang ako ng girlfriend niya."
Paliwanag ko sa dalawang makulit kong kaibigan.
"Fine."
Sabay pang sambit nilang dalawa.
Pagkatapos ng dalawang oras na vacant ay umuwi na kami dahil launch time na at wala na din kaming klase sa hapon.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong kumain ng launch. Pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto. Nang makapagbihis na ako ng damit pangbahay ay nagsimula na akong gawin ang mga school works ko at activities na kailangang ipasa bukas. Kailangan 'kong gawin 'to ng maaga dahil may pupuntahan ako mamaya. I'm sure pag-uusapan namin ni Dave Arkiel ang plano on how to convince our parents na huwag ng ituloy ang marriage arrangement.
7pm ng dumating sila Mommy at Daddy. Nagpaalam ako na lalabas kami ni Dave Arkiel, pinayagan naman nila agad ako. Nagsout lang ako ng simpleng black high waist short na pinartneran ko ng white t-shirt at black sneakers. Dala ang shoulder bag ay hinatid ako ni Manong Jose sa cafè na sinabi ni Dave Arkiel kanina. Pagbaba ng sasakyan ay nakita ko siyang nakatayo sa labas ng cafè at nang makita niya ako ay agad niya akong sinalubong. Nagpaalam lang ako saglit kay Manong Jose na hindi na niya ako kailangang sunduin mamaya dahil si Dave Arkiel na ang bahalang maghatid sa akin pauwi. Pagkatapos ay sabay kaming pumasok sa loob ng De Lara's Cafè.