Chereads / The Marriage Arrangement / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Allysa Chloe Hernandez

Nang dumating si Manong Jose ay umuwi na kami.

Pagdating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Nagpalit ako ng damit pangbahay at nagsimula ng gumawa ng school works.

7pm ay bumaba na ako para kumain ng dinner. Nang makarating ako sa dining area ay naabutan kong naghihintay na si Mommy at Daddy. Siguro ay may pag-uusapan kami kaya maaga silang umuwi.

"There she is."

Sambit ni Daddy ng makita niya ako.

"Let's eat Allysa."

Aya ni Mommy.

Habang kumakain kami ng dinner ay nagsalita si Mommy

"Allysa may ginawa ka na naman bang kalokohan?"

Tanong nito sa akin.

"Why?"

Balik kong tanong sa kanya.

"Well tinawagan lang naman ako ni dean kanina. She said na may kailangang pag-usapan issue tungkol sayo. Ano na naman bang ginawa mo ha? Allysa please start to avoid some troubles. Hindi ka na bata."

Siguro ay nagreklamo si Kyline at ang mga kaibigan niya sa dean's office kanina. Well she's the one who started it.

"Just a little cat fight Mom."

Ang tanging naging sagot ko sa kanya.

"With whom? And why did you do that?"

Gulat nitong tanong sa akin.

"Kyline with her friends. Narinig kasi namin ni Bea na sila ang nag set up sa akin regarding sa answer key na nakita sa aking bag. And then I confronted her, I just want her to apologize to me. But instead of saying sorry they said that I deserved that. Well I get angry and started to pull their hair."

Paliwanag ko sa kanila ni Dad.

"That's ridiculous."

Ang tanging naisagot ni Mommy.

"After naming makausap ang dean ng inyong university tomorrow. We will be having a dinner with the Enriquez family. Make sure na maaga kang makakauwi bukas."

"Yes Dad."

Ang tanging naisagot. I know what's going on but I never expecting this to be early.

Kinabukasan

Nang makausap ng dean si Mommy at Daddy ay naresolve na ang issue na kinasasangkutan ko. Pero suspended ako ng isang linggo dahil sa ginawa ko kay Kyline.

I expected that to happen. Alam ko din naman sa sarili ko hindi tamang pinatulan ko pa sila. Siguro ay nadala lang ako ng galit ko.

Nang makauwi ay agad akong sinalubong ni Mommy at sinamahan paakyat sa aking kwarto.

"Anak we will be having a dinner with Enriquez family. Nabanggit na naman yun ng Daddy mo sayo kagabi diba?"

"Yes. I already know that Mom. So what's the matter?"

Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Nothing anak. I just prepare some dress. Nilapag ko sa ibabaw ng kama. You can wear whatever you want. Mamili ka lang at bumaba ka before 6:00 pm dahil tutulungan mo pang 'kong mag ayos sa baba. Okey?"

"Okey. Fine. I'll just take a nap Mom."

"Okey. I'll go agead sumunod ka na lang maya maya."

"Yes Mom."

Sagot ko sa kanya.

Pagkaalis ni Mommy ay nag set ako ng 5 minutes sa timer ng aking cellphone. I just want to take a nap dahil nakakapagod ang araw na to. Pagkatapos ay humiga ako sa kama at pumikit.

After 5 minutes ay tumunog na ang timer na aking sinet. Agad akong bumangon kahit na gustong gusto ko pang umidlip.

Namili na ako ng dress sa mga inihanda ni Mommy na nasa gilid ng aking kama. Isinukat ko ang mga yun isa isa para makita ko kung alin ang mas bagay sa akin.

In the end I choose the v-neck beige dress na lampas sa taas ng aking tuhod ang haba. Itinali ko din ng mataas ang aking buhok. Nagmukha akong mataray sa sout kong dress na pinartneran ko ng high ponytail. Nagpulbo ako at naglagay ng lipbalm.

Nang makababa ako ay pinuri ako ni Mommy dahil bagay na bagay daw ang napili kong dress sa akin.

Nagpunta ako sa kusina para tulungan si ate Helen maghanda ng pagkain. Pagkatapos ay tinulungan ko rin si Mommy na mag-ayos ng kabuuan ng aming bahay. Masaya siya na para bang may darating na espesyal na bisita.

"Allysa anak. Kunin mo nga sa ref yung nilagay kong dark chocolate na cake at pakilagay na sa mesa."

Utos ni Mommy habang abala pa din sa pag-aayos ng iba pang gamit sa paligid.

Maya maya pa ay dumating na si kuya Allen galing sa welcome party ng kaibigan niyang si kuya Jayson. Agad siyang inutusan ni Mommy na ayusin ang sarili dahil may darating na bisita.

Nang makababa ito ay agad akong inasar ng makita niya ang sout ko.

"Waiting fo your prince charming huh."

Sambit niya habang nakangisi sa akin. He really know how to pissed me of.

"Shut up Kuya. Hindi nakakatuwa."

Sagot ko naman sa kanya.

Habang ako ay nasa kusina at tumutulong kay ate Helen ay narinig kong dumating na ang hinihintay na bisita nila Mommy at Daddy.

Dumiretso sila sa sala at nagsimula ng magkwetuhan. Based on what's going on their conversation they seem to be really close to each other.

"Allysa anak come here."

Boses iyon ni Daddy mula sa sala. Agad kong inayos ang aking sarili at saglit na humarap sa salamin.

Habang naglalakad ako mula sa kusina ay tanaw ko na kung sino ang bisitang tinutukoy ni Mommy at Daddy. Nagulat ako ng makita yung senior student na tumulong sa akin last week. Anong ginagawa niya dito? Wait? This means na siya yung anak na sinasabing bisita nila Mommy at Daddy. Ang magiging fiancee ko?

What a small world.

Habang papalapit ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Shit. Bakit ba 'ko kinakabahan. It's just him. I just met him many times already at nakausap ko na din siya.

But why I'm acting nervous now.

"Yes Dad."

Sagot ko ng makalapit na ako sa kanila. Sabay-sabay naman silang napalingon ng magsalita ako. Habang mariing nakatitig yung lalaking senior. Why he's staring like that? I already meet him.

This is not the first time.

"You have a beautiful daughter Mr. Hernandez."

Natutuwang sambit ng babaeng bisita ni Mommy at Daddy habang nakangiti na nasisiguro kong Mommy ng lalaking senior na yun. Bigla akong nakaramdam ng hiya palibhasa ay hindi ako sanay sa mga papuri.

"Allysa, this is Mr and Mrs. Enriquez.

Nameet na natin sila sa mga business gatherings."

Kaya pamilyar sa akin ang kanilang mga mukha. Ngumiti ako sa kanila bilang tugon.

"At ito naman si Dave Arkiel. Their only son."

Pagpapakilala ni Daddy.

So Dave Arkiel pala ang pangalan niya. Hindi ko man lang kasi naitanong ng tulungan niya ako.

Agad itong tumayo at naglahad sa akin ng kanyang kamay.

Inabot ko naman iyon habang nakangiti para hindi nila mahalatang kinakabahan ako. Grabe ang lakas talaga ng tambol ng dibdib ko ng hawakan ko ang kamay niya.

What's wrong with me. Hindi naman ako ganito dati. I met a lot of guys na ipinakilala din naman ng parents ko pero never in my life na maranasan ko yung ganitong kaba.

I mean this one is different.