Allysa Chloe Hernandez
Tahimik lang kami ng makarating sa Nipa Hat na tinutuluyan ni Dave Arkiel.
Napagpasyahan kong huwag munang tumuloy sa room namin ni Bea dahil sigurado akong sasabihin niya kina Mommy at Daddy ang nangyari. Mag-aalala pa ang mga yun at baka pauwiin pa kami ng wala sa oras. Masisira ang dapat na weekend gala namin ni Bea. Minsan na nga lang kami makapag bonding tapos may mangyayari pang ganito.
Inalalayan akong maupo ni Dave Arkiel. Nang makaupo na ako sa wooden sofa sa loob ng Nipa Hat ni Dave Arkiel ay agad niya akong inabutan ng tubig. Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon dahil sa takot. Hindi ko naman alam na mangyayari 'to. Sana pala ay hindi na lang ako lumabas ng Nipa Hat kanina. Sana pala ay hindi ako naglakas loob na mag swimming mag-isa.
"Pwede bang dito na 'ko matulog?"
Lakas loob kong tanong kay Dave Arkiel.
Alam kong hindi pa kami close masyado pero wala akong ibang choice kundi dito na magpalipas ng gabi.
"Yeah sure. Dalawa naman ang kama na mayroon ang kwartong ito. You can sleep to the other one."
Sagot naman nito sa akin.
"Salamat."
Nakangiting sambit ko dito.
"Magpalit ka na. Baka magkasakit ka."
Utos nito sa akin. Sabay hagis ng itim na t-shirt at kulay asul na short sa akin.
"Salamat."
Pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo para maligo.
Nang makapasok ako sa banyo ay agad kong hinubad ang sout kong two piece. Binuksan ko ang shower at hinayaan kong pumatak ang tubig sa aking katawan. Naupo ako sa sahig at nagsimula na namang umiyak. May takot parin akong nararamdaman hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung hindi dumating si Dave Arkiel. Mabuti na lang talaga at dumating siya.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako ng banyo. Itinuro ni Dave Arkiel ang kama na aking hihigaan. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay hindi ko maiwasang pagmasdan si Dave Arkiel habang nakahiga. He's handsome at sigurado akong marami babae rin ang nahuhumaling sa kanya. Nang matuyo ang aking buhok ay nahiga na rin ako at ipinikit ang aking mata. Bago ako tuluyang matulog ay kinausap ko siya habang nakahiga sa kama. Alam ko namang gising pa siya at nakikinig sa akin.
"Dave Arkiel?"
Mahinang tawag ko sa kanya. Sapat lang para marinig ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Yes, you need anything?"
Tanong niya.
"Pwede bang wala ng ibang makaalam ng nangyari kanina. Baka kasi umabot pa kina Mommy at Daddy ayoko silang mag-alala. Pwede bang itago na lang natin para sa ikatatahimik ng lahat?"
Pakiusap ko sa kanya. Mahirap na baka umabot pa kina Mommy at Daddy panigurado malaking gulo 'to.
"No problem. Tsaka isa pa hindi naman ako ganoon kadaldal. Sige na magpahinga ka na. Matulog ka na."
"Sige sige salamat ha."
Sagot ko naman sa kanya. Ipinikit ko na ang aking mga mata para dalawin na ako ng antok.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkatapos magpasalamat kay Dave Arkiel ay agad akong bumalik sa Nipa Hat na tinitigilan namin ni Bea. Hindi siguro niya napansin na hindi ako nakauwi kagabi dahil hindi naman niya ako tinatanong habang kumakain kaki ng breakfast.
After naming kumain ay nagsimula na naman kaming nagswimming. Ineenjoy ang bawat oras dahil puno ng hindi magagandang kaganapan ang nakaraang linggo kaya kinakailangan talaga naming mag relax.
Umuwi kami ng mga 10 am na. Ang usapan ay 5pm pa kami uuwi pero dahil may kailangan pa daw gawin si Bea ay umuwi na din kami. Nagtaxi na lang kami pabalik ng village. Hindi na namin inabala pa si kuya Allen dahil sigurado akong may ginagawa pa iyon.
Hindi ko alam kung nakauwi na si Dave Arkiel. Hindi ko na siya napansin kanina. Teka bakit ko ba siya inaalala. I have nothing to do with him.
Pagdating sa bahay ay nagpahinga na ako sa aking kwarto. Pinipilit 'kong kalimutan yung nangyari kagabi pero hindi talaga mawala sa isip ko. Ayoko namang sabihin kina Mommy at Daddy dahil panigurado akong mag-aalala pa ang mga yun and besides nailigtas naman ako ni Dave Arkiel.
Natapos ang weekend gala namin ni Bea na hindi niya nalalaman ang nangyari at wala na din naman akong balak ipaalam pa yun sa kaniya. Baka magkaroon pa ng problema. Kilala ko siya at hindi niya matitiis na sabihin kina Mommy at Daddy ang nangyari.
Lunes ng umaga at kinailangan kong makapasok ng maaga dahil may morning activities kami tuwing Monday. Ito rin ang 1st day ko after ng 1 week suspension. Kaya kinakailangan kong makahabol para sa mga namissed kong quizzes at activities sa aking mga subjects.
Nang matapos ang morning activities ay kanya-kanya na kaming bumalik sa classrooms. Nang makaupo ako sa aming upuan ay agad akong nilapitan ni Kenny, isa sa mga kaklase namin na kaclose ko. Magkaibigan din kasi ang mga parents namin dahil sa mga business.
"Uy sis Allysa anong nangyari sa parking lot last week sabi nila nandoon ka daw, totoo ba? Tsaka alam mo ba kalat na sa university na fiancee ka daw ni Dave Arkiel yung anak noong may ari ng Casa del Rio. Totoo ba?"
Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ako nagpahalata. Walang pwedeng makaalam ng bagay na yun dahil hindi naman yun matutuloy kaya nga ginagawan namin ng paraan eh.
"Saan mo naman napulot ang balitang yan. That's fake news. Mga tao talaga ngayon oh. Basta may mapag-usapan lang gumagawa na ng kwento. At isa pa Dave Arkiel already had a girlfriend."
Sagot ko naman sa kanya.
"So hindi totoo? OMG may chance pa 'ko."
Malanding sambit nito.
"Tumigil ka nga. Ang aga aga kalandian ang inaatupag mo."
Suway ko naman sa kanya.
"Basta sis ha, hindi yun totou. May tiwala ako sayo alam mo namang crush na crush ko yun. Grabe naalala ko talaga noong nagswimming kami. Sis ang sarap hawakan ng abs. Nako kung nakita mo lang talaga baka maglaway ka din."
Kwento nito sa akin.
"I'm not interested. Bumalik ka nga sa upuan mo. Ang aga aga puro chismis ang dala mo."
Pagtataboy ko dito.
"Oo na madam. Ayaw paabala eh. Wala pa namang prof. masyado ka talagang good girl ha."
Pahabol na sambit nito habang naglalakad papunta sa kaniyang upuan.
Maya-maya pa ay dumating na si Bea. Agad siyang naupo sa upuang katabi ko habang nakangiti.
"Ang aga-aga ngiting ngiti ka diyan?"
Tanong ko kay Bea.
"Eh kasi iniinvite tayo ni Dave Arkiel mag dinner grabe babes ha. Ang galante ng soon to be fiancee mo. Ngayon pa lang kinikilig na ako ha."
"Teka teka bakit may dinner, wala naman kaming usapan ah?"
Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Eh kasi ganito, after ng swimming natin kahapon diba maaga tayo nakauwi. Nagpunta akong mall dahik may binili akong kailangan ni Daddy sa office tapos nakita niya ako. Nilapitan tapos tinanong kung ako nga yung bestfriend mo. Tapos sabi ko "oo ako nga", tapos tinanong niya kung pwede ba daw tayo mainvite sa dinner para daw makilala natin ang isa't-isa. Sabi pa nga "you can bring youre friends para hindi kayo masyadong mahiya", kasi kasama niya daw ang girlfriend niya.
"Ayoko nga. Tsaka kilala na naman natin yun diba?"
Tutol ko sa kanya.
"But I already said yes Allysa. Isama natin si Kenny para hindi masyadong nakakahiya."
Suhestiyon nito.
"Lagi naman natin nakakasama yun sa mga business gatherings bakit parang nahihiya kang makipagkita sa kanya. Don't tell me may ginawa kang kasalanan sa kanya? At isa pa sa Friday night pa naman ito kaya sure ako na papayagan ka ng Mommy at Daddy mo."
Dagdag pa nito.
"Fine. Basta isama natin si Kenny ha. Ikaw na magsabi sa kaniya."
"Okey I got you girl."
Pagkatapos ay nilapitan nito si Kenny. Nasulyapan ko pang tuwang-tuwa ito. Ikaw ba namang isama sa isang dinner na kasama ang ultimate crush mo. Ewan ko na lang kundi ka talaga kiligin.