Allysa Chloe Hernandez
Saturday ng umaga. I packed all the things that I might need. Nagbaon din ako ng snacks at iba pang personal things.
Sabi ni Bea ay mag oovernight daw kami kaya naman kagabi pa lang ay nagpaalam na 'ko kay Mommy at Daddy buti na lang at pinayagan ako but in one condition. Si kuya Allen ang maghahatid at susundo sa napili naming beach at siya rin ang mag aayos ng pagchechek-in sa hotel para masigurado na wala kaming ibang kasama.
6am pa lang ay nagbiyahe na kami. Masarap kasing maligo sa dagat kapag maaga pa. Dinaanan namin si Bea sa bahay nila. Habang nasa biyahe ay pana'y ang aming kwentuhan.
"Kuya Allen what do you think sa lalaking magiging soon to be fiancee ni Allysa?"
Biglang tanong ni Bea kay kuya Allen. Bakit niya kailangan pang itanong yun.
"Well he's good naman. Bagay sila. Napakagentlemen pa nga diba Allysa?."
Nakangiting sambit ni kuya Allen habang nakangisi sa akin. Talagang hanggang ngayon ay inaasar pa rin niya ako.
"Oh yun naman pala. So ano yung sinasabi mong ayaw mo sa kanya ha Allysa. What's the problem, kung approved na naman pala kay kuya Allen?"
Sambit ni Bea sabay tingin sa gawi ko. Ineenjoy niya talaga ang pagtatanong tungkol sa lalaking yun.
"Dave Arkiel already had a girlfriend and I don't have a plan to be a third party you know."
Tamad kong sagot kay Bea.
"Nako hindi naman ikaw ang magiging third party no. You will be the legal one-the original. Kaya don't you worry."
Pangungumbinse pa nito.
"Tigilan na nga natin 'tong usapan na to Bea. Nandito tayo para mag relax hindi para isipin ang ibang bagay okey."
Paglilinaw ko sa kanya.
"Okey fine. Let's enjoy this beach trip. Yuhooo."
Pagkatapos ay nagpatugtog ito.
30 minutes lang ang naging biyahe namin patungo sa resort na sinaggest ni kuya Allen.
Nagtanong kami sa front desk kung may available pang rooms and luckily ay meron pa daw na isa pero Nipa Hat style at nasa dulong bahagi ng resort. Ayos lang naman sa amin dahil mahigpit ang security sa area. Pagkatapos magbayad at maibigay ang susi ng sinasabing Nipa Hat ay agad naming hinanap iyon. Nang aming makita ay iniwanan na kami ni kuya. He said na susunduin niya na lang daw kami bukas ng hapon. Bago umalis ay pinagsabihan pa ako nito. Hindi talaga nakakalikot na magremind sa akin.
"Avoid some troubles ha Allysa. Act like an adult okey?"
"Sure."
Ang tanging naisagot ko sa kanya.
Nang makarating kami sa dulong bahagi ng resort ay agad naming inuksan namin Nipa Hat. Maayos naman sa loob may maliit na sala, may dalawang papag na higaan, may maliit na kusina at mayroon ding banyo. Binuksan namin ang dalawang bintana sa gilid para maging maaliwalas sa loob. Inayos namin ang aming mga gamit at dalang pagkain. May dala nga palang mini cooler si Bea kung saan nakalagay ang sari-saring inumin. Inilabas din niya ang baon naming pagkain at iba pang snacks.
"Magpalit ka na. Masarap magbabad sa dagat dahil maaga pa."
Utos ni Bea sa akin kaya't nagpalit na ako. Sinout ko ang plain black two piece na ipinadala sa akin ni Mommy. Binili niya sa akin 'to ng minsang mag shopping kami.
Agad akong inasar ni Bea ng makalabas ako ng banyo.
"Sigurado akong may mabibingwit kang pogi mamaya o kaya ay Papa de Asukal."
Nang-aasar na sambit nito habang tumatawa. Well sanay na naman akong magsout ng ganito. I have a well shaped body naman dahil nag ggym ako kaya hindi ako nahihiyang magsout ng ganitong klase ng damit.
"Tumigil ka nga. Mabuti pa magpalit ka na din para makapag swimming na tayo."
Saway ko sa kanya habang tinutulak tulak ko siya papunta sa banyo.
Pagkalabas niya ay naglagay kami ng sunblock sa katawan pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng Nipa Hat at dumiresto sa dagat. Maraming lalaki ang napapatingin sa amin habang naglalakad.
"Lakas maka agaw atensiyon ng body mo girl."
Pangungulit ni Bea.
"Ikaw kaya ang tinitingnan hindi ako."
Sagot ko naman sa kanya habang tumatawa.
Nang nasa tubig na kami ay saglit akong sumisid pailalim pagkatapos ay agad din akong umahon.
Buti na lang talaga at dito kami nagpunta. This place is very relaxing. Puti ang buhangin at napakalinaw ng tubig na ultimong maliliit na isda mula sa ilalim ay kitang kita, puro puno din ang paligid kaya napakalamig ng paligid. Maraming tao ang naliligo at may turista ding mangilanngilan.
Mga 9 o'clock ay umahon kami ni Bea para kumain. Nang papunta na kami sa aming Nipa Hat ay nakatinging muli ang lalaking nakatingin kanina. I don't know kung sino man ang tinitingnan nito sa aming dalawa ni Bea. Nang magkasalubong ang aming mga mata ay kinabahan ako bigla dahil mariin nakatitig ito sa aming dalawa kaya't dali-dali kaming naglakad papasok sa Nipa Hat. What's wrong with that man.
After naming kumain ng snacks ay napagpasyahan muna naming magpahinga habang nagkukwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay, umiinit na din kasi at balak naming mamayang hapon na lang ituloy ang pagliligo sa dagat.
Pagkatapos kumain ng launch ay natulog kami. Mga 6pm na ng sabay kaming magising ni Bea. Pagkatapos kumain ng dinner ay nagpahinga lang kami saglit at maya maya pa napagpasyahan ulit naming maligo sa dagat.
Mga 8pm ay umahon kaming muli at kumain ng snacks. Nagpaalam si Bea na she will take a nap kaya't ako na lang mag-isa ang muling lumabas sa Nipa Hat at patuloy na naligo sa dagat. Nang makaahon ako ay nakita kong nag-aabang sa daraan ko yung lalaking kanina lang ay tinitingan kami. What's wrong with him. Kinabahan ako sa tuwing tumititig ito sa akin.
Umiba ako ng daan ng makaahon ako. Binilisan ko ang aking paglalakad pero naabutan pa rin ako nito. Mas lalo akong natakot ng makalapit siya sa akin.
"Mind joining me miss?"
Nakakalokong tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa aking katawan. Pervert.
"I'm sorry pero hinihintay na 'ko ng kaibigan ko."
Pagdadahilan ko baka sakaling tigilan ako.
Gusto ko ng dumaan pero hinaharangan niya kung saan gusto kong dumaan na naging dahilan para mas matakot ako. I know he has a bad plan on me. The way he speaks makes me nervous.
"Samahan mo na 'ko. Madali lang tayo."
Sabay haplos nito sa braso ko ng makalapit ito dahilan kung bakit nagsitindigan ang mga balahibo ko. Pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at pilit na hinihila sa kung saan.
"Ano ba nasasaktan ako. Bitawan mo nga ako."
Galit kong sambit dito habang pilit na kinakalas ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.
"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka sumama."
Pagpupumilit nito.
Halos maiyak na 'ko sa higpit ng pagkakahawak niya.
Mayamaya pa ay binuhat na niya ako. Wala akong nagawa dahil mas malakas siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kanyang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa katawan ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko kaya't nagsisigaw ako habang sinusuntok ang kanyang likuran.
Patuloy ang aking pag-iyak. Iniisip kung ano ang pwedeng mangyari. Dinala niya ako dulong bahagi ng dagat na sa tingin ko'y wala masyadong nagagawing tao roon.
Marahas niya akong ibinaba sa buhanginan at dahan dahan siyang lumalapit sa akin habang ako naman ay putuloy na umuurong sa likuran. Takot na takot ako sa pwedeng mangyari habang patuloy akong umiiyak. Bago pa man niya ako malapitan ay mga kamaong tumama sa kanyang mukha. Hindi ko makilala kung sino ang lalaking dumating dahil sa luhang patuloy na umaagos mula sa aking mata.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung walang taong dumating para tulungan ako. Sigurado akong binastos na ako ng lalaking yun.
Nang hindi na makatayo ang lalaki kanina ay nilapitan ako ng lalaking dumating para tulungan ako. Nagulat ako ng magsalita ito at nakilala ko kung sino iyon.
"Are you okey?"
Tanong nito ng may pag-aalala.
Nagulat ako ng marinig ang boses ng magsalita ito. Nang iangat ko ang aking mukha at tingnan ito.
It was Dave Arkiel. Yumakap ako rito at lalong humagulgol ng iyak.
Niyakap naman niya ako pabalik habang hinahaplos ang aking likuran.
"Shhh. It's okey. Wala na yung lalaki kanina."
Sambit nito.
Nang kalasin ko ang pagkakayakap ko sa kanya ay masuyo niya akong tiningnan. Hinubad niya ang sout niyang t-shirt at ipinasuot niya sa akin. Pagkatapos ay inalalayan niya akong tumayo at sabay kaming naglakad palayo sa lugar na iyon.