Allysa Chloe Hernandez
Natigil ang nararamdam kong kaba ng magsalita si Mommy.
"Dinner is ready Mr. and Mrs. Enriquez. Let's eat first. We can talk other things naman over dinner. So let's go?"
Nakangiting anyaya ni Mommy sa aming mga bisita.
Agad naman silang sumang-ayon, tumayo at naglakad papunta sa dining area habang nakasunod ako sa kanilang hulihan ganoon din si Dave Arkiel na para bang napipilitan lang sa ginagawa niya.
Si kuya naman ay halos kasabay ko lang na naglalakad habang nakangisi. I know gustong gusto na 'ko nitong asarin dahil sigurado akong nahahalata niyang kinakabahan ako. Hindi niya lang magawa dahil mayroon kaming mga bisita.
Pagdating sa dining area ay naunang umupo sila Mommy at Daddy at ang mag-asawang Enriquez.
Uupo na sana ako sa upuang katabi ni Mommy ng biglang lumapit si Dave Arkiel at ipinaghila ako ng upuan. What a gentlemen o baka naman nagpapa impress lang.
"Thanks."
Ang tanging nasabi ko sa kanya habang nakangiti.
Ngumiti naman siya pabalik.
Napansin kong saglit na napatawa si kuya. Talagang nang-aasar siya. He really knows how to pissed me off.
Sa inis ko ay sinipa ko ang kanyang paa mula sa ilalim ng mesa nang makaupo na ako. Napangiwi naman siya at sinamaan ako ng tingin. Tss he deserve that.
Habang kumakain ay kung ano ano ang kanilang pinag-uusapan. Mga bagay na tungkol sa negosyo. Nakikisali sa usapan sila kuya Allen at Dave Arkiel samantalang ako ay nanatiling tahimik lamang.
Pagkatapos kumain ay nanatili kami sa dining area habang sila ay nagkwewentuhan.
"Allysa did you already met my son? Pareho kayo ng university na pinapasukan right?"
Tanong ni Mr. Enriquez ang daddy ni Dave Arkiel
"We already met Dad sa isang meeting sa school."
Sagot ni Dave Arkiel sa daddy niya.
"That's great. Hmn. Teka bakit hindi muna kayo mag-usap dalawa. Para makilala niyo pa ang isa't-isa."
Nakangiting suhestiyon ng daddy ni Dave Arkiel.
"That's right anak. You can tour him in our house."
Dagdag pa ni Mommy na sinang ayunan naman ng lahat.
"Sure."
Nakangiting sambit ko sa kanila habang nakangiti. Tumayo na ako sa aking upuan gayundin si Dave Arkiel. Well I have no choice kundi ang sundin sila.
Nauna akong naglakad at sumunod naman siya. Nang makarating kami sa pool area ay agad akong naupo sa mga upuang naroon.
"I really hate this."
Sabi niya habang sinisipa sipa ang maliliit na bato sa may gilid ng mahabang upuan na malapit sa pool.
Alam ko nais nyang iparinig sa akin ang mga salitang iyon.
"Hate what?"
Mabilis na sagot ko sa kanya pagkatapos ay tiningnan ko siya.
"This fixed marriage thing. Dapat ay hindi ito matuloy.
I already have a girlfriend and I really love her so much."
Sagot niya.
Yeah I get it. So hindi lang pala ako ang may ayaw ng ganitong set up.
I know na kahit hindi nila sabihin kung ano ang kanilang pinag-uusapan it is really obvious that they planning the future of us. Na ipinagkakasundo na nila kami.
"Same I never wanted this kind of set up."
Ang naging sagot ko sa kanya.
Dahil kahit ako hindi ko gusto 'to. Noon pa man I already told to myself that kung bibigyan ako ng pagkakataon na maikasal sa tamang panahon at pagkakataon. I wanted it to be to the man that I truly love. Hindi yung tulad nitong marriage for convenience. Nasaan ang love doon kung ganito ang mangyayari?
"Let's make a plan then?"
Suhestiyon niya.
"Sure. We can talk about the plan but not here. Baka marinig nila tayo. Mahirap na."
Paliwanag ko sa kanya.
"Sure but please try tell to your parents that you don't want this kind of set up. I will also try to talk to my parents.
Do your part and I'll do mine.
And if these thing won't work.
Let's meet to make a better plan."
Saad niya habang nakatingin sa akin. With this kind of attitude na meron siya sigurado akong magkakasundo kami. We need to work out these things dahil kung hindi ay pareho kaming magsusuffer sa consequences ng actions na ginagawa ng aming mga magulang and I don't want that to happen.
Pasado alas otso na ng gabi ng umuwi ang pamilya Enriquez.
Masayang nagpaalam ang mag-asawa kina Mommy at Daddy. Nang tuluyan ng nakaalis ang aming bisita ay agad 'kong kinausap ang Mommy at Daddy.
"Mom, Dad I know that you are planning to set me to the fix marriage to the son of Mr and Mrs. Enriquez please wag niyo na pong ituloy. Alam ko na mabuti ang kanilang pamilya but Dave Arkiel said that he already have a girlfriend at mahal na mahal niya ito. Ayaw ko din naman pong sirain ang relasyong mayroon sila. I don't want to be a burden to the girl that he love. Kaya please, wag niyo na lang pong ituloy."
Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"But it's all about your future anak. Ginagawa namin 'to para sa kinabukasan mo and also the Enriquez family already agreed to that at hindi na mababago yun. Hindi mo man siya mahal ngayon but I m sure in 2-3 years you will learn to love him. Katulad na lang ng nangyari samin ng Mommy mo. Isa pa hindi naman kayo ikakasal kaagad. We will give you enough time para makilala niyo pa ang isa't-isa. Love takes time and you already know that."
Paliwanag naman ni Daddy
Hindi na ako nagsalita pa dahil sigurado akong pagtatalunan pa namin ang isyung yun. For this time, I just want to rest dahil andaming nangyari sa araw na ito.
"Sige po Mom, Dad akyat na po ako sa taas. Good night."
Paalam ko sa kanila pagkatapos ay binigyan ko sila ng tig isang halik sa pisngi at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto.
Nang makarating ako sa aking kwarto ay inayos ko ang mga naiwang gamit ko kanina.
Pagkatapos ay nahiga ako sa kama at ipinikit ang aking mata para matulog na.
Martes kinabukasan at suspended pa rin ako. Hindi ako magcocommunity service dahil na rin sa nangyari noong nakaraang linggo kumuha na rin sila Mommy ng taong pwedeng bayaran para magtrabaho sa school bilang parte ng suspension activities ko.
Pagkatapos kumain ng agahan ay nagpasya akong maglinis ng aking kwarto dahil wala akong gagawin maghapon. Pagkatapos ay lumabas ako at namasyal sa pinakamalapit na parke sa aming village. Natapos ang ikalawang araw ng aking suspension at may 3 araw pang susunod.
Natapos ang isang linggo kong suspension na tambay lang ako sa loob ng bahay. Saturday kinabukasan at inaya akong beach ni Bea. Kaming dalawa lang dahil marami raw akong dapat ikwento sa kanya tungkol sa nangyaring dinner ng mga Enriquez sa aming bahay. Hindi ko pa rin kasi naiikwento sa kanya ang nangyari dahil sa mga nagdaang araw ay binigyan ko ang aking sarili na makapag isip isip sa mga bagay na nangyayari sa akin.