Chereads / Melody to my music / Chapter 1 - Chapter 1: Encounter

Melody to my music

🇵🇭Sena_Elli
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Encounter

Raga's POV

Dali-dali akong umuwi sa bahay ng mapansin ko ang oras at late na naman ako sa klase ko. Hindi na ako nakapag paalam sa binabatayan kong tindahan dahil sa sobrang pagmamadali ko.

"Ra!" sigaw ng kaibigan ko mula sa labas ng bahay ko.

"Teka lang bigyan mo ko ng 5 minutes!" sigaw ko ng pabalik sa kanya.

Agad akong kumilos para hindi na mag antay si Gelo sa labas. Ganito kami lagi ni Gelo tuwing umaga kung hindi siya ang nag aantay sa akin ako ang nag aantay sa kanya.

Nang matapos ako maligo ay agad akong nag bihis at inihanda ang mga dadalhin ko. Hindi na ako kumain dahil late na nga kaming dalawa.

"Tara na napaka bagal mo talaga kahit kailan," usal niya.

"Wow, sensya na ah napaka early bird mo kasi eh," pang aasar ko sa kanya.

"Dalian na nga natin marami na namang tao sa sakayan niyan bagal mo kasi eh," reklamo nito.

At hindi nga nag kamali si Gelo napakarami ngang tao.

"Malalagot na naman tayo nito, pre," usal niya.

Nang may dumating na jeep dali-dali kaming nakipag siksikan ni Gelo para makasakay na.

"Ano ba kuya nasisiko mo na ako, aray!" reklamo nung isang babaeng nakikipag siksikan din.

Walang pumapansin sa pag rereklamo niya dahil sa pag mamadali ng mga tao na makasakay.

Bigla siyang sumigaw nang malakas nakuha na nga niya ang atensiyon na gusto niya.

"Ayon lumuwag din."

Umakyat na siya sa jeep at umupo sa pinakaunahan.

Sumunod naman kami ni Gelo na umakyat di pa rin nakaka recover 'yung mga taong nasigawan ni ate kanina.

"Luh baliw ka te?" asar na tanong ni Gelo.

Bakas sa mukha ni ate ang gulat at inis dahil sa tanong ni Gelo. "Sinong sinasabihan mo ng baliw, ha?"

"Huwag mo na lang pansinin tong kaibigan ko te, pasensya na," pag sabat ko sa kanilang dalawa.

"Siraulo ka talaga Gelo ipapahamak mo pa talaga tayo eh. Late na nga tayong dalawa," bulong ko sa kanya.

"Para kasing baliw eh biglang sumisigaw."

Nagsimula na ring umadar ang sinasakyan namin. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan ko na lang siya.

Napalingon ako sa babaeng sumigaw kanina at ngayon ko lang napansin na parehas lang pala kami ng pinapasukan na school. Tahimik niyang pinagmamasdan ang kalsada habang naka suot ang kanyang earphone.

Bigla siyang lumingon sa inuupuan ko at tumitig sabay inirapan ako na ikinigulat ko.

"Problema non," bulong ko sa sarili ko.

"Ano pre may sinasabi ka ba?" tanong ni Gelo.

"Wala pre," usal ko.

Huminto ang sinasakyan namin at tinapik ako ni Gelo na bumaba na kaming dalawa.

Pinapasok kami agad ng guard dahil alam niyang palagi kaming late.

"Hindi na 'to mauulit sa susunod, last na 'to ha?!" sigaw niya sa amin at tumakbo na kaming dalawa.

"Ra, 8:30 na pala tapos na yung first class," hingal na sabi ni Gelo.

Nang malapit na kami nakasalubong namin ang teacher namin.

"Good morning, Mr. Buenaventura and Mr. Gomez my favorite students late na naman kayo. I want your parents or guardian tomorrow no excuses."

"Pero ma'a—"

"No but's Mr. Buenaventura. I don't want to hear you're excuses."

Hindi ko na lamang sinagot si ma'am dahil mapapahamak lang ako lalo. Napansin kong gumalaw ang direksyon ng mata ni ma'am sa gilid ko

"And for you Ms. Santiago, papalampasin ko 'to ngayon dahil kakasimula mo pa lang dito ayoko na itong maulit pa, understood?" usal ni ma'am.

"Yes po ma'am," tugon niya.

"Magsipasok na kayo mag ummpisa na 'yung next class niyo."

Dali-dali siyang naglakad papasok nang

classroom para mauna sa amin.

"Galing kaklase pala natin 'yung baliw na sumigaw sa jeep," usal ni Gelo.

Hindi niya kami pinansin at nakapasok na nga siya sa loob.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.