Chereads / Melody to my music / Chapter 7 - Chapter 7: Gig (1)

Chapter 7 - Chapter 7: Gig (1)

Prudence's POV

Nakatulog pala ako at hindi ko na alam kung anong oras na, madilim na rin ang paligid mukhang gabi na.

Nag text na rin pala si Adrian kung saan at anong oras ako pupunta mamaya, mabuti na lang at 9 pm pa ako pupunta.

6:30 na rin pala kaya gumayak na ko para sa hapunan ko para naman hindi ako mag habol mamaya pag aalis na ako.

Wala namang bago ako pa rin mag isa dito sa bahay kasama si Sugar hindi naman ako nabuburyong kasi kasama ko naman si Sugar.

Sinalang ko na 'yung sinaing ko para madaling maluto agad kung tatanungin niyo ako bakit hindi ako sa rice cooker nag saing para madali dahil wala akong rice cooker dito sa bahay.

Nag bukas muna ako ng social media ko dahil hindi ko pa 'to nabubuksan simula ng makauwi ako kagabi galing sa gig.

Sunod-sunod ang notification pagkabukas ko palang ng social media acc ko 'di ko alam kung saan 'yung tumutunog.

Una kong binuksan ang message ko dahil napakaraming na palang nag chat sa akin.

Unang-una kong nakita ay ang message ni Raga.

'Di pa ako sigurado kung bubuksan ko 'yung chat niya nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa ko kanina.

Tanga-tanga mo kasi Prudence eh nakakahiya tuloy.

Aishhhh!!!

4:50 PM

Uhm hi Den hehe

Sorry pala kanina nabigla lang ako

Ayoko namang maging awkward ka sakin

Hehehehe

Read 6:50 PM

Hala okay lang 'yon sorry din

tinakbuhan kita kanina hehe

Nahiya kasi ako kaya natakbuhan kita

Bawi na lang ako sa'yo sa susunod hehe

Sent 6:55 PM

Pinikit ko ang mga mata ko habang sinesend ang reply ko sa kanya buwis buhay 'tong ginagawa ko ngayon.

Pag tapos kong replyan si Raga ay pinagpawisan ako ng malala para akong sumabak sa paligsahan ng takbuhan.

Tumayo na ako agad at inasikaso ko na rin  ang uulamin ko ngayong gabi.

---------

Natapos na kong gumayak at mag linis sa bahay hindi ko namalayang alas 8 na rin pala sakto lang din pala pag kilos ko kanina at mukhang maaga pa.

Maaga na lang ako aalis para naman hindi ako gahol sa oras.

Kinuha ko na ang gitara ko at iba pang kakailanganin ko para sa gig, iniwanan ko na rin ng makakain at tubig si Sugar para kung sakaling gutumin siya at mauhaw eh meron na siyang nakahanda.

Umalis na agad ako sa bahay para mapaaga pa ang pag punta ko sa venue baka rin kasi traffic ganitong oras pa naman marami ng tao pauwi kaya ma traffic.

-------------------

8:50 na ako nakarating sa venue dahil sa traffic at 10 mins na lang ay magsisimula na akong kumanta.

*Ringggg*

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon ko para masagot ko ang tumatawag.

"Hello, Den nandiyan ka na ba?"

"Oo, Adrian nandito na ko kakarating ko lang din eh traffic kasi."

"Ganon ba? Galingan mo mamaya ha break a leg!"

Agad kong pinatay ang tawag para makapag ready na ko.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.