Chereads / Melody to my music / Chapter 6 - Chapter 6: Him

Chapter 6 - Chapter 6: Him

Prudence's POV

Wala kaming pasok ngayon dahil vacant namin mabuti na rin 'yon para may pahinga kami sa isang linggo.

Wala rin naman akong gagawin ngayong araw kaya naisip kong dito na lang ako sa bahay para makapag bonding kami ni Sugar.

Si Sugar ay alaga ko na simula noong namatay ang mga magulang ko grade 7 pa lang ako ay kasama ko na siya, tanging si sugar na lang ang pamilya ko.

Lagi ko siya iniiwan kay Aling Baby pag aalis ako o di kaya pag papasok ako sa school, iniiwanan ko na lang ng pagkain si Sugar kay  Aling Baby.

Tatayo na sana ako para makapag almusal na rin at makaoag linis ng bahay ko nang biglang nag ring ang cellphone ko.

"Hello?" sambit ko pagka sagot ko sa tawag.

"Den ikaw ba 'yan? si Adrian 'to."

"Oh, Adrian napatawag ka ano atin?"

"Ano kasi busy ka ba ngayon? may racket kasi ako ngayon balak ko sanang ibigay sa'yo kasi 'di ko mapupuntahan ngayon. Ano g ka ba?"

Natahimik kaming dalawa at mukhang inaantay niya kung anong isasagot ko sa kanya.

"Den nandiyan ka pa ba? hello?"

"Nandito pa ko, pinag iisipan ko pa. Anong oras ba 'yan tsaka saan?"

"Text ko na lang sa'yo kung anong oras tapos saan may gagawin din kasi ako eh."

"Oh sige pupunta ako mamaya. I-text mo ha 'wag mo kakalimutan."

"Oo hindi ko kakalimutan, bye."

Agad akong tumayo matapos naming mag usap ni Adrian dahil anong oras na rin at mukhang gutom na ang alaga kong aso na si Sugar.

Matagal ko nang kaibigan 'yan si Adrian hindi ko na nga rin tanda paano kami nagka kilala dahil sa sobrang tagal na rin.

Si Adrian ang taga salo ko sa lahat ng bagay simula noon kaya 'di ko siya magawang tanggihan.

Nang mawala ang magulang ko si Adrian na tumulong sakin para maka survive ako sa isang araw.

Binibigyan niya ako ng racket minsan naman mga grocery kaya laking pasasalamat ko sa kanya dahil kung wala siguro sa kanya wala na ako dito ngayon.

"Den!" sigaw ni Aling Baby sa labas ng bahay.

Agad akong lumabas ng bahay para tignan kung ano kailangan ni Aling Baby sumunod naman sakin si Sugar palabas.

"Nagising ba kita? pasensya na kung nagising kita. May niluto kasi akong ulam naparami 'yung luto ko kaya heto bibigyan kita para 'di ka na rin gumastos pang ulam mo," paliwanag ni Aling Baby sa akin habang inaabot ang niluto niyang Menudo.

"Nako, Aling Baby wala po 'yun gising na rin naman ako kanina pa ngayon lang ako bumangon salamat po pala dito sa ulam hehehe."

"Oh siya sige na kumain na kayo ni Sugar anong oras na rin."

Agad na umalis si Aling Baby at pumasok na rin kami ni Sugar.

"11:00 na pala Sugarrr anong oras na naman tayo kumain ng almusal ay tanghalian na pala," reklamo ko sa aso ko habang si Sugar ay nakatingin lang sa akin.

Kumain na rin ako para mapakain ko na rin si Sugar, mag grocery na muna ako ngayon bago ako mag linis dito sa bahay wala na pala akong stock ng pagkain.

---------------

Nang matapos ko pakainin si Sugar ay agad kong kinuha ang wallet ko para makapag grocery na ko.

Omg ngayon ko lang naalala hindi ko na pala nakausap si Raga kagabi dahil sobrang pagod ko.

Nakakahiya naman kung ichachat ko siya ngayon baka sabihin niya papansin ako.

Alam ko na pag nag kita na lang kami tsaka ko sasabihin pag nag kita kami hahahaha! tama ang galing mo talaga, Prudence!

Hindi ko na namalayan kung saan ako nakarating dahil sa pag iisip ko kay Raga.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Raga na mukhang malalim din ang iniisip.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad kong narinig ang pangalan ko, "ano na kayang nangyari kay Prudence kagabi, sana okay lang kinalabasan ng gig nila kagabi."

Nabigla ako sa sinabi niya dahil iniisip niya pala 'yung tungkol sa gig namin kagabi.

"Bakit naririnig ko pangalan ko? Ikaw, R ah miss mo agad ako?" sigaw ko mula sa kanyang gilid at agad siyang lumingon sakin.

Bigla siyang namutla na para bang multo ang nakita niya sa ganda ko ba namang 'to sino bang 'di magugulat diba.

"Oh, para kang naka kita ng multo diyan?" matawa-tawang tanong ko sa kanya.

Hindi kumikibo si Raga at mukhang hindi pa rin nakaka recover sa pagka gulat niya.

Nilapitan ko ang mukha niya para kausapin niya ko. "May dumi ba sa mukha ko?"

Biglang namula ang mukha at tenga ni Raga na siyang pinagka bigla ko, "w-wala naman."

Nauutal pang mag salita si Raga dahil sa pagka bigla.

"Hala! bakit namumula mukha pati tenga mo, R?!" exaheradong sabi ko sa kanya at bigla kong hinawakan ang mukha niya.

Napahinto kaming dalawa dahil sa ginawa ko ilang minuto bago ko ma realize ang ginawa ko.

Naramdaman ko na mas lalong uminit ang kanyang mukha at para bang sasabog na siya.

Hindi maalis ang titig niya sa mga mata ko na siya namang kinabigla ko. Agad kong binitawan ang kanyanh mukha mula sa pagkakahawak.

"A-ah m-mauna na ko, R. I-ingat!" utal kong sabi at agad akong tumakbo paalis.

Hindi ko na nilingon si Raga dahil sa hiya ko sumakay na ako ng jeep para makapunta na sa grocery.

------------

Nakauwi na ako sa bahay at wala ako sa sarili ko ng mag grocery ako kanina, hindi ko alam kung nabili ko ba lahat ng kailangan namin ni Sugar.

Ano ba naman kasing ginagawa mo kanina Prudence? para kang siraulo kanina nakakainis!

Inayos ko na ang mga na ang mga pinamili ko dahil anong oras na rin pala.

Tinamad na akong mag linis ng bahay dahil hapon na rin ako nakabalik galing mag grocery.

Mag papahinga na lang ako siguro ako ngayon dahil may racket ako mamaya.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.