Raga's POV
Kakatapos ko lang mag bantay ng tindahan at gagayak na ko para pumunta sa tambayan namin. Ang usapan kasi namin mga 11:30 ng tanghali kami magkikita-kita sa tambayan.
Wala kaming pasok ngayong martes dahil vacant namin. Mabuti na rin 'yon para matuloy ko na rin 'yung sinusulat kong kanta.
Simula nang makarating ako sa bahay kagabi hindi na ulit kami nakapag usap ni Prudence ulit. Inaabangan ko pa naman kung anong nangyari sa gig niya kagabi.
Alam ko na iniisip niyo, 'wag kayong malisyoso at malisyosa. Linawin ko lang gusto ko lang naman malaman kung anong kinalabasan nang gig nila, 'yun lang 'yon okay?
Teka, bakit nga ba ako nag nagpapaliwanag eh wala naman dapat ipaliwanag sa sinabi ko?
Natapos na rin akong gumayak at umalis na rin ako ng bahay dahil 11:00 na rin.
Nag lakad lang ako papuntang sakayan mabuti na lang at 'di gaanong mainit ngayon kaya okay lang na mag lakad.
"Ano na kayang nangyari kay Prudence kagabi, sana okay lang kinalabasan ng gig nila kagabi."
"Bakit naririnig ko pangalan ko? Ikaw, R ah miss mo agad ako?" agad akong napalingon sa gilid ko ng bigla siyang mag salita.
"Oh, para kang naka kita ng multo diyan?" matawa-tawang sabi niya sa akin.
Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya dahil sa gulat ko.
Mas lalo niyang nilapitan ang mukha ko na para bang may mali. "May dumi ba sa mukha ko?"
Agad namula ang mukha ko at ramdam kong uminit ang mga tenga ko, "w-wala naman."
"Hala! bakit namumula mukha pati tenga mo, R?!" exaheradong sabi ni Prudence at bigla niyang hinawakan ang mukha ko.
Pareho kaming napahinto dahil sa ginawa niya at mas lalo akong napa titig sa brown niyang mata na para bang inaakit ka nito na titigan mo siya.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya, hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko.
Kinakapos ako ng hininga, ano bang nangyayari sa'kin?
Napansin kong namula ang kanyang mukha at binitawan niya agad ang mukha ko mula sa pagkakahawak niya.
"A-ah m-mauna na ko, R. I-ingat!" utal niyang sabi at agad siyang tumakbo paalis.
"Raga anong ginagawa mo?" tanong ko sa sarili ko nang makaalis si Prudence.
Ano ba 'yong ginawa ko nakakahiya, paano ko na lang haharapin si Prudence.
Bakit nahirapan ako huminga? bigla na lang din bumilis tibok ng puso ko kanina. Ano bang nangyayari sakin?
Hindi ko na lamang pinansin at nag madali na akong sumakay sa jeep dahil late na pala ako.
Mabilis lang ang byahe dahil walang traffic.
Agad akong nakarating sa tambayan namin at nandoon na pala silang lahat.
"Ra! late ka na naman, kahit kailan ka talaga. Naunahan ka pa tuloy ni Gelo," kunot noong sabi sakin ni Zid.
"Well," pagmamayabang ni Gelo.
Napakamot na lang ako ng ulo at agad akong niyaya ni Jay papasok sa loob.
Nag umpisa na rin kaming mag usap-usap tungkol doon sa pinag usapan namin kahapon nung tatlong bokalista.
Pumayag naman silang dalawa at inumpisahan na rin naming mag plano kung kailan kami mag practice para sa bagong kanta na ilalabas namin.
"Since 'di pa tapos ni Raga 'yung kanta bigyan na lang natin siya ng palugit para matapos niya," paliwanag ni Jay sa aming tatlo.
Si Jay ang taga ayos ng schedule namin para hindi magka gulo-gulo 'yung mga gagawin namin samantalang si Zid naman taga bigay ng pagkain namin pag break na.
Hanggang ngayon nag tataka pa rin ako bakit ganon naging reaksyon ko kay Prudence kanina.
Ang ganda nang ngiti niya kanina para bang nag slow motion 'yung nasa paligid namin. Lalo na 'yung mga mata niya ang sarap titigan hinding-hindi ka magsasawa.
"Ra!" sigaw ni Gelo sa akin.
Napahinto silang tatlo sa ginagawa nila at tinitigan ako. "May problema ka ba, Ra?"
"Ako? wala naman, bakit?" naka kunot ang noo nila, mukhang hindi sila kumbinsido sa sagot ko.
"Hindi kami naniniwala. Kanina ka pa namin tinatawag ilang beses ka na namin sinigawan 'di ka pa rin nakikinig," usal ni Zid.
"Wala ng akong problema may iniisip lang ako 'wag niyo ako intindihin."
Nagka tinginan silang tatlo at agad na tinuloy ang ginagawa nila, na pa buntong hininga na lamang si Jay dahil sa sagot ko.
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.