Chereads / Melody to my music / Chapter 4 - Chapter 4: New friend

Chapter 4 - Chapter 4: New friend

Raga's POV

Nang maka alis ako sa abandunadong building ng school namin ay dumiretso agad ako sa cafeteria at hinahanap si Gelo.

Nang makita ko siyang nakaupo sa gitnang bahagi ng lamesa ng cafeteria may iba siyang kasama at agad ko siyang tinawag, nilingon niya ako at kinawayan.

"G*go ka, pre. Kung saan-saan ka nagpupunta, ano ba ginagawa mo ro'n? tanong niya sakin habang paupo.

"Nag muni-muni lang ako doon 'di ko namalayan 'yung oras. Sino nga pala 'tong mga 'to?" pagpapaliwanag ko at agad kong iniba ang usapan para hindi na siya mag tanong pa.

"Ah oo nga pala, ito nga pala si Mike, Andres, at Cy. May mga banda rin sila, mga vocalist sila sa banda nila, eh nalaman kong tumutugtog sila sa mga event bukod sa resto bar. Kaya naisip ko na baka sa susunod na may event silang papasukan isabit tayo, total minsan lang naman tayo tumugtog."

"Ngayong buwan kasi wala pa tayong schedule kaya baka lang pwede nila tayo isabit," paliwanag ni Gelo.

Si Gelo kasi ang taga arrange ng mga gig ng banda namin, kung hindi dahil sa kanya wala kaming mapapasukan na gig.

"Eh na sabi ko rin sa kanila na gumagawa ka ngayon ng bagong kanta baka raw pwede nating kantahin 'yon sa susunod na event na papasukan nila," dagdag niya.

May mga nagagawa akong kanta pero hindi ko siya natatapos, nahihirapan ako sa kasunod kaya kahit isang kanta wala kaming na produce.

Sumusubok naman 'yung mga ka banda ko pero gano'n din problema nila hindi rin nila alam kung ano ang magiging kasunod.

"Mukhang maganda 'yan ah, kailan ba 'yung susunod niyong event? Para matapos ko na 'yung kanta, unang beses namin kasi maglalabas ng kanta kaya pinag-iisipan ko pa," tanong ko sa kanilang tatlo.

"Baka mga December pa ulit, Ra. Wala kasing mga event ngayon pag ganitong mga buwan, may mga maliit na event na paparating sa ber months pero kaunti lang din pumupunta ang pinaka big event sa December pa," paliwanag ni Cy.

"Doon na lang kayo pumunta mas maraming tao pupunta do'n. Sabi niyo nga na unang beses niyong maglalabas ng kanta kaya mas maganda na doon niyo i perform 'yon," dagdag ni Andres.

Nagka tinginan kami ni Gelo at mukhang hindi niya rin alam kung anong isasagot niya.

Nag labas ng papel si Mike at ibinigay ito sa akin, "Ito contact number naming tatlo kung may tanong kayo dito niyo kami tawagan o i-text. Nandito na rin 'yung ibang information kung saan niyo pa kami pwedeng kausapin."

Hindi na rin sila nag tagal at tumayo na sila para mauna sila bumalik sa kanilang room dahil malapit na klase nila.

"Anong plano natin nito?" tanong ni Gelo habang naka titig sa papel na binigay nung tatlo kanina.

Hindi ko agad siya sinagot dahil pinag iisipan ko pa kung anong susunod naming gagawin.

"Ra, nandiyan ka pa ba? hello?" tawag niya sa akin.

"Oo baliw nandito pa ako. Iniisip ko kasi kung ano susunod natin gagawin."

"Oh anong plano mo?"

"Bukas mag kita tayong apat sa tambayan para makausap din natin 'yung dalawa. Mas maganda na alam din natin kung ano opinyon nila, wala naman tayong pasok bukas 'no?" paliwanag ko sa kanya.

"Oo wala vacant natin bukas eh."

Inubos na rin namin ni Gelo ang pagkain namin at sumunod na rin kami ni Gelo sa ibang estudyante dahil baka ma late na naman kami.

Mabilis na lumipas ang oras at 'di na namin namalayan na tapos na ang klase namin para sa araw na 'to.

Hindi kami nag sabay pa uwi ni Gelo dahil may pupuntahan pa raw siyang importante kaya hinayaan ko na lang.

Nauna na akong umuwi para makapag pahinga na rin dahil may trabaho pa ako bukas.

Alas sais na ng gabi at marami ng tao sa mga sakayan dahil rush hour na naman.

Pagka sakay ko ng jeep ay nakita kong naglalakad si Prudence at may dala-dala siyang gitara.

Tatawagin ko pa sana siya kaso mukha siyang nagmamadali at naka earphone na rin kaya hinayaan ko na lang.

Akalain mo nga naman ang pagkakataon may banda rin pala siya. Sa unang tingin aakalain mong hindi siya interesado sa mga gano'ng bagay pero sabi nga nila don't judge the book by it's cover.

Hindi agad naka usad agad ang sinasakyan ko dahil traffic. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko para libangin ang sarili ko mukhang matagal pa 'to makakausad.

Pagka bukas ko ng aking facebook ay agad bumungad sakin ang friend request ni Prudence.

"Prudence Santiago" bulong kong sabi habang tinitignan ko ang kanyang friend request.

Agad ko namang 'to inaccept at biglang tumunog ang messenger ko.

Hi, R!

Read 6:25 PM

Uy Den, ikaw pala 'yan. Ikaw ha

inistalk mo ako no?

Read 6:27 PM

Hala hindi HAHAHAHAHA nakita

ko lang fb mo kaya inadd na kita.

Read 6:29 PM

Sus! kunwari ka pa.

Read 6:31 PM

Hindi nga promise HAHAHAHAHA

Read 6:33 PM

Ay btw, nakita kita kanina sa may

dala-dala kang gitara. Saan punta mo?

Read 6:35 PM

Ikaw ata 'yung stalker eh HAHAHAHAHA

De joke lang

May gig kami ngayon eh

Actually nandito na ako hehe

Mga 7 pa start namin

Read 6:38 PM

Ow kaya pala

Sana all may gig HAHAHAHAHA

Read 6:39 PM

Aw wala kayong gig nang banda mo?

Read 6:40 PM

Wala pa ngayon eh busy pa

Read 6:41 PM

Aw ganon ba

Later na lang tayo mag usap ha

Mag hahanda na kasi kami hehe

Read 6:43 PM

Ganon ba? sige na galingan mo

Read 6:44 PM

Hindi ko namalayan na naka usad na pala ang sinasakyan ko at malapit na ako sa amin. Nalibang ako sa pakikipag usap kay Prudence ang kulit niya kasi kausap.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.