Chereads / Melody to my music / Chapter 3 - Chapter 3: Knowing each other

Chapter 3 - Chapter 3: Knowing each other

Raga's POV

Nang makapasok kami sa loob ay agad naman kaming na upo ni Gelo sa upuan namin. Tahimik ang buong klase dahil may kanya-kanya itong ginagawa.

Akalain mo nga naman magkaklase pala kami nitong babaeng sumigaw sa jeep.

"Deden!" biglang sigaw nang lalaki mula sa likod mukhang mag kaibigan ata sila.

Napabaling ang atensyon ng lahat sa kanilang dalawa dahil sa lakas ng pagka sigaw nung lalaki sa pangalan ni ateng nakasabay namin sa jeep.

Napakamot nang ulo 'yung babae dahil sa ingay na ginawa nung lalaki.

"Ang aga-aga ang ingay mo, ano ba kailangan mo?"

"Anong maaga pinagsasabi mo late ka kaya," usal niya. Umupo ito sa harapan niya para mag kaintindihan silang dalawa.

"Oo na, ano ba kasing kailangan mo?" tanong niyang muli sa kanya.

"Nakalimutan mo na may gig tayo mamaya 'no? 'di mo dala gitara mo boy," usal ng lalaki sa kanya na para bang alam niya nang mangyayari 'to.

"Hehe balik na lang tayo mamaya sa bahay para sa gitara ko. Nakalimutan kong dalhin nagmamadali kasi akong pumasok."

Agad akong tinapik ni Gelo nang marinig niyang magka banda pala itong dalawa.

Napa buntong hininga na lamang ang lalaki bago siya magsalitang muli. "Ano pa nga ba," mahina niyang usal at bumalik na siya sa inuupuan niya.

Natapos na ang pangatlong klase namin at break na namin. Naisipan kong maglakad-lakad habang bumibili si Gelo ng makakain naming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit 'di ko alam kung saan ako pupunta, sumusunod na lamang ako sa mga paa ko kung saan ako dadalhin.

Hindi ko namalayan na nasa abandunadong building na ako ng school.

Pinagbabawalan kami na pumunta dito dahil hindi na matibay 'yung gusali.

"Sana naman 'di magalit si Gelo sa'kin."

Sa ilang minuto kong pag mumuni-muni may narinig akong boses nag mula 'to sa pinaka huling palapag ng building.

𝘔𝘢𝘺𝘣𝘦 𝘪𝘵'𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘺 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘢𝘺 𝘮𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘦

𝘔𝘢𝘺𝘣𝘦 𝘪𝘵'𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘺 𝘺𝘰𝘶 𝘱𝘭𝘢𝘺 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘨𝘢𝘮𝘦

𝘉𝘶𝘵 𝘪𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘨𝘰𝘰𝘥, 𝘐'𝘷𝘦 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘢𝘯𝘺𝘣𝘰𝘥𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶

𝘉𝘶𝘵 𝘪𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘨𝘰𝘰𝘥, 𝘐'𝘷𝘦 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘥𝘳𝘦𝘢𝘮𝘦𝘥 𝘰𝘧 𝘯𝘰𝘣𝘰𝘥𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶

"Saan galing 'yon?" tanong ko sa sarili ko.

Walang tao dito kaya maririnig mo agad kung sino ang nagsasalita kahit sa pinaka dulong palapag.

𝘈𝘯𝘥 𝘐'𝘷𝘦 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘥 𝘰𝘧 𝘢 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘤𝘰𝘮𝘦𝘴 𝘰𝘯𝘤𝘦 𝘪𝘯 𝘢 𝘭𝘪𝘧𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦

𝘈𝘯𝘥 𝘐'𝘮 𝘱𝘳𝘦𝘵𝘵𝘺 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘰𝘧 𝘮𝘪𝘯𝘦

Hinanap ko kung saan nagmula ang boses na 'yon at patuloy pa rin ito sa pag kanta

Hindi ako mapakali kapag may narinig akong kumakanta para bang may kung anong sumapi sa'kin.

'𝘊𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘐'𝘮 𝘪𝘯 𝘢 𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥 𝘰𝘧 𝘥𝘢𝘯𝘥𝘦𝘭𝘪𝘰𝘯𝘴

𝘞𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘰𝘯𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘮𝘪𝘯𝘦, 𝘮𝘪𝘯𝘦

Patuloy pa rin sa pag kanta ang hinahanap kong boses.

Umakyat ako sa pang apat na palapag ng building at mas lalong lumalakas ang pag kanta ng babae.

𝘈𝘯𝘥 𝘐 𝘴𝘦𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘪𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘦𝘺𝘦𝘴

𝘐 𝘧𝘦𝘦𝘭 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐 𝘴𝘦𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘮𝘪𝘭𝘦, 𝘴𝘮𝘪𝘭𝘦

Habang papalapit ako nang papalit ay palakas nang palakas ang boses nung kumakanta.

𝘞𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘥𝘢𝘯𝘥𝘦𝘭𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦

𝘗𝘳𝘢𝘺𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘎𝘰𝘥 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘰𝘯𝘦 𝘥𝘢𝘺 𝘺𝘰𝘶'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘮𝘪𝘯𝘦

𝘞𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘥𝘢𝘯𝘥𝘦𝘭𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦, 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦

"Wow, ang galing mo pa lang kumanta tapos mag gitara," usal ko habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa kanya.

"Sino 'yan?" sigaw niyang tanong sa akin.

Unti-unti niyang binaba ang hawak niyang gitara at nagsimula na rin siyang hanapin ako.

"Favorite ko 'yang kanta na 'yan Dandelions by Ruth B."

Patuloy pa rin siya sa pag sigaw kung sino raw ako at anong kailangan ko.

"Sorry 'di ko sinasadya na mapakinggan ka napadaan lang ako dito akala ko guni-guni ko lang," usal ko sa kanya habang papalapit na ako sa pinaka dulong classroom nang fourth floor.

"Parang nakita ko na siya nakalimutan ko lang kung saan," bulong ko sa sarili ko.

Nang makalapit ako sa kanya doon ko lang napagtanto kung sino siya.

"Ikaw?!" sigaw naming dalawa.

"Akalain mo nga naman nagkita na naman tayo," usal ko.

"Sinusundan mo ba 'ko, kuya?" tanong nito sa'kin habang pa atras siya nang pa atras.

"Excuse me 'di kita sinusundan anong akala mo sa'kin stalker. Napadaan lang ako dito tapos narinig kitang kumakanta kaya na curious ako, wag kang matakot 'di kita gagalawin," paliwanag ko sa kanya.

Kinuha ko ang upuan sa likuran ng lamesa at umupo ako roon. Hindi na siya kumibo pag tapos ko mag paliwanag, dumistansiya na lamang siya sa'kin na para bang may balak akong masama.

"Huwag kang mag alala wala akong balak sa'yo," paliwanag ko ulit.

Mga ilang minuto kaming natahimik dahil hindi niya ako kinakausap.

Unti-unti na akong tumayo at aalis nang bigla siyang nag salita, "Favorite song mo pala Dandelions?"

"Oo, ganda kasi ng lyrics." bumalik ako sa pagkaka-upo ko at kinausap siya.

"Sorry ah nahiya kasi ako eh naalala ko 'yung nangyari sa jeep kanina hehe," kamot ulo niyang paliwanag sa akin.

"Ah 'yon ba wala na 'yon. So mahilig ka rin palang mag gitara?" pag iiba ko ng topic.

Lumingon siya sa gilid niya at kinuha ang binitawan niyang gitara kanina, "Ah oo. Actually, may banda ako tumutugtog kami sa mga restobar tuwing gabi naging sideline ko na rin."

"Ay talaga ba may banda ka, ako rin eh meron. Dalawa kami ni Gelo kasama sa banda 'yung kasama ko kanina sa jeep drummer namin siya."

Nagulat siya sa sinabi ko at agad siyang lumapit sa akin, "Hala may banda ka rin! omg!"

Sa sobrang tuwa niya ay sunod-sunod ang mga tanong niya sa'kin.

"Chill ang dami mong tanong mag-isa lang ako," matawa-tawa kong sagot sa kanya.

"Vocalist ako sa banda namin gaya rin ng banda niyo sa mga restobar din kami tumutugtog pero 'di madalas. Sa isang buwan ata mga 3 beses lang kami tumugtog minsan wala pa," sagot ko sa mga tanong niya.

Punong-puno nang pagtataka ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko, "Bakit naman 'di madalas?" pag tatanong niya ulit sa'kin.

"Ganito kasi 'ya-"

Hindi ko na natapos ang pagpapaliwanag ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot para 'di na maingay.

"𝘙𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘣𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘱𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘱?" galit na bungad ni Gelo sa'kin pag ka sagot ko ng kanyang tawag.

"𝘏𝘦𝘩𝘦. 𝘚𝘰𝘳𝘳𝘺, 𝘎𝘦𝘭𝘰 '𝘥𝘪 𝘯𝘢 '𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘴𝘢'𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘣𝘢𝘯𝘥𝘶𝘯𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘪𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨," paliwanag ko sa kanya.

"𝘈𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘮𝘰 𝘥𝘪𝘺𝘢𝘯? 𝘉𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘶𝘬𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢," usal nito at agad niyang binaba ang tawag.

Agad kong nilingon 'yung babaeng kausap ko para magpaalam, "ahhmm sorry kailangan ko ng bumalik nagagalit na 'yung kaibigan ko eh sa susunod na lang ulit tayo mag usap, okay lang ba?"

Tumayo siya at huminga ng malalim "Oo okay lang mag kaklase naman tayo eh. Sige na alis ka na sa sunod na lang tayo mag usap," naka ngiti niyang sabi sa akin.

Tatakbo na sana siya pero bigla siyang huminto. "Teka bago ako umalis, ano nga ulit pangalan mo?"

"Prudence Santiago, pwede mo rin akong tawaging Den or Deden nasa sa'yo. Ikaw?" tanong niya sa akin habang inaabot ang kanyang kamay.

"Raga Buenaventura, pwede mo rin akong tawaging Ra or Aga nasa sa'yo," pag gaya ko sa kanya at ini abot ko rin ang kamay ko para makapag shake hands kami.

Nag pa alam na ako sa kanya at nag madali akong bumaba ng hagdan mula sa fourth floor.

Nang makarating ako sa baba ay sumigaw siya, "R! R, lang itatawag ko sa'yo, nice to meet you!"

Kinawayan ko lang siya at tuluyan na akong umalis sa abandunadong lugar ng school.

P.S

I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.