Chereads / Melody to my music / Chapter 2 - Chapter 2: Ikaw?!

Chapter 2 - Chapter 2: Ikaw?!

Prudence's POV

Taranta akong kumilos dahil late na akong gumising. Anong oras na rin kasi natapos 'yung gig ko kagabi at nakalimutan kong ngayon pala ako papasok doon sa nilipatan kong school.

Nag madali na akong kumilos para makapasok na dahil late na late na nga ako.

"Aling Baby, papasok na po ako pabantay na lang po ulit si sugar!" sigaw ko sa kapitbahay namin.

"Sige, Den. Mag iingat ka ha galingan mo," usal ni Aling Baby.

Tinakbo ko na agad hanggang sa makrating ako sa sakayan ng jeep at napakaraming tao. kaya nakipag siksikan na ako.

"Ano ba kuya nasisiko mo na ako, aray!" reklamo ko sa kanila.

Hindi nila pinansin pag rereklamo ko at nasisira na ang beauty ko kaya sumigaw ako.

"Ahhhhh!"

Napahinto sila sa pag sisiksikan at tinitigan nila ako na para bang hinuhusgahan nila ang buong pag ka tao ko.

"Ayon lumuwag din."

Nauna na akong umakyat sa loob ng jeep at pumwesto ako sa pinakadulo malapit sa driver.

Ilang minuto pag tapos ko umupo ay nag si sunod na rin ang ibang pasahero sa pag akyat sa loob.

"Luh baliw ka te?" dinig kong tanong nung isang lalaki na sumunod sa akin sa pag upo bakas sa tono nang kanyang pananalita ang inis.

"Sinong sinasabihan mo ng baliw, ha?" sagot ko sa kanya. Walang kumikibo sa mga pasahero na para bang may dumaang anghel sa amin.

"Huwag mo na lang pansinin tong kaibigan ko te, pasensya na," pag sabat nung isang lalaki na kasama niya sa amin.

Narinig ko pa silang nag bulungan pero hindi ko na lamang pinansin 'yon binaling ko na lamang ang atensyon ko sa kalsada at isinuot ko ang earphone ko.

Ramdam kong may pares ng matang nakatingin sakin at nilingon ko ito at inirapan.

"Gano'n ba 'ko kaganda para matulala siya," bulong ko sa sarili ko.

Sa sobrang pag mamadali ko ay nakalimutan kong dalhin ang gitara ko.

Nang huminto ang sinasakyan kong jeep ay agad akong bumaba at tinakbo ko na papuntang school. Hindi ko na napansin 'yung guard dahil sa pagmamadali ko.

"Shit tapos na pala 'yung first class ko lagot ako nito."

Sa 'di kalayuan ay narinig kong sumisigaw ang prof ko.

"Teka sila 'yung kasabay ko sa jeep kanina ah. Nako naman purwesyo 'to."

Dahan-dahan akong naglakad nagbabakasakaling hindi ako mapansin nang aming prof.

"And for you Ms. Santiago, papalampasin ko 'to ngayon dahil kakasimula mo pa lang dito ayoko na itong maulit pa, understood?" usal ni ma'am sa akin.

"Yes po ma'am," tugon ko.

"Magsipasok na kayo mag ummpisa na 'yung next class niyo."

Dali-dali akong naglakad papasok nang classroom para mauna sa dalawang lalaking naka sabay ko sa jeep.

Akala ko 'di na ako mapapansin ni ma'am mabuti na lang at nakalusot ako.

"Deden!" rinig kong sigaw mula sa likod ni Rence.

Napakamot ako nang ulo dahil kami lang ang maingay sa loob ng classroom. "Ang aga-aga ang ingay mo, ano ba kailangan mo?"

"Anong maaga pinagsasabi mo late ka kaya," usal niya. Umupo ito sa harapan ko para mag kaintindihan kaming dalawa.

"Oo na, ano ba kasing kailangan mo?" tanong kong muli sa kanya.

Ramdam kong nakatingin silang lahat sa aming dalawa dahil sa lakas ng boses ni Rence.

"Nakalimutan mo na may gig tayo mamaya 'no? 'di mo dala gitara mo boy," tugon niya sa'kin na tila sanay na siya.

"Hehe balik na lang tayo mamaya sa bahay para sa gitara ko. Nakalimutan kong dalhin nagmamadali kasi akong pumasok."

Napa buntong hininga si Rence bago niya ako sagutin, "ano pa nga ba," mahina niyang usal at bumalik na siya sa inuupuan niya.

Mabilis na lumipas ang oras at 'di namin namalayan na break na namin.

Agad kong pinuntahan si Rence sa cafeteria at agad kong hiniram ang gitara niya. Bumili na rin ako ng makakain ko dahil nagugutom na rin ako.

Pumunta ako sa abandunadong building ng school dahil walang pumupunta doon. Mapayapa akong makakatugtog don.

Mayroong apat na palapag itong building na 'to sa bawat palapag may tag tatlong classroom.

Sa dulo ng fourth floor lagi ang tambayan ko 'yung pang huling classroom, bukod kasi sa mahangin; maaliwalas pa doon sa taas.

Nang makarating ako ay agad kong inubos ang pagkain ko at nag simula na 'kong tumugtog.

𝘔𝘢𝘺𝘣𝘦 𝘪𝘵'𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘺 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘢𝘺 𝘮𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘦

𝘔𝘢𝘺𝘣𝘦 𝘪𝘵'𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘺 𝘺𝘰𝘶 𝘱𝘭𝘢𝘺 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘨𝘢𝘮𝘦

𝘉𝘶𝘵 𝘪𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘨𝘰𝘰𝘥, 𝘐'𝘷𝘦 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘢𝘯𝘺𝘣𝘰𝘥𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶

𝘉𝘶𝘵 𝘪𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘨𝘰𝘰𝘥, 𝘐'𝘷𝘦 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘥𝘳𝘦𝘢𝘮𝘦𝘥 𝘰𝘧 𝘯𝘰𝘣𝘰𝘥𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶

𝘈𝘯𝘥 𝘐'𝘷𝘦 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘥 𝘰𝘧 𝘢 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘤𝘰𝘮𝘦𝘴 𝘰𝘯𝘤𝘦 𝘪𝘯 𝘢 𝘭𝘪𝘧𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦

𝘈𝘯𝘥 𝘐'𝘮 𝘱𝘳𝘦𝘵𝘵𝘺 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘰𝘧 𝘮𝘪𝘯𝘦

'𝘊𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘐'𝘮 𝘪𝘯 𝘢 𝘧𝘪𝘦𝘭𝘥 𝘰𝘧 𝘥𝘢𝘯𝘥𝘦𝘭𝘪𝘰𝘯𝘴

𝘞𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘰𝘯𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘮𝘪𝘯𝘦, 𝘮𝘪𝘯𝘦

𝘈𝘯𝘥 𝘐 𝘴𝘦𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘪𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘦𝘺𝘦𝘴

𝘐 𝘧𝘦𝘦𝘭 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐 𝘴𝘦𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘮𝘪𝘭𝘦, 𝘴𝘮𝘪𝘭𝘦

𝘞𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘥𝘢𝘯𝘥𝘦𝘭𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦

𝘗𝘳𝘢𝘺𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘎𝘰𝘥 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘰𝘯𝘦 𝘥𝘢𝘺 𝘺𝘰𝘶'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘮𝘪𝘯𝘦

𝘞𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘥𝘢𝘯𝘥𝘦𝘭𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦, 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦

"Wow, ang galing mo pa lang kumanta tapos mag gitara." Agad akong napahinto sa ginagawa ko at hinahanap kung sino ang nag salita.

Nag mula ang boses na 'yon sa pinaka unahan ng room dito sa fourth floor parang pamilyar sa akin ang boses na 'yon.

"Sino 'yan?"

"Favorite ko 'yang kanta na 'yan Dandelions by Ruth B.," tuloy niyang sabi.

Naririnig ko ang yabag ng mga paa niya papunta sa kinalalagyan ko.

"Sorry 'di ko sinasadya na mapakinggan ka," usal niya habang papalapit siya sakin.

Nang makalapit siya at nakita ko kung sino agad akong nagulat.

"Ikaw?!" sigaw naming dalawa.

P.S

I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.