Chapter 4 - 4

PAPUNGAS-PUNGAS pa si Azumi nang magising sa pagkakatulog. Naghikab at nag-inat pa siya. Ngunit nagulat siya nang may mapansin siya na nakamasid sa kaniya. Walang iba kundi si Josh. Nakahalukipkip pa ito habang mataman ito na nakatitig lang sa kaniya, na tila hindi nagugustuhan ang nasa harapan niya.

Napatayo muna si Azumi na tila nagulat bago nagsalita.

"Uhm, g-gsing ka na pala?"nakangiti pa niyang sabi. "Kumusta na pakiramdam mo?Okay ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi siya sinagot ng binata, umismid lang ito. Napangiti naman siya ng hilaw, napakamot ng ulo.

Hindi niya tuloy alam kung anong sasabihin sa lalaking kaharap na nakatitig lang sa kaniya. Lalo tuloy siyang kinabahan dahil mukhang masungit ito.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari, sir. Sana hi-hindi na tayo humantong sa demandahan,"nahihiya niyang sabi.

" Handa ko naman ho na akuin ang lahat ng responsibilidad, sana maayos natin ito," dugtong pa niya.

Hindi parin umiimik si Josh, mataman parin itong nakatitig sa kaniya na parang pinag-aaralan siya.

Naku! Lagot na bakit ayaw man lang niyang sumagot?Talagang galit siya. Baka isumbong niya ako sa mga pulis.

" Sir, sana pumayag na po kayong magpa-areglo, 'wag niyo na ho sana akong isumbong sa mga pulis, pakiusap po!" naiiyak na niyang sabi.

"And why should i do that?" mataray na tanong ng binata.

Natigilan naman si Azumi dahil doon.

"Every mistakes has a consequenses, just face it!" maarteng dugtong pa nito.

Hindi agad nakaimik si Azumi, pakurap-kurap pa siya na tila hindi makapaniwala.

Ngi! Ano ito bakla ba siya? Sa gwapo niyang iyan isa pala siyang beki?

"What?" puna ng binata sa pananahimik ni Azumi. " Why you're not answering? Kanina lang kuda ka nang kuda riyan, and now tulaley ka na, nakakaloka ka!" umirap pa ito.

"Ahm, a-ano, ka-kasi," tila natauhang sagot ng dalaga. "Iyon nga po, humihingi ako ng tawad, sana maayos natin ito. Hindi po ako mayaman pero alam ko naman ang mga responsibilidad ko," pakiusap pa niya.

"So, ganoon na lang iyon? Muntik mo nang masira ang beauty ko, 'no! Paano kung napatay mo ako, ha? Pilay pa ako, paano na ang figure ko?" maarteng sabi pa nito.

" Ipapakulong niyo po ba ako? Sabagay hindi ko naman kayo masisisi, eh.Hindi magaan ang nagawa ko, nasaktan kayo dahil sa akin, " malungkot na wika." Alam ko na mahirap akong patawarin, pero kasi, m-may pamilya ako na sa akin lang umaasa, paano na sila pag nakulong ako? Pangako, ibibigay ko naman ang lahat ng kaya kong ibigay, gaya nga ng sinabi ko, hindi ako mayaman pero sisikapin ko," pakiusap pa niya.

"Ay! Ang haba ng speech, ah!Okay sige, madali naman akong kausap. Forgiven ka na. At saka puwede ba? Tigilan mo ang pagpo-po, ha? Lakas makatanda, eh."

Namilog ang mata ni Azumi sa sinabing iyon ng binata.

"Ta-talaga po? Okay na? Hindi mo na ako kakasuhan?" di makapaniwalang tanong niya.

"Yes, in one condition," seryoso nitong sabi.

"Sige, kahit ano hilingin mo gagawin ko, sabihin mo lang," nangingiting sabi niya.

"Sure ka kahit ano?" paniniguro ng binata.

"Oo naman, promise!" sabay taas ng kamay bilang panunumpa.

"Kasi ganito iyon girl, makinig ka. Ang totoo niyan, lumayas ako sa amin, eh. And i need a place to hide, so ayun na nga, kung puwede sana makituloy ako sa inyo. Alam mo yun? Sama-sama together, ganern!"

Hindi naman agad nakaimik si Azumi, lumarawan ang pag-aalinlangan sa mukha. Kahit papaano kasi lalaki parin ito. Pero nakapag-promise na siya, kesa naman ipakulong siya for physical injury or pagbayarin ng malaking halaga for danyos.

" Ba-bakit ka ba lumayas sa inyo?" Tanging naitanong niya nalang sa binata.

Nag-isip muna ang binata bago sumagot. " Ang totoo kasi niyan,isa akong run-away groom, este bride pala. Nakakaloka kasi si Pudrakels, e, sukat ba naman na ipakasal ako sa isang bebot? Grabe, hindi ko keri, anong tingin niya sa akin, tomboy?! Ay! Charot, kaloka talaga!" tumili pa ito.

Hindi napigilan ni Azumi ang matawa sa kwento ng binata.

" Gosh! Until now kinikilabutan parin talaga ako, "dagdag pa nito.

Hindi na nag- alinlangan si Azumi na pumayag sa kondisyon nito. Hindi na siya maiilang dahil mukhang mas malandi pa ito kaysa sa kaniya.

"Oh, ano deal na ba, ha? Nag promise ka,"sabay irap nito.

"Okay sige na pumapayag na ako," nangingiting niyang tugon.

Maya-maya bumukas ang pinto, iniluwa noon si Alice. Napatutop ito sa bibig nang makitang gising na pala ang binata.

"Ay! Gising ka na pala mr. pogi!" kilig na kilig ito.

Agad na lumapit sa binata na noon ay nakakunot-noo. " Kumusta ka na, okay ka na ba, mr. pogi? Ako nga pala si Alice," sabay lahad ng kamay.

Hindi siya pinansin ng binata, tinaasan lang siya ng kilay nito, sabay ismid. Natatawa naman si Azumi sa ginawang iyon ng binata.

Bumaling si Alice kay Azumi bago nagsalita. "Ay! Suplado siya, girl!Ano 'yun may pataas taas pa ng kilay may ganon talaga ano? Pa hard to get ang papa mo!"

"Excuse me? What do you call me, papa? Eh, kung sabunutan kaya kitang bruha ka, ha? Tse!" mataray na sagot ng binata.

Natigilan naman si Alice sa tinuran ng binata, habang pigil naman ni Azumi ang kaniyang pagtawa.

"Hayy! Naku diyan na nga muna kayo."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Azumi.

"Sa cr naji-jingle bells ako."

Naiwan sila na sunod ng tanaw ang binata. Paika-ika pa ito habang naglalakad.

"A-anong ibig sabihin nun, girl?" tanong ni Alice bakas sa mukha ang pagkadismaya.

"Tama ka ng iniisip, isa siyang barbie," tumatawang sagot naman ni Azumi.

" Oh no! Sa gwapo niyang iyon?Akala ko machete, isa pa lang barbie!" nanghihinayang na bulas ni Alice.

Tawang-tawa si Azumi sa reaksyon ng kaibigan wariy nabigo pa ito sa pag-ibig. Napasalampak naman si Alice sa kama na tila bata na nagpapa padyak.

----

NANGLALAKI ang mga mata ni Josh nang makapasok sa banyo. Hindi parin siya makapaniwala sa ginawa niyang pagpapanggap.

Shit! I think napaniwala ko  naman sila,ah! Ang galing mo Josh, ayos iyong ginawa mo!

Sa maikling oras nagawa niyang mapag-aralan ang kilos ng beki na nakita niya kanina. Natutop niya ang bibig, tawang-tawa siya sa mga pinagagawa niya. Nagtatalon pa siya sa tuwa, ngunit agad siyang napangiwi,may pilay nga pala siya.

Sa totoo lang hindi naman ganoon kahirap para sa kaniya na mapag-aralan ang kilos at pananalita ng isang beki. Noong highschool pa siya ay may naging kabarkada siya na isang beki at naaalala pa niya kahit papaano ang kilos at pananalita nito.

Solve na ang problema ko.

May kumatok sa pinto, naririnig niyang tinatawag siya ni Azumi. Inayos niya ang sarili at huminga ng malalim bago ito binuksan.

"Bakit ang tagal mo? Halika, kumain muna tayo,may dalang pagkain si Alice," pag-aaya ni Azumi sa kaniya.

"Ay, salamat naman gutom na gutom na ako, sumasakit na itong chanda romero ko sa gutom!"

"Anong chanda romero?" takang tanong ng dalaga.

"Edi syempre, itong tiyan ko, kagabi pa ako hindi kumakain, no!" mataray na sabi.

"Oh shit! Talagang beki nga siya, may nalalaman pa siyang beki words, hindi pwede ito!" singit naman ni Alice.

"Teka nga pala, ano nga pala pangalan mo?" tanong ni Azumi.

Nag- isip muna si Josh, kung ibibigay niya ang totoong pangalan niya dito. Ngunit nag-aala siya na baka may makakilala sa kaniya.

"Call me, Joshua nalang. Joshua Salazar."

"Oh, di ba girl yung pangalan niya machong-macho ang dating? Nakakainlove," hirit parin ni Alice.

" Tumigil ka na nga diyan, para kang sira," tatawa-tawang sagot ni Azumi sa kaibigan.

" Patigilin mo iyang kaibigan mo, ah! Ako ang kinikilabutan sa mga pinagsasabi niyan," sagot naman ni Josh.

" Ako nga pala si Azumi, at siya naman si Alice, bestfriend ko. "

Noong araw din na iyon, pinayagan na ng Doctor na makalabas na ng hospital si Josh. At doon na nga siya dumiretso sa bahay ni Azumi.

Maliit lang ang bahay ng dalaga, pero may dalawa naman itong kuwarto. May maliit na sala at may terrace. Nilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng bahay. Malayong malayo sa kinalakihan niyang tahanan. Alam niyang hindi habangbuhay ay makakapag tago siya. Alam niyang pansamantala lamang ang lahat. Kailangan lang niya ng lugar na mapagtataguan para makapag-isip isip at ayusin ang lahat. Sa ngayon wala pa siyang naiisip na magandang plano. Naalala niya ang Daddy niya, kumusta na kaya ito?