Chapter 8 - 8

NAPAPITLAG si Azumi ng magtitili si Josh,napakagat siya sa kaniyang mga daliri ng mapansing hindi ito magkandatuto sa paghahanap ng pantapis sa katawan. Para itong bulate na inasnan.

" Aray! Bakla talaga," bulong niya sa sarili. " Sayang,pang leadingman na sana,oh!"

" Kanina ka pa riyan? Ikaw,ah? Binobosohan mo ako!" nakairap nitong tinuran habang itinatapis ang tshirt nito sa katawan.

" Ha? Hindi,ah! Ano,napadaan lang ako," namumula ang mukha niyang sambit. " Saka bakit kita bobosohan,eh,meron din ako niyan!" pagbibiro pa niya upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman.

" Hmp! Sabagay,pero malay ko ba kung naiinggit ka sa sexy kong body," mataray nitong tugon.

Natawa siya sa tinuran nito. Kani-kanina lang kasi ay hot na hot ito na parang matinee idol ang dating pero ngayon ay tila maarte pa sa kaniya.

" Oo na,inggit na ako! Tara na kumain na tayo,may dala akong ulam." Itinaas ang plastik na dala para ipakita sa lalaki.

" Ay,sakto kanina pa ko gutom. Sige susunod ako sa'yo."

" Sige akyat na ako,sumunod ka,ha?" Tumalikod na siya at iniwan ang lalaki.

Naiwang pawis na pawis si Josh dahil sa kaba.Buti nalang hindi nahalata ng dalaga dahil malamang ay iniisip nitong dahil 'yun sa tubig. Natawa pa ng maalala ang kinilos kanina,hindi niya alam kung paano niya nagawa iyon. Kamuntikan na naman siyang nabuking ng dalaga. Buti nalang ay nakaisip agad siya ng paraan.

"Shit!  Ano ba 'tong pinasok ko?"

Agad niyang inayos ang sarili upang sundan ang dalaga. Kailangan niyang galingan pa ang pag arte kung ayaw niyang mapalayas ng wala sa oras. Nangako sa sarili na 'yun na ang huling pagkakamaling magagawa.

" Ok,Josh,let's do it again!" bulong pa niya sa sarili.

Naabutan niyang naghahanda ang dalaga ng pagkain nila. Pritong isda at pinakbet ang nakita niyang ulam na nakahain sa mesa. Sa ilang araw niyang pamamalagi sa bahay ng babae ay unti-unti na siyang nasasanay sa mga pagkaing hinahain nito. Malayo man sa kinagisnan niyang buhay na bongga ang hapag-kainan,choosy pa ba siya? Napansin niya pa ang saya nito sa mga mukha.Alumpihit siyang lumapit dito ng ayain siya ng dalaga.

" Ahm. Joshua,okay lang ba sa'yo 'tong ulam natin? Kumakain ka ba nito?"

" Ofcourse,yes! Pretty lang ako pero hindi ako mapili sa pagkain,sarap kaya nito."

Sumubo siya ng gulay muntik pa siyang maubo ng malasahan ang pait ng ampalaya. Bigla niya tuloy na miss ang luto ng kanilang katulong.

" Eh,kasi naman pakiramdam ko galing ka sa mayamang pamilya,eh. Siyanga pala mamaya maaga ako uuwi gusto mo mamasyal tayo?" nakangiting tanong ng dalaga.

" Ha? Ay,naku 'day pass muna ako sa ganiyang mga rampahan," tanggi niya. Ang totoo kasi ay natatakot siyang lumabas pa dahil baka may makakilala sa kaniya. At baka makita pa siya ng inupahang tao ni Laura.

" Hmm. Akala ko ba  feeling mo haggardo versoza ka na sa kakatambay mo rito sa bahay?"

Napakunot-noo siya sa tinuran nito,pilit niyang inalala ang ibig sabihin ng haggardo versoza at naalala niya na nabanggit nga pala niya ito noong isang gabi. Naisip niya na mukhang kailangan niya ng kodigo para maalala ang mga beki words na pinagsasabi niya.

" Tingin ko nga naiinip ka na,eh. Kasi pati gripo riyan sa likod-bahay,eh,napagdiskitahan mo," natatawa pang dagdag nito.

" Ay,true! Ang jinit jackson naman kasi dito sa bahay mo,waley ba'ng aircon?!" kunwa ay reklamo niya.

" Ano'ng jinit jackson?" Kunot-noo nitong tanong.

" Mainit! As in hot!" Pinatirik pa niya ang mata at kunwa ay pinapaypayan ang sarili. Kailangan niya'ng umarte ng bonggang-bongga para lalo itong makumbinsi na beki siya,kailangan niyang bumawi.

" Ay,sorry po,mahirap lang ako. Speaking of hot,pero ang hot mo kanina,ah!" Nakatitig nitong sabi sa kaniya.

Umiwas siya sa ginawang pagtitig sa kaniya ng dalaga. Ngunit hindi niya napigilan ang humanga sa magandang mga mata nito. Chinita si Azumi na bumagay sa maamo at bilugan nitong mukha. Maputi at balingkinitan ito na may taas na 5 and 4 inch. Kaaya-aya rin ang mga ngiti nito na animo palaging naghahatid ng positive vibes.

" Oy,ha! Tigil-tigilan mo ako!" Tanging nasambit niya ngunit kabado dahil natatakot siyang mahalata nito ang tunay niyang katauhan.

" Kaya pala patay na patay sa'yo si Alice," humahagikhik nitong sabi.

Napatitig siya rito at nilakihan ng mata.

" Ow,common! Is it Alice? How about you?" Aniya sa sarili.

" Pero seryoso talaga,iba 'yung awra mo kanina, eh. Ang lakas ng dating pang men's magazine!"

" Hoy! Remind ko lang sa'yo,ha, na bawal ma-inlove! Baka mapa run-away na naman ako! Jumiyo hindi ko na alam kung saan ako mag go-gorabells!" kunwa ay mataray niyang sambit.

Napahalakhak si Azumi sa tinuran niya.

" Huwag ka mag-alala,safe ka sa akin. Hinding-hindi ako maiinlab sa'yo,promise!" tinaas pa nito ang isang kamay bilang panunumpa.

"  That's impossible! Walang babae ang hindi nainlove sa akin. "sigaw ng isip niya.

" At isa pa,may boyfriend ako." Kumindat pa ito sa kaniya.

" Huh?!  'Yung boyfriend mo'ng maingay? Mas pogi naman ako sa dun!"

" O siya! Kailangan ko ng umalis,baka ma-late ako sa trabaho. Ikaw na muna bahala dito,ah?"

Tumayo na ito at inayos ang sarili. Nakaramdam siya ng lungkot dahil mag-iisa na naman siya sa bahay na iyon.

" Gora ka na, girl? Ang bilis naman kararating mo lang,eh."

Tumamlay ang mukha niya na napansin naman agad ni Azumi.

" Oo,eh. Pasensya ka na,ah,at iiwan na naman kita dito."

" Hindi puwede um-absent,girl?"

" Sa katulad kong mahirap lang bawal ang um-absent,sayang ang araw,pambaon na rin ni bunso," nangingiti pa nitong wika.

Wala na siyang nagawa ng magpaalam na itong umalis. Sambakol ang mukha niya na tila iniwanan ng nanay. Napahinga nalang siya ng malalim at tinuloy ang pagkain.

Kinagabihan ay nagulat siya sa hindi inaasahang bisita. Si Dexter. Nasa balkonahe siya at kasalukuyang hinihintay si Azumi.

" Andito ka pa rin?" Lukot ang mukha na tanong nito sa kaniya.

" Ano'ng ginagawa ng lalaking 'to rito?" Aniya sa sarili.

" Eh,ikaw andito ka na naman?" Nakapameywang niyang sagot.

Lalong lumarawan ang inis sa mukha ni Dexter.

" Hoy,ikaw,ah! Tigil-tigilan mo ako ng pag-arte mo,alam kong hindi ka bakla! Kailan ka ba aalis dito,ah?"

"  Napakaangas ng lalaking 'to,ah! Bigyan ko kaya ulit ng isa pang sapak 'to?"

" Ano ba'ng motibo mo kay Azumi,ha? Bakit ka nagpapanggap na bakla?"

Hindi agad nakaimik si Joshua. Nakikita niya kasi rito na hindi niya ito makumbinsi sa arte niya. Gusto niya tuloy pagsisihan ang ginawa niyang pagsapak dito. Nangangamba siya na isang araw ay tuluyan nga siya nitong mabuking at masira ang lahat ng kaniyang plano. Ngunit hanggang kelan nga ba siya magpapanggap bilang isang beki?