Chereads / Accidentally, Met You / Chapter 13 - 13

Chapter 13 - 13

NAALALA ni Josh bigla ang mga babaeng napaiyak niya tuwing nakikipaghiwalay siya sa mga ito. Bigla ay kinubkob tuloy siya ng konsensya. Alam niya sa" pagkakataong ito ay sobra ang nararamdaman nitong sakit. Ano nga ba meron ang lalaki at iniiyakan ito ng dalaga?

" Pasensya ka na,ah? Ang drama ko tuloy," sambit ng dalaga habang pinapahid ang luha.

" He's not worth to cry,girl! It's his loss not yours, forget it!" tugon niya na pinaikot pa ang mata.

Napangiti naman ng mapait si Azumi at pilit na pinasigla ang sarili. Dinukot niya sa bulsa ang pera na ibibigay sa dalaga.

" Siya nga pala, here." Inabot ang lilibuhing pera na ikinataka ng babae.

" A-ano 'to?" tanong nito habang tinitignan ang pera sa palad.

" Panggastos natin dito,maliit lang 'yan pero sana kahit papaano makatulong."

Ngunit pilit itong ibinalik ng dalaga sa kaniya.

" Ano ka ba, 'wag na,nakakahiya naman,ako nga ang may malaking pagkakautang sa'yo,eh."

" Sige na girl,kunin mo na i insist," seryoso na niya'ng sambit. " Saka for me matagal ka ng bayad sa kasalanan mo sa akin, 'no? Pinatira mo ako dito sa mansion mo at pinakain ng masasarap na ulam tulad ng ginisang repolyo na may sardinas," maarte niyang wika.

Napahalakhak naman ang dalaga dahil doon. Sa totoo lang ay first time niya'ng makatikim ng repolyo na may sahog na sardinas at masarap naman pala. Minsan ay pechay na may sardinas,marami pa lang pwedeng gawin sa sardinas ngayon niya lang nalaman. First time niya rin makatikim ng tuyo na hindi pwedeng mawala sa agahan nila.

" Oh, 'di ba napatawa kita?" humahagikhik niya'ng turan.

" Oo na sige na tatanggapin ko na 'to,pinipilit mo ko,eh," pagbibiro nitong tugon sa kaniya. " Ano ba'ng gusto mo'ng ulam ngayon,ha?"

Mabuti na lang at hindi na nag usisa pa ang dalaga kung saan niya kinuha ang pera kung nagkataon ay hindi niya alam ang isasagot dahil ang tanging alam nito ay wala siyang ibang malalapitan.

Nang gabing iyon ay nagrequest siya ng tinolang manok dahil nagustuhan niya ang lutong iyon ni Azumi. Gusto niyang humigop ng mainit-init na sabaw. Habang nagluluto ang dalaga ay pinapanood niya lang ito habang nakaupo sa lamesa. Para siyang bata na ipinagluluto ng kaniyang nanay. Lihim siyang napahanga sa dalaga na kahit marami itong naging kabiguan ay nagagawa pa nitong ngumiti.

" Okay,tara kain na tayo!" Aya ng dalaga ng matapos itong magluto.

" Alright!" sagot niya dahil sa totoo lang ay kanina pa siya nagugutom lalo't amoy na amoy niya ang mabangong tinolang manok

Sa totoo lang ay masarap magluto ito kahit mga simpleng putahe ay nagagawa nitong pasarapin. Kaya naman unti-unti na siyang nasasanay kumain ng mga ordinaryong pagkain.

Kinagabihan ay init na init siya kaya hindi siya gaanong makatulog. Nagpasya siyang maligo,tingin naman niya ay tulog na ang dalaga. Napasinghap pa siya ng dumampi ang malamig na tubig sa kaniyang balat. Hindi kasi kagaya ng nakagawian niya sa kanilang bahay na merong water heater.

Pamaya-maya ay may narinig siya'ng ingay sa labas dinig pa niya ang matinis na boses ni Alice na dumadagundong sa buong kabahaya. Dinig pa niya na siya ang hinahanap nito.

" Ano ka ba? Huwag ka ngang maingay,baka natutulog na si Joshua."

Dinig pa niya'ng saway ni Azumi dito. Narinig pa niya ang pagkatok nito sa tingin niya ay sa kuwarto niya.

" Gigisingin ko,minsan na nga lang ako dumalaw dito,eh,ayokong masayang,'no!"

" Loka ka talaga! Dapat mas inagahan mo pa. Natutulog na,eh."

" Ay, ayaw magising,tulog mantika?"

Napabuntong hininga siya. Tapos na siyang maligo ngunit hindi pa rin siya makalabas. Tanging tuwalya lang kasi ang dala niya. Hindi niya naman kasi inaasahan na mambubulabog ito ng ganoong oras. Dinig pa niya ang mahinang saway ni Azumi sa kaibigan. Napilitan siyang lumabas dahil nakakaramdam na rin siya ng lamig at tingin niya ay wala itong balak umalis hangga't hindi siya nakikita. Ngunit sa halip na sa bewang itapis ang twalya ay itinaas niya ito sa kaniyang dibdib. Kailangan niyang gawin 'yun dahil baka lalong mabaliw ito pag nakita ang mala adonis niyang pangangatawan. Napamura pa siya dahil nagmumukha na talaga siyang tanga sa mga pinagagawa niya.

Nagulat pa ang dalawa ng bigla siyang lumabas ng cr. Namilog ang mata ni Alice ng makita siya.

" Ay,ay,ay!" kinikilig na hiyaw ni Alice.

Bahagya siyang nairita para kasi itong pokpok na ginagahasa. Maganda naman si Alice para sa kaniya,gandang hindi niya magugustuhan dahil sa fashion style nito. Palagi itong nakaskirt na fitted. Minsan pa nga ay naka croptop pa ito. Dagdag pa ang bilog at malalaki nitong hikaw. Makapal din ito mag make-up na para sa kaniya ay nakakaumay tignan. Ganunpaman,tingin niya naman ay mabait ito. Kunwa ay humalukipkip siya at tinaasan ng kilay ang babae.

" Nandiyan ka pala, Joshua akala ko tulog ka na,eh." Si Azumi na nagkakamot ng ulo dahil sa hiya.

" Shit,girl! Ang hot niya pa rin kahit ganyan ang ayos niya," kinikilig pang sambit ni Alice.

" Buti na lang at hindi pa ko nag-i-sleeping beauty kundi maiistorbo ako sa boses mo! Ano ba kasi ginagawa mo rito ng ganitong oras?" nandidilat ang matang bulalas niya.

" Wele leng gushto lang kiteng mekita,bekit ba ang shungit mo?" maarte nitong sagot.

" Ay,hala! Saan ba ito planeta nanggaling at nag iiba ng lengwahe?" tutop ang dibdib na turan niya.

Lumapit si Alice sa kaniya at humawak sa braso at humilig sa balikat niya. Tutop naman ni Azumi ang bibig habang tumatawa.

" Kainis ka naman,eh! Ang sungit mo sa akin." Parang bata na sambit ni Alice.

Pilit naman niyang pinapalayo ito at kunwa ay nagtataray.

" Layu-layuan mo ako,ah,naaalibadbaran ako sa'yo!"

Ngunit hindi nagpapigil si Alice para pa rin itong linta na nakapulupot sa kaniya. Sa tingin niya ay wala pa itong balak umalis ng mga oras na iyon. Pilit siyang kumawala dito dahil naaalibadbaran na rin kasi siya sa itsura niya na nakatapis pa ng tuwalya.

***

NANG makaalis ang kaibigan ay muli niyang inihiga ang pagod na katawan sa kama. Pagod siya sa maghapong pagtatrabaho pati na rin ang isip niya. Matapos na makipagbreak sa kaniya ang nobyo ay nagpasya na lang siyang tanggapin iyon. Hindi naman ito ang unang pagkakataong nagbreak sila,ngunit sana ay magbago pa nga ang isip nito. Dumagdag pa sa isipin niya ang kawalan niya ng isa pang trabaho.

Nang magising siya kinabukasan ay mabigat ang pakiramdam niya. Hindi siya gaano nakatulog sa kakaisip ng mga problema niya. May narinig siyang kaluskos sa kusina ,naabutan niya si Joshua na nagpiprito ng hotdog at itlog. Nakaramdam siya ng gutom lalo ng maamoy ang mabangong tuyo. Natawa siya ng maisip na natuto na rin pala itong magluto.

" Hi, goodmorning!" matamis ang mga ngiti nitong bati sa kaniya.

" Bakit ikaw ang nagluluto? Ang aga mo nagising,ah," aniya habang kinukusot ang mata.

" Wala,naisip ko lang na ipagluto ka, have a seat kain na tayo."

Bahagya siyang natigilan sa kilos nito. Lalaking-lalaki,ngunit minabuti niyang hindi pansinin iyon. Naglagay ito ng sinangag sa plato niya. Ipinagtimpla din siya nito ng kape bago naupo sa lamesa.

" Try it,masarap iyan! Pinanood ko pa iyan sa youtube just to learn on how to cook sinangag," nangingiti nitong sambit.

" Bakit mo naman kailangang gawin 'to? Bisita ka kaya dapat ako ang gumagawa nito," tugon niya.

" Huwag ka na ngang maraming tanong, sige na kain na." Pinisil pa nito ang kaniyang pisngi.

Naguguluhan talaga siya sa kilos nito. Hawak ang pisnging napatitig siya rito. Gusto niya tuloy isiping meron itong dual personality,minsan beki,minsan lalaking-lalaki.

" What?" Tanong pa nito ng mapansing nakatitig siya. " Gusto mo ba subuan kita?"

Muling sumilay ang ngiti nito sa labi. Kumuha ito ng isang kutsarang kanin at sinubuan nga siya.

" Ah,hindi,hindi na," tanggi niya ngunit nagpumilit ito kaya napilitan siyang ngumanga.

" What do you think?" Tanong nito na hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi. Ngiting nakakakilig at walang halong kabaklaan.

" Um,masarap siya."

" Whoa! Do you think am i good enough to be a good husband?" pagbibiro pang turan nito.

" Ha?"

Muli ay napahalakhak lang ang lalaki.

" Biro lang,sige na kumain ka na. Actually,nag init na rin ako ng tubig pampaligo mo. Masyado kasing malamig ngayon baka magkasakit ka pa," seryoso ng wika nito.

Agad na humaplos iyon sa kaniyang puso ang pagpapakita ng concern ng lalaki sa kaniya. First time niyang maalagaag ng ganun ng isang lalaki. Hindi niya kasi nakikita 'yun sa nobyo sa tagal ng naging relasyon nila.

Si Joshua ba talaga 'tong kaharap ko? 'Anyare sa kaniya?

Napansin naman ng binata ang paminsan-minsan niyang pagtitig kaya muli itong ngumiti ng nakakakilig.

" Stop staring at me,baka matunaw ako."

Agad niyang nilihis ang tingin sa ibang bagay. Pakiramdam niya natataranta siya na hindi niya matanto. Ibang Joshua ang kaharap niya,walang arte,walang patirik-tirik ng mata at walang malanding boses. Nagprisinta pa ito na ihatid siya sa work anito ay para malaman kung saan siya nagtatrabaho at para pwede siya nitong masundo at kakain pa sila sa labas. Ngunit tumanggi na siya. Napakalakas ng karisma nito na alam niya balang araw ay bibihag sa kaniyang puso. Na ayaw naman niyang mangyari dahil alam niyang bakla pa rin ito. Malamang ay seryoso lang ito ng mga oras na 'yun kaya ganun ang ikinikilos.