Chereads / Accidentally, Met You / Chapter 12 - 12

Chapter 12 - 12

HINDI napigilan ni Josh ang matawa habang lulan siya ng jeep papuntang Bayan. Naalala niya'ng bigla ang eksena nila ni Azumi kanina. Siya,magsusuot ng undies?

Hindi rin naalis sa kaniyang isipan ang magandang hubog ng katawan ng dalaga.

Sa totoo lang ay first time niya'ng sumakay ng jeep dahil kung hindi motorsiklo ay kotse ang ginagamit niya pag umaalis. Maalinsangan na ng mga oras na 'yun kahit maaga pa,dagdag pa ang mga usok ng sasakyan na nalalanghap niya. Ngunit kailangan na niya'ng masanay sa ganoong buhay,mas mabuti na iyon kesa ang maikasal sa kababata.

May takot pa rin siya'ng lumabas sa totoo lang ngunit kaylangan dahil kailangan niya ng pera para ibigay kay Azumi. Kung bakit naman kasi naiwanan niya pa ang mahalagang bagay na malaki sana ang maitutulong,mabuti at kahit papano ay may kaunti siya'ng cash na naitabi sa wallet. Nakasuot siya ng jacket na may hood na nakataklob sa kaniyang ulo. Nakasuot din siya ng shades,kailangan 'yun para kahit papaano ay walang makakilala sa kaniya.

Nakatanggap siya ng tawag kay Mang Nestor sa pagbibigay nito ng pera,bagamat maliit ay kahit paano ay malaki na ang maitutulong noon para sa kanilang panggastos. Natawa siya ng pagak,dati-rati kasi ay hindi niya iniisip ang mga ganoong bagay. Pinalaki kasi siya sa luho ng mga magulang. Gastos dito,gastos doon ang tanging ginagawa niya.

Matapos makuha ang pera at makapagpasalamat sa matanda ay nagpasya siya'ng hindi muna umuwi. Namasyal muna siya sa Mall upang magpalamig. Sa halos isang buwan niya kasing pananatili sa loob ng bahay ni Azumi ay nakaramdam siya ng pagkabagot lalo't dati ay sanay siya'ng gumimik kasama ng mga barkada at girlfriend syempre. Pero ngayon ay ibang-iba na talaga,nawala na sa kanila ang lahat.

Bumili siya ng milk tea at naupo sa isang okupadong upuan. Tanaw niya ang ilang mga kabataang na nakasuot ng uniform. Mga estudyanteng piniling mag unwind muna bago umuwi. Muli niya'ng naalala ang buhay niya nung estudyante pa lang siya. Halos pagtinginan pa siya ng ilang dumaraan dahil sa itsura niya. Mukha siyang holdaper na guwapo sa ayos niya.

Nang makaramdam ng pananakit ng pwet gawa ng matagal na pagkakaupo ay nagpasya siya'ng mag ikot-ikot. Palinga-linga lang siya sa paligid at minsang sumisipol kapag may nasasalubong na sexy na babae. Ngunit nagulantang na lang siya nang isang pamilyar na mukha ang makakasalubong niya. Kilala niya na ito mula pa pagkabata at ito ang dahilan kung bakit nalagay siya ngayon sa ganoong sitwasyon. Si Laura Madrigal,dahil malayo pa lang ay alam niya na ang hilatsa ng mukha nito. Mabagsik ngunit sopistikada. Tuwid na tuwid lang ang tingin nito na tila iwas na iwas tumingin sa paligid kaya hindi siya nito napansin agad. Ngunit dahil sa takot ay napaatras siya at nabanga pa niya ang nasa likuran niya.

" Ay!" Tili ng isang babaeng nabangga niya dahilan ng pagkahulog ng mga dala nito.

Agad niya itong tinulungang pulutin ang mga nahulog na bagay upang hindi na ito magalit at makalikha ng atensyon kay Laura na papalapit na. Ang malas kung bakit nakasentro pa sa nilalakaran nito. Magagalit pa sana ang babae ngunit agad niyang ibinaba ang shades na suot at ngumiti ng nakakaakit sa babae dahilan upang mabago ang galit na expression nito.

" Sorry,Miss. Nasaktan ka ba?" may pang-aakit na tanong niya rito.

Nanatili pa rin silang nakaupo habang abala sa pagpulot,pasalamat na lang siya at maraming bitbit ang babae.

" Hmp! Pasalamat ka cute ka!" anang babae habang kinikilig.

Napansin niya ang pagdaan ni Laura sa tagiliran nila na tila wala itong pakialam. Diretso pa rin ang tingin at lakad nito. Tumayo siya at akma ng lalayo ng humirit pa ang babaeng nakabangga.

" Hey! Can i have your number? Ano'ng pangalan mo?"

Nginitian niya lang ito ng ubod tamis saka kinindatan at mabilis na nilisan ang lugar na 'yun.

Tanghali na siya ng makarating ng bahay. Hapong hapo siya sa nangyari kanina pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Napapailing na lang siya habang papasok ng gate sa isiping kung bakit ganoon ang idinulot na takot sa kaniya ng babae.

Lumukot ang mukha niya nang maabutan na naman si Dexter na nasa garden., Matiim itong nakatitig sa kaniya na tila sinusuri siya kaya sinimulan na naman niya ang pag arte.

" Bwi*sit,nandito na naman siya?"

Pakendeng-kendeng siya'ng lumapit dito. Napamura pa siya sa isip dahil sa pinagagawa niya dahil doon.

" Nandito ka na naman? Ikaw,ah? Nagdududa na ako sa'yo,gusto mo yata palagi ako makita,eh!" mataray niya'ng turan sa lalaking masama ang tingin sa kaniya.

Gumagalaw pa ang panga nito na tila pinipigil ang galit. Natawa ito ng pagak ngunit halata ang pagkaasar sa kaniya.

" Huh! Talagang pinaninindigan mo ang pagpapanggap,ah! Nagmumukha kang trying hard sa ginagawa mo,eh,ang tigas ng katawan mo!" asik nito sa kaniya.

" Common,Josh, hold your temper!" naasar na niya'ng bulong sa sarili.

Kunwa ay napahawak siya sa kaniyang dibdib na parang nasasaktan ang kalooban.

" So,nandito ka para hamakin ulit ang pagkababae ko?" may himig pagtatampo niyang sambit.

Kinagat ni Dexter ang pang ibabang labi tanda ng lalong pagkainis sa tinuran niya.

" Ano ba'ng dapat kong gawin para maniwala ka na girlalou talaga ako? Gusto mo ba na i-kiss kita? Hmm," pang-inis pa niya habang pinapatulis ang nguso.

" Aba't lokong 'to,ah!" Inambaan siya nito ng suntok ngunit nagtatakbo na siya sa loob ng bahay at nagkunwaring nagtititili.

Pagkarating niya sa loob ay pigil ang ginawa niya'ng pagtawa. Nasisiyahan talaga siya'ng asarin ang lalaking hambog na 'yun. Buti na lang at hindi na siya sinundan nito sa loob. Dumiretso na lang siya ng pasok sa loob ng kuwarto niya at baka sa sobrang inis kay Dexter,eh,lumabas ang totoong siya pag di siya nakapagpigil.

Ilang oras din ang lumipas ay sinilip niya si Dexter sa labas ngunit wala na ito. Inaasahan siguro nito na maaabutan si Azumi sa bahay dahil linggo ngayon at akala nito ay walang pasok ang dalaga.

Kinagabihan nga ay dumating si Azumi ngunit kasama nito si Dexter. Naririnig pa niya'ng nagtatalo ang dalawa at siya ang pinag-uusapan. Nakikita pa niya'ng nilalamukos ni Dexter ang sariling mukha tanda ng labis na pagkainis.

" 'Di ba sinabi ko na sa'yo na paalisin mo siya? Ano ba pinakain niya sa'yo at 'di mo magawang palayasin siya rito,ha?! Azumi nagseselos ako sa isiping may lalaki kang kasama rito!" narinig niya'ng singhal ng lalaki.

" Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na bakla nga siya!" ganting singhal ni Azumi.

" Hah! Paniwalang-paniwala ka talaga sa lalaking 'yun 'no? O baka naman may ginagawa kayong milagro dito kaya hindi mo siya mapaalis?"

" Napakarumi talaga ng isip mo! Hindi mo kami katulad 'no!" galit na sambit ng dalaga.

Natawa naman ng pagak si Dexter.

" Sige ganito na lang,mamili ka sa amin, ako o ang lalaking 'yan? Palalayasin mo 'yan dito o tayo ang maghihiwalay?"

" Dexter naman,ano ba?!"

" Mamili ka Azumi,ako o siya?" giit ni Dexter.

Hindi nakaimik si Azumi,nakita niya ang mangiyak-ngiyak nitong itsura. Kinakabahan tuloy siya na ito ang piliin niya at palayasin na lang siya nito. Pag nagkataon ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Napailing-iling ang dalaga.

" So,siya ang pinipili mo kesa sa akin na boyfriend mo? Pinatunayan mo lang talaga na may relasyon nga kayo ng kumag na iyan!"

" Wala kaming relasyon ni Joshua! Bakit ba ayaw mong maniwal? Hindi ko siya puwedeng paalisin dito dahil-"

" Tama na!" putol nito sa sasabihin ng dalaga. " Break na tayo,Azumi!"

Matapos 'nun ay walang lingon-likod itong umalis at hinabol ito ni Azumi.

" Dexter, teka bumalik ka!"

Narinig pa niya'ng hiyaw ng dalaga kasunod 'nun ay ugong ng motorsiklo ni Dexter. Bumalik sa loob si Azumi na mangiyak-ngiyak. Nakatanaw lang siya rito mula sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Nang makita siya nito ay agad pinahid nito ang luha sa mata.

" Sorry,girl,ah!" sambit niya at lumapit sa dalaga.

Ngumiti lang ito ng mapait sa kaniya at naupo sa sofa.

" Wala ka na mang kasalanan,eh," matamlay na sagot nito.

" Ako yata ang dahilan,eh. Kung gusto mo go-gora na lang ako,nakakahiya na sa'yo."

Umiling-iling ang dalaga.

" Hindi,Joshua,dito ka lang,masyado lang marumi ang isip niya."

" Eh,paano iyan? Nagbreak kayo dahil sa akin."

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot sa sinapit ng dalaga. Ngunit nabunutan siya ng tinik dahil hindi niya na makikita ang lalaki.

" 'Wag mo na lang isipin 'yun," tipid na sagot ng dalaga.

" Sure ka,ha? Nakokonsensya naman ako."

Muli itong ngumiti nang mapait.

" Ganun lang talaga kami ni Dexter,on and off talaga kami,pero first time in history na siya ang nakipag break sa akin," may himig na lungkot na tinuran nito.

Nakaramdam siya ng hiya sa tinuran nito. Sa totoo lang kung may mapupuntahan lang sana siya ay hindi na niya isisiksik ang sarili sa bahay nito. Nakasira pa tuloy siya ng isang relasyon.

Naramdaman niya ang paghilig nito sa kaniyang balikat habang tahimik na umiiyak. Tinapik-tapik naman niya ang likod nito bilang pagdamay. Hindi niya maintindihan ngunit may kirot iyon sa kaniyang puso.