Chapter 9
Kabado si Azumi habang lulan ng taxi na sinasakyan. Kaka-out niya lang sa work ng makatanggap ng text galing sa kaniyang kaibigan. Pinapasabi ng manager nila sa hotel na pinapasukan na ia-awol na siya kapag hindi pa nagreport. Ilang araw na rin kasi siya'ng hindi nakakapasok dahil nga sa nangyaring emergency sa kaniya. Dahil sa pagmamadali ay nagpasya na siya'ng mag taxi kahit nakaugalian niya ng mag jeep lang dahil nga nagtitipid siya. Hindi siya puwedeng mawalan ng isang trabaho lalo't pasukan na naman ng kaniyang mga kapatid. Malaking tulong sa kanila ang sinisweldo niya sa naturang hotel kaya malaki ang magiging panghihinayang niya pag nagkataon na matanggal siya dito.
Agad siya'ng bumaba ng taxi matapos ihinto ng driver sa tapat ng isang magarang hotel kung saan siya pumapasok. Agad niya'ng namataan ang ilang receptionist at tila nagtaka pa ang mga ito sa pagmamadali niya. Habang naglalakad siya sa lobby papunta sana sa opisina ng manager ay nakita niya ang kaibigan na isang hotel cleaner din katulad niya. Napangiti rin ito ng makita siya. May bitbit pa itong mga tools para sa paglilinis,ngunit isang babae ang hindi sinasadyang nabangga nito.
" Holy shit! Look what you've done!"
Rinig pa niya'ng bulyaw ng galit na galit na babae. Tingin niya ay costumer ito ng hotel dahil sa bitbit nitong maleta. Matangkad ito,sopistikada ang dating at halatang ubod ng yaman dahil sa magarang suot nito at alahas sa katawan. Hindi naman magkanda ugaga ang kaibigan sa paghingi ng tawad sa nakabanggaang babae. Ngunit dinuro lang nito ang kaibigan at pinagsalitaan ng masasakit.
" Kung bakit naman kasi ang muchacha at hampas-lupang katulad mo ay pakalat-kalat dito sa lobby,get lost!" naghuhumiyaw nitong sabi pa.
Lumukot ang mukha niya lalo't halos lumuhod na ang kaibigan sa paghingi ng tawad.
" Sobra na 'to,ah! Hindi na tama."
Lumapit siya sa dalawa at tinulungan ang kaibigan sa pagpulot ng mga gamit na nagkalat. Patuloy ito sa paghingi ng sorry sa babae na halos mangiyak-ngiyak na.
" Call your manager now!"singhal pa nito
" Maam,please! Sorry po talaga,huwag niyo na po ako isumbong sa manager kasi baka matanggal po ako," mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ng kaibigan.
" It's not my problem anymore! A stupid like you don't deserve to stay here. Look what you've done to my dress?! Kahit pa ibenta mo sarili mo hindi mo ito mababayaran!"
Hindi na siya nakatiis sa pang-iinsulto nito sa kaibigan kaya napasagot na siya.
" Tama na po,parang sumosobra naman yata kayo,Madam?" sambit niya.
Nabaling ang tingin sa kaniya ng babae. Mabalasik ang maganda nitong mukha. Dark ang kulay ng lipstik nito na lalong nagpatapang sa personalidad ng babaeng kaharap.
" And who the hell are you?!"nandidilat ang mga matang tanong nito sa kaniya.
" Alam namin na costumer ka rito,pero hindi naman tama na pagsalitaan mo siya ng ganiyan. Parang sobra na po 'yang ginaga-"
Naputol siya sa pagsasalita ng biglang sampalin siya nito. Hindi niya inaasahan ang gagawing iyon ng babae. Hawak ang namumulang pisngi ay tulala siyang napatitig rito. Nagulat din ang kaibigan niya na napaawang pa ang bibig.
Sa tagal na pagtatrabaho niya sa hotel ay ngayon lang siya naka-encounter ng ganoong klaseng costumer na tila mala halimaw sa sama ng ugali.
" How dare you to talk to me that way?!" duro nito sa kaniya. " Hindi mo ba kilala kung sino ako,ha?!"
Halos maluha si Azumi,hindi pa rin makaimik dahil sa labis na kabiglaan. Kumuha pa ito ng alcohol sa shoulder bag at iniwisik sa mga kamay na tila na nandidiri sa mga kaharap. Magsasalita na sana siya ng bigla namang dumating ang manager nila.
" Ano'ng nangyayari dito,ha?!" bungad ng manager sa kanila ngunit nagulat ito ng makita ang babaeng sumampal sa kaniya. "Ah, M-Madam,kayo ho p-pala iyan!" nauutal na sambit at bahagya pa'ng yumukod.
" Yes,it's me! You look surprise,huh?!" sarkastikong sagot nito.
Bumakas sa kaniya ang pagtataka kung bakit ganoon na lang ang pagkataranta ng kanilang manager sa babaeng kaharap.Napalingon siya sa kaibigan na bakas rin ang pagtataka sa mukha nito.
"Ah, Madam,bakit hindi po kayo nagpasabi na darating kayo?"
" And now you're questioning me?!" masungit na turan nito. " Anyway, i have a surprise visit to all branch and i notice many failures especially here!" dumako ang tingin nito sa kaniya. " You really dissappoint me by letting beggars entering here in my hotel,are you insane Miss Celine?!" nanlalaki ang matang sambit nito.
Anu daw? Sino ba ang babaeng ito at bakit ganoon kung umasta? Gusto niyang himatayin sa isiping ito ang may ari ng hotel na pinapasukan niya. Naloko na.
Siya kaya ang tinutukoy nitong pulubi? Umasim ang mukha niya sa tinuran nito. Pasimple niyang tinignan ang suot niyang damit. Oo at medyo luma ngunit malinis naman ito at mabango.
" Po? Ano'ng ibig niyong sabihin?" napatingin ito ngunit agad ding yumuko na tila takot tumingin ng diretso sa babae.
" I'm talking about her!" bumaling ulit ito ng tingin sa kaniya. "Ang lakas ng loob ng babaeng iyan na insultuhin ako in my own place! Ano pa hinihintay mo? Keep her out of my sight now!" galit na bulyaw nito sa manager.
Tuluyan na siyang hindi nakaimik sa tinuran nito. Pakiramdam niya ay nanlalambot ang buong katawan niya. Mangiyak-ngiyak namang tinignan siya ng kaibigan.
" Ah, Madam she is Azumi,isa po siya sa mga hotel cleaner natin," mabilis na tugon ng manager.
Tumingin ang babae sa kaniya na tila nang iinsulto. Lumapit pa ito sa kaniya. Ramdam na niya ng mga oras na iyon na mawawalan na siya ng trabaho.
" Oh,really? Then fire her!"
Tila bomba iyon na sumabog sa kaniyang tenga. Agad itong tumalikod at iniwan na sila. Hindi agad sila nakaimik na tila nabigla sa agarang pagtanggal sa kaniya sa trabaho. Napapailing na napatingin na lang sa kaniya ang manager na wala ring nagawa.
" Si-sino po ba iyon,Maam?" kapagkuway tanong ng kaibigan niya.
" Siya si Miss Laura Madrigal. Siya ang COO at anak ng may-ari ng hotel na ito. I'm sorry Miss Perez,wala na akong magagawa sa sitwasyon mo," malungkot na sagot nito at iniwan na sila.