Chereads / Accidentally, Met You / Chapter 10 - 10

Chapter 10 - 10

Lutang ang isip ni Azumi ng mga oras na iyon. Kasama ang kaibigang si Andrea,nasa isang mumurahing restaurant sila para kumain. Tulala siyang nakatitig sa pagkain na kanina pa niya hindi ginagalaw. Hindi pa rin kasi siya maka-move-on sa nangyari kanina sa hotel. Wala siyang ganang kumain sa isiping wala na ang isa niyang trabaho na malaki ang naitutulong sa kaniyang pamilya lalo na sa pang matrikula ng kapatid na nag-aaral. Hindi kasi sumasapat ang sinisweldo niya sa pabrikang pinagtatrabahuan para sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.

" Sorry friend,ah? Kasalanan ko kung bakit ka nawalan ng trabaho," basag ng kaibigan sa pananahimik niya. Bakas rin sa mukha nito ang labis na kalungkutan.

Ngumiti siya ng mapait at umiling-iling.

" Ano ka ba?Wala kang kasalanan," aniya sa malungkot na boses.

" Namumula pa rin iyang pisngi mo,oh? Ikaw naman kasi,bakit mo ba ginawa iyon? 'Yung mga ganoong klaseng tao hindi na dapat pinapansin. Hinayaan mo na lang sana ako,sanay naman ako sa mga ganoong tao,eh."

" Sobra naman kasi siya. Parang hindi tao ang tingin niya sa atin. Hindi porket mayaman siya at mahirap lang tayo,eh,ganoon na ang turing niya sa atin," puno ng hinanakit na tugon niya.

" Alam mo minsan kailangan din nating makibagay sa mga ganoong uri ng mga tao. Tanggapin na lang natin na ganun talaga sila,dedma kumbaga. Sumobra kasi ang pagiging mabuting tao mo,eh," sermon pa rin nito.

Napakagat labi siya. Lalo siyang naging determinadong pagtapusin sa pag-aaral ang mga kapatid,ayaw niyang maranasan nito ang mga hirap na nararanasan niya,lalo na ang mga pang-aalipusta ng ibang tao.

" Paano na ka na niyan? Ilang taon ka rin nagtrabaho sa hotel na 'yun,ah!"

" Okay lang. May isa pa naman akong trabaho,eh. Saka maghahanap na lang ulit ako ng extra income."

Pilit niyang pinasigla ang boses kahit ang totoo ay nanghihina siya sa sobrang panghihinayang. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang anak pala ng may-ari ang nakasagutan na bigla na lang sumulpot sa hotel?

Nang makauwi ay nadatnan niya si Josh na nasa balkonahe,mataman lang ito na nakatitig sa kawalan na tila malalim ang iniisip. Gusto niyang matawa dahil bakit kapag kaharap niya ito ay daig pa ang bulate sa lambot ng kilos nito,ibang-iba sa itsura na nakikita niya ngayon. Matikas ang tindig nito at napakaguwapo. Nagulat pa ito ng makita siya.

" Andiyan ka na pala,gi-ginabi ka yata?" agad na sambit nito.

" Bakit parang nagulat ka?"

Nangingiti niyang tugon. Napansin niya rin ang biglang pagbago ng tindig nito.

" Eh,kasi bigla ka na lang sumusulpot, 'no! Bruha ka talaga!"

" Eh,bakit naman kasi ang lalim ng iniisip mo diyan? Kanina pa kaya kita pinagmamasdan."

Napansin pa niya ang biglang pamumutla nito at tila hindi mapakali.

" Kanina ka pa diyan?"

" Oo,bakit? Ang sarap mo ngang kuhanan ng picture,eh,ipapakita ko sana sa'yo para makita mo ang kakisigan mo," pabiro niyang turan dito.

"Ay, loka ka talaga!Naiinsulto na ako sa sinasabi mo,ah!" nakairap na sagot nito.

Lalo siyang natawa sa tinuran nito.

" Pinapatawa lang kita,'no? Lalim kasi ng iniisip mo,eh!"

Ngunit agad na napawi ang ngiti niya'ng iyon. Siya nga pala 'tong may mabigat na problema,muli na naman niya'ng naalala.

" Eh,kasi naman dinalaw ako ng jowa mo at ininsulto na naman ang beauty ko," asik nito sa kaniya.

" Ha? Pumunta na naman siya rito?"

Agad niyang dinukot sa bag ang cellphone at nakita nga niya'ng maraming missed calls ang nobyo.

" Oo girl! Kulit pala 'nun,ah. Palagi niya'ng pinipilit na nagpapanggap lang ako. Iniisip niya siguro na magiging threat ako sa relation niyo.Ay,kaloka! Tumatayo balahibo ko sa mga pinag-iisip niya."

" Huwag kang mag-alala pagsasabihan ko siya, pasensiya ka na,ha?"

Nakaramdam siya ng inis sa nobyo. Pakiramdam niya ay lalong bumigat ang kaniyang kalooban dahil dumadagdag pa ito sa mga problema niya.

" Ay,oo dapat lang dahil pag ako hindi nakapagtimpi hahalikan ko talaga 'yang boyfriend mo,charot!" turan nito habang nakapameywang.

" Ano ba 'yan!" humahalakhak niya'ng sabi.

Napuno ng tawanan sa pagitan nila ngunit napansin niya rin ang pag asim ng mukha nito at bahagyang pinanginginig pa ang katawan.

" Ikaw,ah! May pagnanasa ka sa boyfriend ko."

" Teka ano'ng nangyari sa feslak mo?" bigla ay tanong nito.

Hinawakan niya ang pisngi at muli niya'ng naramdaman ang lungkot. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa chin.

Tinignang maigi ang pisngi niya dahilan upang magkalapit ang kanilang mga mukha. Amoy pa niya ang mabangong hininga nito. A masculine scent na pakiramdam niya ay malalasing siya.

Lalo pa niya'ng natitigan ang guwapo nitong muhka. May cleftchin ito na lalong dumagdag sa sex appeal ng lalaki pati na rin ang eboy haircut nito. Guwapo talaga,every girl's dream. Hindi niya masisisi ang nobyo na magselos dito.

" Ano ba nangyari,girl? May sumapak ba sa'yo?" patuloy na usisa nito. Walang kamalay-malay na kanina pa niya ini-enjoy ang mata sa guwapo nitong mukha.

" Ah,ano,kasi may nangyari lang," sagot niya ng matauhan.

" Kainis! Attracted na ba ako sa kaniya?" aniya sa sarili.

" May nakaaway ka,girl?" seryosong tanong nito.

" Hmm. Parang ganun na nga, siguro?"

Nagpasya siyang ikuwento kay Josh ang lahat para na rin kahit paano ay gumaan ang kalooban niya. Napansin niya naman ang pakikisimpatya nito sa pagkawala niya ng trabaho.

" Pabigat na ba ako dito,girl? Just tell me,puwede naman na ako'ng gumora if you want," malungkot na tanong nito.

" Hoy hindi,ah!" mabilis niyang tugon dito. " Ako nga 'tong malaki ang utang sa'yo,eh. Dito ka lang ayoko na umalis ka."

Napangiti naman si Josh na tila napanatag ang kalooban.

" Sure ka,ha? Huwag kang mag-alala simula ngayon,hihinaan ko na ang pagkain ko. Gagawin ko na lang two times a day or kahit once na lang para makatipid tayo," pabiro nitong tinuran.

Tinampal niya ang braso nito habang tumatawa. Iba talaga ang energy niya kapag kausap ito,palagi siyang napapatawa.

" Oh,ayan,ah! Napatawa kita,gusto mo ba resbakan natin 'yung, ano nga ba pangalan 'nun?"

" Mora? Nora? Ay,hindi ko na maalala pangalan niya sa sobrang pagkabigla ko sa mga nangyari."