Chapter 7 - 7

" OY, sis! Ano kumusta na si pogi?" bungad ni Alice kay Azumi.

" Nakakagulat ka naman! Ano ginagawa mo rito? Naligaw ka yata?" tanong ni Azumi na hawak pa ang dibdib. Muntik pa siyang mapaso sa iniinom na kape.

Kasalukuyan siyang nasa pantry sa work nila para magbreaktime.

" Tigilan mo kakainom ng kape, ah,nagiging nerbyosa ka," umiirap na sabi ni Alice. "Kasama ko boss ko,may kausap sa office niyo, eh."

" Talaga bakit naman?"

" Business as usual. Teka nga pala,si pogi ano kumusta na?"nangingislap pa ang mata nito.

" Okay naman na si Joshua,medyo nakakalakad na ng maayos."

" Ayiie! Kinikilig talaga ako marinig ko palang pangalan niya. Swerte mo,sana ako nalang nakabundol sa kaniya, girl!"papadyak-padyak pa ang paa nito sa sobrang kilig.

Napapailing na lang si Azumi sa kinikilos ng kaibigan.

" Hoy! Don't tell me, girl,hindi ka attracted sa kaniya? Hmp, kahit naman gay siya meron parin siyang ano,'no!" humagikhik pa ito.

" Anong ano?" kunot-noong tanong ng dalaga.

" Sus! Alam mo na iyon," kinikilig paring sagot ni Alice.

" Puro ka talaga kalokohan Alice,kung ano- ano naiisip mo!"

" Syempre,muscle at abs,ano bang iniisip mo?Ikaw talaga sis, ah!" sabay halakhak nito.

Napabuntung-hininga nalang ang dalaga dahil mukhang nababaliw na talaga ang kaibigan. Sabagay,noon pa naman ay baliw na ito,ngunit parang mas lumala yata ngayon.

" Okay!Tama na,oa na pinagtitinginan na nila tayo, oh," naiiling nalang na sagot niya.

Napatingin naman sa paligid niya si Alice,nginitian niya lang ang tao sa paligid.

" Nakakainis naman kasi eh!Bakit kasi naging gay pa siya? Tignan mo naman ang figure niya,ma masel- masel halatang naggi-gym,im sure may abs din yun," namimilog pa ang matang sabi nito.

" Ngayon alam mo na?Na hindi lahat ng gwapo, eh, tunay na lalaki?"

Tumayo na si Azumi para pumunta sa locker niya."Sige na babalik na ako sa workplace ko."

" Wait sabay tayo mag lunch mamaya daanan kita rito."

" Hindi ako sure, eh.Aalis ako mamaya,kailangan kong magpadala na ng pera sa amin. Enrollan na naman kasi ng kapatid ko. Baka sa bahay na ako mag lunch."

Agad na nangislap ang mga mata ni Alice.

" Edi sasama na ako sayo,sis para makita ko si Joshua," excited na sabi nito.

" Alam mo Alice?Kung ako sayo kalimutan mo na siya,maiinlab kana lang sa beki pa,hanap kana lang ng iba,okay?" tinapik pa niya ang balikat ng kaibigan saka umalis.

" Kainis 'to,hindi man lang supportive friend,hmp!"

Kinuha ang tasa na nasa harapan at hinigop ang kape na tira ng kaibigan.

****

Hindi naman mapakali si Josh sa kwarto niya. Inaatake na naman kasi siya ng pagka homesick. Nararamdaman na naman niya ang matinding lungkot. Biling baliktad siya sa higaan. Nang tuluyang mainip ay nagpasyang tumayo at lumabas ng kwarto. Naisipan niyang manood ng Tv,ngunit nabagot lang din siya. Naisipan niya ring tawagan si Mang Nestor ngunit natatakot naman siya sa maaaring ibalita na naman nito. Kumusta na kaya ang Daddy niya?

Pilit niyang nilabanan ang lungkot at inaliw ang sarili. Lumabas siya ng bahay para magpahangin. Naaliw naman siya sa mga halaman ni Azumi sa garden nito. Naalala niya ang Mommy niya na mahilig din sa halaman. Naaalala pa niya,nung bata pa siya palagi siya nitong sinasama sa garden at doon sila nagpapalipas ng oras at naglalaro ng Mommy niya. Tinutulungan niya pa itong magdilig. Napangiti siya sa ala-alang iyon. Nakita niya ang hose na nakakonek sa gripo. Binuksan niya ito at nagsimulang magdilig. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagkabata.

****

ABALA naman si Azumi sa cellphone niya. Kasalukuyan siyang nasa money remmitance para magpadala ng pera sa mga magulang niya sa probinsya. Pawisan siya sa init ng araw,tanghaling tapat narin kasi iyon. Nakakunot ang noo niya tanda ng pagkainis dahil sa hindi pagsagot ng kapatid sa mga tawag niya. Pamaya-maya ay may sumagot na rin sa wakas mula sa kabilang linya.

" Ano ba naman Annie?Kanina pa ko tumatawag, ah?" naiinis niyang sabi sa kapatid.

"Pasensya ka na Ate, ah! Nagluluto kasi ako, eh.Hindi ko narinig yung ring ng cellphone," sagot nag kapatid niya.

" Naipadala ko na 'yung pera para sa pang tuition mo. Mag enroll kana agad. Bilhan mo narin ng mga gamit si bunso para sa school niya."

" Opo, Ate salamat, ah!" masayang sagot ng kapatid. "Promise, Ate,pagbubutihin ko ang pag-aaral ko."

" Dapat lang, 'no.Kasi pag nakatapos ka na at nakapagtrabaho,si bunso naman ang pagtutulungan nating pag- aralin sa college."

"Okay Ate,roger that!"

" Nasaan nga pala sila nanay?"

"Hindi mo makkausap Ate,nagtatanim sila ng palay sa bukid,taniman kasi ngayon. Si bunso naman ayun naglalaro,kausapin mo ba?"

Napangiti naman si Azumi,nagsisipag na talaga ang tatay nila,nagbago na talaga ito.

" Ah, hindi na,nagmamadali rin kasi ako,babalik pa ako sa work ko. Sige babye na,yung mga bilin ko sa'yo, ah."

"Sige, Ate,ingat ka diyan, ah!"

Pinutol niya na ang linya at sumakay ng jeep pauwi sa kanila. Bumili narin siya ng ulam na iluluto para sa kanila ni Joshua. Masaya siya ng araw na yun dahil nagiging maganda ang takbo ng trabaho niya. Kahit papano ay nakaipon siya ng pang tuition fee ng kapatid. Nursing kasi ang kinukuha nito kaya may kalakihan talaga ang gastos. Pangarap kasi nitong pumunta ng ibang bansa at doon magtrabaho. Kaya naman todo kayod siya para suportahan ang nakababatang kapatid.

Binuksan niya ang pinto ng gate. Aakyat na sana siya, nang may marinig siyang kaluskos sa likurang bahay. Nakita niya si Josh na tila masayang nagdidilig ng mga halaman niya. Nakahubad baro ito kaya lumantad sakaniya ang macho nitong pangangatawan. Napangiti siya at tatawagin na sana ang binata ngunit natigilan siya. Napatitig siya sa napakaguwapong binata na animoy model sa men's magazine. Ni hindi kababakasan ng kabaklaan ang binata. Lalaki itong kumilos. Napataas ang kilay niya at napalunok siya ng laway. Tama nga si Alice may abs nga ito at may muscle na halatang alaga sa gym ang katawan. Gusto niya nang tumalikod ngunit ayaw naman ng katawan niya. Dahil sa totoo,nag eenjoy siya sa magandang tanawing nakikita niya. Lalo na ng simulang basain ng lalaki ang mukha at katawan nito. Hinahagod pa nito ang katawan na tila nang aakit. Dumako ang mata ni Azumi sa dibdib ng lalaki na mina massage pa nito, hanggang sa may abs papunta sa mabalahibo nitong puson. Matagal siyang napatitig doon. Sa totoo lang maganda rin naman ang katawan ng boyfriend niya ngunit hindi kasing lakas ng dating ng lalaking kasalukuyan niyang pinapanood ngayon.

Ngunit tila natulos siya sa pagkakatayo ng madako ang paningin ng lalaki sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila na kapuwa kababakasan ng pagkagulat.