Chapter 6 - 6

NAPANSIN naman ni Azumi ang kaba sa mukha ni Josh nang tumitig siya rito. Nagtama ang kanilang mga mata. Kita niya ang pagkataranta sa itsura nito. Bigla siyang napaisip, totoo nga kaya na nagpapanggap lang ito? Pero bakit?

Maya-maya sumagot bigla ito na nakapameywang pa.

"Hoy! Koya anong akala mo sa mga beki hindi marunong ng self deffense? Are you born yesterday?" mataray na tanong ng binata.

"Syempre no, need din naman namin i-deffend ang mga sarili namin laban sa mga mambabastos samin like you!" dugtong pa nito habang pinapatirik pa ang mga mata.

Bakas naman sa mukha ni Dexter ang lalong pagkainis.

"Hoy!Hindi ako naniniwala sayo, ah! Lalaki rin ako at alam ko ang galawan mo!" hirit parin ni Dexter.

"Huh! You don't believe? Who cares?" umirap pa ito sabay talikod sa dalawa.

Hindi maipinta ang mukha ni Dexter na kababakasan ng lalong pagkainis.

" Okay, tama na iyan, Dex please?" awat ni Azumi sa dalawa.

"Anong tama na? Sabi-"

"Dex, bisita ko siya kaya huwag mo siyang bastusin!" putol niya sa sasabihin pa sana ng nobyo.

"Joshua, sige na magpahinga kana sa kwarto mo, pasensya na, ah."

Mabilis pa sa alas kwatro na tumalilis si Josh.

"Ano? Teka, lang Azumi," hirit parin ni Dexter ngunit hindi na niya pinansin pa ito,pumasok na siya sa kwarto niya.

Sinundan naman siya ni Dexter sa kwarto.

"Hey, Azumi, what? Dito mo talaga siya patutulugin, anong ibig sabihin nito, magpaliwanag ka!" galit na tanong ng nobyo.

Humarap siya rito na may matatalim na tingin.

"Unang-una, wala akong dapat i-explain sa'yo! Pangalawa, bahay ko ito, kaya patutulugin ko lahat ng gusto kong patulugin!" mataray na sagot ng dalaga.

"Ano 'to, ha?Pinagtataksilan mo na ako?Umamin ka nga, Azumi, pinagpalit mo na ba ako?"hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.

" Kaya pala hindi ka na sumasagot sa mga tawag ko,eh!May iba ka na!" galit na sabi pa ni nito.

" Ang hirap mong paliwanagan, Dexter!Sinabi ko naman sa'yo 'di ba na beki siya? Huwag mo nga ako pagbintangan ng kung ano-ano! Baka akala mo nakalimutan ko na' yung ginawa mo last night? " galit niyang sumbat sa nobyo na nakapameywang pa. Natapik naman ni Dexter ang noo niya.

" God, Azumi! So, gumaganti ka ganon?" halos manlaki ang mata ni Dexter sa galit.

" Ang hirap mong paliwanagan,Dex! Palibhasa kasi gawain mo. Eh, ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nandito siya," giit pa niya.

" What? Me? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong nito.

" Kung hindi ka lang naglandi doon sa party, hindi ako aalis na magulo ang isip. Nabangga ko siya ng kotse na minamaneho ko, muntik na ako makapatay ng dahil sa'yo! " naiiyak na sabi ng dalaga.

" Ano ka ba?Hindi kana nasanay sa akin,eh.Ganon lang naman ako, friendly, wala lang iyon. Saka bat hindi mo sinabi sa akin na naaksidente ka? Ayos ka lang ba, hindi ka ba nasaktan?" mahinahon na sabi nito.

" Friendly? Oh, common Dex, nakaakbay ka sa babae tapos sasabihin mo,friendly?" napabuga siya ng hangin. Lalong nainis sa tinuran ng nobyo.

" Inaalalayan ko lang naman siya, eh. Babe naman huwag na natin palakihin ito puwede? " panunuyo ng nobyo.

" Alalayan ano iyon pilay? Lahat nalang ng palusot gina-" natigilan siya sa pagsasalita ng hilahin siya ng nobyo at siilin siya ng halik ni Dexter.

Hindi na siya nakatanggi pa. Iyong kaninang galit niya sa lalaki ay parang yelong natunaw nalang.

Ganoon niya kamahal ang nobyo, isang halik lang nito nawawala na agad ang sama ng loob niya para rito. Lumalim pa ang halik na iyon na halos hindi na makahinga pa si Azumi. Naging mapusok ang lalaki na isinampay pa ang dalawang braso ng dalaga sa balikat niya at yumakap sa bewang nito.

Yumakap rin naman sa batok ang dalaga.

Matagal at maalab ang eksenang iyon na tila ayaw na nilang tapusin.

Maya-maya pa ay naghiwalay ang labi nila na kapwa pa hinihingal.

"Dinadaan mo nalang talaga ako lagi sa ganito," sabi ng dalaga.

"Na gustong-gusto mo naman?" panunudyo naman ng nobyo.

"Hoy! Hindi ko pa nakakalimutan 'yung kasalanan mo, ano?Huwag kang kampante riyan, hindi-" naputol ulit ang sasabihin niya ng muli siyang halikan nito sa mga labi.

Sa pagkakataong ito, mas naging mapusok ang nobyo.

Gumapang ang halik nito sa kaniyang leeg na tila sabik na sabik.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ng dalaga at isinandal pa sa pader.

Tila mawawala naman sa ulirat si Azumi sa nararamdamang kaligayahan ng mga sandaling iyon.

Maya-maya pa ay binuhat siya ng lalaki at inihiga sa kama. Pinaliguan siya ng halik ng nobyo mula sa mukha papunta sa leeg niya. Habang ang mga kamay nito ay nagiging malikot narin papunta sa kaniyang mga hita.

Bumaba ang halik nito sa kaniyang tiyan. At unti-unting tumataas pataas sa kaniyang dibdib.

Hindi naman maipaliwanag ni Azumi ang nararamdaman napapaungol pa siya dahil doon.

Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig ng tangkain ng lalaki na tanggalin ang strap ng bra niya.

Bahagya niyang tinulak ang lalaki at bumangon siya.

Agad niyang inayos ang sarili at ang buhok na bahagyang nagulo.

Bakas naman sa mukha ni Dexter ang pagkadismaya.

"Palagi mo nalang akong binibitin," inis na sabi ng nobyo.

"Uhm, gabi na umuwi ka na," tugon niya habang inaayos pa rin ang sarili.

" Palagi nalang ba tayo ganito? Pagkatapos mo akong painitin bibitinin mo lang ako!" tila galit na sabi pa.

"Dex, hindi ba pinag-usapan na natin ito?"sabi niya habang nakatalikod sa lalaki.

" At kelan ka magiging handa?Kapag ugod-ugod na tayo? For Godsake Azumi, remember 3 years na tayo, pero hanggang ngayon di mo pa rin ako mapagbigyan! "

"Hinaan mo nga iyang boses mo, nakakahiya kay Joshua, baka nagpapahinga na siya," mahinang saway niya sa binata.

"Whoa! Grabe, siya na nga lang ang nakikitulog, eh,tayo pa ang mahihiya? Swerte mo brod,kasama mo sa iisang bahay ang girlfriend ko!"

Bahagya pa nitong nilakasan ang boses na tila nagpaparinig kay Josh.

"Tumigil ka na nga!Para ka namang bata," mahinang saway ng dalaga. "Umuwi ka na masyado ng malalim ang gabi may pasok pa ako bukas,"dagdag pa niya.

Matiim siyang tinitigan ng nobyo. Maya-maya ay walang paalam itong umalis. Tinawag pa niya ito ngunit hindi na siya pinansin pa nito. Napabuntong-hininga nalang ang dalaga.

Palagi nilang pinagtatalunan ang tungkol doon. Malamang ay ito rin ang dahilan kaya nakikipag fling parin sa iba ang nobyo. Hindi niya kasi ito magawang pagbigyan. Hindi dahil sa conservative siya, kundi dahil takot siyang mabuntis. Sa kaniya lang umaasa ang pamilya niya at may dalawang kapatid pa siyang pinapaaral. Pag nabuntis siya, paano niya pa masusuportahan ang pamilya niya?

Masakit man para sa kaniya dahil madalas nila itong pagtalunan na tila ba iyon lang ang habol ng lalaki sa kaniya. Hindi niya ito magawang hiwalayan kahit ilang beses na siya nitong niloloko. Martir man ang dating wala na siyang pakialam. Mahal niya ito at alam niyang mahal rin naman siya nito.

Bigla niyang naalala si Josh, nais niyang humingi ng pasensya rito. Nagpasya siyang puntahan ito sa kwarto. Kumatok siya ng mahina sa pinto ng kwarto. Ngunit wala siyang narinig na tugon mula rito.

" Tulog na siguro siya,bukas ko nalang siya kakausapin, " aniya.

Nagpasya na rin siyang bumalik sa kwarto niya para matulog.

-----

HINDI naman mapakali si Josh sa kwarto niya. Nagpasya siyang huwag buksan ang pinto, alam niya kasi na si Azumi ang kumakatok. Hindi pa siya handang kausapin ito.

Paano kung nabuking na siya at bigla nalang siya paalisin ng dalaga? Saan siya pupunta?

"Shit, this is not good!Nabuking niya na kaya ako?" aniya habang paroot-parito sa loob ng silid.

"Bakit ka naman kasi nagpadalos-dalos ,Josh? Why did you punch him? " napapikit ng maisip ang ginawa kanina.

Hindi siya pwedeng mabuko agad ng dalaga dahil wala siyang alam na pwede pang pagtaguan.

Nagpasya na siyang matulog ngunit hindi naman din siya nakatulog ng maayos sa kakaisip na sa tingin niya ay malaking problema.

Kaya naman kinabukasan nang magising siya ay masakit ang ulo niya. Lumabas siya ng kwarto ngunit napahinto siya ng matanawan si Azumi sa kusina, naghahanda ito ng pagkain. Babalik na sana siya sa kwarto ng marinig niyang tinawag siya nito.

Dahan-dahan siyang lumingon bago nagsalita. " Um, hi!" pilit itong ngumiti.

"Good morning, halika na kumain na tayo," nakangiting aya ng dalaga.

Alumpihit pang lumapit si Josh dito, kinakabahan siya ngunit napanatag siya dahil nakangiti ito at mukhang hindi naman galit.

Siguro, hindi niya ako nahalata kagabi!

" Ba-bakit andito ka pa,hindi ka ba papasok?" tanong niya rito.

" Maaga pa naman, saka hinintay ko talaga na magising ka para kausapin ka tungkol sa nangyari kagabi,"sabi ng dalaga habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.

"Ha? Tungkol ka-kagabi?" kinakabahang tanong niya. Napatitig siya sa mukha ng dalaga.

"Oo, gusto ko kasi humingi ng sorry sa ginawa ng boyfriend ko, feeling ko kasi nabastos ka niya, eh. Sorry talaga, ah!"

Nakahinga ng maluwag si Josh dahil doon. Pakiramdam niya kanina sasabog na sa kaba ang dibdib niya.

"Um, okay lang forget it," kunway pinihit ang buhok sa likod ng tenga.

"Talaga? Nahihiya kasi ako sa'yo. Ikaw na nga itong napahamak dahil sa akin, eh, tapos si Dexter,kung ano ano pa mga sinabi sa'yo," nahihiyang sabi ng dalaga.

" Actually, na-hurt lang naman ako ng very, very light,"pinalungkot kumwari ang mukha na sabi niya.

" Kasi alam mo yung feeling na, napagkakamalan kang lalaki? Tell me Azumi, mukha ba talaga akong lalaki?"

Hindi naman napigilan ni Azumi ang matawa sa tinuran ng lalaki.

"Alam mo?Huwag mo nalang siyang pansinin, hindi niya lang siguro na-appreciate ang beauty mo," natatawa naring sagot ng dalaga.

"Kumain nalang tayo at baka lumamig pa 'tong niluto ko."

Muli ay pumanatag ang kalooban ni Josh. Nasabi niya sa sarili na mag-iingat na siya sa susunod at hindi na magiging padalos-dalos sa mga ikikilos niya. Nangakong mas gagalingan pa niya ang pagpapangap bilang beki!