Chapter 3 - 3

NAKARAMDAM ng kirot si Josh ng bahagya siyang kumilos. Nanghihina pa rin siya,ramdam niyang mainit siya. Sa nanlalabo niyang paningin, napansin niyang may dalawang nakatunghay sa kaniya. Hindi niya maaninag ng malinaw ang mga itsura nito, pero naririnig niya ang mga boses.

"Gising ka na, Salamat naman.May masakit ba sa'yo?" tanong ni Azumi sa nag-aalalang boses.

Hindi nakasagot si Josh.Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya, pakiwari niya'y nilalagnat siya at nakakaramdam siya ng uhaw. Bahagya niyang idinilat ang mga mata. Nakatunghay sa kanya ang dalawang babae, si Azumi at Alice. Nasa mukha ang pag-aalala.

Pilit na inalala ang mga nangyari, nilibot niya ang paningin niya at sa tingin niya, nasa isang ospital siya. Maya-maya, naalala niya ang nangyari, nabundol nga pala siya ng kotse.

"Tu-tubig, nauuhaw a-ako," nanghihinang sabi ni Josh.

Agad na tumalima si Azumi at kumuha ng tubig. Inalalayan siya nitong uminom.

"Pogi, ayos ka na ba?"

"Mukhang hindi pa siya okay, nanghihina pa siya ,eh."

Sinalat ang leeg ni Josh. "Mataas pa ang lagnat niya. Mabuti pa, iwan na muna natin siya para makapag pahinga siya ng maayos."

"Ay! Mamaya na kakausapin ko pa nga si pogi, eh.Hi!Ako nga pala si Alice at siya-"

"Ano ka ba?Huwag muna natin siya istorbohin, hayaan na muna natin siya makapag pahinga," saway nito at hinila ang kaibigan palabas ng kuwarto.

Nang makalabas ang dalawa, agad na bumangon si Josh.Hinanap ng kaniyang mga mata ang maleta niya. Nakita niya ito sa gilid ng kama. Kahit nanghihina ay pinilit niyang makabangon. Hinagilap niya ang cellphone niya. Nakita niyang marami siyang missed-calls galing kay Laura at kay Mang Nestor.

"Shit! I forgot to change my number. Alam ko na hindi ako titigilan ni Laura," inis na sabi. Bumalik siya sa pagkakahiga dahil nanghihina pa siya dagdag pa ang kirot ng katawan niya.

Muling bumukas ang pinto at iniluwa doon ang dalawa, kasama ang Doctor. Nagkunwari siyang tulog.

"Nothing to worry about, dala lang iyan ng mataas na lagnat niya. Meron na kaming in-inject sa kaniya, malamang tumatalab na iyon. All he need is rest. In-eksamin ng Doctor ang binata. Maya-maya, nagpaalam na ito.

" Ano nang plano mo kay pogi pag nagising na siya?"tanong ni Alice.

"Ewan ko, si-siguro, uhm, hihingi ng tawad syempre. At sana huwag niya na ako i-demanda. Ibibigay ko naman ang lahat ng tulong na kailangan niya, e.Huwag niya lang ako ipakulong, kawawa naman ang pamilya ko," sagot ni Azumi at buntong-hininga."Sana maging okay na talaga siya.Talagang nakukunsensya ako sa nagawa ko. Ipinahamak ko ang isang tao, dahil lang sa nagpadala ako sa emosyon ko," inis na sabi pa nito.

"Oo nga kawawa naman si pogi, buti hindi mo napuruhan, girl! O siya, kailangan ko muna umuwi. Papasok pa ako, eh."

Naghikab pa ito. Hindi na kasi ito nakatulog.

" Oh, sige, hindi na muna ako makakapasok.Hindi ko pa siya puwedeng iwan, eh."

"Sigurado ka ba?" paniniyak ni Alice.

"Oo, hindi ako aalis dito hangga't hindi pa siya nagigising at nagiging okay," sagot pa ni Azumi.

"Hay, o sige, ikaw bahala. Tawagan mo na lang ako pag may problema."

Nagpaalam na ito.

Nakaramdam naman ng labis na antok si Azumi.Hindi na rin kasi ito nakatulog. Inayos muna nito ang kumot ni Josh at nag pasyang matulog. Iniyuko lang ang ulo sa kama ng binata.

Dahan-dahan naman na i-minulat ni Josh ang mga mata. Tinapunan ng tingin ang nakayukong dalaga. Magulo pa rin ang isip niya at hindi pa rin alam kung saan pupunta. Sa totoo lang, wala siyang plano.

Mag-isip ka, Josh! Ano na ba ang plano mo?! Sumugod-sugod ka sa gyera na walang sandata! Ano, ha? Natatakot ka ba sa isang babae lang?!

Bumangon siya ng dahan-dahan at nagpasyang tawagan si Mang Nestor.

"Iho, mabuti at tumawag ka! Galing dito si Laura, galit na galit! Binantaan niya ang Daddy mo na ipapakulong pag hindi ka inilabas. Ayaw niyang maniwala na walang alam ang Dad mo kung nasaan ka!"

"Huh! Ipapakulong? At sa anong kaso naman kaya? For hiding a person? Damn her!" gigil niyang sabi.

"Hindi raw siya titigil hanggat hindi ka nakikita. Magbbayad siya ng isang tao  para ipahanap ka agad. Iho,mag-iingat ka."

" Sige ho, tatawag nalang ulit ako," tiim-bagang sagot sa matanda. Namumula sa galit si Josh, litong-lito ang isip.

Damn you, Laura! I really hate you!

Wala na siyang maisip na ibang paraan. Nanghihina siyang napaupo sa isang upuan.

I really need a place to hide. But where? Where's the damn place!

Maya-maya sumagi sa isip niya ang sinabi ni Azumi. Na lahat ng tulong ibibigay sa kaniya ng dalaga. At ano naman kaya ang maitutulong sa kaniya ng pobreng dalaga? Natawa na lang siya sa naisip. Alam niya na kahit saan siya magpunta, mahahanap pa rin siya ni Laura, tiyak na gagamitin nito lahat ng impluwensya para lang mahanap siya. At sino siya para labanan ito? Siya na kahit na katiting na yaman ay wala na.

Nanghina siya sa naisip, nakita pa niya sa balintataw niya na nag papakasal siya kay Laura habang may nakatutok na shotgun sa kaniya. No!  sigaw ng isip niya.

Pinagpawisan siya sa naisip. Natigilan siya.

Baguhin ko kaya ang pagkatao ko? I'm sure hindi niya na ako makikilala, but how?! Taking a plastic surgery? It's a big no!

Napudpud na ang utak niya sa kakaisip, wala na talaga siyang maisip na paraan

Gusto niya ng sumuko, laylay ang balikat na tumayo siya. Babalik na sana siya sa kwarto niya ng, mapukaw ang atensyon niya sa dalawang taong nag-uusap sa di kalayuan. Patili-tili pa ang isa na isang beki pala. Isang nurse na beki na ina-assist ang isang pasyente na giliw na giliw sa beking nurse. Pakendeng-kendeng pa ito na tila inaaliw ang isang babaeng pasyente. Payakap-yakap pa ang babae sa beki na tila kampante lang sa beking nurse. Tumalikod na siya at nag pasya na sanang aalis ng matigilan siya. Lumingon siya ulit sa dalawa at pinanood ito. May nabubuong plano sa isip niya pero tumututol ang isa pa niyang isip. Matatawa siya ng minsan at biglang seseryoso, at sunod-sunod na napapailing. Pikit-mata siyang bumuo ng pasya na kahit ayaw niya ay wala na siya'ng ibang pagpipilian pa.