Chapter 2 - 2

Nanginginig si Azumi pagkababa ng kotse. Nanghilakbot ng makita ang lalaking nakahandusay sa di kalayuan.

"Dios ko! Nakabangga ako!" usal niya.

Agad siyang lumapit dito. Hindi niya alam ang gagawin kung hahawakan ba niya ito pero natatakot siya.

"Na-napatay ko ba si-siya?" sa nanginginig na boses.

Hinawakan niya ang nakadapang lalaki at bahagyang niyugyog.

"Manong, gising! Dios ko, anong gagawin ko?" Iginala niya ang kaniyang paningin. Wala siyang mahingan ng tulong, madaling araw na kaya walang dumadaan na sasakyan sa gawi nila. Mangiyak-ngiyak si Azumi. Narinig niya ang lalaki na bahagyang umungol.

"Dios ko! Okay ka lang ba, manong? A-nong ma-masakit sa'yo, ha?" nabubulol niya'ng tanong.

Umungol ulit ito na tila nasasaktan. Lalo siya'ng nataranta.

"Te-teka lang tatawag ako ng tulong." Dinukot niya ang cellphone niya sa bag, ngunit nabitawan niya ito sa sobrang pagkataranta. Kinapa niya ito sa lupa, nang mahawakan agad niyang tinawagan si Alice, ang bestfriend niya.

"Tulungan mo ako, Alice! May nabangga ako," mangiyak-ngiyak niyang sabi sa kaibigan.

"Ha?! Ano kamo,nakabangga ka?!" gulat na tanong ni Alice.

"Oo, pumunta ka na kaagad dito! Tulungan mo ako, dalhin natin siya sa ospital! Baka mamatay siya!" umiiyak niyang sabi.

"Okay, huminahon ka, nasaan ka ba? Sabihin mo sa akin ang exact location mo,pupuntahan kita."

Luminga muna siya bago sumagot. "Di-dito sa boundary ng San Nicholas, malapit sa may coffee Shop. Pumunta kana kaagad bilisan mo!"

Nang maputol ang linya, nilapitan niya agad ang lalaki.

"Konting tiis nalang, ha? Madadala kana namin sa hospital. Please, huwag kang mamamatay, Manong!"

Mula sa pagkakadapa ay hinarap niya ito ng dahan-dahan. Nalantad sa kaniya ang gwapong mukha ng binata. Bahagyang umambon kaya kinuha niya ang jacket sa kotse. Pinang- takip niya sa lalaki at hinawakan niya ang kamay nito. Humihinga pa naman ito sa tingin niya kaya medyo napanatag siya.

"Konting tiis nalang?Huwag ka susuko parating na ang tulong," aniya pa habang hawak parin ang kamay ng lalaki.

Ilang sandali pa ang lumipas, dumating si Alice, gulat na gulat ito. Kaagad nila ito'ng dinala sa ospital.

Nasa waiting area sila, naiiyak pa rin si Azumi.

" Ano ba kasi nangyari sau, Azumi? Bakit bigla kang nag-walk out sa party kanina? At saka hindi ka naman lasing noong umalis ka, ah, ano ba nangyari sa'yo?" sunod-sunod na tanong nito. "At yung kotse pa ng company namin ang dinala mo, hay naku! Buti nalang hindi nagasgasan kung hindi matatanggal talaga ako sa trabaho niyan, tinakas ko na nga lang eh!" inis na sabi

"Pasensya ka na, Alice," malungkot na sabi niya napabuntong-hininga na lang.

"Ay, naku! Hindi bale na, ang importante hindi ka nasaktan. Pero in- fairness, ha? Ang guwapo nung nabundol mo, tisoy, ang ganda ng balat parang mayaman," kinikilig na sabi.

Tahimik pa rin si Azumi, tulala ito. Paulit-ulit na napapa buntong-hininga. Napansin iyon ni Alice kaya pumunta ito sa harapan niya.

"Girl, ayos ka lang ba?"

"Paano naman ako magiging maayos?" sagot niya habang nakatingin pa rin sa kawalan. " Muntik na akong makapatay, Alice, sa tingin mo ba ayos lang ako?"

"Ano ba kasi nangyari?Hindi ka naman reckless driver, ah. Hindi ka rin lasing noong umalis ka. Maliban na lang kung kahit konti nakainom ka, hindi ka naman kasi sanay uminom, eh."

"Si-si Dexter kasi, eh," matamlay niyang sagot.

"Ayon! Si Dexter, bakit ano si Dexter? Hay naku! 'Wag mo sabihin sa akin na dinibdib mo yung ginawa ng playboy mong boyfriend kagabi na pakikipag-flirt doon sa babae?Hindi ka na nasanay girl, ah. Ako nauumay sa lovestory niyo," mataray na sabi.

"At isa pa na inaalala ko, paano kung i-demanda ako nung nabundol ko, paano na ang pamilya ko?" aniya habang naiiyak.

Malungkot na lang siya'ng pinag-masdan ng kaibigan. Na tila wala rin naman magawa sa sitwasyon niya.

Si Azumi ang bread-winner ng pamilya niya. Nasa probinsya ang mga ito. Ang nanay niya ay isang simpleng maybahay at ang tatay niya ay nakikisaka lang. Dati silang may sariling lupa ngunit naibenta nila ito dahil sa pagkaka-utang. Nalulong kasi sa pagsasabong ang tatay niya kaya nagkaroon ito ng malaking utang at ang maliit na lupang sakahan ay binenta para may ipang bayad sa utang.

May dalawa pa siyang kapatid na pinapa -aral. Ang isa sa highschool at kolehiyo naman ang isa pa. Si Azumi naman ay highshool lang ang tinapos.

Palibhasa siya ang panganay kaya siya na ang inaasahan sa lahat ng mga magulang niya. Kaya naman doble kayod ang ginagawa ni Azumi.

Isa siyang simpleng manggagawa sa isang pabrika sa umaga at hotel cleaner naman sa gabi.

Maya-maya lumabas na ang Doctor. Kaagad nila itong nilapitan.

"Kumusta po, Doc? Ayos lang ba siya, kumusta na siya?" sunod-sunod na tanong ni Azumi.

" Nothing serious. Nagkaroon lang siya ng mga minor damage.May lagnat siya mukhang dahil sa pagkaka babad sa ulan. But theres nothing to worry about."

Nakahinga si Azumi sa sinabi na iyon ng Doctor.

"Thank you po, Doc," wika ng dalaga.

"Hay salamat! Okay lang si tisoy. Tara puntahan na natin siya, kumbinsihin natin na 'wag ka nang i-demanda," wika ni Alice na kinikilig pa.

"Grabe, ganoon agad ang bungad mo?Hindi ba puwedeng kumustahin muna na'tin siya?"

"Syempre, gagawin din natin 'yon." Hinila agad nito si Azumi papunta sa loob. Naabutan nila itong tulog pa.

"Ay! Grabe ang gwapo niya talaga!" kinikilig na sabi ni Alice.

Nilapitan ito ni Azumi at hinawakan sa kamay.

"Pasensya ka na,ah? Kundi dahil sa akin hindi mangyayari sa'yo 'to," malungkot niyang sabi.

"Tignan mo, girl, oh.Ang kinis ng balat niya. Parang mayaman at ang katawan, naku po! Matipuno, lalaking-lalaki! Lab ko na siya, girl!" kinikilig na sabi ni Alice.

" Huwag kang maingay at baka magising, puro ka talaga kalokohan!" saway niya sa kaibigan.

"Para siyang anghel na nahulog sa lupa mula sa langit. Sana ako na lang ang nakabangga sa kaniya," anito na tila nanghihinayang pa.

Humagikhik lang si Azumi, natatawa siya s ka-kwelahan ng kaibigan. Kahit papaano nababawasan ang lungkot at bigat ng dibdib niya. Pinagmasdan ni Azumi ang lalaki may halong pagtataka sa isip.

"Saan kaya siya galing at ganoong oras, eh, naglalakad siya?Siguro tama si Alice.Anghel na nahulog sa lupa."

Natawa nalang siya sa naisip.

Sabay pa silang napatingin dito ng umungol ito.