Accidentally, Met You

🇵🇭Samleigh_G
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 10.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1

Malakas ang ulan nang gabi na iyon. Lulan ng kotse si Josh. Naka pwesto siya sa backseat. Pasulyap sulyap sa kaniya ang family driver nila na si Mang Nestor. Napapailing lang ang matanda natila walang magawa sa sitwasyon ng amo. Matagal na itong naninilbihan sa pamilya nila, at parang tunay na Ama na rin ang turing niya dito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng gabi na iyon. Magkahalong galit at lungkot. Galit, para sa kaniyang Ama, na nagawa siyang pangunahan sa personal niya'ng buhay. Lungkot, dahil tuluyan ng nawasak ang pamilya nila. Naalala pa niya ang huling usapan nila ng kaniyang Ama.

"No! Dad, ayoko! Hindi ako mag papakasal kay Laura!" galit na sabi ni Josh.

"Pero, Josh, anak iyon lang ang nakikita kong paraan para mabawi natin ang JL Furniture. Nangako sila na tutulungan nila tayo"giit ng kaniyang Ama.

"At ano ang magiging kapalit, Dad? Ang kinabukasan ko?Alam mo'ng hindi ko mahal si Laura!" galit niyang sagot

"Matututunan mo rin siyang mahalin. Para rin naman sa'yo ito. Pag nakasal  na kayo, magiging maayos na ang lahat, mababa-"

"At para maipag patuloy niyo na rin ang kapritso niyo? Ang pag susugal niyo?"

"Hindi sa ganoon, anak, gusto ko lang na mapabuti ka. Hindi ako nagging mabuting, Ama,sa'yo. Gusto ko lang bumawi," pagsusumamo ng kaniyang Ama.

Tumawa siya ng pagak "Talaga ba, Dad? Ako ba talaga ang iniisip mo o ang sarili niyo?! Bakit hindi mo 'yan naisip dati noong nag papakasasa ka riyan sa mga bisyo mo!? Oh, wait, bakit kaya hindi na lang ikaw ang mag pakasal kay Laura? Mababawi mo na ang negosyo, magkakaroon ka pa ng batam-batang asawa. Tutal naman 'diba?Kinalimutan mo na nang tuluyan si Mommy!

"Tumigil ka!" akmang sasampalin siya nito. Ngunit natigilan, tila natauhan at malungkot lang na napatitig kay Josh.

"I can't believe this, Dad. Ako, your own and only son magagawa mo ring isugal?Hindi na kayo nasiyahan noong umalis si Mommy. Wala kayong kwenta, Dad," umiiling  niyang sabi.

"Oo, tama ka, Anak.Wala nga akong kwenta," malungkot na tugon ng matanda.

Hindi napigilan ni Josh ang maluha sa ala-alang iyon. Masakit para sa kaniya ang nangyari. Kahit ganon, ama niya pa rin ito. Hindi naman ito nag kulang sa kaniya. Nalagay lang ito sa sitwasyon na wala na ito'ng pag pipilian. Mula nang umalis ang mommy niya, inilayo niya na ang sarili sa daddy niya dahil galit siya dito. Para sa kaniya, ito ang dahilan kung bakit nag pasya ang kaniyang ina na iwan sila.

"Ayos ka lang ba, iho?" tanong sa kaniya ni Mang Nestor.

Agad na pinahid ng binata ang luha. Tila napahiya, ke-lalaking tao niya naman kasi, eh, umiiyak siya.

"Huwag niyo na lang po ako pansinin," tugon niya sa matanda.

Hindi na umimik ang matanda, napabuntong-hininga na lang ito.

Patingin-tingin sa labas ang binata. Tila inaaninag kung nasaan na sila. Medyo naging mahaba na rin kasi ang biyahe nila. Ang totoo, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala siyang plano na maisip, magulo pa ang utak niya.Ang tanging gusto niya lang ay ang makalayo.

"Nasaan na ho ba tayo?" tanong niya sa matanda.

"Tingin ko,nasa gawing Bulacan na tayo," sagot nito habang patingin-tingin sa labas, na tila inaaninag kung nasaan na sila. Medyo mahina na ang buhos ng ulan.

"Ayos na ho rito, ihinto niyo na," utos niya sa matanda.

Sumunod naman ang matanda. Agad na lumabas si Josh, bitbit ang maleta niya.

"Saan mo ba balak tumuloy bata ka, ha? Hindi ka na ba talaga mapipigilan sa desisyon mo'ng iyan? Bakit ba kasi ayaw mo pa'ng tanggapin 'yong inaalok ko sa iyo? Doon ka na muna sa probinsya namin. Tiyak na hindi ka matutunton ni Laura doon. Malayo iyon sa Baguio," nag aalalang sabi nito sa binata.

" Napag-usapan na ho natin iyan, manong. Ayoko na madamay ka pa sa mga problema namin," matamlay niyang tugon.

"Hayy! Natatandaan ko pa, ganito na ganito ang eksena namin ng mommy mo noong umalis siya. Parehas lang kayo, ayaw niyo magpapigil. Padalos-dalos sa mga desisyon," napapalatak na sabi nito.

"Ayoko na ho pag usapan iyan," tiim ang bagang na tugon ni Josh.

"Pasensya ka na, iho.Hindi ko lang talaga maiwasan ang malungkot ng sobra. Hindi na kayo iba sa akin, para ko na rin kayong pamilya. Nag-aalala ako, sayo," malungkot na sabi pa nito.

"May isang pabor lang ako na gusto sana na hilingin."

"Ano ba iyon, iho? Sabihin mo lang."

"Ang daddy, pakiusap po kayo na po ang bahala sa kaniya. Kahit galit ako sa kaniya, siya pa rin ang Ama ko. Alam ko na hindi magiging madali ang lahat para sa kaniya."

"Oo sige, huwag ka nang mag-alala. Babantayan ko ang Daddy mo," malungkot na tugon.

"Sige ho, kailangan ko ng umalis," sabay hakbang papalayo.

Mabigat ang bawat hakbang niya, habol siya ng tanaw ni Mang Nestor, bakas sa mukha ang matinding lungkot at pag-aalala. Kasabay ng buhos ng ulan ang pag buhos din ng luha niya, na hindi niya na napigilan. Tuluyan na ngang nawasak ang pamilya niya. Naging mahina siya. Iyon lang ang tanging naisip niya na paraan, ang tumakas.

Nang mga oras na iyon, hindi niya alam kung saan siya pupunta.Lutang siya at tila naglalakad lang siya sa kawalan. Bibihira na rin ang mga dumadaang sasakyan. Basang-basa na rin siya sa ulan ngunit hindi niya alintana ang lamig na nanunuot sa katawan niya. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang makalayo para hindi makasal sa babae na kahit kailan ay hindi niya nagustuhan.

Matagal siya sa ganong sitwasyon. Nakakaramdam na rin siya ng gutom at panghihina. Natatandaan niya na ang huling kain niya pala ay noong tanghalian pa,at madaling araw na ngayon. Maya-maya, may naaninag siya na ilaw ng sasakyan sa kanyang likuran.Dahan-dahan siyang lumingon para lang manlaki ang mata niya. Papunta sa kaniya ang sasakyan. Ngunit huli na ang lahat para makaiwas siya. Sinubukan pa niyang tumalon sa gilid ng daan pero nahagip parin siya. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Tanging narinig lang niya ay malakas na busina at bahagya siyang tumilapon. Naaninag pa niya ang paghinto ng sasakyan at may lumabas mula rito. Isang babae at dali-daling lumapit sa kaniya. Halata sa kilos ang takot mula rito.