Naglalakad siya ng hapon na iyon. Galing lang siya sa groserya at kasasara lang. Malapit na siya sa bahay ng may masalubong siyang lalaking nagmamadali at sa pagliko niya sa kanto ay mayroon na naman masasalubong na dalawang lalaking halos tumatakbo sa pagmamadali. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Makaraan lamang ng ilang Segundo ay may masasalubong na naman siyang lalaking malalaki ang mga hakbang sa pagmamadali at kung hindi siya nagkakamali ay ito iyong nakasalubong niya ilang Sandali ang nakakaraan.
Kumunot ang noo niya. Ang alam niya ay nilibot lang nito ang eskinita sa kaliwa na pabilog. Lalong nangunot ang noo niya ng masalubong na naman ang dalawang lalaki kanina. 'Naghahabulan ba ang mga ito?'
Pagdating sa dulo ng eskinitang iyon nakita na naman niya ang lalaki sa bandang kaliwa niya at tumigil ito bigla.
"Ha! Akala mo matatakasan mo kami..!" Boses iyon sa bandang kanan niya. Napatigil siya sa mabagal na paglalakad at lumingon sa kanan niya , doon ay nakita niya ang dalawang lalaki. Nakatingin ang mga ito sa kanya pero sandali lang ay natanto niyang sa likuran niya ang mga ito nakatingin. Mabilis siyang umatras para makita ang mga ito. Nakita niyang nakangisi ang malaking lalaki sa dalawa. At nagkibit balikat.
"Hindi naman sa tumatakas ako. Tara na.." Pinaypayan pa ang mga ito.
Nagkatinginan ang dalawa. "Wala na pare pinaglalaruan niya tayo.." "Wala tayong magagawa.." Sagot ng isa bago ang mga ito tinungo ang isang magarang sasakyan at binuksan ang backseat. Napatingin naman siya sa malaking lalaki ng lumapit sa kanya.
"Ako si Manuel. Ikaw?" May maliit na ngiti na wika nito at naglahad ng palad.
Ha? Agad naman siyang tumalima "Liberty.." Sagot niyang nakatingin sa mga mata nito na parang anumang sandali ay may gagawing kalokohan. Pagkalapat ng kanilang mga palad ay parang gusto niyang mahiya sa lambot ng palad nito bagaman malaki at malawak.
"Nice meeting you.." Turan nito bago humalik sa kanyang pisngi. Narinig na niya ang papalayong sasakyan subalit nakatayo pa rin siya roon at unti-unting hinawakan ang pisngi. 'I have been kissed and touch!' Bulalas ng isipan niya. Pero sino ang niloloko niya. Higit na alam niya ang ibig sabihin ng katagang iyon para iayon ang nangyari kanina lang. She must be over thinking this past few days to think that way.
Naramdaman niyang may kung anong bagay sa kanang kamay. Isa iyong calling card at sa estranghero iyon.. Nalito siya, bakit siya bibigyan ng calling card? Ano ang pinahihiwatig nito? Gusto ba nito ng textmate?
Napangiwi siya ng parang may napagtanto, Hindi kaya kinalawang na ang utak nun? "Sayang may looks pa naman.."
PABILING-biling si Liberty sa kanyang kama. Hindi siya makatulog dahil sa calling card. Naroong uupo at akmang pipindot upang tawagan. Naroong itatapon upang damputin lamang. Naiinis na siya sa sarili dahil doon.
"Okay.. Heto na talaga.. Itatanong mo lang naman kung siya ba talaga ang lalaking iyon at ang calling card..!" Salubong ang kilay na pagkausap sa sarili..
Ilang sandali pa lamang ay naririnig na ang tunog tanda ng tunay ngang nag-e-exist ang calling card.. "Hello..?" Boses iyon sa kabilang linya. Bigla siyang nataranta sa kasexihan ng boses. Ano ang sasabihin ko?. Tumikhim muna siya bago sinabi ang kung anumang naisip niya.
"Hello sino ito?" Napapikit siya sa sariling tanong.
"Ano! Ikaw ang tumawag!.." Angil nito.
"Ah.. Eh... Ano ikaw ba si-"
"If you are just some random pranks! Stop calling me kung ayaw mong pasabugin ko bungo mo!" Utas nito bago pinutol ang linya.
Sandali siyang natulala bago malakas ng humalakhak, ilang sandaling napuno ng halakhak ang silid. Sa isip niya'y kahit gaano kataas ng tinig ng lalaki ay nakakatuwa. Natatawa siya sa choice of words nito. "Hmmmn.. Medyo nakakaaliw pala ang mga pranks.."
Nagising siyang magaan ang pakiramdam kinabukasan. Sa opisina ay natataranta siya sapagkat ang hawak niyang big time costumer ay nais magka-appointment sa kanya direkta. Bakit naman kasi ako pa! Naroon naman si Mrs Asucena.
Sa harap ng bangko kung saan siya nagtatrabaho ay naroroon ang isang mamahaling restaurant kung saan ang reservation ni Mrs Solog- ang big time costumer.
Magkaharap sila ng ginang. Napakaelegante at sopistikada nito.
"Hello ma'am.. Ano po ang maipaglilingkod ko.."
"I like you to change the costumers name which is me.. Change to Mr. Solog okay?"
"Hhmmn ma'am, I think hindi po sa akin dapat po ay sa nakatataas iyan ipaalam ..." Naguguluhang turan niya.
"I know" nakataas ang kilay na sagot ng ginang. "I don't want to talk to your manager, he's irritating!" Inis na sabi nito.
"Ha?" Nasabi na lamang niya. Ang ginang ay napagkamalang lalaki ang boss niya.
"What?! Stop lookin' at me like that!" Bigla na lang itong tumayo at umalis.
Nganga naman siyang naiwan. Parang lately ay nakakasalamuha siya ng mga weird at alien na tao.
GABI na at nagdadalawang isip na naman kung tatawagan ang may-ari ng calling card ng nagngangalang Manuel Solog. Solog? Parang narinig na niya ang apelyido na iyon. Ikiniling na lang niya ang ulo bago nagpractice ng speech para sa lalaki para Hindi mangyari ang nangyari sa nakaraan.
"Hello.." Sa Kabilang linya.
"Hello din po, good evening sir! Ikaw ba si Manuel Solog? Ako po si Liberty Cruz at kinukumpirma ko lang po kung nag-e-exist ang calling card na binigay niyo noong isang araw..." Mabilis at dire-deretsong wika niya. Walang sumagot kaya tiningnan niya ang selfon niya kung naputol.
"Sino ang nagbigay sa iyo ng calling card ko?" Maya-maya ay sabi nito.
"Ikaw.. Nagpakilala ka ngang Manuel tapos iniwan mo sa akin itong numero" nag-aalangang sagot niya.
"Look. Sobrang abala kong tao para magbigay ng ganyan sa kung sinuman kaya tigilan mo na ako. Ikalawang tawag mo na ito. Personal number ko pa ang nakuha mo."
"Hindi ko 'to kinuha. Binigay mo ito." Kaila niya.
"Whatever. Wag ka ng tumawag." Ulit nito. Ang sexy ng boses nito.
"Okay." Siya na ang pumutol sa linya.
Tumipa siya ng mensahe sa lalaki. Naghintay siya ng reply nito sa message niya. Napapangiti na lang siya. Sinabi nitong wag tumawag kaya nagtext na lang siya. Subukan ngang magtextmate .
Sandali lang ay may reply na ito. 'Sinabi ko ng tigilan mo ako'-manuel
'Sabi mo tigilan kitang tawagan kaya itetext na lang kita.' - Liberty
'Ang kulit mo miss' -Manuel