Alas onse na ng gabi ng magising siya sa katok. Agad na napalis ang antok niya dahil wala pang kumatok sa pintuan niya ng ganoong oras ng gabi. Dahan-dahan siyang gumalaw at kinuha ang nakatago niyang M1911 (45 pistol) sa drawer ng bedside table. Binili lang niya ang baril noong nakaraang buwan dahil nga nag-iisa lang siya, kahit naman papaano ay alam niyang gamitin iyon.
Dahan-dahan rin niyang pinihit ang pintuan ng kwarto niya. She move like warrior in a movie. Nang nasa maindoor na siya ay pinakiramdaman muna niya kung sino ang kumatok dahil hindi na nito inulit pang kumatok. She peek unto the peahole and found nothing, wala siyang nakitang tao. Ninenerbiyos na siya, paano kung multo iyon? Mas maganda kung multo! Paano kung taong masama ang loob! Dahan-dahan niyang pinunasan ang noong namumuo na ang pawis.
Nanlaki ang mata niya at napalunok ng may kumatok na naman. Nag-isip pa siya kung sisilip uli, paano kung pagsilip niya ay mukha ng nakakatakot na multo ang makita niya? At paano kung isang masamang loob ang makita niya? Ano ang gagawin niya? Inipon niya lahat ng lakas niya at sumilip. Wala siyang nakita. Sa nanginginig na kamay ay ikinasa niya ang baril. Umalingawngaw ang tunog niyon sa tahimik na gabi. Halos hindi siya huminga sa kaba.
May narinig siyang paghinga sa labas bago may kumatok na naman. Hindi siya tuminag at mas lalong nanginig ang mga kamay niyang nakahawak sa baril.
"Liberty.." Sabi ng tao sa labas bago muling kumatok. Lalaki! Mas lalo siyang nakaramdam ng takot, bakit kilala siya ng lalaki?
"Liberty... Si Manuel ito..." Sabi ng lalaki. Dumadagundong ang tibok ng puso niya. Ano ang ginagawa ng lalaki sa ganoong oras ng gabi? Bakit ito naroon?
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Anong ginagawa mo rito Manuel?" Ipinagpasalamat na lang niyang hindi nanginig at nautal ang boses niya.
"Buksan mo ang pinto. Paano tayo magkakausap kung may pintuang harang? Open it Liberty, I mean no harm." Wika nito.
Inalis niya ang lock ng pintuan pero hindi binuksan. Lumayo siya sa pintuan at itinutok ang baril. Mahirap na baka masamang tao si Manuel, kahit naman crush ko siya.
"Ikaw na ang magbukas." Medyo nilakasan niya ang boses. Parang kaytagal ng sandali bago nito binuksan ang pinto.
"Bakit madilim?" Angal ni Manuel ng makitang walang ilaw.
"Kapain mo diyan, malapit lang sa seradura iyon."
Sa pagsabog ng liwanag ay pinilit niyang huwag mapapikit kahit nakasisilaw iyon.
"What the fuck.! Why are you pointing a gun to me!"- gulat na usal ni Manuel ng magmulat ito. Akmang lalapit ito ng pigilan niya.
"Oops!diyan ka lang. Hindi ako basta-basta magtitiwala sayo. Anong ginagawa mo dito ng disoras ng gabi?" Sabi niyang mas lalong hinigpitan ang hawak sa baril.
"Calm down, wala akong balak sayong masama. Naparito ako dahil naiwan mo ang cellphone mo sa sasakyan ko at balak kong isauli-"
"At bakit sa ganitong oras..?"
"Kaninang alas nwebe pa ako dito pero ngayon ka lang nagising."
"Ha? Nagsisinungaling ka. Sa maliit lang na ingay ay nagigising na ako pero kung totoo ang mga sinasabi mo ay siguradong narinig ko ang katok mo dahil gising pa ako ng alas nwebe.."
Napakamot ng ulo si Manuel bago sumeryoso. "May nakita kasi akong kahina-hinala noong kararating ko, bandang alas nwebe. Nagmatyag ako hanggang umalis at kanina lang, 20 minutes ago. May kaaway ka ba?" Seryosong wika ni Manuel.
"Anong kahina-hinala? Uy baka magnanakaw iyon, salamat at binantayan mo ako. At teka wala akong kaaway ano." Sagot niya.
"Your thanking me but still pointing me a gun." Nakangising sabi ni Manuel. Agad naman niyang ibinaba ang baril.
"Deactivate that gun, narinig kong ikinasa mo iyan kanina." -Manuel.
Mabilis naman niyang sinunod ito.
"So where is my phone?" She open her palm. Dinukot ni Manuel ang Cellphone sa bulsa ng itim na jacket.
"Talaga bang wala kang kaaway? Nakita kong libot ng libot ang dalawang lalaking iyon sa bahay mo. Bakit kasi nandito ang bahay mo, konti lang ang bahay?"
"Hello. Dito lang kaya tahimik kapag gabi.."
"Kahit na, ni wala kang kasama. Paano kung mayroon na naman magkakabalak sa buhay mo?" May pag-aalalang usal ni Manuel.
"Praning ka lang. Hala matulog ka dito sa sala at matutulog na rin ako. Huwag kang umalis baka may kahina-hinala." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya si Manuel.
Bumuntong hininga siya at inisip kung bakit may naglilibot sa bahay niya at ni wala siyang naramdamang kahina-hinala. Wala naman talaga siyang kaaway para gawan siya ng masama. Matagal na siyang nakahiga hanggang sa naalala niya na iniwan pala niya sa sala si Manuel.
"Naku! Wala pala siyang hihigaan doon. Wala pa naman na sofa doon" sinilip nga niya si Manuel at nakitang nakaupo ito sa isang monoblock chair na nakasandig sa dingding at nakapatong ang dalawang paa sa isa pang monoblock na nakaharap dito.
Lumapit siya at niyugyog si Manuel. "Gising, doon ka na sa kabila matulog." Nagising naman ito agad. Tumayo at lumipat sa malinis na mesa at doon nahiga. "Hoy. Hindi diyan sa kwarto."
Nagpatiuna na siya. Binuksan niya ang dating kwarto ni Rebecca. "Dito ka matu-" hindi niya natapos ang sasabihin ng walang Manuel sa likod niya. "Nasaan na iyon?." Bumaling siya sa sala pero wala si Manuel. Kumunot ang noo niya at pumasok sa sariling kwarto at doon nga ay nakita niya si Manuel na natutulog na sa kama niya. Nagkamot na lang siya sa ulo at lumabas. Iinom na lang muna siya ng gatas para antukin na siya. Pagkatapos magtimpla ay pinatay niya ang ilaw. Nakaupo siya sa upuan ni Manuel kanina habang umiinom ng gatas.
Matagal na niyang naubos ang gatas pero hindi pa rin siya inaantok, hindi na rin gumagalaw sa pag-asang baka antukin siya. Tiningnan niya ang oras sa hawak na cellphone.
Two am na pala. Nasa aktong tatayo na siya ng makarinig ng kaluskos na nagmumula sa labas. Pinakiramdaman niya iyon. Nanlaki ang mata niya ng makarinig ng tunog na parang may sinisirang salamin at parang nanggagaling iyon sa glass window niya.
Sa dahan-dahan na galaw ay nagawa niyang lumapit sa bintana at sumilip sa makapal na kurtina. May tao ngang sumisira doon gamit ang makina. Hindi na siya nakapag-isip at tumakbo sa kwarto niya, wala na siyang pakialam kung narinig ng taong nasa labas. Maingay ang naging galaw niya kaya nagising si Manuel.
"Hey, what is wrong..?" Pupungas-pungas pang tanong nito.
Pinilit niyang Ikasa ang baril kahit nanginginig pa ang mga kamay. "May tao sa labas, sinira ang bintana." Nanginginig na saad niya.
Tumayo bigla si Manuel. "Dito ka lang, ako ang bahala." Sabi nito at kinuha ang baril sa kanya saka alertong lumabas sa kwarto niya at isinara ng makalabas. Halos hindi na siya humihinga at nanghihinang napaupo sa kama, nanginginig na pala ang tuhod niya. Ngayon lang nangyari sa buong buhay niya ang ganitong pangyayari.