Sa tindi ng panginginig niya ay nakatulog siya at nagising ng maliwanag na. Nang lumabas siya ay nabungaran niya ang tatlong lalaki sa salas si Manuel at dalawang unipormadong lalaki. Nakatalikod sa kanyang gawi si Manuel at paharap naman sa kanya ang dalawang pulis.
"Sir, gising na po pala ang girlfriend niyo."-sabi ng pulis na medyo mataba.
Agad bumaling sa kanya si Manuel at sinalubong. Inakbayan siya saka bumulong. "Sinabi kong girlfriend kita para hindi sila magtaka kung ano ang ginagawa ko rito sa eksaktong pinangyarihan ng krimen kung hindi naman tayo magka-ano-ano." Bulong nito sabay halik sa ibaba ng tainga niya.
Ngumiti siya sa mga pulis.
"Ma'am hinintay po talaga namin na magising kayo para kunin namin ang testamento niyo sa tatlong lalaking nagtangkang pasukin ang bahay niyo. Sabi nga ni Mr Manuel ay hinimatay kayo dahil sa niyerbiyos."
Muli siyang ngumiti sa mga ito at isinalaysay ang buong pangyayari. Nang makaalis na ang mga pulis ay hinarap niya si Manuel na tahimik lang at parang malalim ang iniisip. "Bakit mo sinabing hinimatay ako dahil sa niyerbiyos?"
"Hindi nga ba?"-Manuel.
"Alam mo, hindi ko maitindihan kung bakit sinabi mo pa iyon. Teka, ano pala ang nangyari kaninang madaling araw?" Curious na tanong niya.
Nagkibit-balikat si Manuel. "Nagtext muna ako kay chief Leo pagkalabas ko sa kwarto mo then tinutukan ko sila gamit yung baril mo tapos iyon na dumating ang mga pulis. Simple."
"Gago. Nagyayabang ka ba? Pupunta muna ako sa presinto para siguruhing makulong ang mga iyon."
"Kahit huwag ka ng pumunta sa pulisya, siguradong makukulong ang mga iyon. Maghanda ka na lang mahuhuli ka na trabaho mo.."-Manuel
"Alam mo para kang ano. Basta titingnan ko muna ang mga iyon. Naku talagang tinakot nila ako." Kinuyom pa niya ang mga kamay.
"Liberty, wag na. Don't waste your time to them" pabuntong hiningang usal ni Manuel.
"Liberty." Ulit niya sa pangalan niya. "Parang ngayon mo lang binigkas ang pangalan ko. Masarap." Malawak ang ngiting sabi niya.
Sa huli ay pumayag na rin si Manuel na pumunta sila sa presinto. Nang tingnan niya ang tatlong suspect ay nagulat siya sa mga anyo ng mga ito.
"Bakit, bakit ganyan mukha nila?" Turo niya sa mukha ng tatlo na halos hindi na maintindihan ang mukha dahil sa suntok.
"I just give them a twice punch for each them you know para ipaghiganti ka.." Kibit balikat na sabi nito.
"Ano! Eh hindi lang dalawang suntok iyan eh.." Hindi makapaniwalang saad niya.
Buong araw ay balisa si Liberty. Iniisip niyang delikado pala ang nag-iisa, mabuti na lang at naroon si Manuel kung hindi ay baka tegi na siya. Kaya nga gusto mo ng mahanap si Mr perfect para may kasama ka na! Sigaw ng isipan niya. Napangiwi naman siya dahil doon.
Sa araw na iyon ay hindi siya pumunta sa grocery niya, itinawag na lang niya iyon kay Kori- ang pinakamatagal niyang clerk. Umuwi siya ng maaga dahil sa totoo lang ay natatakot siyang umuwi kapag madilim na dahil baka may masamang mangyari. Praning na siguro siya pero wala siyang pakialam. Gusto niya ng siguradong safety lalo na't hindi nagparamdam sa kanya si Manuel matapos siya nitong ihatid sa trabaho. Nasa labas palang siya ay napansin agad niya ang open niyang bintana namroblema na naman siya dahil sira pala iyong bintana niya. Panalangin niyang wala sanang pumasok doon.
"Problema..." Kinamot niya ang ulo. Umisip siya ng paraan kung paano solusyonan ang problema niya. Hindi naman kasi niya iyon naalala kaninang umaga. Humanap na lang siya ng pwedeng itakip doon.
"You look a loser business woman."
Napaigtad siya ng may biglang nagsalita sa likod niya. "Ginulat mo ako. Ikaw lang pala." Humawak pa siya sa balikat ni Manuel na parang nahahapo dahil sa gulat.
"Hindi inakala na gulatin ka pa lang tao."-sabi nito at tinungo ang malayong sasakyan. "Help me here! Gawin natin ang nasirang bintana mo."
"Ha? Gagawin natin? May gamit ka na diyan?"
"Oo. Comon, let's do your sliding window."
Tinulungan nga niya si Manuel. Si Manuel ang taga gawa habang siya naman ay abot ng abot ng kailangan nito. Habang ginagawa ni Manuel ang bintana ay napapalunok siya, mamasel pala ang lalaki, parang yung nakikita niya sa TV. Para itong model.
Ang batok nito pababa sa likod pababa pa sa pwet, ang umbok ng pwet ng lalaki. Lalo siyang napalunok. Ang mga binti nitong natatakpan ng jeans.
"Iabot mo na iyang hawak mo." Napabalik bigla ang tingin niya sa mukha ni Manuel. Nakangisi ito ng nakakaloko. Nag-iwas siya ng tingin bago binigay ang hawak.
"Naku, magkape ka muna bago ka umuwi..."-sabi ni Liberty kay Manuel na nakaupo sa monoblock. Katatapos lang ng activity nila. Mabilis siyang nagtimpla ng kape at kumuha ng slice bread at inilapag sa maliit na mesa.
"Sabi mo kape, bakit hindi itim?" Komento ni Manuel sa inihain niya.
"Maraming klase ng kape ano, may puti may itim mga ganun at wala pala akong black coffee. Ang timpla kong iyan ay greattaste 3in1 coffee. Tikman mo masarap."-udyok niya sa lalaki
"Pwede na rin. Saan mo ito natutunan?" Wika ni Manuel pagkatapos matikman.
"Uy! Grabe siya, hindi iyan natututunan, nabibili iyan ng nakamixed na at ibubuhos na lang sa tasang may mainit na kape. Maraming ganyan sa grocery ko."-Liberty.
"Ang dami mong sinabi. Atsaka ang sabi ko saan mo natutunan, ibig sabihin saan mo natutunan na bilhin iyan. Alangan naman na pagkaluwal mo alam mo na iyan."-nakangisi na usal ni Manuel.
"Tingnan mo, ang dami mong alam. Pilosopo!" Nanggigigil naman na sagot niya.
"Uy. Joke lang iyon. Paano na iyan. Aalis na ako."Tumayo na ito.
"Hoy. Kape mo. Ubusin mo."
"Ubos na kaya aalis na ako. May gagawin pa kasi ako eh." Sabi ni Manuel at umalis na nga.
"Patay. Nag-iisa na ako. Paano na ito. Shit!" Dali-dali niyang isinarado lahat ng pwedeng maisara.
Kinuha niya ang baril niya at hawak-hawak buong magdamag. Hindi niya alam kung anong oras siyang nakatulog, nagising siyang mataas na ang sikat ng araw.