Chereads / First love at that age / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Pupungas-pungas pa siyang lumabas ng kwarto ng makita ang si Manuel na natutulog. Nakaupo na naman ito sa monoblock na nakasandig sa pader at nakapatong ang dalawang paa sa isang monoblock na nakaharap rito, katulad na katulad ng pwesto nito ng nagdaang gabi. Paano ito nakapasok?  Bakit hindi niya naramdaman? Lumapit siya sa lalaki pero nagbago isip niya at naghilamos muna at nagmugmog bago ginising si Manuel.

"Gising!" -yugyog niya dito.

Unti-unting nagmulat si Manuel. "Good morning.. Ang aga yata.."

"Mataas na ang sikat ng araw."-pagkasabi niyon ay iniwan niya ito at nagpakulo na siya ng tubig bago nagluto ng agahan. Tapos na siya sa ginagawa niya ng makitang tumayo na si Manuel at dumiretso sa lababo at nagfreshen-up.

Inihain niya ang mga makakain at dalawang kape sa maliit na mesa at sabay pa silang naupo. Magkaharap sila at walang salitang kumain.

Tumigil siya at nagtanong. "Paano ka nakapasok? Siniguro ko naman na nakalock lahat."

"Hindi mo inilock ang bintanang ginawa natin kahapon,doon ako dumaan kasi hindi ka nagigising kahit kumatok ako o tumawag sa cellphone mo." Wika ni Manuel na patuloy na kumakain.

"Ganun.. Bakit mo gustong matulog dito? Alam ko naman na masakit sa katawan ang ganoong pwesto." Nagtatakang tanong ni Liberty.

Tumigil si Manuel sa pagkain. "Kasi... Hindi ka ba natatakot?" Sa halip ay tanong nito.

"Natatakot, siyempre." Sagot niya.

"That's the point. Pumunta ako para samahan ka. You know concern ako sayo bilang kaibigan at textmate." -Manuel.

"Talaga?" Sagot na lamang niya kasi parang nasaktan siya sa sinabi nitong bilang kaibigan? Na-friend-zone yata siya. "Ihatid mo ako ha?"

"Oo.."- Manuel.

"Sira ba iyang radio mo?"-tanong  ni Liberty ng nasa sasakyan na sila.

"Hindi. I-on mo." Sagot ni Manuel.

Pagka-open ay eksaktong kape-play pa lang ng paborito niyang kanta. Lovely by billi eilish. Sumabay siya sa tugtugin.

"Hu! Ang galing.." Sabi niya ng matapos ang kanta. Ini-off na niya ang radio.  "Teka! Tapos na iyong kanta pero hindi pa tayo nakakarating." Pansin niya.

"Binagalan ko talaga dahil enjoy na enjoy ka haha." Natatawang sabi nito.

Tumawa na rin siya. Sa pagbaling niya sa labas ay nakatuyok na baril ang nakita niya.

"Ah!" Sigaw niya ng pumutok ang baril. Pero hindi lumusot sa sasakyan bala.

"Shit!" Narinig niyang usal ni Manuel.

Bago bumilis ang takbo ng sasakyan. Mabuti at walang gaanong sasakyan.  Pumipintig ang ulo niyang bumaling kay Manuel na madilm ang mukha,nakatutok sa kalsada ang mga mata nito.

"A-anong nangyayari?" Nanginginig na tanong ni Liberty

Hindi sumagot si Manuel at hinigpitan pa lalo ang hawak sa manibela.

Ilang sandali pa lang ay pumasok sila sa bakal na gate. Ihininto na lang basta ni Manuel ang sasakyan sa harap mismo ng bahay. Mukha itong galit na galit na lumabas  at pinagbinuksan si Liberty. Tahimik lang ang babaeng nagpaakay kay Manuel papasok. Medyo nanginginig pa si Liberty pero tuwid pa rin itong maglakad.

Hindi mapigilan ni Liberty na libutin ng tingin ang kabahayan, lahat ng nakikita niya ay sumisigaw ng kayamanan. At ang mga taong nakikita ni Liberty roon ay pulos lalaki. Sa salas ng bahay sila huminto.

"You stay here and look around. May gagawin lang ako." Sabi ni Manuel kay Liberty bago umalis at umakyat sa second floor.

"What drink do you want ma'am?" tanong ng lalaking lumapit kay Liberty.

"Hmmn... Tubig." Sagot niya at nginitian ng lalaki.

Tumango lang ang lalaki at umalis.

"Ngi! Hindi lang ngumiti." Usal niya at tumayo mula sa pagkakaupo at tumingin-tingin sa mga pictures. Actually kaunti lang ang mga litrato. Ang graduation picture ni Manuel, ang family picture nila Manuel noong maliit pa ito, ang picture ni Manuel at ng ina nito, at ang picture ng maraming kalalakihan kasama si Manuel.

"Ito na iyong tubig niyo ma'am." Inilapag nito ang isang baso ng tubig sa round table.

Kinuha naman niya at uminom. Guminhawa ang pakiramdam niya pagkatapos malunok ang tubig.

"Hay... Salamat."

"Bakit?" Tanong niya sa lalaking hindi pa rin umaalis at nakatingin lang sa kanya.

"Are you Sir Manuel's new fling?" Maya-maya ay tanong ng lalaki.

Nasindak naman siya sa tanong nito. "Naku hindi. Bakit mo natanong?"

"Nothing." Iyon lang at umalis na ito.

Naiwan naman siya at nagkibit-balikat na lang. Naupo na lang siya at pumikit. Napamulat siya ng may mga narinig siyang tumawa.

"Oh uh. And who is this lady here?" Sabi ng lalaking may pulang buhok. Napangiwi siya sa kulay ng buhok ng lalaki. Umupo ito sa kaharap  na sofa.

"Who are you Woman?" Tanong naman ng lalaking sobrang tangos ng ilong. Umupo rin ito sa tabi ng may pulang buhok.

"Ahmm... Liberty. Ako si Liberty. Kayo?" Turan niyang naiilang dahil sa titig ng dalawang lalaki. Naiintimidate siya.

"Liberty. I'm July and this red haired guy is Red." Seryosong sabi ng lalaki.

"So, what are you doin' here? Sinong nagpapasok sayo dito?" Tanong naman ng red haired o Red.

"Si-" hindi na niya natapos

"Stop intimidating her." Sabat ni Manuel na kakababa sa hagdanan at naglalakad palapit sa kanila.

Napatayo ang dalawang lalaki. "Boss." Magkapanabay na usal ng dalawang lalaki.

"Siya. Siya ang nagpapasok sa akin dito." Tuloy ni Liberty sa naputol niyang sasabihin. Walang pumansin sa sinabi niya.

Ini-offer ni Manuel ang kamay kay Liberty. "Come.." Relaxed na ang expression ng mukha nito

Inabot naman ni Liberty ang kamay niya. Bumaling si Manuel sa dalawang lalaking nakatayo pa rin. "Take care of everything. Don't ever let that happened again."

"Yes. Boss." Sabay rin na sagot ng dalawa.

"Ihahatid na kita Liberty."-Manuel

"Pero... Baka may bumaril na naman. Natatakot ako. Ipapulis na natin iyon." Madyo balisa na usal niya.

Bumuntong hininga ito at inabot ang ilong niya then rub his thumb finger unto her mole. "Its okay. That will never happened again or else" tumingin ito kay Red at July.

"Okay." Somehow ay gumaan ang loob niya sa sinabi ni Manuel na hindi na iyon mauulit.

Sa harap ng bahay ay wala na iyong sinakyan nila. Dumiretso sila sa garahe. Limang sasakyan ang naroroon na katulad na katulad ng sinakyan nila kanina.

"Wow... Sayo lahat ito? Ang dami at kaparehong-kapareho nung sinakyan natin kanina, ang yaman mo pala." Manghang usal niya.

"Yeah. All bullet proof."