Dinukot niya ang cellphone sa bag niyang nakalagay sa ilalim ng mesa. Nagtipa siya ng mensahe para kay Manuel.
'Hello Manuel, nasaan ka?'-Liberty. Matanong nga kung sasagot ito at sasabihin kung nasaan?
Maya-maya ay nakatanggap siya ng text mula rito.
'Nasa street 7'-Manuel
Nanlaki ang mata niya. Nagsasabi ito ng totoo.. Di kaya 'absolutely YES' ang hinala niyang alam nito na siya ang nagtetext dito?.
Matagal siyang nag-isip ng ire-reply. Nang magtitipa na siya ay may text uli si Manuel.
'Hey. Bakit ang tagal mong magreply?'- Manuel.
Binura niya ang katitipa pa lang niya bago isinulat ang agad na pumasok sa isip niya bago pa niya pagsisihan.
Tumipa-tipa ang paa niya habang hinihintay ang reply nito.
'Anong ginagawa mo Jan?' - Liberty. 'May hinihintay ako eh' - Manuel.
'Sino?'- Liberty.
'Magtataka/magugulat ka ba kung sabihin kong ikaw?' - Manuel.
Binitawan niya ang selfon. Napatakip sa bibig ang kanang kamay at sa dibdib naman ang kaliwa. Hindi yata kinaya ng spirit niya ang text nito.
" ma'am , may problema po ba?" Nakatingin si linda sa kanya, ang isa sa tatlong cashier niya. Mabilis niya ibinaba ang kamay at ngumiti rito.
"Wala Linda may naisip lang ako.." Sagot niya. Tumango naman ito at pinagpatuloy ang ginagawa.
'Bakit naman ako magtataka slash magugulat?' - Liberty. Ha? Pataranta niyang i-cancel ang text pero huli na. Sinapo niya ang noo. "Naman eh!"
'So, OK lang sayo?' - Manuel.
'Na alin?'-Liberty.
'Na hintayin ka.' - Manuel.
'Bakit kilala mo ako?'- Liberty.
'Medyo...' -Manuel.
Hindi siya nagreply parang maha-heart attack siya sa text massages nila.
Siya ang nagsara ng groserya. Hindi kasi niya naiintindihan ang pakiramdam niya parang nae- excite siyang natatakot na nahihiya, na baka sa paglabas niya ay nororoon ito at hinihintay nga siya.
Ngayon niya pinagsisihan na nagtext siya kay Manuel sa araw na iyon. pinauna na niya ang mga kasama niya na nais pang hintayin ang pag-alis niya bago umuwi rin pero alam naman niyang hindi lang ang groserya ang buhay ng mga ito.
Naghihintay na siya ng masasakyan sa harap ng grocery ng may humintong magarang sasakyan. Napakagwapong sasakyan at halatang ang mahal mahal. Itataya niya ang apartment, grocery at maliit na ipon niya sa bangko na kahit ibenta niya ang groserya at apartment ay hindi aabot sa one fourth sa cost ng sasakyan sa harap niya sa bayad ng property niya.
Bumaba ang salamin ng bintana niyon.
"Ikaw?!" Gulat na wika niya. Si Manuel ang laman ng sasakyan at halos mahigit niya ang hininga niya ng kumindat ito at binigyan siya ng napakatamis na ngiti.
Bigla ay naisip niyang isa ito sa alagad ng diyos, an angel na bumaba mula sa langit na may matapang at matigas na aura ang mukha. Sino kaya yung ganoong anghel ng diyos? Si satanas! Pero wala siyang pakpak kaya hindi siya iyon..
"Hatid na kita" bumalik ang isip niya sa kasalukuyan ng magsalita ito.
Lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto sa passenger seat. Inakay siyang makapasok "teka! Hindi kita kilala. Stranger ka, kanina lang kita nakita." Akmang lalabas siya ng pigilan siya nito.
"Hindi tayo stranger sa isa't-isa OK? Kaya ihahatid na kita." Ngumiti ito at isasara na sana nito ang pinto ng magsalita siya.
"Pababain mo ako , hindi talaga kita kilala.." Malumanay na turan niya. Muntik na niyang kutusan ang sarili sa tono boses niya. Hindi ka naman pumapalag ah.. Hindi ka naman naroong ipagtulakan sa sasakyan ah..
Matamis itong ngumiti. "Seriously, we're not strange to each other, textmate nga tayo eh." Ngumisi ito sabay kindat bago sinara ang pinto.
Tulala naman siyang nakatingin sa pinto. Oh no!!! Nakakahiya!! Nagkunwari ka pa!! .
"Wag ka ng mahiya.." Narinig niyang wika nito bago umusad ang sasakyan. Siya naman ay nakatalikod sa lalaki, nakabaling sa labas. Wala siyang mukhang ihaharap. Feeling teen mo naman 'te. E treinta ka na araw lang ang bibilangin.
Sa sinabi ng isang bahagi ng isip ay umupo siya ng nararapat. 'Sit erect' sabi nga ng guro niya noong grade school pa. Mature ka dapat dahil matanda ka na uy!
Sa duration ng biyahe ay katahimikan ang namayani. Wala naman talaga siyang maisip na topic pagkatapos ng kahihiyan ng buhay niya.
Huminto ang sasakyan kaya tumingin siya sa labas. Nasa tapat na sila ng apartment niya. "Paano mo nalaman ang bahay ko?" Baling niya rito. Nakatingin si Manuel sa kanya at nag-iwas ng tingin bago sumagot.
"Sinabi ng security guard. Saka OK lang iyon kasi hindi ka naman nagsasalita sa biyahe, paano naman ako magtatanong kung pinako mo na ang tingin mo sa harapan."
Kung normal na araw lang iyon ay tinawanan na lang niya iyon at tinukso pero iba ang sitwasyon niya ngayon. Hindi pa kasi siya nakakamove-on sa kahihiyan. Tumikhim siya.
"Salamat sa paghatid.." Sabi niya. Akmang bubuksan niya ang pinto pero pinigilan siya nito.
"Let me" wika nito bago lumabas at pinagbuksan siya.
Nakatayo silang pareho sa labas ng sasakyan at nakatingin sa isa't-isa. Maya-maya ay sabay silang nag-iwas ng tingin.
"Sige.. Salamat ah.. Mauna na ako sayo." Naglakad na siya ng di lumilingon.
"Susunduin kita bukas.." Pahabol nito pero hindi niya iyon pinansin.
Agad siyang pumasok at sumandal sa saradong pinto. Nang marinig ang papalayong sasakyan ay nagtatakbo siyang pumasok sa kwarto.
"Ah!!! Nakakahiya ka Liberty!!" Tumalon siya sa kama at nagsisigaw-sigaw. Ilang sandali pa ay tumigil siya at nakaupo lang sa kama. Unti-unting kumurba ang labi niya ng isang ngiti.. "Oh gosh!!! Ang gwapo gwapo niya..!!" At muli na naman siyang tumili-tili but this time dahil sa kilig. Mas lalo ng nakareceive siya ng text galing dito na nagsasabing good night....