Kinabukasan ay mas maaga siyang nagising, hindi niya alam kung dahil sa excitement o kaba. Pagbukas pa lang niya sa pintuan ay bumungad sa kanya ang magandang tanawin, si Manuel na nakasandal sa hamba ng ng sasakyan habang nakapamulsa at nakatutok sa kanya ang mga mata. Umahon agad ang kilig sa kalamnan niya. Ikinandado niya muna ng mabuti ang bahay niya bago lumapit sa lalaking hindi gumagalaw sa pwesto at nakatingin lang sa kanya. Habang papalapit ay umahon ang awkwardness sa pakiramdam niya, paano ba naman e nakatitig lang sa kanya ang lalaki.
"Hello, good morning.."- awkward na bati niya na nahaluan ng hiya. Hindi niya alam kung saan na naman galing ang hiyang nararamdaman niya.
Ngumiti si Manuel at nabawasan ang awkwardness niya. "Good morning to you too, my beautiful lady."
Kinilig na naman ang pakiramdam niya sa tinawag nito sa kanya. 'My beautiful lady'. Ulit ng kanyang isipan. Ito ang unang-una na tumawag sa kanya ng ganoon. Ang mga manliligaw niya kasi ay puro 'pretty' o 'lovely', at wala pang naglakas loob na tumawag sa kanya ng 'MY o MINE' na para bang pag-aari siya, ang inaakala nga niya ay ikagagalit niya ang mga ganoong tawag pero pinatunayan lang ni Manuel na hindi pala niya iyon ikaiinit ng ulo bagkus ay kinilig pa siya.
Ngumiti siya kay Manuel. "Kanina ka pa ba?"
"Sort of." Sagot nito at binuksan ang passenger seat. "Get in."
Habang tumatakbo ang sinasakyan nila ay iniisip niya na si Manuel na nga kaya ang perfect man para sa kanya?
"Mabuti at hindi ka na gaya kahapon? You don't look like embarrass like yesterday. And its good."basag ni Manuel sa katahimikan.
Siya naman ay napaigtad sa biglaang pagsalita nito. " hmm. Yeah?" Hindi siguradong sagot niya.
"What? You mean your still embarrass? Don't be." Medyo natatawang sabi nito.
Si Liberty naman ay nahiya na naman sa sagot niyang 'di sigurado. Ano ka ba! Your not that shy type of a girl!. Kastigo niya sa sarili. "Hindi naman ako nahihiya. Awkward lang kasi nga bilang textmate hindi natin napag-usapan kung kailan ang meetings natin." Kinamot niya ang ulo pagkatapos ng sinabi niya, naku napakatalkative at napakatahimik mo kapag siya ang kasama mo! Hindi na ikaw iyan!. Sigaw ng isipan niya. Bigla siyang bumaling kay Manuel ng marinig ang halakhak nito.
"Hahaha. Ganoon ba iyon?.. "- Manuel.
Napatitig siya sa lalaki. Napapansin niyang hindi naman pala ito kasing seryoso gaya ng iniisip niya, palagi nga itong tumatawa eh. Nakitawa na rin siya kay Manuel para hindi naman ito magmukhang nawawala sa katinuan dahil nag-iisa itong tumatawa habang siya na kasama nito ay hindi.
Huminto ang sasakyan sa harap mismo ng building ng banko na pinagtatrabahuhan niya. Nagtataka naman siyang bumaling kay Manuel pero naisip niyang baka itsinismis na naman ng security guard niya rito ang work place niya.
Kagaya kahapon ay pinigilan siya ni Manuel na buksan ang pintuan. Sinabi nitong ito na raw ang magbubukas. "Salamat Manuel.."-usal niya. Hindi agad siya umalis just like yesterday evening na nagtitigan muna sila. Naisip niya kasing baka iyon na ang huling pagsundo nito sa kanya.
"Walang anuman. I'll fetch you at afternoon."- hindi kalakasan na sabi ni Manuel. Inabot nito ang ilong niya at dinama ng thumb finger nito ang maliit na mole niya doon. " I like it." Sabi nito sabay baba ng kamay at pumasok sa sasakyan, ilang sandali lang ay wala na ito sa harap niya.
"The hell... " mahinang usal niya. Ito pa lang kasi ang nagsabi ng ganoon na gusto ang mole niya sa ilong at masarap sa pakiramdam. Isang ngiti ang naglandas sa kanyang bibig.
"Sino iyon? " naiiritang sabi ng sinuman na galing sa likuran niya. Pagharap niya ay si Lito ang nakita niya na salubong ang kilay, wala itong kangiti-ngiti.
Kumunot ang noo niya sa itsura nito. "Bakit?"-tanong niya.
"Sino iyon?"- pang-uulit nito.
Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa hindi nagbagong tono nito na para bang nobyo niya ito.
May kailangan yata akong linawin dito. Hindi yata nito naiintindihan ang kasabihan na 'actions louder than words'
"Kaibigan ko iyon. Bakit mo tinatanong?" Seryosong sabi niya.
Bumadha ang pag-aalala at guilt sa mukha nito. "Ah.. Tinanong ko kasi-"
"Sandali, Huwag kang masasaktan ha?" Putol niya sa sasabihin nito.
"Pero gusto kong sabihin na putulin mo na ang pagtingin mo sa akin. Wala kang mapapala sa akin. I'm not the one for you, maraming babae diyan. Sana wag ka ng mag-aksaya ng oras sa akin, kailangan mo lang tumingin sa paligid mo- except me at makikita mo ang babaeng iyon." Malumanay na sabi niya kay Lito na natulala na. Tinapik niya sa balikat ang lalaki bago iniwan doon. Buong araw niyang inisip ang pangbabasted niya kay Lito. Noon pa sana niya iyon ginawa para hindi na umasa ang lalaki kahit pinapakita naman niya sa galaw niya na ayaw niya dito.
Hay..mahirap palang maging maganda.. Tumingin siya sa paligid niya baka kasi may nakarinig sa naisip niya. Nakahinga siya ng maluwang ng parang wala naman nakarinig. Gaga e hindi mo naman vi-noice-out! Paano nila maririnig iyon! Sigaw naman ng isang bahagi ng isip niya. Napailing na lang siya sa gawain ng brains niya, parang maraming branch dahil nagsasagutan pa.
Pagdating ng larga ay nagulat pa siya ng makita si Manuel na hinihintay siya.
"You look sad o nagkakamali lang ako.."- wika ni Manuel pagkatapos nitong titigan ang mata niya.
"Ano kasi. May pinasama ako ng loob ngayong araw.." Nagbuga siya ng hangin.
"Its okay. Im sure ginawa mo lang iyon dahil iyon nararapat."-sabi nito bago siya inakay sa sasakyan.
"manghuhula ka ba Manuel?" Manghang tanong niya.
"Bakit?"- nagtataka naman ito.
"Kasi one hundred percent na totoo yung sinabi mo.." -nakangiting sabi niya.
"Because I'm amazing" sagot ni Manuel sa pabirong tono.
"Baliw. Sa grocery mo na ako ihatid ha." Tumango naman ang lalaki.
Pagkahatid sa kanya ni Manuel ay umalis na rin ito dahil may gagawin pa daw. Sinabi pa nitong tumawag siya kung may kailangan siya sa lalaki.