Chereads / First love at that age / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

'Liberty ang name ko, Manuel'- Liberty

Matagala bago nagreply ang lalaki.

'Miss Liberty if you're not busy please maawa ka sa akin tantanan mo ako.. Wag mong punuin ng walang kakwenta kwentang mensahe ang inbox ko, OK?' - Manuel.

'Okay. Pero pwede bang maging friend kita kahit textmate friend lang?'- hirit pa rin niya

'Alam mo kapag Hindi ka pa tumigil, I'll not hesitate to block you..'- Manuel

Hindi na siya nagtext pa kay Manuel. First name basis hihihi,feeling close.

Lalamunin na sana siya ng antok pero tumunog selfon niya. Naiiritang tiningnan niya.

'Hindi ka na talaga magteteks?'- Manuel.

Nanlaki ang mata niya dahil nagtext ito, inaasahan pa naman niyang hindi na siya papadalhan ng mensahe at saka na lang niya itetext kinabukasan ngunit nakakawala ng antok ang mensahe nito at ginawa nito.

'Hello Manuel. Bukas na sana kita itetext para lumamig ang ulo mo at hindi mo na ako i-block. Pero nakakangiti ng malawak ang labi ko sa actions mo ah'- Liberty.

Lumipas ang maraming minuto pero hindi ito nagreply. Napailing na lang siya bago napagpasyahan na matulog.

DALAwang linggo na siyang super busy. Ni maligo pagkagaling sa trabaho ay hindi na niya magawa. Nagpapadagdag kasi siya ng ikalawang palapag ng isang palapag na groserya niya kaya pagkagaling sa bangko iyon na pagkakaabalahan niya. Ultimo magluto at di na niya magawa sa sobrang busy, sa labas na siya kumakain. Sa gabing iyon ay hindi siya agad nakatulog saka pa lang niya nalala si Manuel?!

Pinadalhan na muna niya ito ng mensahe bago pumasok sa banyo para mag-halfbath.

Nakahiga na siya sa kama ng maalalang tingnan and selfon. May isang mensahe iyon at galing Kay Manuel.

'O! Buhay ka pa pala.'-Manuel

'Buhay na buhay.. Kumusta ka na?'-Liberty

'Really? Pagkatapos mong hindi magparamdam ng dalawang linggo. Tinatanong mo ngayon kung ayos lang ako?!'-Manuel

'Kung pagbabasehan ang text mo parang atat na atat ka sa akin..😘' nilagyan pa niya iyon ng emoji.. Kinikilig na binasa niya ulit ang mensahe nila.

Nang walang reply ito ay nagpadala uli siya. 'Wag kang mag-alala kahit textmate lang tayo, atat na atat rin ako sayo kaya wag ka ng mahiya. parehas lang tayo..' Natatawa niyang pinindot ang send, kung kaharap lang ang lalaki ay nunkang sasabihin niya ang ganuong kataga.

'Hindi ako atat sayo. Atsaka wag ka na ngang magtext' agad na reply nito sa huling mensahe niya.

'Okay' yun na lang ang sagot niya. Inaantok na talaga kasi siya. Pagkapindot sa send ay pumikit na siya. Bukas na lang kita ite-text.

Kinabukasan, nagmamadali siyang nag-ayos para puntahan muna groserya niya, may mahalagang bagay siyang gawin doon bago pumasok sa bangko. Kinalkal niya ang dalang bag ng maalala ang textmate pero naiwan pala niya ang phone niya.

"Mamayang gabi na lang"

Kinagabihan ay hindi na niya maalalang tawagan si Manuel dahil sobrang tinatawag na talaga siya ng tulog. Hanggang sa hindi na niya ito nate-text.

Nasa groserya siya ng hapong iyon tumutulong sa pagbebenta. Hindi pa tapos ang second floor, pinatigil na muna niya dahil wala ng budget. Saka na niya itutuloy 'pag nakaipon na uli. Sabagay fifty percent na ang tapos at fifty percent rin ang hindi tapos. Sisiguruhin niyang sa susunod na ituloy niya iyon matatapos talaga.

"Sa susunod ho Lola ay dito uli kayo bumili." Sinenyasan niya ang delivery boy niya upang ito na ang bahala sa mga gamit ng matanda.

"Depende hija. Marahil ang anak ko na ang susunod na mamalengke." Sagot ng Lola , tumango na lamang siya.

"Hello Lady! Nagbebenta kayo ng fishball?" Masiglang tanong ng kararating lang na costumer.

Nag-angat siya ng tingin at nagulat kung sino ito pero hindi niya iyon pinakita.

"Opo sir. Ilang supot?"

" ilang supot ba ang cost five pesos? "

"Hindi po kasya ang limang piso sa isang supot, fifty pesos po ang isang supot.." Ha? Ginugood time na yata ako ng Manuel na ito ah.

Ngumiti ito. "Ang mahal naman. Sige isang supot " medyo kumunot ang noo nito pero agad rin naman ngumiti.

"Mister , hindi po mahal ito." Paliwanag niya habang pinapakita ang isang supot. Manuel, are you innocent? Or just weird?.

"Oh! Sorry my bad akala ko kasi ganoon iyon. Yung luto ang hanap ko" medyo nalukot ang mukha nito bago ngumiti uli.

"What?. Kuya wala kaming bentang lutong fishball, hilaw lang. Inubos mo ang oras ko sa kakatalak. Doon ka sa kabila, wala kaming ganoon."

"Galit ka?" Maya-maya ay tanong nito.

"Hindi.. Aside from fishball ano pang bibilhin mo?" - Tanong na lang niya. Malay na niya baka may ibang bibilhin.

"Hmmm.. Wala.. Pero dahil nagtanong ka anong food ang benta niyo? Hindi pa kasi ako kumakain eh."-Manuel. Humawak pa ito sa tiyan na Parang gutom nga.

"Marami kaming bentang softdrinks at mga biscuit."

"Pahingi.. Este pabili" kumuha nga siya ng isang softdrink at dalawang biscuit. Iniabot dito at kinuha ang bayad.

"Saan pwedeng umupo? Dito ko na lang kainin"-Manuel

" pwede kang maupo roon pero wag kang magkalat.." Tinuro niya ang upuang bakante sa tabi ng security guard.

Tumango naman si Manuel bago tinungo iyon at sinimulan ang meryenda slash pagkain.

Habang abala siya sa isang costumer ay palingon-lingon siya kay Manuel. Matagal na itong tapos kumain pero naroroon pa rin sa tabi ng security at nag-uusap. Kumunot ang noo niya. Baka naman isa itong masamang tao? At inuuto ang security guard? Sa naisip ay kinabahan siya. Hindi porket gwapo ito at mukhang mayaman ay hindi magagawa ang naiisip niya.

Lumapit siya sa dalawa na patuloy sa pag-uusap na minsan pa ay tumatawa. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng mga ito.

"Mister?" Patanong na sabi niya.

Mukhang naramdaman nito na gusto niya itong paalisin. Tumayo na ito.

"Aalis ka na? Mali. pauwi ka na?" tanong nito.

Tumingin muna siya sa kay inggo ang security guard. "Ma'am ang bait po pala ng suitor niyo. Akalain niyo hinihintay kayo para ihatid.."

"Kuya hindi ko po siya manliligaw.." Tumingin siya kay Manuel na nakatitig sa kanya na ngumiti ng bumaling siya dito. "Mister, ano pa po ang ginagawa niyo rito?"

Nagkibit balikat ito. " kuya nakakaistorbo ka na kay manong security ah." Indirect na pagpapalayas niya slash direct.

"Ganoon ba? Sige alis na ako pero ano pala pangalan mo? "

Naku talagang hindi ako maalala, mabuti na iyon para hindi nakakahiya! Tumikhim siya "Liberty ang pangalan ko. Ikaw?" Tanong rin niya, kunwari hindi niya alam.

"I'm Manuel James, Manuel na lang for you.." Nagulat naman siya dahil akala niya Manuel lang ang name nito.

Ngumiti na lang siya. Nang makaalis na ito ay bumaling siya kay manong inggo. "Kuya, sa susunod po wag kayong makipagkwentuhan sa strangers ah? Lalo po ang lalaking iyon, baka masamang tao. Nag-aalala lang ako baka ipahamak natin iyon."

"Naku ma'am akala ko kasi suitor niyo iyon. Saka medyo kilala ko po iyon kasi sa kumpanya ng mga ito nag-o-opisina ang pamangkin ko..pasensya na po ma'am hindi na mauulit" - manong inggo.

"Po? Eh ano po ginagawa niya dito? Sigurado naman tayo na sobrang busy ng taong may sariling kompanya.."

"Kaya nga akala ko manliligaw dahil gusto nitong hintayin ka daw. Tingin nga ng tingin sayo eh." - nanunuksong wika ni manong inggo.

"Sige na po" sagot niya at iniwan na ang Security guard dahil baka magtanong pa siya tungkol kay Manuel at siguradong tutuksuhin siya nito. Kilala pa naman si manong inggo sa ganoon . Napailing na lang siya kay manong guard.

Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit siya hinihintay ni Manuel. Hindi kaya alam nito na ako ang nagte-text sa kanya at nagkukunwari lang rin siya? Sa naisip ay parang naipon ang lahat ng dugo niya sa mukha. Nakakahiya!!