Kagagaling lang niya sa kaniyang maliit na groserya. Nadatnan niyang nakayakap sa sariling tuhod si Rebecca. Napahugot na lang siya ng hininga, nakikita na niya kung bakit narito ito at ganoon ang itsura.
Nag-angat ito ng tingin Marahil ay naramdaman nito ang presensya niya. Namumula ang mata nito. "What happen?" tanong niya.
"Pasensya ka na Liberty. Ginamit ko ang duplicate key ng bahay mo. Its just that.... W-Wala akong mapuntahang i-iba.." Napahagulhol na ito.
Umupo siya sa sofang katabi nito at tinapik ang balikat. "Its okay.. Anong nangyari?.." Malumanay na tanong niya.
Muli na naman itong napahagulhol. "M-Maliit lang na p-problema pero..pero naging dahilan ng away namin at marahil nasaktan ko ang damdamin ni Jose kaya hindi na umuwi ng dalawang araw. Kanina nang bisitahin ko sa opisina ay sinabing hindi ito pumasok ng tatlong araw... Maaaring magkasama sila ng babaeng iyon!" Tumalim ang mata nito sa huling turan.. Nalilitong nakatingin siya sa kaibigan. Sa totoo lang hindi maintindihan ang paliwanag nito bagkus na magtanong muli ay nanahimik na lang siya.
Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita siya. "Ano ng balak mo ngayon?"
"Maaari ba akong dumito ng ilang araw?" Nananantyang tanong nito.
Kumunot naman ang noo niya. "Oo naman. Pero baka kapag umuwi na ang mister mo at hindi ka maabutan ay siguradong mag-aalala 'yon..." Hindi ito sumagot. Napasandal na lang siya sa upuan.
Limang buwan lang na kasal ang kaibigan niya at heto hindi iilang beses na tumatakbo ang kaibigan sa bahay niya at doon umiiyak.. Makaraan lang ng isang araw o dalawa ay sinusundo na ng asawa at magkakabati agad. Pagkatapos ang saya-saya na naman ng kaibigan. Makaraan na naman ng mga araw ay umiiyak na naman itong uuwi sa bahay niya at mauulit na naman ang pangyayari.. Napabuntong hininga na lang siya. Sigurado naman siyang mahal ni Rebecca ang asawa at ganun din naman si Jose rito pero hindi niya maintindihan ang mga ito kung bakit palaging away-bati.
Kung siya lang ang magmahal ay ayaw niya ng away nais niyang perpekto ang kanilang samahan sa asawa kung mayroon man ganoon, hindi na siya aasa na may lalaking hindi aawayin ang babae.
"Matutulog na ako.." Paalam ni Rebecca. Tumango na lamang siya. Ang kanyang apartment ay may dalawa lang silid at may iisang banyong napapagitnaan niyon at may maliit na kusina sa kaliwang bahagi ng bahay kung saan katabi lang ng kwartong inuukopa ngayon ni Rebecca at ang maliit na sala ay katabi naman sa kanya. Mula sa kanyang silid ay may pintuan ang banyo ganoon rin sa kabila kaya kung maligo siya ay ila-lock ang pintuan mula sa kabila kahit noon wala nang tumatao roon.
Dati ay bahay nila iyong dalawa. Hati sila ng bayad ng mabili iyon. Pero ng mag-asawa si Rebecca mahigit limang buwan na ay ibinenta na sa kanya ang share sa bahay na iyon.
Makaraan ng dalawang araw ay naroon na si Jose at sinusundo ang asawa. Sa una ay galit si Rebecca pero 'di kalaunan pagkatapos magpaliwag ng asawa ay nagkabati na sila. Umuwi daw ang asawa sa bahay ng mga magulang dahil sa hindi pagtitiwala ni Rebecca dito, nagselos lang daw ito sa wala kahit naman walang nakitang babae ang asawa. "Eh bakit tatlong araw kang hindi pumasok?!" Naghihimutok pa rin na usal ni Rebecca.
"Kasi naman ang unang araw ng absence ko sa opisina ay naghanda ako ng surprise sayo pero hindi mo na nakita dahil sa nangyari. Monthly celebration dapat natin noong isang araw-" Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang asawa ay tumalon na ito at niyakap ng mahigpit ni Rebecca.. Napailing na lang siya sa nasaksihan niya parang ganoon rin lang noong nakaraang nag-away ang mga ito. Ang kaibahan lang ay sa loob ng bahay nangyari ng huli hindi tulad ngayon na sa labas at kasalukuyan niyang isinasara ang bahay niya. Papasok pa siya sa bangko. Isa siyang public accountant.
Pagkalas ng dalawa sa yakap ng bawat isa ay nagsalita siya. "Hey! You two maiiwan ko na kayo, may pasok pa ako."paalam niya. Sabay na tumango ang dalawa. Tinapik muna niya sa balikat si Jose bago tuloy tuloy na lumakad. Malapit lang naman ang opisina niya at maaga pa kaya nilakad na lang niya.
Nakaupo na siya sa cubicle niya ng lumapit sa kanya ang coworker niyang si Lito. Pilit niya itong nginitian.
" Good morning Liberty.." Nakangiting bati nito.
"Good morning rin sayo Lito.." Napipilitan niyang bati.. Pinalangin niyang umalis na ito sa harap niya subalit humugot pa ng de gulong na upuan sa kabila at umupo roon malapit sa kanya..
"Balita ko ikaw raw ang hahawak sa isang bagong big costumer.." Nagagalak na turan nito.
"Ah,Oo.." Walang kagana-ganang sagot niya..
Makaraan ang ilang sandali ay umalis rin ito. Nakahinga siya ng maluwag. Ewan ba niya kung bakit ganoon ang pakikitungo niya rito kung bakit hindi niya alam. Mabait naman si Lito katunayan nga ay super bait na parang naiisip niyang akma rito ang katagang 'too good to be true'. Hindi naman lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya kaya siguro ganon ang pakitungo niya rito ay marahil hindi niya ito gusto.. Nalilito nga siya sa sarili niya dahil ganoon naman ang hanap niya ang tulad ni lito. Siguradong hindi sila mag-aaway kapag ito ang napangasawa niya dahil mabait nga ito at may looks pa pero kahit anong turo niya sa sarili niya para maging mabuti rito ay hindi nangyayari parang isang matigas na tinapay na pilit niyang kinakagat pero ngipin lang niya ang sumasakit dahil kulang sa mainit na kape..
Napaisip siya doon sa huling naisip pero sumakit lang ang ulo niya. Itinutok na lang niya ang isip sa trabaho.
Alas kwatro na ng hapon ay nasa groserya na siya at tumulong doon. Maliit lang ang groserya niya, may isang taon ng naipatayo at kahit papano ay walang aberyang nangyari kahit minsan. May isa siya security guard at tatlong cashier, isang delivery boy at isa pang checker-(hindi ako sure kung checker nga ang tawag doon haha) .
Maaga silang nagsara ng araw na iyon .Eksaktong alas singko-medya ay nagsara na sila. Pag-uwi sa bahay ay nalungkot na naman siya dahil ni wala siyang kasama. Napabuntong hininga siya bago dumiretso sa kusina. Nagluto siya ng hapunan at kumain bago naglinis ng katawan at natulog.
Habang nakahiga ay naisip niyang tumatanda na siya. Twenty-nine na at sa susunod lang na buwan ay ang kanyang 30th birthday.. Bigla siyang nag-alala sa kalagayan niya. She's almost thirty but still never been kiss and never been touch. Pumasok sa isip niya ang mga maraming negatibong what if's. 'Oh god! What am I thinking?!' Nagtalukbong siya at pinilit na matulog