Chapter 7 - Chapter 6

Song

Pagdating ko sa resort ay agad ko silang namataan na nag-si-swimming. Bale iyong kabuoan ng lugar ay mayroong swimming pools but it is connected to a falls na nasa kalapitan lang ng lugar which is on my right left side. Mas in-enhance lang nila ito at pinaganda. Malamig iyong lugar dahil na rin sa mga puno na nakapaligid sa lugar. Mayroon din silang mini-flower farm na nagpadagdag sa ganda ng resort.

Agad ko namang namataan si Seven na parang bata na nagtampisaw sa tubig habang nakipaglaro sa mga bata. Iyong iba naman ay nasa iba't-ibang bahagi ng resort, nasa taas kasi ako kaya tanaw na tanaw ko sila kung nasaan sila. Si Clevan lang yata itong nakikita kong natutulog sa lounge chair na nakalagay sa ilalim ng lilim ng puno. May nakatakip namang towel sa kaniyang mukha.

I heavy a sigh upon seing him like that. Kawawa naman at puyat, hindi niya tuloy nai-enjoy iyong stay niya dito dahil sa siraulo naming kaibigan.

Poor Clevan.

Nakita ko namang may mga kababaihan na nagkumpulan sa may unahan. Panay sulyap nila kay Seven habang nagtutulakan kung sino ang lalapit.

Fans. That's for sure. May dala silang placard, tarpaulins at albums e.

I walk towards them and approach them. "Hi!" I said cheerfully. Lahat naman sila ay nanlaki iyong mata na nakatitig sa akin. The girls at the back just squill. Thier eyes speaks happiness too.

Well, so am I.

"Hello po! Pwede po magpa-picture?" Anas ng babaeng shorthair, her eyes was full of hope while asking me. She has a morena type of skin complexion at hindi maipagkakaila na maganda nga siya. Well, probinsyana girls are indeed pretty.

Ngumiti naman ako sa kaniya, "Sure! But wait, can you all wait me here first? Tatawagin ko lang iyong iba." Mas lalo naman silang nagpalakpakan dahil doon. Panay pasalamat naman sila sa akin.

Mag-aaksaya lang sila ng oras kung iisa-isahin nila kami, 'di ba? Then, I should do something. I don't want to waste thier efforts.

I just smile at them. I'm happy that napasaya ko iyong fans namin.

I turn my back at them and march away to call my friends. Agad rin naman silang sumunod sa akin at mas lalong nagwala iyong fans namin nang makita na halos lahat ng member ay naka-topless lang. Ako lang yata iyong nakasoot ng sando at hawaiian shorts. I shortly laugh because of their reaction.

Kalmahan lang po natin, huwag po tayo magpadala sa kilig. Baka ulamin niyo iyong mga kaibigan ko. Prttf!

Dumating naman agad si Sam at lumapit sa amin kaya agad napunta sa kaniya iyong atensiyon ng mga fans. Nakanganga pa ang mga ito habang nakatitig sa gandang taglay ng manager namin. I was proud of course, sinong hindi e aside that she's very beautiful ay mayroon din siyang mabuting puso para sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

That's the perfect definition of beautiful, inside and out.

"Ang ganda niya,"

"Oo beh, kaninong jowa iyan?"

"Ang pretty!"

"Para siyang angel!"

She smiled at those girls and introduce herself to them. Mas lalo namang lumaki iyong mata nila na malaman na siya iyong manager namin. Well, she didn't expose herself yet in public because for her it is a hassle. And besides, this upcoming comeback of our band she'll reveal herself.

Malalaman at malalaman din ng lahat iyong tungkol sa kaniya so that she decided na mag-reveal sa mga fans na ito na nasa tabi namin, at sila iyong kauna-unahang makaka-alam na siya ang manager namin. Sobrang saya nila kasi it is an honor na sila iyong unang nakaka-alam. Sobrang saya raw nila.

We took several pictures with different angles, pinirmahan din namin iyong albums, placard and tarpaulins na dala nila at sobrang saya naman nila dahil sa wakas ay nagkatotoo na raw iyong pangarap nila na akala nila sa panaginip lang mangyayari. Hindi raw kasi nila afford na lumuwas ng city para sa mga concert namin at mga fansigning. Medyo nakakalungkot siya sa totoo lang noong nalaman namin. Kaya they grab the opportunity to see us here, bahala na raw kung gagabihin sila kakahintay sa amin. Okay lang daw.

I was touched upon hearing that.

Sana, kahit na isang simpleng picture at pirma lang at napasaya namin sila.

Natapos iyong fansigning na hindi namin namalayan na hapon na pala. Mas dumami pa ang mga tao sa resort. Dumating naman si Yen at in-approach kami. They serve us thier exquisite foods and beverages para sa hapunan namin. Puno ng tawanan iyong buong table habang nagsisimula na namang mag-ingay si Seven at Clevan.

Ayan na naman sila, as usual magba-bardagulan.

Napatingin naman agad ako sa katabing cottage at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Jella na mag-isa habang busy sa plates niya. I raised my brow a little, bigla naman akong naging interesado.

Maybe she's an architect, I guess? Bagay.

Dumating naman si Yen sa cottage kung saan siya naroon at binigyan siya ng juice. Narinig ko pang nagpasalamat ito at nagpatuloy sa ginagawa. Panay naman iyong kuwentohan nila kahit na busy si Jella, Yen doesn't mind at all that she's too focus as long as she's answering her.

Nakarinig naman ako ng tikhim sa gilid at agad akong napatingin doon. It was Hans, he's looking at me like he discovered something. Para rin 'tong si Lloyd minsan e, mala-detective rin. Tsk.

I eyed at him and raised a brow.

"What?" I ask. He shrugged his shoulders, still grinning. Bumalik na siya sa table Niya habang prenteng nakaupo. Nasa labi pa rin niya iyong ngising aso. Tch.

Maya-maya pa ay may nagsalitang emcee, humihingi raw ng request iyong mga fans. Naka-isip naman kaagad ako ng idea. I look at my co-bandmates and spoke.

"Let me handle this," I said and stood up. Having the urge and courage to do something.

Hindi naman sila umangal ngunit halata pa rin sa mukha nila na clueless sila sa gagawin ko. Si Hans lang yata at Lloyd iyong mayroond idea—which is good dahil kapag nagkataon na sila na lahat iyong makakaalam ay baka hindi na nila ako tantanan sa kakatukso.

Baka iwasan pa ako ni Jella.

Nagpalakpakan naman agad iyong mga tao sa paligid habang sinisigaw nila iyong name ng band namin. Umakyat na ako at yumuko kaunti sa emcee.

"Hello!" bati ko sa mga tao. They all answered me in churos too. I smiled at them. Damn!

Sa totoo, medyo natawa ako sa sarili ko dahil it looks like nagpapasikat ako kay Jella at sa mga tao rito. But, whatever. Wala namang nakakaalam bukod doon sa dalawang asungot na iyon at kay Lia.

Tch. Epal.

Sakto namang may guitar na dala si Hans kaya lumapit ako sa kaniya at hiniram ko muna ito, tapos umupo sa isang upuan. Ngiti ng ngiti naman siya sa akin. Sus! Sarap sapakin ng loko. Pahalata masyado ang g*go, awit.

Nagsimula na akong mag-strum sa intro habang nakatitig sa chords ng guitara. Ito kasi iyong hindi ko masyadong kabisado na kanta e. At saka, wala akong practice kaya for sure mayroong errors sa tuno. Huwag naman sana.

Sh*t! Ang timing naman oh! Bakit ngayon pa ako kinabahan!

I look at those sea of people and cleared my throat then spoke. "Good evening everyone! This song that I'll going to sing is my own composition, ginawa ko lang ito noong nakaraang gabi and I hope you all will like it," I paused for seconds and continue while roaming my eyes around.

"This song is dedicated to someone who gives me inspiration. Who makes me smile every single day and gives me a total happiness that I didn't expect to feel. I know that she doesn't have idea at all, but this song is for her."

Umugong naman ang hiyawan lalo na sa mga ka-banda kong naging kuryuso na ngayon, panay bulongan pa. Mas lalo namang lumawak iyong ngisi ng mga mukong, tudo cheer pa sa akin. Nakita ko naman si Lia na ngumiti rin at pakindat pa. Nailing na lang ako.

Tumingin ulit ako sa gitara at nagsimulang simulan ang intro.

The moment I first ever saw you

I feel complete like it's good to be true

I was in the cloud nine for a moment

The way your hair dance with the wind

The way the sun touches your skin

It feels surreal, I can stay on your side forever

I look up and look at her. And to my surprise, she was looking at me too. I don't know if she has a idea that it was our story inside that bus, but yeah. Mas lalo tuloy akong napangiti. Damn! My heart, she was smiling at me!

Bumalik na lang ulit ako sa pagyuko upang itago iyong namumula kong mukha. Shit! My heart was pounding so damn fast! Ano ba iyan, parang tanga! Really Kiel? You're being a live sick right now. Geez! Is that really you?

I mentally curse myself. Baliw ka na, Kiel!

Your eyes, your lips, so close inch apart

My feelings, starts to bloom

Do you know the reason why?

Acting like crazy, yeah

Hey baby, I'm falling with your smile

I want to ask you this question, can you be mine?

The moment I hit the last high note, I was looking at her again. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero nakita ko siyang namula. Maybe she has idea now or maybe wala. Maya-maya ay nasira naman agad iyong pantasya ko dahil lumapit si Yuan at umalis sila sa cottage. Nawala agad iyong ngiti ko ngunit hindi ko pinapahalata.

I put a ending strum on my song and bow at the audience. Mas lalo namang umingay sa loob ng resort, ang iba kilig na kilig habang iyong iba ay nagpalakpakan. The three, Hans, Lloyd and Lia was now frowning. Siguro agad nilang napansin iyong pagbabago ko ng expression even though it is not that visible because I was still smiling, a fake smile.

Nakita kong lumingon si Lia at agad naman niyang na-gets kung bakit. Sumimangot naman siya at masamang tiningnan iyong si Yuan at iyong lalaking kasama nila. Kulang na nga lang ay sugurin niya ito e. They're now talking and I can see that Jella is smiling while the unknown guy is talking. Mas lalo sumama timpla ko.

Tumayo na ako at nagpasalamat. Binigay ko na sa emcee iyong microphone. Naririnig ko pa rin iyong curious na tanong ng mga tao, sino ba kasi raw iyong babaeng pinapahiwatig ko sa kanta.

I just smiled and told them that it was a secret.

Hindi naman sila namilit pa, I hurriedly go back towards Han's side and sit. Nasa akin pa rin iyong mata ng mga kaibigan ko and mas na-confuse sila dahil nakasimangot ako. May binulong naman si Hans sa mga ito kaya umasim iyong mukha nila.

"Okay lang iyan bro." Saad ni Seven. I didn't reply instead I busy myself on watching the next one who's singing on the stage.

Badtrip, may epal. Tsk.

Nagsimula na itong kumanta at sinabayan ito ng mga tao. Hindi ko alam kung sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil iyong kantang kinakanta ng babae sa stage ay isang kanta na about sa isang lalaki na nagkagusto sa isang babae pero hindi pala siya gusto. Pucha!

Banas akong tumayo at nagwalk-out, si Lloyd naman ay narinig ko pang natawa habang si Lia at Hans ay tumitig lang.

Bahala kayo diyan.

Napadpad ako sa likod na parte ng resort na mayroong small pool. Inilahad ko iyong paa ko sa tubig at agad akong napaigtad nang may maliliit na isda ang lumapit sa paa ko. Natawa na lang ako kasi akala ko ano na. Iling-iling na lang ang nagawa ko.

Kinuha ko sa bulsa iyong cellphone ko at nagpicture. Cute kasi ng mga isda. I send it to Lia and and look at my gallery. Nakita ko na naman iyong picture ng gift niya kaya agad kong ni-delete iyon.

Ayokong ma-badtrip ng tuluyan.

While looking at those fishes who enjoys to eat my feet, I smiled. Nakaka-relax pala dito, buti na lang at dito ako napadpad. I sigh.

Suddenly, naka-isip na naman ako ng panibagong kanta. I open the notes of my phone and write down the first stanza. Ewan pero bigla lang ding nag-sink in sa utak ko.

O Kay gandang dalaga, na aking nakita

Ang kaniyang ngiti ay nakakahalina

Ang kaniyang mala-anghel ma mukha

At ugaling kay ganda

Na nagpabihag sa puso ko ng malala

I laugh shortly. Damn! It was kind of cringe to be honest but I can say that I really deliver the words appropriately. The song is somehow relatable to to those guys na hindi makaamin-amin sa babaeng gusto nila. Prttf! Biglang tumaba iyong utak ko ngayon a!

Nagpatuloy na lang ako hanggang sa churos habang natatawa.

Sa tuwing nakikita ka, ah

Ngiti sa labi ay hindi mawala

Bumabagal ang ikot ng mundo, oh

Sa tuwing ako'y nakatitig sa'yo

I paused for a moment to think. Then, I hummed the lyrics inside my head. Medyo malinaw na rin iyong flow nito unlike to the first song that I wrote.

Aking anghel na bumaba sa lupa

Nagbigay kulay at ligaya

Ikinagagalak ko siya na makilala

May malaking parte sa aking puso

Kahit hindi ko alam kung mapapansin mo

Aking anghel binuo mo ang buhay ko

Hanggang sa natapos ako ay naisipan ko na e record na lang ito. I sang it with full of emotions, from the intro, pre-churos and churos. Once I was done to singing it, I saved it and decided to go back dahil malalim na rin ang gabi. We need to go home na.

Hays, what a—

"The song is beautiful," she said. Nabitin lang ako sa ere at hindi nakapagsalita. She smiled at me genuinely and spoke again. I just blink at her.

Gagsti pre—

"Ang ganda ng kanta, halatang inlove na inlove ka to that girl who you're referring to in your song," she giggled at me a little while watching my reaction.

"Magugustohan niya iyan for sure." Then, she leave me dumbfounded and with embarrassment written all over in my face.

Sam naman e!