CHILDHOOD FRIENEMY
Pagkababa ni Lola ay agad itong napangiti ng makita kaming dalawa na nag-uusap. Hindi ko alam kung mayroon bang something kasi iyong saya niya ay makikita mo talaga sa mata niya. She looks like she was very excited and happy to see us. Okay, that was weird ah.
"Kiel, apo," masaya nitong aniya. Agad naman itong yumakap kay Kiel at ganoon din ang ginawa nito pabalik. Medyo na curious tuloy ako dahil mukhang close sila sa isa't-isa base sa mga kilos nila. Teka, magkakilala sila? May dapat ba akong malaman?
I shrugged my shoulder because of confusion. Bahagya ring nagsalubong iyong mga kilay ko at napanguso. Palipat-lipat lang ako ng tingin sa dalawa habang masaya silang nag-uusap. Confusion is written all over my face.
Maya-maya pa ay agad namang bumaling sa akin si Lola. "Jella apo, naalala mo ba pa si Philip? Siya iyon, iyong kalaro mo dati noong bata ka pa," agad nanlaki 'yong mata ko sa sobrang gulat.
H-ha?
Ano?! Si Kiel, kababata ko?! Seryoso?!
Hindi ako naka-imik agad sa sobrang gulat sa nalaman.
"P-po?! S-si Kiel? Sure kayo diyan Lola?" aniya ko at saka tiningnan si Kiel at gaya ko ay nanlaki rin ang mata niya. Parehong-pareho iyong reaksiyon naming dalawa.
Hala! Don't tell me. . .
Philip?
Phi—
Saka na lang nag sink-in sa ulo ko ang lahat, natatandaan ko na. Dati kasi kasi may kababata akong pinaka-kinaiinisan ko, ang kulit kasi e tapos napaka-mahangin. At ngayon, gusto kong batuhin siya sa ibalibag sa labas sa bahay ni Lola. Alam niyo kung bakit? Aba, may atraso pa ito sa akin e! Sinabit pa naman sa puno iyong tsinelas ko, sinong hindi maiinis aber?!
Masama ko naman siyang tiningnan.
"Halika ka dito!" sigaw ko at hinabol siya. Huminto muna ako at hinubad iyong tsinelas na soot ko ngayon at ibinato sa kaniya. Agad naman siyang umilag pero wala pa rin siyang ka idea-idea, nagsalubong pa rin iyong kilay niya pero takbo pa rin siya ng takbo. Mas lalo naman umusok iyong ilong ko.
Lagot ka talaga sa akin ngayon. Ikaw pala si Philip ah!
"Walangya ka talaga Kiel! Ikaw pala si Philip na mahangin ha! Well, ako 'to! Si Lang-lang na palagi mong sinasabitan ng tsinelas dati!" puno ng sumbat ko pang saad at patuloy na hinahabol siya. Si Lola naman ay nagkanda-ugaga na awatin kami sa sigaw niya pero hindi ako nagpatinag.
"Anong tsinelas? I'm sorry Jella but I don't know what are you talking—"
P*ste!
"Anong I don't know ha?! Last time naalala ko habang natutulog ako sa ilalim ng puno ay sinabit mo iyong tsinelas ko! At dahil nga pandak ako dati, naabutan ako ng pabi para lang makuha iyon!"
Now, tell me hindi mo pa rin ako maaalala siraulo ka!
Huminto naman siya at napakurap-kurap, siguro na-realize na niya iyong katarantaruhan niya dati. Maya-maya ay tumawa naman siya ng malakas kaya mas humaba iyong sungay ko.
At may gana pa talaga siyang tumawa ah?! The nerve, pigilan niyo ako please. Kaunti na lang talaga at baka masipa ko na iyong birdie niya sa sobrang pagka-irita.
Maya-maya ay ngumisi naman ito. At, alam kung base sa ngisi niyang iyan ay naalala na niya lahat. Buw*sit talaga!
Mariin akong napapikit.
"Ahh, Tama! Ikaw pala iyon," Saad niya habang patalikod na naglakad. Nasa labi pa rin niya iyong ngiting kinaiinisan ko mula noon pa. Pasalamat talaga ako dahil pinaalala ni Lola. Geez! So ew crush ko 'to?! Arrgh, kairita talaga!
Seryoso? Mygod so embarrassing!
"Ikaw pala si Lang-lang pandak." Saad niya, halatang inulit para galitin ako. Nameywang naman ako sa kaniya habang naka-isa iyong kilay ko. Kapal ng mukha! May gana pa talaga siyang sabihin iyon ah! Oo na! Noon pandak ako pero hindi na ngayon!
L*che!
"Oo, ako iyon!" aniya ko pasinghal. Malakas naman siyang tumawa, siguro ay may naalala na namang nakakahiya at karumal-dumal. Guys, puwede ko ba bawiin na bias ko siya sa PHICCS_XL?
Lord, ilayo niyo siya sa akin please.
"Hi Lang-lang! Nice to meet you ulit!" He said using he's teasing voice. Sarap talaga punitin iyong labi, ngiti ng ngiti! Gwapo ka ha?!
Agad naman ako tumalikod kaysa habulin pa siya. Kainis naman kasi e! Sa dinami-daming tao sa mundo bakit si Kiel pa iyong childhood enemy ko. And worst, nagfangirl pa ako doon sa mahangin na iyon.
Kainis naman! Idol ko pa naman siya, buw*sit!
Naglakad na lang ako ulit papuntang likod-bahay para simulan na iyong gardening. Hindi ko na sila pinansin dahil naiinis ako pagmumukha ng Philip Kiel na iyon. Think what do you want to think pero ngayong naalala ko na lahat at napag tagpi-tagpi ko iyong similarities nila, imbes na mamangha ako sa mga talent niya iba pa naiisip ko.
Gusto ko siyang tirisin. God, mukha siyang spatula!
Agad ko namang naramdaman na sumunod sa akin kaya marahas akong humarap sa kaniya at pinandilatan siya. "Huwag mo akong susundan or else baka tusukin ko iyang mata mo." Banta ko pa na ikinangiti pa niya. Nakamasid lang si Lola sa amin, ngiting-ngiti rin.
Lola naman, bakit ka ganiyan? Akala ko ba ako iyong apo mo?
Hayst.
Nagmartsa na talaga ako ng tuluyan. Bahala sila! Gagawin ko na lang ito mag-isa kaysa kasama ko iyong impaktong iyon! Argh kabanas talaga!
Sinimulan ko muna sa paglilinis at pag-ta-transfer sa ibang bulaklak. May iba kasi na wala sa order niya. Tahimik lang ako habang ginagawa ko lahat ng iyon, hindi naman sila sumunod o ano kaya nagpasalamat na rin ako. De bale na mapagod ako kaysa sumakit ulo ko sa mukha niyang mukhang sandok.
Natapos naman ako bandang alas-singko y-medya ng hapon. Medyo masakit na iyong mga braso ko pero hindi ko na lang pinansin. Agad ko namang hinanap iyong hose dahil mandidilig pa ako pero sa kasamaang palad ay hawak ito ni Kiel, agad na lang akong napabalik sa garden na nakabusangot pa rin. Tch!
"A-ah. . . Jella, tulungan na kita." Pag-aalok pa nito, nakasunod. Huminga muna ako ng malalim at hinarap siya. Ngumiti pa ako sa kaniya ng ubod ng tamis.
"Huwag na Kiel, nakakahiya naman." Sinadya ko talagang gawing peke iyong ngiti ko at agad bumusangot. "Ayaw kong makita ang pagmumukha mo kaya please lang utang na loob lubayan mo muna ako."
Malakas naman siyang tumawa. Ay wow! May nakakatawa ba sa sinabi ko? Funny ba masyado?
Self, kailangan mong huminga. Inhale, exhal—
"Ayaw ko Lang-lang pandak," saad niya, nang-aasar. "Dito lang ako. Gusto kita makasama e. Hindi mo ba ako na miss?"
What the actual fuc—
Lord, ang sabi ko ay ilayo niyo ito. Bakit 'to nagbaby talk dito? Ang unfair mo naman, inuubos na nga niya pasensya ko oh!
"Lang-lang, hindi mo 'ko miss?" He said, trying to baby talk me more. Huminga ka ha Jella, kunin mo na lang iyong hose para matapos ka na at pumasok sa loob dahil gabi na. Tama, do it now before you could loose your patience.
Inagaw ko naman sa kaniya iyong hose pero mabilis din siya at iniwas ito sa akin. I death glared him, asking to give me what I want but instead of giving it, I was surprise when he turn it on at binasa niya ako. Then, he run for his life.
Wala na, ubos na pasensya ko. Papatayin talaga kita Kiel!
I start to chase him as fast as I could. Nagmumukha kaming tanga pero wala akong pakealam kung may makakita man sa amin.
"Papatayin talaga kita Kiel!" I shout angrily and run after him. Tudo tawa naman siya habang nag-e-enjoy sa ginawa niya. This scum!
"Habulin mo ako!" sigaw niya pabalik, making my blood blouls into turning point.
Wawasakin ko talaga mukha mong hayop ka.
"Oo! Hahabulin talaga kita! At kapag naabutan kita mali-lintekan ka talaga sa akin! Kanina pa ako nanggagalaiti sa 'yo!" I almost got bump, buti na lang talaga at mabilis iyong reflexes ko dahil kung hindi ay baka lupa iyong iki-kiss ko.
I ran and chase him like he was a criminal. Bitbit pa rin niya iyong hose kaya agad akong napa-isip ng paraan paano siya mahuhuli. Now, let's see if you'll be able to escape Philip na mahangin!
I will win no matter what.
Agad kong hinila iyong hose at saktong pakadaan niya ay natisod siya. I got the chance to run faster and catch him. Napangisi naman ako habang hawak iyong kwelyo niya sa likod while he's struggling to run anymore. A victorious smirk appeared on my face. Nagmukha tuloy akong kontrabida na nagwagi sa maitim niyang balak.
Mahigpit ko itong hinawakan ngunit na out balance rin ako. Agad nanlaki iyong mata ko at napaawang iyong labi ko. Shit! I'm going to fall! I tightly close my eyes and imagine that there's a flaffy matress under me.
Kainis talaga!
I waited after few seconds to embrace the hard soil beneath but it didn't happened. Instead, I feel a warm body that hugs me tightly. Agad naman akong napamulat dahil sa pagkabigla. S-si Kiel!
Nakarinig ako ng aray kaya mabilis akong umalis sa ibabaw niya but, because the soil is wet and slippery, agad rin akong napabagsak ulit. I almost lost my oxygen when I almost kiss him, buti na lang talaga at nakatukod ako kung hindi baka may milagro talagang magaganap. Well, it's not that it's my first kiss but it's cringe ma mahalikan mo iyong childhood enemy mo. That sounds creepy!
I blink several times and swallow my saliva. Shoti naman oh! Bigla namang tumitig siya sa akin gamit iyong mapupungay niyang mata, then he stared at my lips for a long time then it'll back on my eyes. Mabilis pa sa alas kuwatrong nag-iwas ako ng tingin habang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Seryoso lang?! Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Jella. . . " I was out of words for a minute when I heard how husky his voice is. Kalma lang talaga self ah, maybe guni-guni ko lang talaga iyong naririnig ko. Don't be like that, sa libro mo lang mababasa iyong ganitong eksena at huwag mong i-compare—
I was out of words to say when I look at him. Bigla tuloy akong nahilo dahil sa klase ng titig niya, I don't know kung ginayuma ba ako ng hayop na 'to pero iyong klase kasi ng titig niya ay parang alak, nakakahilo.
We've been staring each other for a minute, mas naramdaman ko pa iyong hininga niya. He smells mint and swear to God, ayaw kong magsinungaling, ang bango niya. Wait? Am I hearing myself?! Did I just praise this idiot?
Gustohin ko mang magsalita pero bigla yata akong napipi. I tried to move but he's hands was too fast, agad niya akong kinabig pabalik at kung gaano man kami kalapit kanina sa isa't-isa ay mas lumapit pa lalo. We almost kiss each other at parang mabibingi na yata ako sa kabang nadarama ko.
Bigla tuloy akong napatitig kay Kiel ng wala sa oras at napadpad naman ang makulit kong mata sa labi niya.
Shit! Ano ba 'to! Ang awkward.
Isang boses naman ang nagpabalik sa akin sa reyalidad at mabilis akong bumangon at naitulak siya. Para akong first time na nakapatay tapos nahuli at nataranta. Mas nabagok naman iyong ulo niya sa lupa at umaray na naman siya. Shunga rin siya e! Bakit ba kasi niya ako hinila pabalik kanina.
Nakakahiya!
Yumuko ako habang pilit na iniiwas iyong tingin ko kay Lola. Mariin pa ulit akong napapikit at nagmura sa isip ko. Jessa naman e!
"A-ah, p-pasok na ako sa loob L'la." Tangang saad ko at mabilis na tumakbo papasok. Iniwan sila doon na parehong tulala at natigilan sa nangyari.
Paano ko haharapin si Kiel?! Pagtatawanan na naman niya ako.
Bandang alas utso ay tinawag na ako ni Lola para kumain. Nasa kuwarto pa rin ako habang nagkukulong dahil sa kahihiyang naganap. Gusto ko tuloy ibaon iyong mukha ko sa kama. Jessa, ang tanga mo naman!
Pinukpok ko naman iyong ulo ko ng mahina habang pinipilit na kalimutan iyong nangyari pero mas lalo ko pa tuloy naalala iyong hitsura ni Kiel, para siyang sirang plaka na paulit-ulit na nag-pi-play.
"Jella, apo! Halika na rito at tayo'y maghahapunan na!" sigaw ni Lola. Pasimpleng sumilip naman ako para malaman kung umalis na siya o hindi. Pero wala yata sa side ko iyong swerte dahil nasa baba siya habang tinutulungan si Lola na maghanda sa lamesa. Mas sumama lalo iyong timpla ng mukha ko.
Mas lalo tuloy akong namroblema. Lord, puwede bang e-reset iyong time tapos burahin niyo na lang iyon?
Maya-maya pa ay katok na talaga iyong naririnig ko. Nagpapadyak naman akong tumayo at pinagbubuksan ito. Lola naman e—
Pakiramdam ko parang lahat ng hiya ko sa katawan ay napunta sa mukha ko sa oras na iyon. Mas lalo tuloy akong hindi naka-imik dahil nasa labas ng pinto si Kiel habang hindi rin makatingin sa akin ng diretso.
"Kain tayo," iyon na lang ang sinabi niya at ngumiti ng kaunti. Hilaw tuloy akong napa-oo sa aya niya sa akin. Mga bes, ang awkward!
Agad akong sumunod sa kaniya habang para kaming tanga na walang imik pareho. Si Lola ay palipat-lipat ng tingin at naiiling pa.
Sige L'la, bully mo talaga ngayon sa akin.
I just sit there an eat in silence while they're start to open a conversation. Hindi na talaga ako nag-abalang makisama dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
They just talk and talk until I finished my food. Agad naman akong nag-excuse at pumunta na lang sa lababo para ilagay sa sink iyong pinagkainan ko. Later on, I saw him followed me there too while holding a pile of plates. Gusto ko sanang tulungan siya pero nanginig bahagya iyong kamay ko for unknown reasons.
Shet na malagkit!
Gumilid na lang ako para bigyan siya ng daan at mailagay iyon. Wala na talaga akong kibo dahil pakiramdam ko kapag may sasabihin ako ay kukulitin na naman niya ako. I just busy myself on looking in the ceiling, I saw in my peripheral vision that he look at me quickly then flashes a smirk.
O hindi ba, sabi ko sa inyo e!
Nagprisinta na lang akong maghugas habang para kahit papaano ay mawala iyong awkward na aura. "Ako na maghuhugas ng mga plato." Narinig ko naman siyang nag hummed at tumango-tango.
"Okay." Iyong na lang ang naisaad niya, hindi pa rin umaalis. Nilingon ko naman siya at tinaboy.
"Doon ka na sa sala, samahan mo na lang si Lola roon," aniya ko habang nagsisimula ng maghugas. Huminto muna ako para itaas ang manggas sa soot kong oversized t-shirt.
Narinig ko naman siyang humagikhik. Huwag na huwag mo ng ipa-alala please—
"Why would I? Are you shy because of what happened earlier?" Namula naman agad ako at mabilis na tumanggi.
"Hindi ah!" nahihiyang aniya ko. Bakit ba ang kulit niya talaga? Can't he please spare me this time?
Gusto ko siyang batuhin ng kutsara sa inis kaso masuwerte siya at hindi ko iyon magagawa. Wala talaga siyang hiya 'no, legit.
"Really? You're not shy? But I saw you a while ago flushing. Don't tell me dahil iyong sa init e wala ng araw—"
Inis ko naman na binato sa kaniya iyong pamunas ng kamay na agad niyang sinalo. Sinamaan ko rin siya ng tingin pero wala epek lang at ngumisi.
Bwesit ka talaga! Mauntog ka sana—
Bigla namang nadulas sa kamay ko iyong plato kaya agad itong nahulog at nabagsak. Nataranta pa ako kaya mabilis kong pinulot ito at nasugatan naman iyong kamay ko dahil sa bubog.
"Aray!" halos takasan naman ako ng kaluluwa nang maramdaman kong mabilis niyang hinawakan iyong kamay ko, inagaw niya ito sa akin at mabilis akong iginaya sa sink at hinugasan ang sugat, mukha pang naiirita. Pakiramdam ko mas lalo akong naging kamatis sa ginawa niya at tanging pagkurap lang iyong ginawa ko.
Kalma Jessa.
Iyong mukha niya kanina na nakangisi ay naging seryoso bigla. Kinabahan tuloy ako ng wala sa oras dahil mukhang galit siya. Maya-maya ay nakita ko naman siyang natigilan, ngumiti pa ito habang nakatingin sa palapulsuhan ko. Nakatitig lang siya sa bracelet doon.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at halos kapusin ako ng hininga. "Soot mo pa rin pala 'to," aniya sabay turo sa bracelet. Tumango naman ako sa kaniya.
"Oo, hindi ko kasi matanggal-tanggal iyan e." Nasabi ko na lang. Bumunot naman siya sa bulsa niya at may ipinakita sa akin na mas lalo kong ikinapula. Okay, saan ko ba ilulugar itong hiya ko? Gusto ko na lang talaga magpalamon sa lupa, diyos ko!
"Ako rin, soot ko pa rin 'to," sabay pakita niya sa akin ng parehong bracelet, umiwas na lang ako ng tingin.
"Buti naman hindi mo itinapon 'no? Dati pa man ay galit ka na sa akin." Natawa pa siya. Galit? Hindi naman ganoon kalala, siguro naiinis lang talaga ako sa presensiya niya.
Nagsalita naman ulit siya.
"I'm happy that you still wear it though. Pinag-ipunan ko pa kasi iyan dati para sa ating dalawa." Aniya na siyang ikinabigla ko. Ha? Weh? Seryoso?!
Tumawa naman ako, hindi pa rin makapaniwala. "Weh? Hindi nga? Bakit naman?" Tumawa rin siya sa naging reaksiyon ko.
"Oo nga, pinag-ipunan ko talaga iyan para may remembrance tayo. Special ka akin e!" wala sa sarili niyang sabi. Doon naman ako natigil sa pagngiti ko. Ano?!
"Ano nga ulit sabi mo?" Mabilis naman siyang tumawa at umiling. Pilit pa ring umiiwas sa tanong ko ng na-realize niyang nadulas siya.
Huwag assuming ha, Jessa Laureen.
"Wala, wala." Saka ako tuluyang iniwan sa lababo na may band aid na iyong kamay ko. Nakita ko pa iyong pamumula ng tenga at palihim na pagngiti nito. Napakunot tuloy iyong noo ko.
Ha? Pinagsasabi noon? Parang tanga talaga.