Jessa
Maaga akong nagising dahil linggo ngayon. Magsisimba pa kasi ako mamayang alas-otso ng umaga kasama si Lola Victoria sa church dito sa malapit. So far medyo okay naman iyong pagbabakasyon ko, na-e-enjoy ko naman siya lalo na ngayon na hindi ako mabo-bored sa bahay dahil nagta-trabaho ako sa resort nila Yen.
Siguro mga ilang days simula ng nag-work ako as a part-time worker. Ewan ko doon kay Yen, kasi kapag nagfo-focus ako doon sa work e ayaw niya. Medyo magulo talaga siya magdesisyon sa buhay, iyong tipo na aalokin ka ng trabaho tapos dadaldalin ka lang pala.
So, nagta-trabaho pa pala ako sa lagay na ito?
Kahapon enjoy na enjoy ako habang nanonood ng performance nila. Nandoon pa nga nag-e-stay sa resort ang PHICCS_XL band e! Bias ko talaga si Kiel kasi siya iyong pinaka-mabait sa kanilang lahat bukod sa manager nila. And speaking of manager, gusto ko talaga magwala noong nakita ko iyong manager nila. Super ganda niya tapos super bait!
Paano ba maging maganda? Nakakainggit to be honest.
But anyways, ang ganda talaga ng boses ni Kiel kahapon habang kinakanta niya iyong own composition na kanta niya. Ramdam na ramdam mo talaga iyong message at super nakakakilig! Ang suwerte naman noon babae 'no?
Sino kaya iyon? Hays. Hanggang fangirling lang talaga ako.
Tinawag ako ni Lola Victoria kaya agad na akong bumaba para kumain. Pero bago ako tuluyang bumaba, sinipat ko muna iyong soot kong floral dress na hanggang tuhod at sinuklay bahagya iyong straight kong buhok. Nagsoot muna ako ng sandals at ni-lock iyong pinto ng kwarto ko.
Agad naman akong umupo sa tabi ni Lola at nagsimula ng kumain.
__
Pagkatapos kong bumaba sa tricycle ay humugot muna ako ng hininga. This is the first time na magsisimba ako ulit sa loob ng napaka-habang panahon na hindi ako nakapagsimba. Humawak naman ako sa braso ni Lola at inakay siya papuntang loob ng simbahan. Hindi mawala iyong ngiti ko dahil super good mood talaga ako dahil sa nangyari kahapon. Though, medyo nakakahiya iyong first encounter namin ni Kile pero okay lang, ganoon naman talaga e, mayroon talagang embarrassing moment sa buhay natin.
Daming nangyari na hindi ko talaga inaasahan na mangyayari. Una, nagkita kami ni Kiel sa bus and take note, nagkatabi pa. Second, personal kong naibigay sa kaniya iyong regalo ko. Third, nakapag-picture pa ako sa kanilang lahat at kasama na roon iyong manager nilang super pretty.
Hays, ang saya ko. Ito na yata iyong pinaka-dabest na summer vacation sa buong buhay ko! Worth it pa rin naman kahit hindi ko kasama sila Mama at Papa.
Humanap naman ako ng ma-u-upoan sa may gitna at doon na kami umupo ni Lola. Nag-sign of the cross muna kami at eksaktong tumunog iyong kampana dahil magsisimula na ang misa. Taimtim lang akong nakinig at nagdasal habang nagmimisa. Kahit pa na kinukulit ako ng batang katabi namin ay hindi ko na lang ito pinansin.
Puwede naman kasing mamaya na pagkatapos hindi ba?
Nanalangin na lang ako noong sinabi ng pari kung ano iyong gusto mong hilingin. Focus na focus lang ako at seryosong hiniling na sana, kapag magkaroon man ako ng lovelife ay sana mapunta ako sa tamang lalaki. Okay lang sa akin kahit na hindi siya ganoon ka-gwapo or katalino. As long as he has goal and perspective in life.
Aanohin ko iyang gwapo tapos hindi marunong dumiskarte sa buhay hindi ba? Tama naman kasing 'dont settle for less' kasi choice rin natin iyon na makahanap ng tamang lalaki para sa atin.
Well, it's not about on tamang lalaki kasi wala namang perfect man. What I am trying to say is iyong lalaki na handa kang mahalin kahit pumuti man ang buhok mo. Handa kang alalayan kong nahihirapan ka ng maglakad, iyong lalaki na ipaparamdam sa'yo na sapat ka sa kaniya. Na kahit gaano man karami iyong babae na umaaligid sa kaniya ay sayo't-sayo lang siya.
I let out a deep sigh of contentment after my long prayer. Napangiti na lang ako dahil pakiramdam ko sa kaloob-looban ko ay super gaan, iyong tipong wala na lahat ng wories ko.
I look on the other rows and I was shocked upon seing Kiel. Kasama niya iyong best friend niyang si Lloyd at iyong kapatid nitong si Lia. I wave a little on them and smile. Sakto namang nag-peace be with you kaya nag-peace sign ako sa kanila.
He smile at me too, maging si Lloyd ay mayroon ding kakaibang ngiti habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Si Lia naman ay ngumiti rin, then, she roamed her eyes around. Nakita ko naman ang banda, nagsisimba at nasa gitna nila si Sam.
Nang tinapik ako ni Lola na magfocus daw ay hindi ko na sila pinansin hanggang sa natapos na talaga. Nag-si-unahan naman iyong mga tao na makalabas dahil mayroon daw gaganapin na patimpalak sa kabilang bayan. Gusto ko sanang pumunta doon kaso naalala ko na nag-promise ako kay Lola na tutulongan ko siya sa mga bulaklak niya.
Mayroon kasing maliit na flower farm si Lola sa likod-bahay namin. It has many different types of flowers, mapa-orchids, roses, daisies and many more.
Basta sobrang dami.
Dumaan muna kami sa mga nagtitinda ng bibingka at bumili. Gaya lang ng dati ay nakasanayan namin ni Lola na noong bata pa lang ako.
"Ikaw na ba iyan Jella?" Saad ni aling Rose sa akin. Nahihiya naman akong tumango at binati siya.
"Opo, hello po!"
Kita ko naman na halos hindi siya makapaniwala sa nakita. Surprise na surprise pa ito habang nakatingin sa akin.
"Ay naku! Kagandang dalaga!" aniya na mas lalo kong ikinahiya.
"Ay hala, hindi naman po!"
Ano ba iyan, nakakahiya!
Tumawa naman si Lola sa tabi. "Naku, tama ka nga diyan Rose. Parang noong bata pa lang ay napaka-pilya at madaldal ng batang ito pero nag-iba na noong lumaki," agad naman siyang sinang-ayonan nito.
"Sinabi mo pa! Dati pa nga, naalala ko na nakikipag-laro ito ng bunong braso sa mga kalalakihan!"
Natawa naman ako maging sila. Oo nga ano? Noong una akala talaga ni Lola na tomboy ako, hindi naman pala. Hilig ko lang talaga mang-trip. Nakakatuwa naman!
"O siya, pabili kami ng sampung piraso at makagayak na kami."
__
Pagdating sa bahay ay agad akong nagbihis at excited na pumunta sa likod-bahay. Nagsoot muna ako ng gloves para hindi ako matinik at masugatan. Agad naman akong namangha sa ganda.
Wow.
Kahit na may katandaan na si Lola ay hindi niya talaga pinabayaan iyong mga bulaklak niya. Hanggang ngayon ay well-arrange pa rin ito at sobrang daming paro-paro. Mas lalo tuloy akong napangiti. Para kasi siyang enchanted garden.
Teka, tama! I will take a picture of those na lang!
Kinuha ko naman agad iyong cellphone ko at nagpicture ng marami. Hindi ko na nga mabilang kung ilan na e! Sa dami ba naman, hirap ding mag-delete dahil puro magaganda iyong kuha ko.
Alin kaya—
"Tao po!" sigaw ng kung sino sa may harapan ng bahay. Mabilis naman akong pumunta doon at ganoon na lang ako kasaya nang makita kung sino iyong nasa harapan ng bahay ni Lola.
Si Kiel. Nandito si Kiel na nakangiti habang nakatitig sa akin.