Chapter 11 - Chapter 10

Promise

Nang umuwi si Lia ay hindi niya naitago iyong saya sa tuno ng boses niya. Kahit pa man na hindi naging kaaya-aya iyong nasaksihan niya sa resort ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Kumunot naman agad iyong noo ng dalawa habang nilagpasan niya ito at pumasok sa kwarto niya. Nagkatinginan pa ito, clueless.

Hindi na lang niya niya ito pinansin at kinulit na naman si Zyd through text. Simula kanina matapos nitong umamin sa kaniya ay hindi na niya ito tinantanan, she tease him more and more. Talagang pinagtripan na niya ito ng bongga.

She really loves teasing him that's why.

"Prtf! Ang cute," saad pa niya habang tiningnan iyong mga videos ni Zyd noon bata pa siya na naka-post sa facebook nito. Pinamulahan naman agad siya nang tumingin ito at ngumiti sa video, na para bang tumitingin ito sa kaniya.

Oo. Assuming ang peg ng ate Lia niyo.

"Gwapo talaga ng mokong," she mumbled almost like a whisper. Then, she caress the screen the picture like she was caressing his face.

"Sinong mokong Lia?" Tanong pa ng kuya Lloyd niya na nakatayo sa pinto, agad naman niyang naitago iyong cellphone niya at napahawak sa dibdib.

"Kuya naman e! Para kang kabute!" nakataas naman ang kilay nito nakatingin sa kaniya ng puno ng pagdududa habang pinanliitan siya ng mata.

Umiwas na lang siya ng tingin para hindi nito mahuli. Nagpanggap na lang siyang walang narinig at umaktong kalmado, kumuha ng pamalit sa closet nito.

'Paktay na! Naloko na kapag napaghalataan ako ni kuya.'

"Lia," tawag ulit nito, mayroong pagbabanta sa boses. Binalingan na lang niya ito at inisahan ng kilay. Like she was giving him a 'what do you want look.'

Wala itong naging reaksiyon kaya umirap siya.

"Epal talaga.'

"Wala Kuya, napaka-ano mo talaga." Asik niya. Bumuntong hininga na lang si Lloyd at walang nagawa dahil hindi naman talaga ito magkukuwento sa kaniya.

Iniwan na lang niya ito at bumalik siya sa panonood ng palabas doon sa sala kasama si Kiel. Nagbihis naman ang dalaga at vinideo-call iyong bestfriend niyang si Chealsy. Pansamantala niyang nakalimutan na nasaktan siya sa nasaksihan kani-kanina lang.

Sana all madaling makalimot. . .

Sa isip niya, ayaw niyang maging malungkot at maging apektado dahil unang-una ay wala naman sila ng relasyon upang umakto siya ng ganoon. Tama. Wala siyang karapatan. At siguro ay sign na rin iyon para huminto na talaga siya sa kakaasa na may milagrong magaganap.

All she need to do is to move on. She was still young and she knows that it will pass. Makakalimutan din niya si Clevan. Feelings will change as matter of time, baka nga talaga ay infatuated lang siya kay Clevan at hindi inlove.

"Gaga! Dito ka galing tapos may pa tawag-tawag ka pang nalalaman! Sinabi ko naman sa'yo na dito ka na mag sleep over e!" tumawa lang siya impossibleng saad nito. Never pa kasi siyang pinayagan na mag-sleep over dahil protective masyado si Lloyd.

Bumulong naman siya. "Asan kuya mo?" Napa-isa naman ang kilay nito, animo'y may sinabi siyang nagpahatak sa atensiyon ng bespren niya. Makahulugan muna itong ngumiti sa kaniya at lumingon, ininguso naman nito ang kapatid na busy sa pagi-gitara sa may sala, nakangisi pa rin.

'Ang gwapo talaga!'

Aniya niya at pasimpleng ngumiti. Sandali naman siyang nagtaka, hindi naman kasi ito gaanong mahilig na tumugtog. Was it because of her? Dahil gusto niya ng mga lalaking marunong mag-guitar?

Natawa naman siya sa naisip.

Impossible naman yata! Baka trip niya lang.

Iyong bestfriend naman niya ay busy sa drawing nito kaya hindi nito nakita ang kinikilig niyang mukha. Buti na lang talaga kasi for sure if her best friend knows about the confession of her older brother earlier, baka sabunotan siya nito sa tuwa.

Secret OTP kasi ni Chealsy sina Lia at Zyd. Bagay daw kasi.

'Gaga talaga 'tong babaeng ito.'

Nagpaalam na siya sa kaniyang matalik na kaibigan na ibababa na ang tawag dahil inaantok na siya. Agad din naman ito ng sumang-ayon dahil matutulog na rin ito dahil gumagabi na rin. She ended the call and lay into her soft matress. Then, darkness consumes her with a small smile in her face.

'Ang daming nangyari ngayong araw pero nagawa ko pa ring ngumiti kahit na nasaktan ako. Expected ko naman na may girlfriend na iyong tao, kaya siguro ganoon. Mabuti na lang talaga at hindi ako umaasa ng husto sa kaniya. And, thanks to Zyd also. Kahit papaano ay pinasaya niya ako ngayong araw.'

__

Time check, 7:00 A.M.

Kiel was currently at the house of Lola Victorina again. Binisita niya ulit si Jella dahil sa kagustohang makasama niya ito yet she wasn't there. It was Monday, nasa resort si Jella dahil nagta-trabaho ito roon. Maaga itong umalis dahil alas-otso iyong duty nito.

Medyo nadismaya siya pero pursugido naman siyang hintayin ang hapon. Marami naman siyang puwedeng pagka-abalahan at gawin kasama si Lola Victorina lalo na't hindi niya masyadong nasulit iyong bisita niya kahapon.

Mukhang need ko magpa-impress. Aniya pa. Gusto kasi niyang makuha iyong loob ng dalaga, and of course he was planning something. Gusto niyang umakyat ng ligaw ng siya lang ang nakaka-alam.

Dumating ang hapon at halos mahulog si Jella sa hagdan nang makita niya si Kiel na nagluluto sa kusina nila. Nanlaki pa ang mata niya at namula. Her grandmother was just in the rocking chair while reading a newspaper, chill na chill lang ito at hindi nito napansin na nakauwi na pala siya.

Kalma Jella, huwag ka lang mag-ingay para hindi ka nila mapansin. Then, she compose herself ay dahan-dahan na humakbang. Ngunit, dahil malikot iyong mata niya ay lumingon ulit siya sa gawi ni Kiel.

Mas lalo naman siyang pinamulahan dahil sa paninitig niya sa binatang bakat na bakat iyong biceps.

Mas masarap yata iyong nagluluto kaysa sa luto—

Shit! What the hell, Jella! Manyak ka ba?!

Napa-iling na lang siya at tahimik na umakyat pero agad naman siyang nakita ni Kiel at tinawag. Napapikit na lang siya at awkward na hinarap ito.

"Hi Jella!"

She wave ber hand a little. "Uy hi, andito ka pala. . ." She look at her grandmother who's also glaring at her. "Hello po, L'la."

Isang makahulugang ngiti naman ang ibinigay ng lola niya at tumango. Bigla tuloy siyang kinabahan. Si Lola talaga, minsan ang weird niya ha. Nakakabahala tuloy.

"Bilisan mong mgabihis at kakain na tayo. Titikman natin iyong niluto ni Kiel." Tumango lang siya at nagpaalam na magbibihis.

Pagkababa niya ay nakahain na rin ang mga pagkain. Natakam pa siya dahil halos lahat ng favorite niyang ulam ay nandoon. Mula sa sinigang na baboy, sweet and sour fish, ngohiong, pochero and menudo.

Wait, parang ang dami naman yata.

She said to herself.

Nagtaka talaga siya dahil wala namang may birthday. Mostly those foods are only cooked on her birthday at malayo pa naman ito sa totoo lang. At saka, lahat talaga ng favorites niya? Is he trying to impress me somehow? Malayo dito ang palengke para maghanda si Kiel ng maraming pagkain.

"Bakit ang dami ng pagkain? May birthday?" She ask him. Nahihiyang nagkamot naman ito sa batok.

"Wala lang naman. Gusto ko lang kayo na ipagluto. Dati kasi 'di ba si Lola iyong nagluluto para sa atin? So, it's my turn now since marunong din naman ako." Napatango-tango naman siya.

Ah, kaya pala. Akala ko talaga umaakyat ng ligaw—

Saka naman niya na-realize iyong naging conclusion niya. Napakurap-kurap naman siya at deniretso si Kiel ng tingin. Alam niya kasi ang mga ganoong palusot at hindi siya nito maloloko. Ganoon din kasi iyong mga naging boyfriend niya dati sa syodad. Kunyari ay bibisita sa bahay at ipagluluto kami nila Mama at Papa. Kunyari ay kukuhanin iyong loob ng mga ito.

Huwag ako dahil naranasan ko na iyan ng maraming beses.

Umupo na lang siya sa upuan. Hindi muna siya nagsalita at kinompronta patungkol dito dahil alam naman niyang ma-o-offend iyong binata. Sayang din kasi iyong effort niya if magsusungit siya dahil ayaw niyang magpaligaw lalo na at siya. Alam naman nating mortal enemies talaga iyong dalawa. At bastos din dahil nasa hapag siya at grasya iyong kaharap niya.

Nagsimula na siyang magsalok sa pinggan at kumuha ng pagkain. Tahimik lang talaga siya habang nginunguya iyong luto ni Kiel kahit ramdam niya ang paninitig nito.

Nag-angat siya ng tingin at nahuli naman niya ang binata, hindi na siya nagdalawang-isip na tanungin ito. "Nanliligaw ka ba Kiel?" aniya sa seryosong boses. Nanlaki naman ang mata nito.

Sabihin mong oo at bubugbugin talaga kita.

Agad naman itong dumipensa. "Hala hindi ah! I just want you two to try my cooking skills kung nag-improve ba ako. And it seems that I am correct dahil mukhang nasarapan ka naman, 'di ba?" He ask with pride in his voice. Sumama naman ang timpla ng mukha niya. Heto na naman po iyong mahangin na ito. Tch.

She scoffed and put another food in her plate. "Hangin," iyon na lang ang sinabi niya. Wala ng balak makipagtalo dahil alam niyang saan na naman iyon pupunta. Sa bardagulan.

Ang matanda naman iyong mabilis na sumagot na pagiging mahangin ni Kiel. "Masarap iyong luto mo, hijo. Bilib talaga ako sa cooking skills mo, puwede ka ng mag-asawa." Her heart hammered because of unknown reason. Nakatitig lang naman kasi iyong binata sa kaniya at pinindigan siya ng balahibo.

Nabilaukan pa siya ng mahina.

Gago 'to ah, bakit sa akin nakatingin! Tusokin ko kaya mata nito!

Kiel averted his gaze to Lola Victorina with gleam. "Naku Lola! Wala pa po sa isip ko iyong pag-aasawa. Gusto ko pa po maging engineer e! Tapos, magpupundar muna ako ng bahay at e-spoil sila Mama at Papa," He stated. Doon naman sumang-ayon si Jella.

Same, gusto ko pa rin maging architect. She said in her mind, slightly noding.

I want to finish my degree first and prioritize things.

Bigla naman agad nagbalik sa kaniya ang tingin nito, and for a second, she saw something with his stare. Doon na talaga kumabog iyong dibdib niya nang magsalita ito ulit. "...may hinihintay rin po kasi ako, L'la. Alam ko po kasing hindi pa siya ready kaya hahayaan ko muna siyang e-pursue iyong dream niya. Saka ko na siya liligawan kapag pareho na kaming may napatunayan."

She swallow the lump on her throat with Kiel's words.

Shuta naman, bakit ako iyong tinititigan?! Muntanga lang! Bwesit na lalaki 'to!

He, then continued, "Balang araw ay mapapasaakin din siya, L'la. . ." He said in his serious voice, trying to be convincing. "Hindi ako papayag na hindi sa akin bagsak niya." Dugtong nito, then he chuckled.

"Charot lang!"

Tsk. Gago.