Madilim na ng magising ako dahil sa ingay ng magkapatid sa baba na parang may pinagtatalunan. Nag-inat naman ako at bumangon. Busangot pa rin iyong mukha ko habang kamot-kamot iyong ulo na bumaba. Saglit namang natigil ang dalawa kaya napatingin ako sa kanila, nakatingin pala sila sa akin na para bang nakakita ng multo.
Kinunotan ko sila ng noo. "Ano?" Aniya ko at sumalpak sa tabi nila, pikit-pikit pa rin 'yong mata dahil inaantok. Hindi pa rin sila kumibo at bahagya lang nakatitig sa akin habang kumurap-kurap.
Kapag talaga hindi sila magsasalita ay pag-u-untugin ko sila. Muntanga e.
"Kuya, na nuno ka ba?"
Gago?!
Nilingon ko naman siya. "Anong pinagsasabi mo diyan, Lia?" She pressed her lips into a thin line and handed me a mirror, and she's also trying herself not to laugh.
Tiningnan ko na lang iyong sarili kong reflection at putang—
Mabilis pa ako kay flash tumakbo pabalik sa kuwarto. Narinig ko pa ang malakas na hagikhikan ng dalawa sa baba. Tangina mga tol, mukha nga akong na nuno, bwesit! Inis naman akong naghilamos. Kaya pala ganoon ang pagmumukha ko dahil ginawa ko palang pulbo ang charcoal powder ko. Pucha! Naiwan ko pala ito sa kama tapos hindi ko manlang naisara kaya ang ending ay matic na nagkaroon ako ng full coverage na black make-up.
Anak ng teteng naman kasi!
Ilang mura muna ang pinakawalan ko bago naisipan na bumaba ulit. Iyong dalawa ay hindi na nagtatalo pero nagtatawanan pa rin, natatawa pa rin siguro sa hitsura kong tangina kanina.
Oo, literal talaga na tangina. Hayop.
Sinimangotan ko sila. "Sige lang, pagtulungan niyo ako." Aniya ko at dumiretso sa kusina. "Tawa lang kayo ha, hindi ko talaga kayo ilalakad sa mga crush niyo." Banta ko.
Agad naman nagsilata si Lia. "Oh, paano ba iyan Kuya. Na-blackmail ka na ni Kuya Kiel, kawawi ka na niyan kay Ate Sam." Saka tumawa ito ulit ng malakas.
Agad namang nagprotesta si Lloyd. "Huwag ako Lia, akala mo hindi ko alam na gusto mo si Clevan—"
"News flash! Past tensed, Kuya. Hindi ko na siya gusto, may bebe na iyon." Ani nito habang nakatingin sa cellphone.
Si Clevan, may girlfriend na? Kailan pa?
Bumaling naman ako sa bata. "Bakit hindi namin alam?" Tanong ko pa. Nagkibit-balikat naman ito at may kinalikot na naman sa cellphone niya.
"Malay ko rin. Noon pumunta kasi ako doon sa resort may kayakap na babae e! Tapos tinawag pa siyang love no'ng babae," napangisi naman kaagad ako.
Ah, kaya pala ha. Kaya pala nagwalk-out.
I shot Lia a teasing smile. "Said by a girl who just walked out after she found out that her crush is already taken." Asar ko pa.
Tumawa naman si Lloyd at namula si Lia sa kahihiyan.
"Che! Mga epal! Alangan magpa-party ako ha! E masakit din kaya ano!" Sumimangot naman ito saakin at si Lloyd ay humalakhak na talaga.
Poor Lia.
Natigil na naman si Lloyd nang biglang ngumisi si Lia. Agad naman akong nabahala sa klase ng titig niya kasi alam kong may malagim na balak na naman itong batang ito.
"Look kuya oh," saka pinakita nito ang isang convo. Nanlaki naman agad ang mata ng kuya niya habang ako naman ay agad na lumapit sa bata. Alam niyo na, babawian ko rin iyong mokong.
[Hello Miss Sam, kumain ka na po?]
[Baka po may kailangan po kayo diyan sa resort. Huwag po kayong magdalawang-isip na e-text or tawagan ako.]
[Goodnight po.]
Agad naman naming nginisian si Lloyd, nagkatinginan muna kami ni Lia. So far may kaharutan din pala ito sa katawan huh! I just didn't thought that he will use that 'po' word on her.
Nag-iwas naman agad siya ng tingin. "Oh? Ano naman ngayon kung chinat ko si Sam, kayo lang talaga iyong ma-issue at binibigyan niyo ng meaning iyong mga kilos ko—"
"Kaya pala Lia may pa goodnight ano?" Tanong ko pa. Humagalpak naman ng tawa iyong bunso namin at pinakita iyong ebidensiya niya sa kuya niya.
"Hindi mo kami mau-uto kuya. . ." Bigla namang may nag-pop na message at galing iyong sa mama nila. Mas lalong naging maloko iyong ngisi ng bata.
Paktay ka Lloyd.
"I-send ko kaya ito kay mama—"
"Hoy tarantado 'wag!" agad namang kumaripas ng takbo si Lia palabas habang habol ni Lloyd. Umabot pa nga sila sa labas ng bahay habang tawang-tawa ako na pinapanood silang dalawa.
Maya-maya pa ay nahuli ni Lloyd ang kapatid at agad itong nakatanggap ng batok. Saglit pa silang nagkatitigan ulit, tapos buong lakas namang sumigaw si Lloyd.
"Bwesit ka talaga! Bakit mo sinend iyon kay Mama!"
Natapos iyong araw na puno ng bardagulan. Kasalukuyan kaming nanonood ng horror movie. Hindi nagkatabi iyong dalawa dahil badtrip pa rin si Lloyd sa kapatid. E paanong hindi e na-send pala nito ang buong convo, hindi lang basta isa kung hindi marami. Nasa gitna naman nila ako ngayon habang nasa harapan naman namin iyong popcorn na niluto namin kanina.
Tahimik lang akong nanood habang nakakunot ng noo. Ganito kasi ako basta manonood ng horror na movie, ewan pero hindi ko talaga maintindihan kung saan banda ang nakakatakot.
Uminom muna ako ng juice dahil nauuhaw ako nang biglang sumigaw si Lloyd sa tabi ko. Naibuga ko tuloy iyong juice at iyong iba naman ay lumabas pa sa ilong ko.
Y*wa. Nabilaukan pa ako bwesti 'to!
Tawa naman ng tawa si Lia. Sinamaan ulit siya ng tingin ni Lloyd pero wala lang itong effect sa kaniya. Umubo lang ako ng umubo at uminom ulit ng juice para kumalma ako.
Narinig ko naman iyong mahinang tawa ni Lloyd kaya hindi talaga siya nakatakas sa sapak ko. Bwesit e! Nananahimik ako rito na nanonood tapos bigla lang sisigaw. Muntanga ampucha.
Bigla namang naging intense iyong eksena kaya ako naman ngayon ang napangisi sa kalokohang pumasok sa kukuti ko.
Akala niyo a! Gaganti ako ngayon.
Tahimik pa sa quiet iyong dalawa habang tutok na tutok sa pinapanood. Dahan-dahan naman ko namang kinapa ang cellphone ko at pinower on. Nilakasan ko na rin ang brightness nito.
A evil smirk plastered on my lips.
Dahil madilim iyong kwarto ay hindi talaga mahirap sa akin na gawin iyong katarantaruhan ko. Dahan-dahan muna akong umusog at humarap kay Lloyd, titig na titig pa rin siya sa tv at walang kurap.
Tinapik ko naman siya ng mahina upang lumingon sa akin. Mabilis ko namang tinapat iyong cellphone ko sa pagmumukha ko at nang sa sandaling lumingon na siya ay nabingi talaga ako sa lakas ng sigaw ng utol ko.
"Ahhhh! Y*wa ka! Tangina lumayo ka sa akin, ahhhh!" Panay salag na lang ako sa sapak niya habang ako na naman iyong tawa ng tawa. Nang mahimasmasan ay sinapak niya ulit ako.
"Bwesit ka talaga tol! Muntik na akong atakihin sa puso sa'yong hayop ka!" Tawa na lang ang isinukli namin ng kapatid niya.
Lt ng mukha niya amputek!
Hawak ko naman iyong tiyan ko habang walang humpay na humalakhak. Sabi ko naman kasing huwag niyo akong unahan e. Epic ng mukha niya kanina amputek!
"Bwesit ka talaga tol, ang creepy ng mukha mo."
Napa-iling ako."Paano nga iyong takot tol?" Padyak naman itong umalis. Prtf! Pikon si gago!