Maaga pa lang ay masayang gumising iyong binata dahil mayroong practice mamaya sa resort ng mga Castillo. Dala-dala pa niya ang gitara ni Lloyd at pormadoong-pormado siya, siyempre nandoon si Jella kaya kailangan talaga presentable siya tingnan. Kahit pa man na ni-reject siya nito ay hindi ibig sabihin na hihinto na lang siya, kukunin mo na niya ang loob ng dalaga at tiwala nito.
Siguro ay himala na lang kung mismo ang dalaga na ang magtatapat sa kaniya na gusto na rin siya nito.
Iyon ang literal na suwerte para kay Kiel.
Dala ang bag na may laman na pamalit na t-shirt at ibang gamit na kailangan niya ay sinabit niya ito sa kaniyang balikat. Nakapaskil din ang ngiti kaniyang labi. Paano bang hindi siya ngingiti e kagabi lang ay nag-chat sila ni Jella. Kahit na puro iyon asaran pero para sa kaniya ay counted pa rin iyon. Assuming na kung assuming pero simula na iyon ng getting-to-know each other kuno nilang dalawa.
Hindi na niya mabilang kung ilang mura at sumpa sa kaniya ng dalaga pero isinawalang-bahala niya lang ito. Binabanatan na lang niya ito bilang pambawi, mas minura pa siya lalo.
Napa-iling na lang siya nang maalala kung gaano siya kalala at kabaliw.
Kiel, may gana ka pa talagang magpapansin kahit na minura ka na't lahat-lahat?
Natawa na lang ang binata.
Gumayak na lang siya kaysa sa magmukhang tanga sa loob dahil sa pagngiti niya. Call him names but her attention makes his day complete. It doesn't matter on him kahit na anong taboy nito, as long as he can annoy her, satisfied na siya.
Naglakad na lang siya papuntang resort dahil kaya lang naman lakarin, medyo may kalayuan pero hindi naman ganoon katirik ang daan. Hindi na siya nag-abala pang mag-bike dahil mas gusto niya iyong makikita niya talaga ang view ng mga bukirin na dadaanan niya habang naglalakad siya .
Kung tutuosin ay hindi mo talaga aakalain na probinsya ang lugar dahil sa sibilisado na rin ito. Hindi siya nakakaumay at boring sa mata pagmasdan iyong views. Tahimik at peaceful iyong lugar at dagdag mo pang mababait iyong mga taong naninirahan sa lugar.
Isa lang sa mga nangungunang sikat sa La Trinidad ay ang resort ng mga Castillo na mayroong falls na siyang nagbibigay misteryo at hiwaga sa lugar. It can be found in a deep part of Castillo's property, dinivelop lang nila ito upang hindi rin mapabayaan at masayang.


Mayroon din itong pools at mga iba't-ibang cottages na nakapalibot. Unlike to those pools na magkakalapit doon sa syodad, iba naman sa resort ng mga Castillo dahil nakapuwesto talaga ang mga pools sa mga mapapatag na bahagi na kung saan ay makikita mo iyong bird's eye view ng mga bukid. Hindi lang basta ang ganda ng mga pools ang ipinapakita dito ngunit, maging ang ganda ng view ng mga naglalakihang bundok mula sa taas.



Hindi ka naman lugi kung pagkain ang pag-uusapan dahil marami silang best seller na pagkain na maaaring ihain sa iyo. Mula umaga hanggang gabi ay hindi mo maayawan itong mga pagkain na ito. Kaya sulit talaga na pumunta ka sa La Trinidad dahil bukod sa matatamasa mo talaga ang peacefulness na hinahanap mo, busog ka pa sa unli-sarap nilang mga luto.


Sumunod naman sa isa sa mga sikat na atraksiyon sa La Trinidad ay ang LANTAW. Maganda dito na manood ng sunrise at sunset. And, aside from that itong lugar na ito ay dagsa rin sa mga mag-pamilyang gustong mag-bonding. Mayroon din itong mga kwarto na maaring tuluyan kung abutan man ng gabi.

If you also want na maghiking kasama iyong mga kaibigan at pamilya at puwede naman bisitahin ang pangatlong atraksiyon. It is located at the upperside area of the LANTAW. And last but now the least ay ang BUWAKAN, ang panghuli at pinakatatak na atraksiyon sa lugar. Puno ito ng iba't-ibang bulaklak, mapa-imported at mga ligaw na bulaklak ay naroon.


More likely, kung iisahin mo ang tagong taglay ng lugar ay aabutin ka muna ng siyam-siyam dahil sa dami.
***
Pagkarating n'ya doon ay wala siyang sinayang na oras at nagsimula ng tumulong kila Sam. Kanya-kanya gawain na lang sila at set ng mga wirings. Halos tumagal sila ng apat na oras sa pag-aayos at hapon na pala. Huminto na lang sila sandali para kumain at bumalik naman kinalaunan.
Sumapit ang alas-kuwatro, hindi pa rin nakita ni Kiel si Jella. Asar naman siyang umupo sa tabi ni Hans.
"Kainis! Asan ba kasi iyon!" narinig na lang niya na humalakhak si Hans, maya-maya pa ay hinawakan naman nito ang kaniyang ulo at iginaya paharap sa kaliwa.
"Ayan, nariyan iyong hinahanap mo. Palibhasa kasi bibig iyong pinanghanap mo."
Sakto namang lumingon si Jella sa kaniya kaya kinindatan niya ito. Sumama naman agad ang timpla ng dalaga at tumalikod kay Kiel. Bigla namang may dumating na lalaki sa tapat nito kaya roon napunta ang atensiyon ng dalaga. Masaya pa itong nag-uusap.
At sino naman iyang lalaking iyan? And, she's laughing with him?!
Ikinuyom na lang ni Kiel iyong kamao niya. Kawawa naman kasi siya dahil kapag siya ay sinusungitan pero kapag ang iba ay matamis nitong nginingitian. Napamura na lang siya.
"Bwesit naman."
__
Alas-otso ng gabi nang nagsimula iyong practice nila. Maraming tao ang nasa loob ng resort dahil maraming manonood at isa na roon ang may -ari na si Don Hugo. Mula sa bata, binata, dalaga at matatanda ay naroon. Fan or hindi ay inabangan talaga iyong practice. Kahit na sinabi nila na medyo matagal-tagalan silang matapos ay hindi naman ito naging problema.
Walang kaso sa kanila basta lang na maipadama nila ang suporta sa PHICCS_XL band.
Umakyat na si Hans sa stage at maging iyong iba. Pumunta muna sila sa gitna bago personal na binati ang lahat ng manonood. They imagine as if it was their comeback. Minabuti talaga nila na walang lapses iyong performance nila. Kiel starts to strum the guitar, iyong unang kantang kakantahin nila ay iyong theme song which is entitled PHICCS_XL APORT.
It was a jolly song na patungkol sa pagkakaibigan, pagkakaisa at pagsasaya. It was all dedicated to thier fans at una itong ipi-presinta sa La Trinidad. People greeted back at them then, it was followed by a loud beat of drums by Seven and Clyde. The practice I already starting.
Ohhh...
Ohhh...
Ohhh...
Ohhh...
Xyrl starts to sing the first line, kasabay noon ay ang tig-ta-tatlong hampas ng drums. Xyrl keeps on singing and the show starts. Nakatoon lang iyong atensiyon ng mga tao sa lahat ng miyembro ng banda. Kaniya-kaniyang dala pa iyong iba ng tarpulin at mga placards na parang nasa actual concert sila, iyong ibang placard pa nga ay may mga pangalan ng mga bias nila.
Kiel together with the team continue. Rocking, enjoying, swaying and tapping their foots as they follow the melody of the song. Nakiindak naman ang lahat maging si Don Hugo. The whole area shouts and sang with all of their hearts. Hindi talaga nila pinigilan iyong sarili nila na enjoyin iyon.
Natapos iyong pasiunang rock na kanta ay nasundan naman iyon ng kanta ni Kiel. Xy step aside and let Kiel do his thing. Pumunta naman sa harap si Kiel habang ang mata nito ay gumagala para hanapin iyong pinag-alayan niya ng kanta. But sadly, he didn't see her. Siguro ay dahil sa daming tao na naroon ay hindi na niya maalala pa kung saan ito nakapuwesto.
After he sang the two songs ay palakpakan ang umugong. The audience showered them with applaud and praises. But suddenly someone just gone form the sight of someone who's annoyed right now.
Si Kiel na sinundan sina Jell at iyong lalaking kasama niya kani-kanina lang.
He was furious for unknown reason. Sa kaloob-looban niya naiinis siya na makita na may kausap itong iba. He's not like that before because he didn't feel if ever since, but just judging righ now he confirmed to himself na nagseselos siya.
Oo, selos na selos siya.
"Hey you! Who are you to drag her huh?!" saad ni Kiel habang hawak iyong kamay ni Jella, pinipigilan ito.
The man with Jella just smirk annoyingly before he spoke to Kiel.
"I am Fourth Edchiel, pare. Manliligaw ni Jella."