Moon
Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Lia habang nag-e-empake siya ng gamit para dadalhin niya sa bayan. Pupunta kasi sila sa isang pawnshop, bibilhan kasi siya ng Kuya Kiel niya ng kwintas gaya ng ipinangako niya noong senior high school pa lang ito. Hindi na niya napigilan na mangisay dahil sa sobrang saya niya. Kung puwede nga lang siya sumigaw ay ginawa na niya.
Agad siyang nagsuklay at sinuot ang hair clip na may pearl na design, she also wear a ehite flowy dress too. Mas lalo tuloy lumitaw iyong ganda niya, mas lalo naman siyang napangiti.
Ang ganda ko. Anas niya sa isip.
Sumilip naman si Kiel at ganoon na lang ang pagkamangha niya nang masilayan ang kanilang bunso. Agad naman niya itong pinuri habang si Lloyd ay natulala at nangilid ang luha sa mata nito.
"Dalaga na talaga ang kapatid ko," natawa naman si Lia sa reaksiyon ng kuya niya. Nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit.
"Kuya, ako pa rin naman ang baby mo e!" pampalumbag-loob nito saka kiniss sa pisngi. Mas lalo namang naiyak si Lloyd at magimg si Kiel ay natawa na sa ka-dramahan ni Lloyd.
Tumagal muna ng ilang minuto sila sa ganoong posisyon nang biglang may kumatok sa baba. Agad namang nangunot ang noo ni Lloyd at tumigil sa kakaiyak.
"May inaasahan ka bang bisita tol?" Tanong nito kay Kiel. Umiling lang iyong kaibigan kaya si Lloyd na ang bumaba para magbukas ng pinto.
Naiwan naman ang dalawa sa taas habang nag-uuusap.
"Lia? Lia it's me, Clevan!" sigaw mula sa labas. Lloyd's face was now confused as hell. Anong ginawa ni utol dito? At, bakit niya hinahanap si bunso?
"Oh tol! Anong atin? May problema ba sa resort?" Agad na tanong pa niya. Pansin naman niyang naging malikot iyong mata nito na tila may hinahanap, iyong kapatid niya.
"Ah, si Lia nasa taas. Nag-aayos pa, aalis kasi kami." Agad naman niyang nakita ang pagka-disspapoint sa mukha nito. Na tila may pakay talaga siya sa pagpunta niya dito.
Clevan just look at Lloyd then spoke. "Babalik na lang siguro ako mamaya pag-uwi niyo." Aniya nito sa malungkot na tinig. Tango na lang iyong isinagot niya at umalis naman kaagad ito. Eksaktong bumaba ang dalawa at nagtanong kung sino iyong tao, qgad namang sinabi ni Lloyd na si Clevan iyon at hinahanap si Lia.
Agad naman itong namula at umiwas ng tingin.
"Tara na nga mga Kuya." Aniya na lang nito at naunang lumabas sa pinto.
__
Halos malula si Lia sa mga naglalakihang presyo ng mga kwintas. Kung tutuosin ay okay lang naman na wala siyang gift pero inaasahan niya rin kasi naman ito noon pa naman kaya keber na sa kaniya, minsan lang naman.
Sulitin na niya.
Biglang may nakabangga siya at agad naman siyang na-trigger doon. Hindi kasi siya iyong tipo na mabait, she's more like a tigres who's easily to get angry with little things. Agad namang nagsalubong ang kilay niya.
Sino—
Natigilan na lang siya ng makilala kung sino iyong nakabangga niya. Si Zyd pala, iyong nakatatandang kapatid ng bestfriend niya. Nginitian niya lang ito at pabirong sinapak.
"Uy anong ginagawa mo dito?" Aniya pa sa masayang boses. Bigla namang nag-iwas ng tingin bago sumagot.
"Ah, may binili lang. Ikaw? Anong ginagawa mo rito? May kasama ka ba?" Tumango naman siya kay Zyd. "Oo, kasama ko sila Kuya."
Zyd just show his usual smile at her.
Agad naman itong nagpaalam sa kaniya at nagpatuloy siya sa paglilibot hanggang sa napadpad siya sa isang store na hindi gaano kalakihan ngunit mayroong maraming magagandang item. She excitedly get inside that store and wader around, looking at those precious gems displayed.
"Hala! Ang ganda naman!" saad niya habang pinakatitigan ng mabuti iyong bracelet na moon. Mayroon din itong maliliit na stars at kulay silver ito. Her heart swells with joy.
Teka lang, nasaan ba sila Kuya?
Lumingon-lingon muna siya sa paligid ngunit hindi talaga niya ito mahagilap. Naibaba niya tuloy ang bracelet habang nakanguso. Nanghihinayang siya na hindi niya ito mabibili, baka rin naman kasi may nabili na si Kuya Kiel niya. Baka doble gastos kapag pinagpilitan pa niya.
"Ineng, gusto mo bang bilhin?" Tanong pa ng isang matanda na nasa singkwenta. Malungkot naman siyang ngumiti dito.
"Huwag na lang po. Baka kasi may nabili na iyong Kuya ko na iba, gusto ko sana e." Tumawa naman ang matanda at kinuha iyong bracelet at ibinigay sa kaniya. Saka ito kusang itiniklop iyong kamay niya habang nasa loob iyong kwintas.
Nalito naman po siya sa inasal ng matanda.
"Bakit niyo po sa akin binibigay 'to?" Anas niya sa mahinang boses. Isang ngiti naman ang iginawad ng matanda bago ito nagsalita.
"May bumili na kasi ng kapares na kuwintas niyan. . . lalaki, medyo nanghihinayang nga ako dahil hindi iyon pares. Kaya bilang regalo na rin. . . ibibigay ko na lang sa iyo iyan. Malay mo, makatagpo mo pala iyong lalaking may-ari na ng kuwintas at magkatuluyan kayo," natawa naman siya. Wow naman po! Daming alam!
'Asus! Si manang talaga, as if namang mahahanap ko pa iyong lalaking iyon e ang laki-laki ng probinsyanang ito. At isa pa, sa libro lang nangyari iyong destiny kineme na iyan.' Naging saad naman niya sa isip.
Kahit alanganin at nagpasalamat na lang siya sa kabutihang nito. Hindi na rin niya ito tinanggihan dahil mukha namang hindi iyon eepek sa matanda.
Hays, 'di bale na lang.
Tudo pasalamat pa siya at tanging ngiti lang ang isinukli nito. Sobrang saya pa nga nito at panay ang puri dahil bagay talaga sa kaniya ang bracelet.
Nagpaalam na siya at naglakad palabas sa store, agad naman niyang namataan iyong mga kuya niya na parang balisa. Nang makita siya ay parang nabunutan naman ito ng tinik. Panigurado ay kanina pa ito naghahanap sa kaniya.
"Hoy, bata ka! Saan ka ba galing?" Pasinghal ng Kuya Lloyd niya. Agad naman niyang ipinakita iyong kuwintas.
"Galing ako doon, Kuya. Naglibot kasi ako kanina tapos bigla na lang kayo nawala kaya napadpad ako diyan. Tapos nakita ko 'to, e hindi ko sana ito kukunin kasi 'di ba baka may nabili na si Kuya Kiel e binigay ng matanda," nangunot naman ang noo ng Kuya niya.
"Matanda? Asan?" Saad nito habang tinatanaw iyong store na pinasukan niya. Itinuro naman ni Lia at agad naman tumango iyong kapatid.
"Baka aswang iyon ah, tapos may something diyan sa bracelet na iyan." Pananakot pa nito.
Nanlaki naman ang mata niya. "Che! Napaka-judgemental mo naman masyado! Mabait siya ano." Sumimangot na lang siya at inikutan ng mata iyong kapatid. Humagalpak naman ito ng tawa at mas pinagtripan siya.
"Halaka, baka aswang nga! Mag-ovethink ka Lia."
"Kuya, isa! Manahimik ka kung ayaw mong masapak." Paghahamon pa niya. Pinanliitan naman siya ng mata ng kapatid habang nasa labi nito ang ngising aso.
"Ang laki naman ng sasapak sa akin, 'no? Kaya mo—aray! Aray tama na Lia!" Binelatan niya naman ito at mas lalong inambahan.
"Akala mo ah."
Naabutan naman sila ni Kiel na nasa ganoong tagpo. Natawa na lang ito dahil kahit saan talaga ay walang pinipili iyong pagbabardagulan ng dalawa.
Umuwi na lang sila bandang alas kuwatro ng hapon. Nagpaalam naman si Lia na gagayak muna sa bahay ni Chealsy na agad namang pinayagan ng dalawa. Pinaalalahanan lang nila ito na huwag masyadong magpakagabi dahil baka mapaano ito sa daan. Agad namang tumango si Lia.
Pagkarating niya doon ay naabutan na naman niya si Zyd na nagi-gitara. Inasar na naman niya ito gaya ng lagi niyang ginagawa. Noong nakaraang ay maaalala nating umamin ang binata, instead of finding it weird to bond with him ay mas naging komportable pa siya rito.
They talk, laugh, tease at each other and do fun things together with Chealsy. Nasa bahay rin ni Chealsy si Kate na isang best friend nila. Ang ending ay naging maingay iyong buong kabahayan. Wala rin naman kaso sa mga kapit-bahay dahil hindi naman sila ganoon ka-ingay. Sakto lang.
Sumapit ang alas siyete-y-medya nang napag-pasyahan na ni Lia na umuwi. Agad namang nagprisinta si Zyd na ihahatid si Lia. Umani naman agad ng tukso mula sa dalawang babae pero puro tawa lang ang sinagot ng dalawa.
Sa isip ni Lia ay bahagya pa siyang natawa dahil paniguradong kapag malalaman nila na umamin na ito ay magwawala ito gaya ng inaasahan niya.
"Let's go, MAB." Aniya pa nito. Suminghal naman ang dalawa habang nanlaki ang mga mata.
"MAB?!"
Pasimple lang itong bumaling sa kaniya nang nakangisi. "MAB. Short for Maingay Ang Bunganga." Naibato naman ni Lia iyong dala niyang sapatos.
"HAHAHHAHAHAH!"
"Akala ko talaga iyon na e!"
"Che! Tumahimik ka diyan, KING." She fired back.
"KING?!" sigaw ulit ng dalawang kaibigan. Ngumisi naman siya bago sumagot at nagpa-cute rito.
"KING. Short for KINGINA niya."
"Prttf! HAHAHHAH!"
"Hoy! Ang sweet niyo naman!"
Iling-iling na lang ang naisagot ng binata at hinigit palabas ng bahay si Lia. Mas lalo namang nangisay ang dalawa at naghampasan sa kilig.
Sana all, 'di ba?
Nang nasa labas na sila ay hinubad naman ni Zyd iyong jacket niya at pinasoot kay Lia. Nakamata lang iyong dalaga habang hindi mawala iyong nakapaskil na ngiti.
"Caring naman ng KING ko," aniya pa niya, nagpipigil pa rin ng tawa.
"Tumahimik ka na lang MAB ko at baka mahalikan kita diyan."
Sinamaan niya naman ito ng tingin. "Subukan mo lang at bubugbugin kita," banta niya.
Sinunod niya na lang ito. Basta si Lia talaga ay matic siyang tiklop. Tinamaan siya e.
He acted like he was zippering his mouth and then, walk silently.
The cold wind blew that makes Lia's hair cover her face. Hinawakan naman niya ito sa pulso at pinaharap sa kaniya, saglit muna silang huminto. Tinali naman niya ang buhok nito at naglakas-loob na kinuha iyong maliit na box mula sa bulsa.
"Here. . . Uhm, gift. Regalo ko sa'yo for your birthday." Lia was stunned, she was more somehow surprise. Hindi naman kasi niya expect na maaalala ni Zyd ito.
"Wow! Hala, thank you!" she said habang excited na binuksan iyong gift pero literal na natigilan na lang siya.
Because the gift that Zyd gave on her was the necklace that the old woman pertaining in the store.
The moon necklace.