He likes her
* * *
Halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kahapon. Mukha mang tanga bilang isang lalaki pero kinikilig ako. Paanong hindi e soot-soot pa kasi niya iyong friendship bracelet namin noong bata pa kami. Bigay ko kasi sa kaniya iyon noong nalamam kong aalis din sila dito sa La Trinidad dati. Ilang taon na lumipas, muntik pa nga kaming hindi magkakilala pero heto at nagkatagpo pa kami ulit. Nakakatawa lang isipin na iisa lang pala si Jessa at Lang-lang, palayaw lang kasi niya ang alam ko dati. I didn't expect that my childhood crush was her.
Tangina.
Alas nuwebe umaga pero nakahilata pa rin ako sa kama ko habang muntanga na nakatitig sa kisame ng bahay. Hindi ko talaga kasi makalimutan, kasalanan ko ba?
Ibinaon ko na lang sa unan iyong mukha ko upang itago ang ngiti ko.
Damn! I may look like stupid but I can't help it!
Natawa na lang tuloy ako nang maalala iyong mga pinanggagawa ko sa kaniyang pang-iinis dati. Wala e, ang cute niya kasi kapag nagsalubong na iyong kilay niya habang nagsasagutan kami.
T*ngina! Baliw na talaga ako. Guard, may baliw!
Biglang pumasok si Lloyd sa kwarto kaya agad nawala iyong ngiti ko, pero dahil nahuli niya ako ng loko ay ngumisi rin siya. Pucha talaga! Wala talaga akong lusot.
"Hoy! Nginingiti mo diyan ha?" Umiling naman ako at nagtago sa ilalim ng unan. "Wala,"
Humagalpak naman siya ng tawa at umupo sa kama. "Huwag ako tol. Kilala kita kahit sa kasulok-sulokan ng atay mo," naibato ko naman sa kaniya iyong unan.
Ul*l, atay ampucha!
"Gago!" tawa naman siya ng tawa. Maya-maya ay naitanong naman niya iyong lakad ko kahapon kaya mas lalo akong napangiti.
Binato naman niya pabalik iyong unan. "Parang sira 'to, anyare ba kasi at kanina ka pa ngiti ng ngiti ha? Parang adik." Tumingin naman ako sa kaniya at nagsimulang magkuwento.
"Si Lang-lang at Jella ay iisa," tumaas naman ang kilay niya at medyo nanlaki iyong mata. Gulat din siyang napatingin sa akin. Same Lloyd, same. Pati nga rin ako ay hindi makapaniwala e!
Nagpatuloy naman akong magkuwento, exited na exited. "Tapos naaalala mo iyong bracelet na pinag-ipunan ko dati tol? Hanggang ngayon soot-soot pa rin niya, hindi niya hinubad kahit hindi na niya maalala na ako pala may bigay noon sa kaniya."
Napamura naman siya habang naiiling sa akin. "Sana all pre! Nagiging bitter ako sa inyo a, bwesit!" Humagalpak naman ako ng tawa.
Sige lang Lloyd, iingitin kita lalo.
Kinuwento ko naman sa kaniya ang lahat, wala talaga akong tinago kahit maliit na detalye. Maski na iyong muntikan naming pag-kiss ay hindi ko pinalagpas. Si gago ay pinagmumura lang ako habang tawang-tawa. G*gi talaga! Palibhasa kasi hindi siya maka-porma e! Torpe masyado.
Sumilip naman si Lia mula sa pinto kaya agad kaming nanahimik. Kumunot naman iyong noo ng bata sa aming dalawa.
Pinameywangan pa kami nito. "Huwag niyo akong tingnan ng ganiyan mga Kuya. Mabuti pa bumaba na tayo para makapag-almusal na para makabalik na ako sa resort." Litanya pa nito na ikisama ng tingin ni Lloyd sa kapatid.
Halaka tol, kabahan ka na. Mas may alam pa si bunso sa iyo.
"Hindi ka na babalik doon, Lia. Huwag kang lapit ng lapit kay Clevan." Sinamaan din siya ng tingin ng kapatid. She also stick her tongue out.
"Che! Huwag kang maki-alam Kuya. Hindi ako gaya mo na slow-"
Mabilis nitong pinutol kung ano man ang sasabihin nito.
"Isumbong kaya kita kay Mama na may gusto ka kay Clevan, ha?" paghahamon pa nito. Inambahan naman siya ng kapatid niya pero agad naglaho iyong busangot nitong mukha at bigla itong ngumisi. Ayan na naman po sila, alam kong may alas itong batang ito kapag ganyan iyong ngisi.
Maya-maya ay binunot nito ang cellphone sa bulsa at may ipinakita sa amin. Iyon ay isang stolen shot na nakatitig si Lloyd kay Sam, kitang-kita talaga kung gaano siya pasimpleng nagpipigil ng ngiti. Halata ring kinikilig siya.
Agad nawalan ng kulay iyong mukha ni Lloyd at pahablot nitong inagaw ang cellphone pero mas mabilis naman si Lia sa kuya niya kaya hindi nito nakuha.
"Don't me kuya or else," walang nagawa si Lloyd sa kapatid niya. Napatawa na lang din ako dahil sa blackmail ng bata. Wala talaga, tiklop talaga siya sa kapatid.
Kawawa ka naman pre. Torpe na nga, under pa. Prttf!
__
Matapos naming mag-agahan ay tinapos ko muna iyong activities kong na-pending nitong mga nakaraang araw. Nag-focus muna ako habang tinatapos ko iyong plates ko, hindi naman ako nahihirapan so far dahil ay madali lang naman para sa akin.
Mag-isa lang ako sa bahay dahil pumunta na talaga si Lia sa resort habang si Lloyd naman ay pumunta sa rancho ng mga Castillo, may raket na naman daw siya.
Nag vibrate iyong cellphone ko kaya tiningnan ko muna ito. Si Clevan pala may text.
[Bro? Is Lia there? Nakauwi na ba siya? Can I come over? I want to say sorry.]
Napakunot naman iyong noo ko sa nabasa. Teka, anong nangyari sa resort at kailangan niyang magsorry kay bunso? At saka, saan nagpunta si Lia kung wala na pala ito sa resort?
Agad ko namang ni-replyan si Clevan na wala dito si Lia. Mabilis naman itong nag-reply sa akin na puno ng pag-aalala. Hindi ko tuloy mapigilan na mag-alala rin. Kilala ko kasi iyong batang iyon, kapag may problema iyon ay hindi nito sinasabi ni isa sa amin ni Lloyd, kinikimkim niya lang.
*1 unread message*
[Kuya, dito muna ako kila Chealsy ha. Uuwi rin ako mamayang alas-sais ng gabi.]
Nag-text na lang ako kay Clevan na nasa bahay ng bestfriend si Lia. Hindi na lang din ito nagtanong pa sa akin. Hindi ko talaga ugaling chismoso pero hindi ko mapigilan na magtaka bakit ganoon. Kung may nangyari man sa resort ay bakit humantong sa ganoon? Hindi mahilig makipag-away iyong bata at gumawa ng eskandalo kaya sure akong may ibang dahilan. Bumuntong hininga na lang ako at ni-replyan si Lia.
"Sige, ingat ka diyan." Saka ko sinend at nagligpit na lang dahil bigla akong hindi nakapag-focus. Ako iyong nag-o-overthink sa dalawa e.
Nag-practice na lang ako sa kantang kaka-compose ko lang at sinend ito kay Sam. Dalawang recordings talaga iyong sinend ko dahil sayang naman kung iisa lang, I did a big effort on making those. Agad naman tumawag ito kaya sinagot ko na. Pinag-usapan naman namin iyong mga dapat kong baguhin, dinig ko naman si Xyrl sa kabilang linya na nag-sa-suggest ng mga dapat i-improve maging si Lemuel. Si Xy kasi itong may maraming alam talaga when it comes to songwriting.
Nang matapos ay ibinaba ko na iyong tawag. I finalize it and record again for the last time, gumamit na rin ako ng instrument which is iyong guitar ni Lloyd. Wala naman akong naging problema dahil madali ko namang natapos then, I send it back to them.
I checked the time and hapon na pala, it was already four in the afternoon. Bumaba na lang ako at nagluto ng hapunan dahil mamaya ay paniguradong nandito na iyon si Lloyd. At hindi nga ako nagkakamali dahil maya-maya pa ay dumating na ito. Siyempre, hinanap nito ang kapatid, I just told him that she's in her bestfriend's house. Hindi naman ito nagtanong pa sa akin.
Umakyat na ito sa kwarto niya at nagbihis. tinulungan na lang niya ako sa paghahanda ng hapunan at pagkatapos ay nanood na lang kami ng palabas. Bigla namang nag notify iyong cellphone ko. May ipinost pala si Sam tungkol sa upcoming comeback namin ng banda at kasali na roon iyong surprise which is the song that I composed. Just like as usual ay marami namang nag-react at natuwa tungkol doon. Iyong iba exited habang iyong iba ay curious.
I didn't mind it and turn off my phone. Hays.
Sumagi naman sa isip ko si Lia. Madilim na kasi tapos wala pa siya sa bahay. Alam ko naman na kaya na niyang i-handle ang sarili niya pero binabagabag pa rin ako ng kuryosidan ko.
Hindi ba bale na, tatanungin ko na lang si Lia pag-uwi.
***
Umiiyak habang naglalakad si Lia papunta sa bahay ng bestfriend niyang si Chealsy. Kaninang umaga lang ay sobrang saya niya dahil pupunta siya sa resort ngunit agad namang nawala iyong ngiti niya nang makita si Clevan na may kayakap na babae and the worst thing is the girl called him love.
Aray.
Natigilan siya nang masaksihan iyon pero mas pinili na lang niya na umalis. Baka kasi kung ipilit pa niya na mag-stay doon ay mas lalo lang siya ng masasaktan.
Pinahid niya iyong luha niya at kumatok sa pinto ng kaibigan. Maya-maya naman ay agad itong bumukas at bumungad sa kaniya si Zyd, iyong nakatatandang kapatid ng bestfriend niya. Natigilan naman ito nang makitang pulang-pula iyong mata niya, hindi na lang kumibo si Lia at deritsong nagtanong kung nasaan iyong matalik na kaibigan.
"Nasa bayan may binili," saad nito sa seryoso na tinig. Tumango naman siya at inaya siya ni Zyd na pumasok kaya tahimik lang siyang pumasok sa loob.
Umupo naman siya sofa at tulalang nanood ng pinapanood ni Zyd. Maya-maya ay hindi nito na malaya na umiiyak na pala siya kaya mabilis na lumapit sa kaniya si Zyd na puno ng pag-aalala.
"Hey, what's wrong?" Umiling lang siya at pilit na ngumiti dito.
"Wala, nagda-drama lang." Umiwas din siya ng tingin dahil alam niyang marupok talaga iyong puso niya kapag kino-comfort siya. Hinawakan naman nito ang mukha niya at pinaharap sa binata. Hindi naman siya makatingin ng maayos dito, nahihiya kasi siya at the same time at iniisip na baka mamaya ay pagtatawanan siya nito.
Hindi naman kasi sila magkasundong dalawa at kadalasan kapag nasa bahay siya ng kaibigan ay puno silang dalawa ng asaran. Pero, iba ngayon dahil nakikita talaga niyang seryoso itong nakatingin sa kaniya at puno ng pag-aalala.
Hindi tuloy niya mapigilan na yakapain ito na siyang ikinagulat ng binata. Yumakap na lang din naman ito kinalaunan habang pinapatahan siya. Banayad nitong sinusuklay iyong buhok niya gamit iyong kamay nito. Para siyang bata na henehele ng nanay niya.
Agad naman siyang nagsumbong dito. Wala na siyang pakealam kung magkaaway sila, gusto lang niyang ipalabas lahat ng sama ng loob niya.
"Akala ko may chance na maging kami dahil pinakitaan niya ako ng motibo," aniya pa niya habang pasinghot-singhot, umiiyak pa rin.
"May girlfriend na pala siya tapos ang tawag sa kaniya love. Pakiramdam ko kanina ay walang-wala ako, bakit hindi ko alam iyon. Ang ganda niya, para siyang anghel tapos ako? Wala lang, isang probinsyana lang na madaldal, hindi pa maganda, marami pang insecurities-"
"Shhh. Don't say that, hindi ka basta-basta lang, Lia." Putol pa nito sa sinabi niya. "You don't have any idea at all that you're beyond beautiful just the way you are."
Marahan naman niya itong sinuntok sa dibdib. "Hindi e! Wala nga akong katalent-talent tapos hindi pa ako magaling kumanta tulad niya-"
Pinaharap naman siya nito at hinawakan iyong pisngi niya. His eyes are showing love and affection to her. "Lia, maganda ka. May talent ka. Matalino ka, mabait, palakaibigan, magaling kumanta at sumayaw. For me, you are not perfect yet you have something that anybody didn't have."
Sinuklian din niya ito ng tingin sa mata at nagtanong. Kumunot din iyong noo niya dahil minsan talaga ay hindi niya gets iyong kilos ni Zyd. Minsan mabait pero kadalasan ay nakakainis, pero ngayon parang may iba. Parang ibang Zyd iyong kaharap niya.
"Bakita ganyan ka magsalita? Dahil ba need ko ng comfort kaya mabait sa akin ngayon? Naawa ka ba?" Umiling ito sa kaniya.
"No." Agad nitong sagot. Mariin itong tumitig sa kaniya at hindi siya bulag at manhid para hindi iyon maramdaman. Hindi naman siya naiilang sa binata or ano. Mas komportable pa nga siya kasama ito.
Tumitig ito sa labi niya saka sa mata. Ngayon, harap-harapan na niyang nakuha ang sagot sa mga tanong niya noon niya noon pa man.
She waited him to do it. She lean a little to close the gap between them and stared at his eyes. She mimick the glance that he do at her, agad namang nagtagpo iyong mata nilang dalawa. Mabilis ito napalunok habang nakatitig sa kaniya. She thought that he will really do it but it never happened.
Dahan-dahan itong lumayo sa kaniya na para bang nahimasmasan. She saw love and pain in his eyes.
Umiling ito.
"I-I. . . I won't do it. Hindi ko pagsasamantalahin iyong pagkakataon na magulo pa iyong isip mo. If ever that I will going to do it, gusto ko iyong hindi ka napilitan na gawin natin iyon. And bata ka pa, mali iyong gagawan kita ng ganoon. You're still a baby, my baby. No, I would not do it. I'm sorry Lia-"
Marahas naman niya itong tiningnan. "So iyon ang pumipigil sa'yo? Dahil bata pa ako ganoon?! Dalaga na ako Zyd! I am not a baby anymore!" Buong lakas pa nitong sigaw.
"But you're still my baby Lia and I respect you very much. Ayaw kong mabahidan iyong kainosentehan mo dahil lang sa gusto kita." Hindi na nakapagsalita si Lia nang makompirma na niya. Tama pala siya simula't sapol.
Oh boy, you just said it.
Napangisi naman siya. "Wala na, inamin mo na." Namula naman ito at umiwas ng tingin sa kaniya. Napamura pa ito ng mahina.
"Shut up, Lia." He said to her at tuluyan niyang iniwan sa sala na nakangiti.
Damn boy, I just confessed. He shamelessly grin on himself and laugh while he's shaking his head in embarrassment.
"Tangina talaga, napa-amin ako ng wala sa oras."