Tila ba nakalimutan niya na ang hinanakit sa lalaki at tuluyan nang nagpatangay sa sensasyong nararamdaman. Ang banayad na halik nito ay unti-unting naging mapusok na halos mahubaran na siya ng lalaki.Halos mabali na rin ang katawan niya sa pagliyad kaya tuluyan na silang napaupo sa may buhanginan. Naramdaman niya ang bawat pagkilos ng kamay ni Kyle na humahaplos sa kaniyang katawan na nagdudulot sa kaniya ng kakaibang pakiramdam, habang tila sabik na sabik ito sa paghalik sa kaniya. Bumaba ang labi nito sa kaniyang chin hanggang sa kaniyang leeg papunta sa kaniyang balikat kaya napasinghap siya sa bota botalyeng kuryenteng naramdaman hanggang tuluyan na nga siyang naihiga ng lalaki sa may buhanganinan. Tuluyan na siyang naestatwa at natuliro sa ligayang dulot na ginagawa ng lalaki sa kaniya. Maging ang malamig na dulot ng hangin ay hindi umubra kumpara sa init na kanilang nararamdaman. Nagmistulang piping saksi ang liwanag ng buwan sa dalawang nilalang na nagpapakalunod sa kaligayahan.
Pinipilit niyang ibalik ang diwa ngunit tuluyan na siyang natuliro at nadarang sa nakakaadik na halik ng lalaki na bumaba na papunta sa kaniyang puson, ramdam niya ang mainit na labi nito na nag-iiwan ng marka sa kaniyang balat kaya hindi niya napigilan ang mapaungol.
" Shit!" Usal niya.
Nagawa na ring maglikot ang kamay nito hanggang sa tuluyan nang malilis ng lalaki ang kaniyang damit at malayang hinagod ng kamay ang kaniyang mayamang dibdib. Halos mabaliw siya sa ligayang nararamdaman. Muli itong umangat at marahas na inangkin ang kaniyang mga labi habang ang isa pang kamay ay naglakbay sa kaniyang hita at pinisil-pisil iyon. Nagawa niya na ring tanggalin isa-isa ang butones ng lalaki, nais niyang tuluyang maramdamam ang init ng katawan nito na nagpapabilis ng tibok ng kaniyang puso. At lalo na siyang nag init na matagumpay niyang mahubad ang suot nitong polo kaya matagumpay na nagsanib ang kanilang katawan. Naramdaman niya ang mahigpit na yakap nito habang walang sawang inaangkin ang kaniyang labi.
Ngunit maya-maya lang ang mapusok na halik ay unti-unti naging banayad hanggang bumagal at tuluyan ng huminto ang lalaki sa ginagawa. Humarap ito sa kaniya at tumitig na may nangungusap na mga mata. Tila pinipigil ang isang damdamin na nais kumawala. Dahan-dahan itong umalis sa ibabaw niya at naupo, maya-maya ay sinapo nito ang sariling buhok. Nagtataka man ay bumangon na rin siya at dahan-dahang inayos ang nagusot na damit. Matagal sila sa ganoon posisyon hanggang tuluyan nang tumayo ang lalaki at tila wala sa sarili na naglakad palayo. Hindi niya ito nilingon hanggang sa maramdaman niya ang pagtulo ng kaniyang luha at pamumula ng kaniyang pisngi.
Wala siyang ideya kung bakit bigla ay nawalan ng gana ang lalaki at iniwan na lang siya basta. Napapikit siya ng mariin at nakaramdam ng hiya sa sarili. Nasaktan ang pride niya sa ginawa nito. Matapos siyang painitin at nang bumigay siya ay basta na lang siya nito iniwan. Naisip niya na lang na may naamoy itong mabaho sa kaniyang katawan kaya bigla itong nawalan ng gana.
" Baliw ka talaga, Maritoni! Ang t*nga mo!" usal niya.
Nagpasya na rin siyang tumayo upang lisan ang lugar na iyon.
**
TILA wala sa sarili si Kyle habang lulan ng kaniyang kotse. Kababakasan ng lungkot ang kaniyang mga mata at pamaya-maya ay napapapikit habang napapailing. Muntik na siyang makagawa ng isang bagay na alam niyang pagsisisihan niya sa huli. Batid niyang pag nagpatangay na naman siya sa kaniyang nararamdaman at hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng dating asawa ay hindi niya na ito titigilan. Hanggat kaya niya ay paglalabanan niya iyon lalo't hindi naman siya sigurado sa nararamdaman para sa dating asawa, ayaw niyang magpadalos-dalos sa desisyon na sa huli ay baka pagsisihan na naman niya. Marahil ay tama ang babae baka nga nasaktan lang ang kaniyang ego kaya ganoon ang ikinikilos niya.
Nang marating niya ang unit ay naabutan niyang mahimbing na natutulog sa sofa si Darlene, marahil ay hinihintay siyang dumating. Lumuhod siya sa tapat nito at matamang pinagmasdan ang dalaga. Hindi niya ito kayang saktan dahil malaki ang utang na loob niya rito. Ito ang nagsilbing Mommy ni Angel noong mga panahong nasa madilim na bahagi ng buhay ang anak. Ito ang sumuporta sa lahat niyang pangarap at minahal siya ng walang hinihintay na kapalit. At hanggang ngayon ay kahit harap-harapan niyang nasasaktan ito ay wala pa rin siyang narinig na sumbat mula rito. Kung pwede lang sana turuan ang puso hindi siya mangingiming ito ang piliin niya.
Bahagya niya itong tinapik sa balikat upang gisingin. Kumilos ito at nang makita siya ay agad na bumangon at buong higpit na niyakap siya.
" Bakit ngayon ka lang? Lumamig na tuloy 'yung niluto ko, kumain ka na ba?"tanong nito nang humarap sa kaniya.
Tumango lang siya bilang tugon dito.
" Ganon ba? O sige, ilalagay ko na lang sa ref para hindi mapanis."
Tumayo ito at nagtungo sa kusina. Naupo siya sa sofa habang matamang pinagmamasdan lang ang nobya sa ginagawa. Si Darlene ang tipo ng babae na wife material. Malambing ito at maasikaso sa kaniya. Palagi silang pinagluluto nito ng kaniyang anak ng mga masasarap na pagkain. Kaya siguro madaling nahuli nito ang loob ni Angel. Sa kabila ng kahit nanggaling ito sa mayamang pamilya ay hindi ito kumikilos ng kaartehan. Sinubukan niya naman itong mahalin ngunit talagang pagmamahal ng isang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito, ngunit pipilitin niya pa rin ang sarili na mahalin ito.
" Can you sleep with me tonight?" malambing nitong sambit sa kaniya nang muling makalapit.
" Darlene?"
" Don't worry i won't do anything. Gusto lang kita makatabi tonight, please?" pangungulit pa rin ng babae.
Wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito. Habang nakahiga sila ay nakayakap sa kaniya ang nobya.
" Hon,are you still awake?"
Umungol lang siya bilang tugon dito.
" Tell me am i not pretty for you? Kasi everytime gustuhin kong may mangyari sa'tin you always refuse."
" Matulog ka na, maaga pa tayo bukas," aniya at ipinikit ang mata.
Naramdaman niyang kumilos ito at alam niyang tinititigan siya nito. Dinampian siya nito ng halik sa labi ngunit nagkunwari siyang tulog at hindi tumugon.
" I love you, Hon. Goodnight," bulong nito sa kaniyang tenga at muling yumakap. Isinandal pa nito ang ulo sa kaniyang dibdib.
Marahan siyang napamulat ng mata. Hinintay niya lang na makatulog ito bago siya lilipat sa sofa upang doon matulog. Naisip niya ang sinabi nito kani-kanina lang. Dahil sa totoo mula ng maging sila ni Darlene ay wala namang nangyayari sa kanila. Noong mahuli sila ni Maritoni dati na magkatabi sa kama ay malamang ay lasing siya noon at hindi alam ang ginagawa. Ni hindi siya sigurado kung talagang may nangyari nga ba sa kanila nang gabing iyon.
Isang babae lang naman ang gusto niyang makatalik walang iba kundi ang dating asawa. Kahit hindi siya sigurado sa nararamdaman ay gusto niya muling maramdaman ang init ng katawan nito. Gusto niya itong ikulong sa kaniyang bisig,angkinin ang labi at samsamin ang mabango at malambot na balat ng dating asawa. Nais niya muling maangkin ang katawan nito. Nakaramdam siya ng init ng katawan ng maisip iyon. Tingin niya ay tulog na si Darlene kaya iniwan niya na ito. Nagtuloy siya sa bathroom upang magshower. Nag iinit ang katawan niya tuwing maaalala ang mainit na eksena nila kanina. Tila nararamdaman pa niya ang mainit at malambot na labi nito at ang mga kamay na humahaplos sa kaniyang katawan.Napapikit siya ng mariin at bumilis ang kabog nang kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagnanasa niya sa dating asawa. Tumingala siya habang sinasalubong ang malamig na tubig na dumadampi sa kaniyang katawan, pilit niyang kinalma ang sarili at itinuon na lang sa ibang bagay ang isip.
Bigla ay sumagi sa isip niya si Troy. Para siyang masisiraan ng ulo sa twing maiisip na may nangyayari na nga sa dalawa. At ang isa pa niyang iniisip ay kung paano ito haharapin dahil sa ginawa niyang pagsapak dito. Kung magpasya man itong i-terminate ang kontrata nila ay maluwag niya itong tatanggapin. Pero hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya sa lalaki.