Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 31 - 31

Chapter 31 - 31

PARANG sasabog sa galit ang dibdib niya nang mga oras na iyon. Hawak niya pa rin ang lalaki sa kwelyo nito. Ngunit ni hindi man lang kakikitaan ng pagka alarma si Troy, nakangisi ito na tila inaasar siya. Kung tutuusin ay kaya naman nitong umalma at lumaban sa kaniya dahil malaki rin naman ang katawan nito ngunit nanatili lang itong kalmado. Hindi niya maintindihan ang sarili, matapos ipaalam sa kanila na magpapakasal na sila ng dating asawa at nagawa pang maghalikan sa harap niya ay tila siya masisiraan ng ulo sa galit.

" Answer me, Kyle do you still love her?" tanong pa rin ng lalaki. Titig na titig ito sa mga mata niya na tila binabasa ang sinasabi ng kaniyang mga mata.

Pilit niyang kinalma ang sarili at binitawan ito. Hanggat maaari ay ayAw niya nang makipag-away dito dahil kliyente niya ang lalaki. Ngunit sa tuwing makikita niya ang dalawa ay hindi niya mapigilan ang sarili na sumabog sa galit. Gwapo si Troy at brusko ang pangangatawan at naiinis siyang isipin na ito na ang nagpapasaya sa dating asawa. Kung selos man iyon o dahil sa ego ay hindi niya rin alam. Hindi siya selosong tao dahil sanay siya na hinahabol o halos sambahin ng mga babaeng nakakarelasyon niya.

" Sinabi ko na sa'yo 'di ba? May anak kami," malumanay na niyang sagot. " And i dont want her to suffer again because of our wrong descision! Did you get what i mean?"

Muling natawa si Troy sa sagot niya na tila hindi kumbinsido.

" I don't get it! Are you saying na pag ikaw okay lang na ikasal sa iba pero si Toni hindi?" sarkastikong turan nito.

" Hindi mo alam kung anong nangyari sa pamilya namin!"

" Then my question is simple as that, do you still love her?!"

Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang isagot dito. Kahit siya ay nalilito na rin sa sarili niya kung mahal niya pa ba si Maritoni. Marahil ay ayaw lang tanggapin ng kaniyang puso dahil masakit pa rin sa kaniya ang nangyari sa nakaraan. Na sa tuwing titingnan niya si Maritoni sa mga mata ay naroon pa rin ang pag sisisi sa mga maling desisyon na ginawa niya sa buhay.

" Okay, kung iniisip mo ang anak mo, don't worry i can take care of her, ituturing ko siya na sarili kong anak," nang-uuyam na wika nito.

" No!" Mabilis niyang tugon. " Hindi ako papayag na makuha mo ang pamilya ko!"

" Pamilya? So, gusto mong mabawi si Maritoni? Tama ako,mahal mo pa nga siya!"

Hindi niya mabasa ang kinikilos ng lalaki. Hindi niya naman ito kakikitaan ng selos na tila interesado pang malaman kung may nararamdaman pa ba siya sa dating asawa. Marahil ay malaki lang ang kumpyansa nito sa pagmamahal ni Maritoni kaya ang nais lang nito ay galitin siya. Pwes, hindi siya papayag na bigyan ng kasiyahan ang lalaking kaharap. Siya si Kyle Guevarra at hindi siya mapapasuko ng isang babae lang!

" Hindi ko maintindihan kung bakit atat na atat kang malaman ang nararamdaman ko kay Toni?! Well, my anwer is no! She's all yours now! And i swear hinding -hindi niyo makukuha sa'kin ang anak ko!"

Napansin niya ang unti-unting paglaho ng ngiti sa mukha ng lalaki kaya siya naman ang napangisi. Tinalikuran niya na ito at dumirecho sa isang cubicle para lang magulat sa nakita.

" Toni, anong-"

Hindi niya kakikitaan ng pagkagulat ang babae,nakatingin lang ito ng masama sa kaniya.

Agad niyang inilinga ang paningin inisip na baka nagkamali lang siya ng pasok ng CR ngunit sigurado siyang CR ito ng lalaki. Napakunot ang noo niya sa pagtatakang bakit naroon ito. Lalong kumunot ang noo niya nang ayusin nito ang damit maging ang bandang bewang na tila itinaas pa ang underwear nito. Seksing-seksi ito sa suot na romper shorts. Naramdaman niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. Hindi kaya nag init ang dalawa ng maghalikan at dito na lang itinuloy ang init ng katawan?

" A-anong ginagawa niyo rito?" Tiim-bagang niyang tanong.

" Bakit masama ba?!" Mataray na bulyaw ng babae.

Lalo siyang namula sa galit sa sagot nito. Tila ba sinasabi nito na walang masama kung gawin man nito at ni Troy doon mismo sa CR.

" Anong sinabi mo?!" nanggigigil niyang tanong. Pakiramdam niya ay lumaki ang ulo niya.

Hindi siya sinagot nito at binangga pa siya ng lumabas sa cubicle.

" Tabi!" Anito. " 'Lika na Troy!"

Sabay na lumabas ang dalawa at naiwan siyang sunod ng tingin habang napapamaang sa di mapaniwalaang ginawa ng mga ito. Bumalik pa sa alaala niya ang itsura ni Troy, naghihilamos ito ng maabutan niya,ang nanunuya nitong tingin at paraan ng pagngiti. Nakuyom niya ang kamao habang iniisip ang posibleng ginawa ng dalawa sa CR.

" Damn it!" tungayaw niya at malakas na sinuntok ang pader.

Ramdam niya ang panginginig ng katawan niya sa galit. Tuluyan nang nagdilim ang paningin niya, lumabas siya ng CR upang sundan ang dalawa, gusto niyang bugbugin si Troy. Tatadtarin niya ng suntok ang pagmumuka nito hanggang sa mabasag niya ang bungo nito. Mabilis siyang naglakad nang natanawan na ang dalawa at nakaakbay pa si Troy dito. Ngunit isang kamay ang pumigil sa kaniyang braso

" Hon!" tawag sa kaniya ni Darlene.

" Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap?"

" Bitaw!" asik niya sa babae na kulang na lang ay lamunin niya ito ng buhay.

" A-ano ba nangyayari sa'yo at bakit parang galit na galit ka?"tanong nito at sinundan ng tingin ang tinitingnan niya kaya nakita rin nito ang dalawa habang papalayo.

Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkalahawak sa lalaki dahil sa takot na baka gumawa ito ng gulo.

" Bitaw sabi,eh!" singhal niya na dito ngunit umiling-iling ang babae na halos yakapin na siya nito.

Halos magwala na siya para makawala sa pagkakahawak ng nobya.

" Tumigil ka na, Kyle, hayaan mo na sila!" Mangiyak-ngiyak nitong sambit.

Ngunit hindi siya nakinig. Para siyang asong ulol na hindi mapakalma. Napahinto lang siya ng bigla ay umigkas ang isang palad nito sa kaniyang pisngi. Pakiramdam niya ay naalog ang utak niya sa lakas na sampal ng nobya.

Agad siyang napatingin ng matalim sa nobya ngunit natigilan siya nang makitang hilam ito sa luha.

" Ganon ba talaga ako ka walang halaga sa'yo kaya hindi mo na iniisip ang nararamdaman ko, ha?!" Umiiyak na bulyaw nito sa kaniya.

Malungkot siyang napatitig dito na tila bigla ay nagising sa malaking kalokohan.

" All this time, Kyle, i've been there for you in your hard times but why still not enough?! Siya pa rin ang gusto mo, siya pa rin ang mahal mo? Why is so hard for you to love me?!" Puno ng pagdaramdam na sumbat sa kaniya ng dalaga.

Bakit nga ba napakahirap sa kaniya na mahalin ito? Kahit ginawa na nito ang lahat nang magpapasaya sa kaniya ay tila hindi iyon naging sapat? Iba pa rin ang hinahanap ng puso niya at pinananabikan ngunit patuloy lang niya iyong tinatanggi. Nakaramdam siya ng awa habang pinagmamasdan ang dalaga na noon ay napaupo na sa buhangin at patuloy na umiiyak. Gusto man niya itong lapitan at humingi ng tawad ngunit hindi niya nagawa.

***

" SHE'S ALL YOURS!"

Paulit-ulit iyong umaalingangaw sa kaniyang isipan at tila humihiwa sa kaniyang puso. Ang sinabing iyon ni Kyle ay kahayagan na wala na ito ni kahit katiting na pagmamahal pa sa kaniya. Hindi katulad niya, hanggang ngayon mahal na mahal niya pa rin ang dating asawa.

Nakaupo siya sa dating pwesto habang malungkot na nakatanaw sa mga kaibigan na masayang nagtatampisaw. Kinawayan siya ni Jona ngunit nginitian niya lang ang kaibigan. Si Troy naman ay abala sa pagtugtog ng gitara habang kumakanta. Pinagmasdan niya ang kaibigan, magaling rin pala itong tumugtog at may talento sa pagkanta. Mahina lang ang boses nito na bumagay sa atmospera ng paligid. Mula sa lullaby music ay naging rock ang sunod na tinugtog nito. Nagmistula itong rakista kaya natawa na lang siya.

" 'Yan! E'di ngumiti ka rin! Sinabi ko na sa'yo,huwag mo masyadong dibdibin 'yung sinabi ni Kyle, forget it!"

Pilit niyang pinasigla ang sarili at muling ngumiti. Ayaw niya nang ubusin ang oras sa kalungkutan. Nangako siya sa sarili na kakalimutan na ang lahat at sa anak na lang itutuon ang atensyon tutal iyon naman ang dahilan kaya nagsikap siya sa buhay. Ang sinabing iyon ni Kyle ay tila naging wake up call sa kaniya na kailangan niya nang tigilan ang pantasya na may pagtingin pa sa kaniya ang lalaki.

" Umuwi na tayo, Troy. Babalik pa ko sa office para kunin iyong iba ko pang mga gamit," malungkot niyang wika.

" No, let's just enjoy this moment first!" Tumayo na ito at binitawan ang gitara saka siya hinila papuntang dagat.

" Hoy! Ayokong maligo!" aniya na pilit inaalis ang pagkakahawak sa kaniya ng lalaki ngunit sadyang maharot si Troy at pinilit lang siya nitong hilahin.

Ngunit natigilan sila nang mapansin ang dalawang bulto ng tao ang nakamasid sa kanila. Nang lingunin niya ay sina Kyle at Darlene na mataman silang pinagmamasdan. Nginitian niya ang mga ito upang ipakita kay Kyle na masaya siya at hindi siya apektado sa sinabi nito kani-kanina lang. Nanatili lang na nakatitig sa kaniya si Kyle na hindi niya mabasa kung ano ang iniisip. Habang si Darlene naman ay blangko ang expression ng mukha habang nakakapit sa braso ng lalaki.

Hindi na siya tumutol nang muli siyang hilahin ng binata para puntahan ang mga kaibigan.

" Ano ba naman kayo ang killjoy niyo, ha? Saan ba kayo galing at bigla kayong nawala kanina?" Ani Carol nang makalapit sa kanila.

Nang hindi siya sumagot ay binasa siya nito ng tubig dagat, maging si Jona ay ganoon din ang ginawa kaya napatili siya sa lamig ng tubig.

" Wait nga pala,may kasalanan ka sa'min, eh! Sabi mo hindi mo boyfriend si Troy?" mataray na wika ni Carol.

" Pero ang haba ng hair mo kanina,ah? Obviously, selos na selos si Kyle parang gusto nang upakan si Troy kanina!"

Napailing-iling siya ngayon niya lang tuluyang na realize na hindi naman talaga nagseselos ang lalaki.

" Hindi iyon selos, ego 'yun!" matapos ay muling sinipat ng tingin ang dalawa na nakaupo na sa may buhangin at pinagmamasdan lang sila. Mayroon nang hawak na bote ng alak ang lalaki.

" Hmm. Pwede namang tama ka?" napapaisip na sagot ni Jona.

" Hoy, Kyle 'lika na kayo, ang sarap ng tubig!" sigaw ni Alex sa dalawa.

Itinaas lang ni Kyle ang bote na hawak bilang tugon. Kahit may kalayuan ay alam niyang nakatitig ito sa kaniya at malinaw niyang nakikita ang lungkot sa mata ng lalaki. Binawi niya ang paningin at muling ibinaling ang atensyon sa dalawang kaibigan.