Chereads / Marrying My Ex-Husband / Chapter 36 - 36

Chapter 36 - 36

HINDI alam ni Kyle kung paano niya sasabihin kay Darlene na kailangan na nilang putulin ang relasyong nag-uugnay sa kanila. Matapos ang engkwentro nito kay Maritoni ay magkasama sila ngayon sa kaniyang unit na tila ba walang nangyari. Pinagmamasdan niya ang dalaga na kasalukuyang naghahanda ng kanilang hapunan. Gusto niya nang maayos ang kanilang pamilya ngunit paano niya magagawa iyon kung palaging sisirain ni Darlene ang inuumpisahan na sanang magandang samahan nila ng dating asawa?

Kung noon pa sana tinigil niya na ang pantasya ni Darlene na mayroong 'sila' ngunit hindi niya ginawa. Nakita niya kasi ang magandang epekto nito sa anak. Gusto niya tuloy pagsisihan ang padalos-dalos na desisyon na ginawa noon,sana pala noon pa ay niliwanag niya kay Darlene na imposible na maging sila.

Nilapitan niya ito habang abala ito sa ginagawa.

" Darlene we need to talk. I have something to tell you very important," aniya sa babae.

Napahinto ito sa ginagawa, amoy pa niya ang mabangong ulam na niluluto nito.

" Niluto ko 'yung favorite mo, Hon, sandali na lang 'to."

Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ito. Maya-maya ay kumuha ito ng alak sa refrigerator at agad na nilagok. Halos mangalahati ang bote nang bitawan nito at muling binalingan ang ginagawa.

" Darlene, let's stop this. Alam naman natin pareho na walang nama-" naputol ang sasabihin niya.

" Ayan, luto na! Di ba ito 'yung favorite mong pulutan?" nakangiting turan nito.

Tinikman nito ang niluto at bumakas sa mukha nito ang kasiyahan nang matikman iyon. Hindi muna siya nagsalita at hinayaan niya muna ito sa ginagawa. Naupo siya sa lamesa habang patuloy na pinagmamasdan ito,naghihintay siya ng tamang tiyempo. Naglagay ito sa kutsara at sinubuan siya kaya napilitan siyang tanggapin iyon.

" You like it?"

Napatango-tango siya at naawang pinagmamasdan na lang ang dalaga. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahan ang sasabihin ayaw niya namang biglain ito.

" Alam mo, Hon, excited na akong makasama ulit si Angel. I'm sure na matutuwa iyon dahil magkakasama na ulit tayong tatlo!"

" D-darlene, hindi siya sa'kin mag si-stay. I have to bring her back to her Mom."

Tila iyon hindi narinig ni Darlene.

" I remember, i used to cook her favorite food and i'm sure namimis niya na rin 'yung luto ko!" anito habang nakatingin sa kawalan na tila nangangarap.

" Darlene i want my family back, please tigilan na natin 'to!" agad niyang sambit sa dalaga.

Napatingin si Darlene sa kaniya, nakita niya na naluluha ito ngunit halatang pinipigil nito ang emosyon. Muli nitong nilagok ang bote na hawak at tumayo upang kumuha pa ng ilang bote.

" After all i've done to your family you want me to stay away? How dare you," mahina ngunit mariing sambit nito.

" This is for Angel's sake, gusto kong ibalik sa ayos ang lahat, i'm sorry," aniya.

Natawa ng pagak si Darlene na tila hindi kumbinsido sa sinabi niya.

" Shit! Is it for Angel or for you? Mahal mo pa siya 'di ba?!"

Hindi siya nakasagot ayaw niyang tuluyang ipamukha dito na mahal pa nga niya si Maritoni.

" God, Kyle! Ikakasal na siya!"

"That i won't let to happen!" bigla ay asik niya dito.

Umiinit ang kaniyang ulo kapag naririnig na ikakasal sa ibang lalaki ang dating asawa.

Naiiyak na natatawa si Darlene sa tinuran niya. Muli nitong binuksan ang isa pang bote ng alak ngunit inagaw niya na iyon.

" Stop it! Halika ihahatid na kita sa inyo!"

" Ayoko! I will stay here!"

Kumuha ito ng platito at nagsandok ng ulam. Tila wala sa sarili na sumubo ito na tila nag eenjoy pa sa kinakain. Maya-maya ay lumuha ito kaya tuluyan na siyang hindi nakakibo. Nagpasya siyang saka na lang ulit ito kakausapin kapag bumalik na ito sa maayos na pag-iisip.

Ang ikinababahala niya ngayon ay kung paano muling makakausap si Maritoni. Tiyak niyang malaki na naman ang galit nito sa kaniya at alam niyang hindi siya pakikinggan kahit na magpaliwanag siya.

**

SAMANTALA, tila wala sa sarili na nakatitig si Maritoni sa tasa ng kape. Masakit ang ulo niya dahil hindi siya gaanong nakatulog dahil sa nangyari sa kanila ni Darlene. Sumariwa sa isip niya ang banta nito na aagawin pati ang anak. Paano nga kung gawin talaga nito ang banta? Paano kung kay Darlene nga sumama ang anak at hindi sa kaniya?

" Ako pa rin ang Ina kaya sa akin lang ang anak ko!" Inis niyang turan sa sarili.

Hindi siya makakapayag na makalapit ang loka-lokang si Darlene sa kaniyang anak. Lalo lang din siya nakaramdam ng inis kay Kyle. Kung bakit naman kasi pumayag pa siyang sumama dito.

Pinilit niya ang sarili na makapasok, naabutan niya si Troy na nasa loob ng kaniyang opisina.

" Oh, Troy ang aga mo, ah?" bati niya sa lalaki.

" We have an urgent meeting now with Darlene and Kyle."

" Ha? Tungkol saan?"

Umasim ang mukha niya sa sinabi ni Troy.

" Since malapit nang matapos ang building ng branch i decided na we need to plan a new branch to build, somewhere in Makati which is one of the business area in the Philippines."

Napabuntong-hininga siya. Hindi pa kasi siya handa para makita ang dalawa matapos nang nangyari.

" Ganon ba, pero bakit kasama pa ako? Pwede niyo naman gawin iyan sa site." Hindi niya naitago ang inis sa boses.

" Of course you're my partner. Teka, may problema ba kayo?"

" Ah,wala naman." Tanggi niya.

Ayaw niya nang ipaalam pa sa kaibigan ang nangyari sa kanila. Masyado nang nakakahiya kay Troy na idamay pa ang business sa mga personal nilang buhay.

" I just want you to be aware kasi ikaw rin naman ang magmamanage ng lahat ng branch natin. Wait, may nangyari na naman ba sa inyo?"

" Wala, kalimutan mo na iyon," nakangiti na niyang tugon.

" Are you sure? Pwede ko namang i-cancel ang meeting kung hindi ka komportable, maybe some other time na lang."

" Hindi 'wag okay lang talaga! Teka nasaan na ba sila?"

" On the way na sila, sure ka, ha?" paniniyak pa rin ng binata.

Pinilit niyang ngumiti at tumango-tango.

" So, sila na ba talaga lagi ang kukunin mo para sa build ng iba pang branch natin?"

" Yes, they're doing good naman," tumatango-tangong sagot ni Troy.

Wala na talaga siyang magagawa pa. Kaylangan niya nang tanggapin na matagal pa niyang makakatrabaho ang dalawa.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa noon sina Kyle at Darlene habang nagtitimpla siya ng kape.

" Wew! Sorry,ah? Kanina pa ba kayo naghihintay?"dinig niyang turan ni Darlene.

" Ahm, no. Kadarating lang din ni Maritoni," sagot ni Troy.

Pumwesto na rin siya ng upo habang inabutan ng kape ang dalawang dumating. Pinilit niyang umiwas ng tingin sa dalawa.

" Good morning, Maritoni! Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?"bati sa kaniya ni Darlene na noon ay makahulugan ang tingin sa kaniya. Napansin niya ang pamamaga ng mata nito na tila hindi rin nakatulog.

Hilaw na ngiti lang ang iginanti niya rito bilang tugon.

" Okay, let's start. Since malapit nang matapos ang branch i want you to be ready for our new project located in Makati."

" So you mean after this we're going to our next project? Is it a restaurant again?"tanong ni Darlene

" Like i said that place is one of a business area,we will choose a better concept na babagay doon. What i mean is, when they do such as meeting they're choose our restaurant as their venue."

" I think it's better na gawin mong cafe and restaurant," suhestyon ni Kyle.

" That's good idea," pag-sang ayon naman ni Troy.

" Wait? Bakit ba masyado kang naka pokus sa business, akala ko ba aayusin niyo muna ang kasal niyo ni Maritoni?" pag-iiba nang usapan ni Darlene.

" Ah, well inaayos na namin. Katunayan niyan after this meeting pupunta kami sa munisipyo," nakangising sagot ni Troy.

Napalingon siya kay Troy na tila nag e-enjoy na namang maging best actor.

" Oh? That's good! Tingin ko kaylangan mong bilisan, sige ka baka magbago pa isip at maunahan ka pa ng iba!"

Napapailing na lang siya sa mga pasaring na naman ni Darlene. Talagang hindi ito nauubusan na pang-asar na dialogue.

" Of course she won't do that!"

Hinawakan pa ni Troy ang kamay niya. Napatingin siya kay Kyle na noon ay nakatitig ng masama sa magkahawak nilang kamay.

" Wait, Darlene? Anong nangyari sa mata mo? Magdamag ka bang umiyak parang hindi ka nakatulog?" nakangisi niyang puna sa babae gusto niya rin kasi itong inisin.

" Your're right, girl!"malapad ang ngiting sagot ni Darlene. " Ito kasing si Kyle,eh, akalain mong pinuyat ako? Iba't-ibang posisyon ang ginawa namin kagabi!"anito sabay humagikhik.

Muntik nang mailuwa ni Kyle ang hinigop na kape at gulat na napatingin kay Darlene. Habang pumailanlang naman sa kabuuan ng office ang halakhak ni Troy. Napalitan naman ng pagkasuklam ang kaninang nakangiti niyang itsura habang inis na napasulyap kay Kyle na noon ay napapalunok habang nakatitig din sa kaniya.

" Ang naughty mo pala, Kyle?" Natatawa pa ring sambit ni Troy

" Mga baliw! May pinag-aralan ba talaga 'tong babaeng 'to? Mga baboy!" Inis niyang turan sa sarili.

Hiniling niyang matapos na sana ang meeting na iyon dahil sobrang nasusuklam siya sa dalawa. Hindi niya akalaing sobrang maaapektuhan pa rin siya sa kabila ng galit niya para sa dating asawa.

Nang matapos ang meeting at nakaalis na ang mga ito ay tila nakahinga na siya ng maluwag. Tila kasi sumikip ang kwartong iyon para sa kanilang apat.

" You're okay?" tanong sa kaniya ng lalaki.

Ngumiti siya at pinilit niyang maging kaswal kahit ang totoo ay naninikip na ang dibdib niya.

" Ang cute talaga ng asawa mo kapag nagseselos!" natatawa nitong sambit.

Hindi niya na halos maintindihan ang mga sinasabi ni Troy dahil sa gulo ng utak niya.

" Okay, aalis na ko, ayaw mo bang sumama?"

" Hindi, marami pa akong kailangang tapusin dito," aniya sa matamlay na boses.

" Okay, i have to go."

Tumalikod na ang lalaki upang lisan ang lugar na iyon. Gusto niyang maiyak sa inis ng mga oras na iyon kung bakit naman kasi pinansin pa niya si Darlene dapat pala dinedma niya na lang ito.

Hindi siya nakapagtrabaho ng maayos sa buong araw na iyon kaya nagpasya na lang siya na makipagkita sa mga kaibigan ng hapon. Kailangan niya ng sermon ng mga ito para kumalma ang utak niya.

Paalis na siya noon nang hindi inaasahang tao ang makakasalubong niya. Malayo pa lang ay tanaw niya na si Kyle. Matiim itong nakatitig sa kaniya.

" Oh? Naligaw ka yata,anong ginagawa mo dito?" pinilit niyang maging kaswal kahit ang totoo ay gusto niya na itong sampalin ng kaliwa't kanan.

" Saan ka pupunta?" tiim-bagang na tanong nito.

" Anong pakialam mo? Lumayas ka nga sa harap ko!" asik niya rito.

Tatalikod na sana siya nang marahas siyang hinila nito sa braso.

" Sumama ka sa'kin, mag-usap tayo!"

Marahas niyang binawi ang braso at masama itong tinitigan.

" Kung tungkol iyan sa anak natin, saka na lang tayo magkita kapag susunduin mo na siya,okay?!"

Muli siyang tumalikod ngunit muli siya nitong hinila.

" Saan ka ba kasi pupunta?!"

" Bitawan mo nga ako! Magkikita kami ni Troy aayusin namin ang kasal namin!" bigla ay naisipan niyang isagot dito.

Nanlisik ang mga mata ni Kyle at agad na namula ang mukha.

" Sinabi ko na sa'yo na hindi ka pwedeng magpakasal sa kaniya! I already warned you, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin!" mariing wika nito.

Pinilit niyang makawala sa mahigpit na pagkakahawak nito kahit nasasaktan na siya. Walang-wala iyon sa sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso.

" At anong gagawin mo, ha?! Ilalayo mo sa'kin ang anak ko? Subukan mo, magkakamatayan tayo! Sa korte na lang tayo magkita!"

Ubod lakas niya itong tinulak para makalayo sa lalaki. Ngunit laking gulat niya nang bigla siya nitong buhatin. Nanlalaki ang mga mata niya sa ginawa nito kaya hindi agad siya nakakilos. Maging ang mga tao sa building na iyon na madaanan nila ay napapatulala. Buhat siya nito habang papalabas ng office. Nang makabawi sa pagkabigla ay agad siyang nagpumiglas at hinampas hampas ang ito,ngunit hindi iyon ininda ng lalaki. Nagpatuloy lang ito sa mabilis na paglalakad maging ang guard ay natulala ng madaanan nila.

" Bitawan mo ako, baliw ka talaga!"

Ngunit hindi nakinig ang lalaki. Dinala siya nito sa sariling kotse, isinakay sa backseat at isinara ang pinto. Patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas at paghampas sa lalaki ngunit pigil na nito ang dalawang kamay niya saka siya marahas na hinalikan sa labi.