Sunod-sunod na doorbell ang narinig ni Kyle sa loob ng kaniyang unit nang araw na iyon. Lumabas siya ng kuwarto para pagbuksan ang nangahas na gawin iyon nang isang kamao ang sumalubong sa kaniya nang pagbuksan niya iyon.
Tiim ang bagang ni Andrew habang matalim ang titig sa kaniya. Maging si Alex ay nagulat sa ginawang iyon ng kaibigan.
" A-ano bang..?" gulat ang mukha na tanong niya dito habang sapo ang nagdurugong bibig.
" Bagtrip ka, pare! Paano mo nagawa iyon kay Darlene?! Matapos mo siyang pagsawaan at paasahin itatapon mo na lang siya na parang basura?!"gigil na bulyaw nito.
Pinigil niya ang sarili na patulan ang kaibigan. Kitang-kita niya sa mukha nito ang matinding pagkadismaya, ngayon niya napatunayang may lihim nga itong pagmamahal para kay Darlene. Noon pa man ay napapansin niya na espesyal si Darlene para rito.
" Pare, kumalma ka nga? Pwede namang mag-usap ng mahinahon 'di ba?" saway ni Alex dito.
" Kung hindi mo pala siya kayang mahalin, why did you court her? And now you taking her for granted dahil nariyan na si Maritoni, you asshole!"
galit na singhal pa rin ni Andrew.
Napatitig siya ng masama kay Andrew habang nanatiling nakaupo sa sahig. Paano nga ba niya ipapaliwanag sa kaibigan na hindi niya naman talaga niligawan si Darlene?
" Ang labo naman,eh? Kailangan ba talaga mag-away kayo dahil lang sa babae? Bakit ba masyado kang apektado, Andrew. Dati pa naman kilala na natin si Darlene 'di ba?, Siya lang naman 'tong lapit ng lapit kay Kyle!" pagtatanggol ni Alex sa kaniya.
" You can avoid her if you want pero tinuloy mo pa rin ang pakikipagrelasyon sa kaniya! Ginamit mo lang pala siya and i won't forgive you for that!" Tiim-bagang na wika ni Andrew.
Tumalikod na ito para iwan sila. Hindi na rin nakaimik si Alex, napatitig na lang din sa galit na si Andrew na wala ring magawa para maawat ito.
" Hindi kami nagkaroon ng relasyon ni Darlene,pare," mahinang wika ni Kyle pero sapat iyon para marinig ni Andrew kaya napahinto ito.
Lumingon ito sa kaniya bakas sa mukha nito ang lalong pagkainis.
" Kilala mo si Darlene, sanay siya na makuha ang lahat ng gusto niya and you know me from the start na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya," paliwanag pa rin niya.
Bahagyang huminahon ang mukha ni Andrew sa tinuran niya.
" Darlene thinks na may chance na siya sa'yo after niyong maghiwalay ni Maritoni, but still hindi mo siya niligawan, means nag a-assume lang siya na mayroong kayo?" usisa ni Alex.
Napatango-tango siya bilang tugon.
" Kung ano man 'yung sinabi sa'yo ni Darlene walang katotohanan lahat iyon."
Hindi na nakaimik si Andrew na tila naniwala naman sa mga paliwanag niya. Kilala rin naman nito ang ugali ni Darlene dahil mga bata pa lang sila ay kaibigan na nila ang babae at kilala nilang lahat ng maibigan nito ay nakukuha at isa na nga si Kyle doon.
Mula sa refrigerator ay si Alex na naglabas ng mga alak at inilagay sa lamesa kung saan sila nakaupo. Ito rin ang nagprisinta na magluto ng pulutan nila nang araw na iyon.
" Pasensya ka na pare sa ginawa ko," paghingi ng tawad ni Andrew sa kaniya.
" Bakit naman kasi ayaw mo pang sabihin kay Darlene ang nararamdaman mo para sa kaniya?"
Halata ang pamumula ng mukha ni Andrew sa sinabi niyang iyon.
" A-ano bang sinasabi mo diyan?" Nauutal na tanong nito.
" I know you, Andrew. Since then she is so especial for you. Bakit kailangan mong paabutin ng ganito katagal ang feelings mo para sa kaniya?"
Agad na lumapit si Alex kay Andrew na namimilog ang mga mata.
" May gusto ka kay Darlene?" tanong nito.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Andrew sa kanilang dalawa na noon ay nangingiting nakatitig. Maya-maya ay napabuntong-hininga na lang ito at nilagok ang hawak na bote.
" Grabe! Totoo ba 'yun, Andrew, ha? Ano kaya kung sabihin mo na sa kaniya para tigilan niya na itong si Kyle natin?"
Napapailing na nangingiti si Kyle, alam niya kasing imposibleng mangyari na titigilan na siya ni Darlene kahit gawin pa ni Andrew iyon. Kaya parang gusto niya na ring sumuko na magkakabalikan pa sila ni Maritoni.
" Did Maritoni already know about this?" tanong ni Andrew.
Napailing siya bago sumagot. "Hindi siya maniniwala. Ang alam niya kasi nagsasama kami ni Darlene. I know her, she only believes what she see," matamlay niyang sagot.
" Bakit 'di mo subukang sabihin? Malay mo naman nagbago na siya, 'di ba?"
" Oo nga pare, hahayaan mo na lang ba na makasal siya kay Troy na wala kang ginagawa?" sabat ni Alex.
Nakuyom niya ang kamao dahil doon, ayaw niyang makasal sa iba si Maritoni ngunit wala siyang ibang maisip na paraan kung paano pa ito susuyuin.
**
Tila wala sa sarili si Maritoni habang kausap ang magiging supplier nila para sa kanilang resto. Hindi pumapasok sa utak niya ang mga sinasabi ng kausap. Tanging tango lang ang naisasagot niya rito habang lumilipad ang kaniyang isip.
" We'll happy to make a partnership with you, Miss Ocampo."
Dinig niyang sambit ng kaharap bilang pagtatapos ng kanilang usapan. Tumayo na ito at kinamayan siya na agad rin niyang tinanggap. Tanging tango at ngiti lang ang naisagot niya na buti ay hindi pinagtakhan ng kaniyang kausap. Matapos nitong magpaalam ay tila siya nawalan ng lakas nang maupo. Ininom niya ang baso na may laman pang orange juice para pakalmahin ang sarili. Ilang araw na rin kasi siyang lutang dahil sa mga nangyari sa kanila ni Kyle. Naiinis siya dahil hindi niya magawang mag pokus sa trabaho dahil sa kakaisip. Gustong makipagbalikan sa kaniya ni Kyle ngunit nakikisama pa rin ito kay Darlene, ano iyon magsasama sila sa iisang bubong?
Dahil magulo ang isip ay sinubukan niya na lang tawagan ang mga kaibigan para ayain na mag unwind. Gusto niyang kalmahin ang isip, hindi siya papayag na masira ang pinaghirapang trabaho dahil lang sa lalaki.
Sa isang mall sila nagkita ni Carol ngunit hindi nito kasama si Jona dahil marami itong pasyente sa clinic.
" Wrong timing naman siya kung kailan naman kailangan ko ng kausap!" nagtatampo niyang sambit.
" Ano na naman ba kasing problema mo?"
" Basta, gusto ko lang magrelax. May alam ka bang place kung saan malilibang naman ako?"
Napaisip si Carol,maya-maya ay hinila na siya nito sa kamay para umalis. Sa isang bar sila nakarating kung saan mangilan-ngilan pa lang ang costumer. Hindi na siya umangal pa dahil nasa mood siya ngayon para uminom ng alak. Ngunit nagulat siya nang makita si Alex na nasa order area kung saan sila tumuloy. Nasorpresa din ang binata nang makita siya.
" Maritoni? Naligaw ka yata?" anang binata.
At dahil palagi naman nagagawi doon si Carol dahil sa boyfriend nitong si Mikoy tila kampante na itong kaharap ang binata.
" Can you give us a drink?"anito sa lalaki.
" Aye, aye!" Nakangiting sagot ni Alex.
" Bakit mo naman ako dito dinala?"bulong na tanong niya sa kaibigan.
" Why? Akala ko ba gusto mong magrelease ng stress, then uminom tayo!"
" I mean, dapat sa ibang bar na lang, hindi ako komportable!"
Hindi niya close ang mga kaibigan ni Kyle at isa ang mga ito sa mga sinisisi niya kung bakit sila nagkakagulo noon ng lalaki.
" Here na lang, mas safe dito kasi bar 'to ni Alex."
" Ok, ladies, here's your drinks!"
Wala na siyang nagawa sa kagustuhan ng kaibigan kaya agad niyang kinuha ang baso at nilagok iyon. Nangingiting pinagmamasdan lang siya ni Alex habang si Carol naman ay abala sa cellphone. Muli siyang humingi kay Alex ng alak na agad naman tinugon ng lalaki.
" Whoa! Hinay, hinay lang, Toni. Mahaba pa ang gabi," puna sa kaniya ni Alex na noon ay nasa tapat niya.
Inirapan niya ito, hindi niya maiwasang mainis sa mga taong malapit kay Kyle lalo na sa mga kaibigan nito. Napasulyap siya kay Carol na noon ay may kausap na sa phone at malamang ang nobyo ang kausap nito.
" Bakit 'di mo kasama ang boyfriend mo?" Tanong nito sa kaniya saka siya muling sinalinan ng alak sa baso.
" At bakit imbis na ako, hindi na lang 'yung ibang costumer mo ang kulitin mo?" hindi napigilang mataray niyang tugon dito na ikinatawa naman ng binata.
" Bakit ba ang sungit mo? Tulad ka pa rin ng dati, nakakatakot!"
" Ako nakakatakot? Bakit naman?"
" I remember those days kapag parating ka na, natatahimik na kami. Para ka kasing dragon laging nakaangil," natatawang tugon ng lalaki.
Natigilan siya, hindi niya alam na ganoon pala ang epekto niya sa mga ito. Laging galit. Gusto niyang matawa, naalala nga niya lagi siyang galit noon at laging tameme ang mga ito kapag dumarating siya.
" Hoy! May dahilan naman kaya ako nagagalit,' no!" Nakairap niyang tugon.
" Because of Darlene?"
" Isa kayo sa mga dahilan kaya lagi akong galit!"
" Ouch!" nakangiwing tugon ni Alex.
" Oy, sis! Mukhang nakakarami ka na,ah?"anang kaibigan ng makalapit.
" Ikaw,eh. We're here to enjoy pero nakaharap ka sa cellphone!"
" Tinawagan ko lang si Micoy sabi ko dumaan siya rito," anang kaibigan na nangingiti pa.
" Okay, girls! Iwan ko muna kayo,ah? Haharapin ko lang iyong ibang costumer," pagpapaalam ni Alex sa kanila saka ito tumalikod.
" Sigurado ka na ba diyan kay Micoy, alalahanin mo friend iyan ni Kyle. I'm sure babaero rin iyan!"
Napailing-iling si Carol. " No, sis! Kilala mo'ko marunong akong mangilatis. Hindi ako papasok sa isang relasyon kung di ako sigurado. At isa pa, itong si Micoy kabaligtaran ng iniisip mo, siya palagi ang iniiwan at niloloko ng babae, kaya meant to be talaga kami." Mahabang litanya ng kaibigan.
Umikot ang mata niya sa sinabi nito. " Hah! Whatever! Basta ako sinabihan na kita!" may ka-bitter-an niyang tugon dito.
Nangingiti na lang ang kaibigan sa tinuran niya, halatang in-love ito. 'Di nagtagal ay dumating na nga si Micoy. Nahihilo na siya nang mga oras na iyon dahil sa epekto ng alak. Binati siya nito ngunit umirap lang siya. Sweet na sweet pa ang dalawa habang nag-uusap.
" Hmp! Promise, maghihiwalay din kayo, walang forever,oy!" Aniya sa sarili saka muling nilagok ang alak.
Maya-maya ay dumating na rin si Anya na girlfriend ni Alex. Singer ito sa nasabing bar kaya naroon ito para magperform. At dahil maaga pa ay nakisalo muna ito sa kanila. Napataas ang isang kilay niya nang mapansing siya lang ang walang partner. Namumungay na rin ang mga mata niya habang nakasimangot na pinapanood ang apat. Sobrang bitter siya nang nga oras na iyon.
Maya-maya sa di kalayuan ay tila nawala ang kalasingan niya nang isang matipunong lalaki ang papalapit sa table nila na walang iba kundi si Kyle. Nag slow motion pa ito sa kaniyang nag bu-blurred nang paningin habang papalapit sa kanila. Napaawang na lang ang bibig niya habang pinagmamasdan ang paglapit nito, ramdam niya ang panghihina na naman ng katawan niya. Hindi niya rin napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang sinasalubong ang matiim nitong titig sa kaniya.
" Ba-bakit ba kasi napakagwapo niya?" tanong niya sa sarili.